National ID ni Ping, Pirmado Na!

Matapos na tila ‘matulog sa pansitan’ sa nakalipas na ilang administrasyon, ganap nang naging batas at mapapakinabangan na ng mamamayan ang panukalang National ID ni Senador Panfilo Lacson.

Ang naturang panukala na inumpisahang isulong ni Lacson taong 2001 nang maging senador siya sa unang pagkakataon ay ganap nang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang Republic Act 11055 sa isang seremonyas sa Malacanang.

Ipinaabot ni Lacson ang personal niyang pasasalamat sa Pangulong Duterte dahil bagama’t halos nasa kalagitnaan pa lamang ang termino nito ay napabilang na ang panukala sa mga nalagdaan bilang batas.

Related: Lacson Expects National ID System to Speed Up Transactions, Deter Crime

View Fullscreen

Sa ilalim ng nabanggit na batas, mapapabilis na ang transaksiyon ng isang indibiduwal sa mga ahensiya ng pamahalaan oras na magkaroon siya ng ID dahil ito na lamang ang pagbabatayan ng kanyang pagkakakilanlan.

Sa kasalukuyang sistema, kinakailangan pang magprisinta ng dalawa o mas marami pang government-issued ID ang isang nakikipagtransakiyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga bangko bago maiproseso ang mga papeles nito na nagiging dahilan para maantala ang pag-usad.

Bukod sa mga transaksiyon sa pamahalaan at mga bangko, makakatulong din ang National ID para matukoy o mahanap ang mga taong may atraso o kaya ay may mga kinasasangkutang kriminalidad.

“At long last, we now have a law that breaks the formidable barriers between government and the downtrodden and the poor due to the lack of identification,” paliwanag ni Lacson.

*****

2 thoughts on “National ID ni Ping, Pirmado Na!”

Comments are closed.