Lacson Bill: Wiretap vs Drug Lords, Money Launderers, Mutineers Papayagan

Dapat na i-wiretap ng mga awtoridad ang mga linya ng komunikasyon ng mga indibiduwal o grupong sangkot sa ilegal na droga, money laundering at pagpapatalsik sa pamahalaan upang ang mga ito ay madaling mausig at mapanagot sa batas.

Ito ang pangunahing layunin ni Senador at dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson sa paghahain ng Senate Bill 48 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 4200 o ang Anti-Wiretapping Law para baguhin ang mga probisyon tungkol sa mga binabantayan na kalaban ng lipunan at mga awtoridad.

“(W)iretapping, though limited in its applications, has been an effective tool by our law enforcement agencies against criminal elements who have wreaked havoc, instability and lack of equanimity in our country to the detriment of many of our peace-loving citizens,” paliwanag ni Lacson sa kanyang panukala.

Related: Lacson bill seeks to allow wiretaps vs coups, money-laundering, drug cases

[Basahin: Senate Bill 48, Anti-Wiretapping Law]

“Unfortunately, there are still certain crimes that are not covered under the said exceptional cases, which put not only the lives and property of our people in paramount danger, but also pose a grave threat to our nation’s security. The peace-and-order situation in the country gives testament to this fact and thus, it is imperative for us to revisit RA 4200 in order to further enhance its effectiveness,” banggit pa nito.

Sa ilalim ng Lacson bill sa pag-amyenda sa Anti-Wiretapping Law, maliban na tinukoy ang mga suspek sa mga krimen na dapat isailalim ng mga awtoridada sa wiretapping.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng coup d’etat, pakiipagsabwatan para sa kudeta, robbery in band. Highway robbery, paglabag sa Anti-illegal drugs law at Anti-Money Laundering Act at kapag ang panukala ay naisabatas na, sa pamamagitan ng court order ay puwede na umanong ma-wire tap ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga nabanggit na krimen.

“Our law-enforcement officers can, through court order, tap any wire or cable, or by using any other device or arrangement, to secretly overhear, intercept, or record private communication or spoken word in order to strengthen the measures of the government and its law enforcement agencies in fulfilling its mandate of protecting life, liberty, and property against the malefactors in our society,” paliwanag pa sa naturang panukala.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, kabilang sa mga pinapayagang i-wire tap ay ang mga sangkot sa treason, espionage, provoking war and disloyalty in case of war, piracy, mutiny in the high seas, rebellion, conspiracy and proposal to commit rebellion, inciting to rebellion, sedition, conspiracy to commit sedition, inciting to sedition, kidnapping and violations of Commonwealth Act No. 616, punishing espionage at iba pang krimen na banta sa pambansang seguridad.

*****