Pinadali ang Cityhood sa Lacson Bill

Maaari na maging lungsod na ang bayan mo basta may taunan na P250 milyon na kita ito sa loob ng magkakasunod na dalawang taon.

Ito ang mensaheng tila ipinaabot ni Senador Panfiilo Lacson sa pamamagitan ng Senate Bill 233 mga alkalde ng mga bayan at munisipalidad na nagnanais maging lunsod pero hindi makaabot sa mga umiiral na batayan.

Sa ilalim ng nabanggit na panukala, kung kikita ng P250 milyon ang isang bayan bawat taon sa loob ng magkasunod na dalawang taon, hindi na kailangan pang tumugon sa ibang batayan para maging lungsod.

Related: Lacson bill eases requirements for municipalities to be upgraded to cities

[Basahin: Senate Bill 233, Requirements of Conversion of a Municipality into a Component City]

Bukod sa kita, batay sa umiiral na patakaran ay batayan din sukat ng lupa at dami ng populasyon ng isang bayan na nagnanais na maging lunsod.

“The Local Government Code’s present requirements for a municipality or cluster of barangays to become a component city include an annual income of at least P100 million, a territory of at least 100 square km, or a population of at least 150,000,” pagsisiwalat ni Lacson.

“(T)here are some municipalities, which despite their small land area or population have demonstrated their capacity to provide essential government facilities and social services to their inhabitants that are comparable and even above par with existing cities,” dagdag pa ng mambabatas.

Kung hindi umano babaguhin ang mga umiiral na patakaran, walang pag-asa ang ibang mga bayan na kayang tumayo sa sariling paa para maging lunsod na magiging dahilan para hindi bumilis ang pag-unlad ng iba’t ibang sektor sa nasasakupan nito.

“It would be unfair to residents of municipalities to be denied cityhood because their town is smaller than 100 square kilometers or has a population of less than 150,000,” dagdag pa ni Lacson.

Sa naturang panukala ay inaamyendahan ang ilang probisyon ng Local Government Code para magbigay daan sa mga magiging bagong batayan para maging lunsod ang isang maliit na bayan na may sapat na kita.

*****