πŸŽ₯ Mahusay na rekado vs illegal drugs inilahad ni Lacson

TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Wala nang tatalo pa sa integridad at pagmamahal sa sinumpaang tungkulin at obligasyon sa bayan bilang instrumentong para mapabagsak ang industriya ng ilegal na droga sa bansa.

Inihayag ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson ang mensaheng ito sa kanyang pagsasalita sa isang aktibidad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dito nitong Huwebes, Pebrero 16, 2017.

Si Lacson ang naging panauhing pandangal ng PDEA sa pagsunog nito sa multimilyong-pisong halaga ng kumpiskadong ilegal na droga na ginamit bilang ebidensiya ng mga korte.

“Unless law enforcers act with integrity – that is, with highest ethical standards and respect to the rule of law at all times – change, no matter how much work you put into it, will remain elusive,” bahagi ng mensahe ni Lacson.

Ayon pa kay Lacson, kailangan ng PDEA ang suporta ng publiko para tuluyang humina ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

β€œHence, if we intend to remain committed to this cause, we should also fortify parallel efforts to ensure this is not the battle of the PDEA alone or of the PNP alone, but more so by all of us,” diin pa ng mamababatas.

“We should all work together to eliminate this menace by all means necessary, but with proper regard to and complete respect for the individual rights of all concerned, whether they be the one enforcing the law or the one to whom the law is being enforced,” dagdag pa nito.

Dapat din umanong taglayin ng mga nagpapatupad ng kampanya laban sa ilegal na droga ang matibay na kredibilidad.

“If a man is truthful and upright in public, but renounces those standards in private, then he lacks credibility because he has no integrity,” paalala pa nito.

Ayon pa sa mambabatas, maging ang media ay mayroon ding responsibilidad sa kampanya laban sa pagkalat ng ilegal na droga.

“Meron tayong responsibility sa society, mapa-media ka o law enforcement o ordinaryong tao. Isipin natin ang responsibility sa future generations,” pagtatapos ni Lacson.

Higit P400 milyon na halaga ng ilegal na droga na kinabibilangan ng shabu, cocaine, ketamine, marijuana, ephedrine, ecstasy at iba pang mga expired na gamot ang sinunog sa nabanggit na aktibidad ng PDEA.

*****

Leave a Reply