Panayam ng DWIZ | Agosto 26, 2017

Sa panayam sa DWIZ, sinagot ni Sen. Lacson ang tanong sa:
– Pagsulong laban sa katiwalian
– Umano’y panawagan para sa ‘verification’ ng mga nasa listahan sa talumpati noong Agosto 23
– Payo sa mga nabanggit sa talumpati noong Agosto 23
– Ang halaga na walang ‘double standard’ sa pamumuno ng BOC

Quotes from the interview… 

Sa pagsulong laban sa katiwalian:
“At ako naman sabi ko nga rin sa inyo, sanay din naman ako makipagbasagan ng bungo.”
“Nagbabayad tayo ng buwis, nagpapasa ng dagdag buwis tapos makakatanggap ka ng information. Pwede ako manahimik na lang paupo roon tumahimik, e di walang controversy. Pero di ba parang naroon tayo nahalal tayo pagkatapos e magsasawalang kibo in spite e dinatnan tayo ng information? Siguro maski sinong kasama ko riyan nakapasok ang info na di solicited para bang you are duty-bound also to look into those reports and allegations.”

Sa umano’y panawagan para sa ‘verification’ ng mga nasa listahan sa talumpati noong Agosto 23:
“Ang ginawa ko … para fair ang aming pagsisiwalat. humingi ako ng tulong sa kaibigan sa ISAFP. At meron akong pina-verify, paki-check ang pangalan na ito kung ano ang lifestyle. There are so many ways to skin a cat. Kung medyo duda ka sa info gagawa ka ng paraan para maberipika.”
“Yun nga siyempre, hindi ako kikilos na di ako sigurado.”

Payo sa mga nabanggit sa talumpati noong Agosto 23:
“Come clean. Kung nabanggit ang pangalan at totoo at may alam sila, dapat pagisipan nilang mabuti kasi kung nasa reform mode ang bagong pamunuan ng BOC mas magandang lumapit sila sabihin ang nalalaman nila at pwede siguro depende sa sentiment ng bagong mamumuno.”

Sa tungkulin ng bawa’t Pilipino na labanan ang katiwalian:
“Dapat kung tayo lang mamamayan, media, mga senador, talagang gagawin natin ang ating civic duty di lang para kanino man para sa ating lahat, kasi kung di tayo kikilos magbulag-bulagan at resigned tayo talagang wala tayong mararating hanggang dito lang buhay natin.”

Ang halaga na walang ‘double standard’ sa pamumuno ng BOC:
“(I)mportante lang, sustained at walang double standard. Kasi kung nakakita ng double standard ang ibang kawani sino mapapasunod mo.”

*****