#PingSays: On the smuggling of shabu worth P6.4 billion | Sept. 19, 2017

In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– Mark Taguba’s money trail
– 3 p.m. habit under new BOC leadership:

Quotes from the interview…Β 

On Mark Taguba’s money trail:
“Money trail. At may petsa at kaukulang dokumentong para ipakita na talagang nagbayad siya. Yan ang kanyang ipapakita. Tapos nag-submit na rin ng kopya ng alert order, napakarami. Napansin sa amin, halimbawa 1 alert order in-issue ng May 3, 2017, aba May 4 released na, lifted na. anong nangyari? Pag may alert order base sa pagtanong namin sa taga-BOC inaabot ng 1 buwan. Pag alert order inspection mo ibababa sa arrastre iipunin ang taong magwi-witness, bakit na-reease sa loob ng 24 hours? Talagang malinaw na may mga kalokohan.”

On 3 p.m. habit under new BOC leadership:
“Palagay ko nakikiramdam lahat. Pero kahapon narito si Wilkins Villanueva … naroon na, nagtatrabaho na. Humingi ako ng feedback ano ba ang ginagawa ninyong kaukulang aksyon para itigil ang tara? Marami silang sinasagot at katunayan may tinanggal silang collectors na continuous pa ang benchmarking. So tinanggal na. Sabi ko mas maganda rito kung makagawa kayo ng entrapment operation may mahuli kayo, napaka-strong message ito sa tagaloob na di na pupuwede ang dating gawi na sige-sige na lang ang pagbigay ng tara. Ang nakakatuwa, di naman nakakatuwa, natawa lang ako binahagi niya sa akin tinanong niya ang players at lahat na nakakaalam sa Customs, lahat naman nag-confirm na si Faeldon meron eh. Talaga naman. Ang tigas pa ng katatanggi ginamit pa niyang salita, itong tao na napakaipokrito.”

*****