πŸŽ₯ On ‘tripleng tara’ and other forms of corruption at BOC | Sept. 25, 2017

Sen. Lacson answers questions on the forms of extortion at the Bureau of Customs, after a hearing on the issue on Monday.

Quotes from the interview…

On whimsical checks at the BOC:
“Whimsical. Maski ano. Ang nag-a-approve lang niyan commissioner. Ang anomaly pa rito bakit nakakapag-request ng special stop order si Mike Saban, who is a mere technical consultant? That’s why I asked the oldtimers sa BOC na regular ba yan, na a mere technical consultant and hindi organic personnel ng BOC bureau pwede mag-request ng SSO? Ang sagot hindi. So doon pa lang makikita mo talagang centralized masyado. Kasi taoi niya si Saban na technical consultant na ang trabaho mag-advise e bakit on record and we have the documents siya mismo ang requesting officer para mag-issue ang commissioner ng special stop order? So that in itself is anomalous.
Anong implication? Kino-control niya lahat para kontrolado rin ang tara. At the outset control niya by putting up the so-called command center and 3 lang nakakaalam ang pwede mag-issue ng alert order, IAS, Comcen at siya. Sa special stop order, commissioner lang tanging nakakapag-issue at ito di daan sa IAS o comcen kasi silang 2 lang ni Mike Saban a technical consultant sa office niya ang nagre-request sa kanya so usapan lang nilang 2 yan. Of course along the way kikita rin ang ibang opisina kaya di lang 50K ang dagdag kundi 250-300K.”
“Ngayon lang siguro nabulgar. Pero ang sistema rito centralize niya masyado. Dati pwede mag-issue ng alert order ang port collectors. Ngayon inalis na kaya ang na-release na bigas na smuggled talagang siya ang nagpa-release in spite of all the documents showing na smuggled ang bigas.”

*****