📻 Interview on DZBB 🇵🇭

Excerpts from the interview of Sen. Lacson on DZBB, Oct. 20, 2017

On strengthening penalties against cover-ups of hazing deaths:
“May suggestion na, ang isa taasan ang parusa ng cover-up. Pag cover-up, lumalabas na accessory after the fact, medyo mababa ang sentensya. Yan ang isang naisip namin na i-amend ang RA 8049, taasan pagdating sa anti-hazing act kailangan mataas ang cover-up kasi parang part ka na ng conspiracy.”

On the possibility of others aside from Balag being cited for contempt and detained for being evasive:
“(M)alinaw sa rules (ng Senate) na hindi lang naman ang di nag-honor ng subpoena kundi naroon na at sige pa ang pagsinungaling at evasive sa sagot, which actually happened in the case of Balag and the others. Hindi lang naharap ang iba at walang nag-motion pero ang iba roon talagang hinog na rin ma-contempt dahil malayo ang sagot. Parang tinatanong mo sa isang bagay na self-incriminatory pero ang sagot, I invoke my right against self-incrimination. Di katanggap-tanggap.”

*****