Kapihan sa Senado forum | Jan. 11, 2018

At the Kapihan sa Senado forum, Sen. Lacson answers questions on:
– Charter change
– death penalty legislation
– effects of TRAIN
– alleged irregularities in PCSO
– allegations of CPP/NPA plotting to overthrow government

This slideshow requires JavaScript.

Quotes from the interview…ย 

On Senate convening its own constituent assembly:
“Ang iniisip ko naman, mag-file ako ng Senate resolution to constitute ourselves, the Senate, into a constituent assembly as the upper chamber and wait for the Lower House to do the same if they wish. Sa ganoon pag na-adopt ang resolution na ifa-file ko next week to constitute the Senate into a constituent assembly pwede na kami magsimula mag-propose ng aming amendment at ma-approve at least sa level namin by ยพ votes.”
“Kung magkakaroon ng separate organized constituent assemblies ang Senado at Kongreso magbobotohan kami sa ipo-propose namin na amendment o revision ng Charter sa pamamagitan ng ยพ votes of all 24 or in this case in this 17th Congress, 23. Meaning pag compute namin ang ยพ votes na magpo-propose para sa ratification ng pagtawag sa plebisito, 19 senators ang kailangan bumoto sa bawaโ€™t provison na ia-amend sa Constitution. So 19 ang pinaguusapan. Sa HOR libre sila ma-constitute ang sarili nila sa isang constituent assembly rin sa Hous. Kung 300 ang ยพ votes siguro 250 para mag-adopt din sila o propose din nila ang kanilang amendment. Pagkatapos noon magme-meeting ang 2 houses just like in ordinary legislation ang pagpasa ng bills para ma-enact into law, ang disagreeing provisions ire-reconcile sa pamamagitan ng bicameral conference.”
“Ang logic dito, ang pilosopiya rito, kung ang simpleng legislation na mag-amend tayo ng batas nangangailangan tayo ng participation on equal footing participation ng Senado at Kongreso, what more ang ia-amend natin ang Saligang Batas mismo? Yang batas na iaamyendahan natin kailangan equal footing ang Senado at Kongreso, what more pa kaya ang amendment sa Constitution? Yan ang background nito.”

On reported moves by some solons to amend the Charter for term extension:
“Yan ang anomalous doon. Kung kami magpo-propose ng amendment tapos kitang kita ang conflict of interest o makikinabang ay kami rin, dapat magkaroon din ng parang provision na kung sino ang members ng tulad ng pagtatalaga ng pagpasa ng bills, kung sino makikinabang di dapat makinabang.”

On the chances of the death penalty bill being approved in the Senate:
“Base has pakikipagusap informally sa aming bulung-bulungan sa loob ng session hall at sa lounge, talagang hirap ang bilang. Di makakuha ng required number para maipasa ang death penalty bill sa Senate.”

On the possible early passage of the National ID system:
“Ito nakapag-hearing na kami at mag-hearing uli kami … tapos pagkatapos noon pwede ko na i-report out sa floor at ma-tackle pagdebatehan at botohan na. Kasi meron nang counterpart version sa House at kung maipasa namin maipapasa ito at least before we go on break sa March, e maipasa ito.”

On the impact of TRAIN:
“Letโ€™s wait for the time na mag-take effect o mafe-feel ng tao ang positive or negative effect ng passage ng TRAIN. Sabi ng NEDA ang impact sa inflation 1% towards the end of the year. I talked to some BIR officials, former and incumbent, I talked to several topnotch accountants. Ang estimate nila between 2-4% ag tatama sa inflation. Ang inflationary effect talagang mafe-feel ito. Why? Kasi unang una sa fuel.”

On hearings on the PCSO:
“Ang buong board kasama si Sandra Cam ang newly appointed director ng PCSO kasama roon kasi nag-file ako ng resolution para tingnan lang in aid of legislation kasi nakapag-hearing ako ng 3 times both Pagcor and PCSO para i-amend ang charter ng PCSO. Ang isang usapin, presumptive monthly receipts ang report ng STL operators kung saan nakikita natin sinabi ni Ms Cam na fromt lang ng gambling lords. Gusto natin malaman sino ang na-issue-han ng contract ng PCSO na nag-o-operate. The last hearing I remember naroon sila. Tinatanong namin sila mukhang wala silang kaalam-alam pangiti-ngiti lang ang sagot kung magkano ang kita ng STL sa kanilang lugar sa Bicol, sa Batangas. Parang walang kamuwang-muwang ang kinakausap namin. So gusto namin malaman sino ba talaga ang kapitalista riyan? Lumalabas na hindi naman talaga sila ang iba roon di sa minamaliit, parang mukhang kabo. Di naman sila ang operators.”
“Ang charter mismo ng PCSO. Kasi lumang luma na, 53 years old na ang charter ng PCSO, e horse racing yan, sweepstakes. Nagkaroon na ng mga amendments eventually di pa na-address ang issue. Halmbawa bakit nagkaroon ng share ang congressman sa STL, meron eh, ang pulis meron, ang mayor and governor meron. Okay lang yan kasi meron silang municipal treasurer, meron silang city treasurer or provincial treasurer o may finance department ang PNP kung saan papasok ang pera. Nakarinig kayo ng congressman na may district treasurer? San pupunta ang pera na share ng congressmen? Yan ang dapat liwanagin.”

On allegations by DND Sec. Lorenzana the CPP-NPA is seeking unholy alliances to topple the government:
“Letโ€™s wait for the petition to be filed by DOJ declaring the CPP-NPA as a terrorist organization. I think itโ€™s already in the works. Ang kailangan lang doon ang proscription. Nagpe-prepare ang DOJ mag-file ng petition sa isang competent RTC para madeklara nang terrorist organization ang CPP-NPA para makagalaw nang husto at ma-impose ang Human Security Act laban sa CPP-NPA if it happens.”
“Yan naman talaga ang kanilang primary objective, di naman nagbabago yan, to overthrow government, take over government. Di nagbabago yan. Kaya sila revolutionary, kaya sila nakikipaglaban o kaya in whatever manner na ma-achieve nila ang objective nila, ginagawa nila. Nakikipag-coalesce sila, pumasok sa mainstream, sa parliament, lahat ng paraan ginagawa nila pero ang end state na hinahangad nila sila mag-takeover ng gobyerno so di nakakapagtaka nakikipagusap sila sa ibaโ€™t ibang grupo para i-topple si PRRD or any president for that matter.”

*****