#PingSays: On Charter change moves in the Senate and House | Jan. 16, 2018

In an interview, Sen. Lacson answers questions on:
– changing the Constitution’s provisions on term limits
support for Senate Resolution 580

Related:
Read: Senate Resolution 580, constituting the Senate into a constituent assembly
Senate Resolution 580 gains support

Quotes from the interview… 

On reported moves to change Constitution’s provisions on term limits:
“These are all proposals at very preliminary ang stage ng pagpalit ng Constitution. Ang proseso di pa nadi-discuss. Unang una ang provision sa voting jointly or separately, paano how to go about changing, napakaaga. And these are proposals we should all listen to.”
“Sa amin masyadong maaga at this stage na mag-propose kasi naroon pa kami sa stage na ano ba ang mode? Con-ass? Con-con? People’s initiative? Ang medyo dominant na pamamaraan ngayon sa pinaguusapan, ang con-ass. Pag con-ass paano ang proseso? Yan ang tatalakayin ng Senado bukas. Wala pa tayo sa mga proposed amendments.”
“Kasama sa usapan nila (House) yan kasi nagpapalit ng form of government. So pagkakataon na rin yan para pagusapan ang term limits kung paano ba, ano ang poder ng president kontra sa prime minister, paano idi-divide ang distrito, ang states, kasama yan. Di natin sila masisisi na masama sa usapan.”

On support for Senate Resolution 580:
“Nag-ge-gain ng support. Si Senate minority leader Drilon, before we went on session yesterday, nag-usap kami preliminarily. Sabi niya I would like to support that kind of resolution.”
“Kasi talaga naman silent na silent ang 1987 Charter sa pamamaraan lalo na sa usapin na kung voting jointly at paano mo compute ang ¾. So silent din paano ang constituent assembly di sinabi kung buong Kongreso mag-form as a constituent assembly. So naisip namin para protektado ang integridad ng Senado di sinasabi na bawal ang sarili kaming constituent assembly. So yan ang ihinain kong resolution.”

On ‘consultations’ held by House of Representatives for Charter change:
“(S)a stage na sila, nagkaroon na sila ng consultation sa mga tao. Nakapag-form na sila ng subcommittees, may subcommittee on suffrage, and so forth, and so on. Nauuna sila. Walang problema roon kasi pagdating ng panahon na gagawa talaga ng proposed amendments, matatalakay at matatalakay kung papaano isasagawa yan.”

On a reported target date of May 2018 for plebiscite:
“Sa tingin ko napakahirap sundin yan. Kasi ang sinusunod na 60 days before an election and 90 days after. So napakasikip ng timetable na iniisip nila. Dahil kung March, sila pwede nila, pero sa Senate di yan ang kultura.”

On prioritizing political vs economic provisions:
“Kanya-kanyang pananaw. Sa akin kung ako tatanungin mas titingnan ko ang economic provisions. Sila mas nakatuon sa pagpapalit, mga political provisions, pagpapalit ng form of government. Siyempre naka-dovetail sila kung ano ang campaign promise ng president. And these are allies of the president. Iba ang pananaw sa Senado. Sa ngayon ang pinaguusapan namin unang una ie-exercise ba namin ang discretion to amend the Constitution?”

*****