In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– Safeguards vs abuse in the law restoring subpoena powers to the CIDG (RA 10973)
– Claim by a UN rights official that President Duterte needs to undergo psychiatric evaluation
– Pursuing legal action vs CPP-NPA ‘terrorists’
– ICC’s principle of complementarity
– PRRD telling PNP not to cooperate with UN probe
– Calls by the DILG not to vote for barangay election candidates involved in drugs
Related: BATAS NA! Measure restoring subpoena powers to PNP-CIDG signed into law
Quotes from the interview…
On safeguards against abuse in the law restoring subpoena powers to CIDG:
“Tatlo lang ang in-authorize lang batas o binigyan ng power to subpoena. Chief PNP, director ng CIDG, at ang kanyang deputy for administration. Tatlo lang. Ito di pwedeng ma-delegate o mailipat maski kanino man.”
“Sila lang ang pwede; sa precinct level walang ganoong power.Yan ang isang safeguard na inilagay namin sa batas para di ma-open to abuse. Kasi kung indiscriminate maski sino pwede mag-subpoena sa Chief of Police, mahirap ma-control. So talagang tiniyak natin ang tatlong opisyal lang ng PNP ang authorized may power o kapangyarihan mag-issue ng subpoena at duces tecum at pag-administer ng oath sa mga taong iniimbestigahan nila.”
On rights of those subpoenaed by CIDG:
“Nasa Bill of Rights, ang right vs self-incrimination nananatili yan. Di pwedeng mapwersa ang tao magbigay ng salaysay na posibleng mag-implicate sa sarili niya.”
“Ang isa pang safeguard halimbawa ang tao hindi naniniwala siya dapat maissue-han ng subpoena ayaw i-honor ang subpoena, pwede dumulog sa korte at pa-file ng TRO o certiorari. Hanggang sa SC kung gusto niya.”
“Kung ayaw magbigay ng salaysay. Kung inissuehan ng subpoena, pero ayaw magbigay ng salaysay, karapatan niya yan to remain silent.”
“Maski naman sinong Pilipino tingin niya nava-violate ang rights niya, pwede i-question ang action di lang ng korte o ng CIDG o NBI o kung sino. Pwedeng kwestyunin talaga yan.”
“(Pag nag-comply sa subpoena at tinatanong), Kailangan katabi niya ang abogado niya. Kung walang abogado bibigyan ka ng CIDG o PNP ng abogado na mag-assist sa kanya. Kaya bawa’t munisipyo may PAO lawyer. At yan tatawagin ng pulis paki-assist kasi walang kakayanan ito kumuha ng abogado niya.”
Advice to critics of RA 10973:
“Payo ko sa nagki-criticize, basahin muna ang RA 10973, basahin napakasimple, 2-3 paragraphs lang yan, siningit Sec 26-A sa Sec 26 ng RA 6975. Kasi sa tingin namin noong nagsagawa ng public hearing dito, mukhang nakaligtaan ito mga nagpasa ng batas na 6975.”
“Binalik lang. kasi tingin namin talagang nakaligtaan. Dahil mahaba ang Sec 26 pero nawala ang subpoena powers na dati naroon. At nakalagay doon CIU dahil sa 6975 di pa CIDG tawag doon, CIU. Ngayon kinorek namin sa batas na pinirmahan ni presidente, correct natin ang nomenclature instead of CIU ginawa nating CIDG.”
On the claim by a UN rights official that President Duterte needs to undergo psychiatric evaluation:
“Coming from a high official of the UN, mukhang uncalled for. Mukhang di nararapat na lalo sa kanya nanggaling. Di ba dapat medyo mataas ang level niya at sa education, sa demeanor lahat. 16 milyon ang bumoto kay PRRD, bilang bahagi ng ating demokrasya. Para mainsulto ng isang hindi naman natin kababayan, parang sa atin di nararapat sana nangyari.”
“Kung sa tingin nila pambabastos ang ginagawa ng pangulo at marami sa atin ganoon din ang pananaw, bakit naman nila gagawin ang sa tingin nila e mali na pananalita? Sinasabi nila mali, ibig sabihin tama ang pang-iinsultong ginawa ng pangulo kasi ganoon din ang ginawa niya eh. Coming from a high official ng UN parang di nararapat na sa kanya mismo manggagaling ang ganoong pang-iinsulto.”
On pursuing legal action vs CPP-NPA ‘terrorists’:
“Siguro mas malawak ang pag-aaral lalo ng ating mga intelligence and investigative agencies para ma-determine sino ba ang currently ngayon sa CPP-NPA ang nagsasagawa ng atrocities. Ang mismong tao na nangunguna sa pagpatay ng maliit na bata, pag-ambush sa medical o relief mission ng AFP, yun dapat ang kuhanan ng karampatang ebidensya at yan dapat ang maisama sa petition ng DOJ doon sa pagtatag as terrorist.”
“Siguro kailangan pa ng malawakang pag-imbestiga, pagkalap ng ebidensya at intelligence work. Mukhang doon nagkulang ang petition na dinudulog ng DOJ sa RTC. Siguro more homework pa ang ating operating agencies, in intelligence and investigation para makalap ang ebidensya against those currently engaged in performing terroristic acts. Lalo ang mga leaders ng NPA on the ground. Sila ang nakakaperwisyo ngayon eh.”
“Sa akin mas maganda sana kung mas in-address o kinilala nang husto at hinanapan ng ebidensya ang mga individual na actually nagsasagawa ng atrocities, pumapatay, nanununog.”
“Pwede ko nga sabihin parang trabahong tamad eh. Parang ang kinalkal nila old files, ang files na inaamag sa vault doon kinukuha. Di ba mas maganda kasalukuyang gumagawa ng terroristic acts, yan ang kanilang naisama roon? … Parang ginawa lang nangalkal ng old files sa cabinet. Samantalang dapat kilalanin natin ang nakakaperwisyo na ngayon, nakaraang buwan, nakaraang taon, currently engaged in terroristic acts mas maganda kung yan sana ang kanilang pinagipunan ng ebidensya.”
“Siyempre baka tanong ng korte o ang magkukuwestyon sa korte ang abogado ng kabila, sino ang nag-impluwensya, sino inimpluwensya? Di pwede sabihin nagimpluwensya si aka ganito, si alias ganito. Dapat kumpleto rin ang ebidensya kasi para iugnay mo ang isang individual sa terroristic act na alam naman natin di sila nag-participate.”
On terrorist acts by the NPA:
“Ang infrastructure, ang mga kontratista ng kalsada, infrastructure projects, hinihingan nila. Kaya kasama sa cost ng contractors bukod sa binibigay sa taong gobyerno na naghihingi ng lagay, may naka-allot o nakalaan at least 1% sa NPA. Kasama sa cost yan.”
“Criminal activities na. Ang susunugin mo kasangkapan at papatayin mo halimbawa kung sinong official ng kumpanya o korporasyon na di nakikisama, ano tawag mo roon? Di ba terrorist na talaga yan? Ang iba parang cover na lang nila ang political na pinu-pursue nila political ends. Ang iba talagang hanapbuhay na lang.”
“Ang campaign fee o permit to campaign. Hihingi ka ng permiso sa NPA para magkampanya sa mga lugar-lugar. Kung hindi, i-threaten na pwede kang ambushin o patayin. Ano pa ba tawag mo roon?”
On whether UN officials’ criticisms should remind PRRD to refine his language:
“Sabi nang di na raw niya kayang baguhin sarili niya. Inamin niya yan, di na ako magbabago. Ako nag-call out na ako noong araw sabi niya di na niya kaya magbago yan ang personality niya, he thinks he can do things acting that way or speaking that way.”
“On a positive note, nakakasingil siya ng mga utang sa pamamagitan ng pagsasalita. Sabi niya kay Lucio Tan binigyan ng 9 araw pag di binayaran … e nagbayad eh. Yung Mighty. Tapos ang Mile Long, maraming court action. Iniwanan ng mga hindi nagbayad ng renta. Yan ang information. At least may nangyayari. Siguro sa tingin niya effective ang aking demeanor, ituloy ko na lang ito.”
“Hindi yan nababanggit. Kung ako ang spokesman, pagka magde-defend sila sa mga pananalita at demeanor ni president, i-highlight nila ang positive na nangyari. Di defend ng defend, yan naiinsulto rin pabalik.”
“Kaya nga siguro napaka-popular na rin niya, dahil ang kababayan natin nagsawa na rin sa more of the same. Nakita sila medyo iba medyo iba na medyo bastos, ok na sa kanila. Nakakita ng medyo iba. Sawa na rin tayo sa napakahabang panahon it’s always more of the same. Wala nang pagdating na naging president nagiiba ang pananaw. Ito mula mayor, kasi kilala ko yan noong mayor ganyan nay an, di na niya binago.”
On the ICC’s principle of complementarity:
“Sa tingin ko kasi meron silang sinusunod na principle of complementarity. Ang tanong doon nagkaroon ba ng genuine investigation sa loob ng bansa, sa may jurisdiction sa mga act na sinasabing pwedeng maimbestigahan ng RTC? Yan di pwedeng sabihing di genuine yan kasi may recommendation kami roon tulad kay Supt Marcos at makasuhan kay Kian delos Santos. Pero it is up to the appreciation of the rapporteur at mga pupunta rito na magsasagawa ng preliminary examination. Di na muna siguro dadako sa ebidensya kundi sa principle of complementarity.”
“Siyempre sasabihin ng mga kritiko, genuine ba investigation ng Senado at Kongreso, parang sham lang naman ang investigation? E teka muna, dapat balikan natin ang transcript bago sila magsalita ng ganoon. Maliwanag naman sa mga ako nag-preside doon, may recommendation kami roon na talagang pangangatawanan ko genuine ang investigation namn. Di namin isinaalala na back up ng pangulo ang police official tulad ni Supt Marcos at sino pa ang involved sa tinatawag na EJK.”
On PRRD telling PNP not to cooperate with UN or ICC probe:
“There are a thousand ways to skin a cat. Kung mag-clam up ang PNP ayaw nilang mag-coopeate dahil may utos ang pangulo e meron silang ibang pamamaraan para makalap ang kaukulang information na magagamit nila. Ang mahirap nga lang doon, kung walang side ang PNP kasi medyo treading on dangerous ground ang kautusan ng pangulo.”
“Kung mag-rely lang ang rapporteur o fact-finding mission magre-rely na lang sila sa kritiko na makausap, mawawala ang side ng government. So kung ako yung nag-a-advise, buksan ng PNP para ma-present nila ang kanilang side.”
“Mas mainam marinig ang side nila kesa hindi.”
On reported calls by the DILG not to vote for barangay election candidates involved in drugs:
“Naroon sa parang order of battle sa drug list ang iba pero ang kulang dito ang follow-through ang investigation kung saan harapan na nila ng sakdal ang sinasabi nilang barangay official na involved sa drugs. Mukhang diyan nagkukulang. Kasi may information pero di mo magagamit intel information sa korte. Dapat coordinated ang effort ng intelligence community at investigating agency tungkol dito in this regard. Dapat may information, i-build up nila para maging kaso.”
“Marapat lang na huwag iboto ang involved sa drugs. Kilala naman ng constituent ang mga barangay chairman kung involved sa drugs o hindi. Yan na lang pagbasehan kung sa boto nila huwag na lang iboto. Una pag tainted na o talagang matibay alam din nila na involved sa drugs di maging effective yan sa village chief.”
“Pero remember kung wala namang sapat na ebidensya rin at … mabuti kung accurate ang intelligence information. Unfair naman yan sa mga barangay officials na sasabihing drug lord pero napulitika lang ang nagsasabing drug lord ang makakalaban sa election. Dapat validated. Kasi marami akong kakilalang mayors nag-iiyakan nga dahil nasama sila sa listahan. E parang sa pagkaalam namin sa mga mayors mukhang wala talagang alam.”
“So ang pinanggalingan niyan politics, yan ang malungkot. Kung nagagamitan ng pulitika na local at napaniwala naman o may kakilala sa PNP o PDEA at nasama sa listahan. Mahirap din magpatanggal ng pangalan sa listahan at kung talagang umabot ito sa national level.”
*****