At the Kapihan sa Senado forum, Sen. Lacson answers questions on:
– Ombudsman’s resolution on P6.4B shabu shipment
– PDEA’s releasing of narco list
– Assessment of the government’s anti-drug war
– Charter change and shift to federalism
– CJ Sereno’s impeachment
– PH-Kuwait ties
– Blue Ribbon committee issues
– Senate transfer
– Senate leadership change
Quotes from the interview…
On the Ombudsman’s findings on the P6.4B shabu shipment:
“Maski sa Senate hearing na sinagawa namin under sa Blue Ribbon, kung titingnan natin ang minutes, ang transcript, maski ang testimony ni Mark Taguba, wala naman talagang direct na ebidensya na nagtuturo sa dalawa, kina presidential son Pulong Duterte and Atty. Mans Carpio. If at all, hearsay. Ang naging problema sa hearing di naimbitahan ang mga taong binanggit ni Taguba. Kung naimbitahan sana at na-compel mag-apear sina Tita Nani at sa Davao Group at sila nag-testify directly implicating the two, probably may basehan masama sila sa recommendation ng fact-finding committee ng Ombudsman o maski anong investigating body para humarap sa preliminary investigation.”
“So yan din siguro ang nakita ng fact-finding committee ng Ombudsman na walang direct evidence pointing to the possible involvement ng dalawa.”
“(Pero) hindi sinasabing walang basis kundi walang ebidensyang direktamenteng nagtuturo sa kanila. While nabanggit ni Taguba at least sa pagdinig sa Senado na nabanggit ang pangalan ng dalawa, may layers pa na nabanggit doon na hindi naimbitahan ng Blue Ribbon Committee.”
On the rice smuggling complaint filed before the Ombudsman:
“Ang huling update doon, nakapag-file kami ng rejoinder, ang consolidated reply. Wala na, kasi non-extendible period ang binigay sa kanila. Awaiting resolution ng Ombudsman.”
“As the complainant, I’m very confident malakas ang kaso. Even pagdating sa korte, I can confidently say na pwede ito umabot sa conviction.”
On the PDEA’s release to the public of the ‘narco list’:
“Unang una, there are two words to describe ang ginawa ng PDEA: Its dumb and cruel. Dumb because ang intelligence report ginagamit ito para tumulong sa law enforcement na mag-gather ng ebidensya. Kasi intelligence report ito, ito ang nagpapangalan sa mga posibleng sangkot sa illegal drugs activities. At saka may attendant information na nakasama roon. So trabaho ng law enforcement i-convert ang intelligence report sa kaso na pwede nila isampa sa DOJ o sa isang prosecutor. Pero dahil naisapubliko ito, ang implication nito is mafo-forewarn.”
“Cruel kasi di mo pwedeng sabihing validated ang intelligence report. Ang maka-validate ng intel report ang kasong isampa na may supisyenteng ebidensya para masampahan ng kaso ang nakasaad o nakalagay sa intel report.”
On possible libel suits vs those who released the narco list:
“Siguro at the most pwede sila magkaso ng libel doon sa mga nag-release ng listahan na sama ang pangalan nila. After all hindi naman pwedeng gawing depensa ang truth. Sabihin ng PDEA totoo ang ni-release namin. Pero kung nagawan mo, nasira mo ang reputation ng isang tao sa pamamagitan ng isang act na hindi naaayon sa batas, pwede sila siguro makasuhan ng libel.”
“Maski nalagay sa listahan at naihayag sa publiko kung sa pananaw ng naroon sa barangay nagamit ang listahan para sa political purpose, iboboto pa rin nila yan kasi sa paniwala nila, mas kilala nila ang kumakandidato. Pwede sa kanilang judgment di totoo ang nilabas ng PDEA. So I don’t think on that count, hindi pa rin tama na i-release ang listahan ng pangalan ng sinasabing sangkot sa droga.”
On the claim that those who released the list did so on the commander-in-chief’s orders:
“The President is their commander-in-chief. Kung utos ng commander-in-chief yan wala rin masyadong option ang mga nasa ground, ang PDEA in this regard, na hindi sumunod sa utos. But sabi ko nga, they will still be answerable kung sila ang kakasuhan ng mga sa tingin nila ay na-damage ang reputation, kung halimbawa kung di totoo at maraming nangyari sa buhay nila na pwede sila humingi ng danyos, so sila rin ang mananagot, di pwedeng gawing depensa utos ng aming commander-in-chief ito dahil sila naman ang nagsagawa ng act na yan.”
Assessment of the Duterte admin after two years:
“Overall I think there are many good points and there are also some bad points. But at this point I would say ang good points na nagagawa ng Duterte admin outweigh the bad points. But the bad points are fast catching up.”
“For example, sinong pangulo ang nakagawa ng nakapagsingil sa isang tycoon na noon pang panahon ni dating President FVR katagal-tagal nang kaso sa korte na sinisingil sa tax what is due the government. But under PRRD, sa isang salita lang, I’m giving you 10 days, sa loob ng 1 week, nagbayad si Mr. Tan ng P6B. Ang Mile Long napakahabang usapin sa husgado. Yet nagawa ni PRRD ang pagpapa-vacate sa premises sa Mile Long, na property ng gobyerno. At marami pa. Pero sabi ko nga may bad points din. Kaya siya naharap sa kritisismo, may sa perception ng tao kaya maski ebidensyang nagsasabing may involvement sa corruption walang aksyon na ginagawa at nabibigyan pa ng ibang appointment.”
“Kung mag-point system tayo, may bad points na nagagawa rin. But so far after 2 years, sa akin ito sarili kong opinion, na-outweigh pa rin ng good points na nagawa ng pangulo ang mga bad points. But iko-qualify ko the bad points are fast catching up sa good points na ginagawa.”
On possible bad points:
“Sabi ko nga di ba nag-tweet ako ang pinakamadaling hulihing isda sa sarili mong fish pond. Di ka na kailangan lumayo pa ng tingin dahil mas madaling mahuli, kung mamimingwit ka pupunta ka pa sa dagat kung may fishpond sa backyard mo at may alaga kang tilapia roon doon ka mangisda kasi naroon na, figuratively. And realistically speaking, tama yan di ba? So may mga events recently magkakaroon ng doubt o question sa isipan ng ating mga kababayan. Seryoso ba ang pamahalaan sa pagsugpo sa corruption kasi oft-repeated ang sinasabi niya I’ll go after corrupt people in government at di niya tatawarin. Pero ang acition na nakikita natin parang taliwas sa kanyang mga pronouncements.”
“I think the operative word here is consistency. Kailangan walang ibang standard. Di dapat double or triple standard, dapat isa lang ang standard mo. Kung kaalyado mo nag-commit ng corruption gawin mo rin ang dapat mong gawin sa di mo kaalyado na nag-commit ng corruption. Dahil may natanggal na walang kaso pero may nag-report. But of course, he has a way of validating all those reports reaching his office. Meron siyang sariling sistema papaano itrato ang mga report na dumarating sa kanya, negative reports regardinig the bureaucracy.”
On P60M tourism ad mess:
“Ang kaso kay DOT Sec Teo, nagsasagawa naman ng investigation ang Malacanang. So let’s wait and see. Di pa natin pwedeng husgahan na may inaction ang Malacanang dito dahil precisely nag-anunsyo sila ng investigation na sinasagawa nila at ang karampatang aksyon ay hintayin na lang natin.”
On reported calls for Sec. Teo to step down:
“Call ng president yan kasi siya ang appointing authority. After all sa kanya magre-reflect. Alter ego niya ang secretary ng department at sabi ko kanina nagsasagawa sila ng investigation, I’d rather wait for the result of that investigation conducted by the Palace, and the action to be taken on account of the investigation being conducted.”
On possible ethics issues in tourism ad mess:
“Sa akin may issue ng ethics and appropriateness. Dahil although sinasabi niyang wala siyang pakialam kung doon napunta yan, but you know, in the long term, pagka nag-analyze tayo being laymen sa usapin na ito, makita mo something is not really appropriate pagdating sa ganitong punto.”
“First, we don’t know the facts. Kailangan armed tayo ng facts so we can make our informed judgment whatever it’s worth doon sa mga usapin tulad ng ganyan. May nag-file ng resolution sa Senate or HOR, so ma-crystallize yan makikita natin ano ang nilalaman ng COA report against ang mga documents that are to be presented pag nagkaroon ng pagdinig dito. And I’m sure yung investigation na ginagawa ng Malacanang ang mga dokumentong ito lalabas din yan. Ako mas maganda hintayin na lang natin. It’s not as if walang action ginawa ang Malacanang, nag-announce sila ng investigation na ginagawa nila. I’d rather wait for the result of the investigation and other investigations that may be conducted by the Senate or House of Representatives.”
On whether Sec. Teo should file a leave while investigation is ongoing:
“Ang mga ganoong action to be taken, call yan ng tao. Ang pag-tender ng resignation or pag-inhibit, it’s always a personal call. Kung sa tingin niya wala siyang ginawang inappropriate at naniniwala siyang appropriate naman ang lahat na actions na ginawa niya, nasa kanya yan. It’s not for me or anybody to demand na mag-resign siya.”
On the Pulse Asia survey showing majority vs Chacha and federalism:
“Mababawasan ang chances na maipasa lalo sa Senado. Kasi halos kalahati ng mga senador tatakbo sa elections. Titingnan nila ang pulso ng tao sa issues na hinaharap ng bansa ngayon at isa ang kung majority ng kababayan natin di pabor sa federalism baka magdalawang-isip sila.”
“Ako firm ang aking belief na kailangan i-amend ang Charter pero sa economic provisions, ang restrictive provisions like 60-40, ownership ng real estate, pati public utility, okay ako i-amend yan. And some political provisions like kailangan ang enabling law para sa anti-political dynasty, ang ganoon, at term limits, dapat ma-revisit para sa local officials. Kasi 3 years masyadong maiksi, halos walang magagawa. Yan ang sa akin na dapat pwede galawin. Pero ang form of government na papalitan, federalism, baka may ibang solution na available naman without amending the charter. Isa yang sa budget reform na in-author ko at nagkaroon ng pagdinig bilang subcommittee chair ng budget reform bill na aking finile, na pwede natin i-arm ng resources ang LGUs lalo ang mahihirap para ang doleout mentality ng mga mayors, barangay chairmen, ng governors, mawala na. Kasi disjointed masyado ang needs and priorities ng LGUs lalo sa malalayong lugar doon sa lumalabas o ina-appropriate sa national budget. Kasi kulang sa consultation. While there are local development councils in every level di naman talaga nasusunod pagpasa ng budget na na-address ang mga needs and priorities of the LGUs. Maraming mahihirap, 5th and 6th class municipalities. Kaya araw-araw may nakikita tayong barangay chairmen, mayors, governors na narito kasi nagla-lobby sila, naghihingi ng pondo para magkaroon ng allocation sa infrastructure programs nila pati ivelihood. Kasi kulang ang pag-allocatae ng resources by way of the GAA sa kanilang pangangailangan. So baka pwede doon na lang idaan kesa sa drastic change from unitary mag-federal tayo.”
On the consultative committee’s proposals:
“Remember these are just proposals. Di sila kasama sa mode ng pagpapalit ng ating Saligang Batas. Nali-limit ito sa con-ass at concon at kung constitutional convention ito isa-submit nila sa constitutional commission para pag-aralan din at depende na sa constitutional convention or constituent assembly kung sakaling Kongreso magsasagawa ng changes, kung ia-adopt pa namin ang proposals na ginagawa ng consultative committee. So napaka-preliminary noon. Yan ay ayon sa kanilang pag-aral pero may sariling pag-aaral na gagawin ang constitutional commission kung ie-elect natin. And of course remember kailangan din magsabataas para magkaroon ng election ang delegates sa isang constitutional convention. I think majority ng boto ng both Houses kailangan doon. Kung ConAss naman napakabigat kasi napakalaking bilang ang kinakailangan para magpasa ng mga proposal.”
On proposals to adopt a 2-party system and crack down on turncoatism:
“Pabor ako roon. Parang mga itik, kung sino manalo, doon lahat nakasunod. Tapos pag nagpalit naman doon naman lahat nakasunod. May kasamahan tayo na both Houses di na ako mag-mention ng pangalan, siguro naka-10 partido na na palipat-lipat. Basta kung saan. And rightly so kasi ayaw nila mapabayaan ang mga constituents especially sa HOR kasi mapagiiwanan sila sa appropriations, sa allocation ng pondo, kung di sila kapartido. Yan din isang masama, walang equitable distribution ng resources pagdating sa kaalyado at di kaalyado.”
“Sunod-sunod kasi. Parang yan ang una kong na-visualize kasi nag-alaga ako ng itik noong araw eh. Kaya alam ko kung ang mother itik, talagang sunod lahat sila doon kung saan pumunta.”
On proposed amendment to Charter that those running for Congress/Senate should be college grads:
“I have some reservations. Bakit mo ili-limit ang di nakatapos ng kolehiyo pero matalino naman at qualified siya magsilbi as a public servant? I don’t think tama yan, na base lamang sa educational attainment ang qualification na tumakbo sa public office.”
On a group’s call to senators to ‘fight’ for impeachment trial:
“Maliwanag sa ating Constitution may separation of powers, in this case between the Congress or particularly the Senate and the SC. Hindi naman tama sa amin sabihan ang SC na huwag ninyo isagawa ang inyong pagdinig. Di ba napaka-inappropriate noon kasi may separation of powers.”
“It’s not about majority and minority. It’s about the separation of powers. Na dapat di kami manghimasok sa usapin na dinidinig ngayon ng SC. In the same manner ang isang usapin na dinidinig ng Kongreso di naman basta-basta nakikialam ang SC except kung may grave abuse of discretion. At sa SC lang nag-a-apply ang paghuhusga kung may grave abuse of discretion. Ang Senado wala kaming karapatan para sa ilalim ng Saligang Batas sa ilalim ng maski anong batas pa para sabihian ang isang coequal branch ng gobyerno, na oy inaabuso nyo ang inyong pag-exercise ng discretion. SC lang ang pwede magsabi na nag-commit ka ng grave abuse of discretion, that’s why we have to check you. Pero kami wala kaming authority under the Constitution or under any law of the land na sabihan ang SC na di kayo pupuwede riyan. To say the least, hindi tama ang panawagan na parang pupulaan kami dahil di kami gumagawa ng action para i-check ang SC. No, we cannot do that, plain and simple. And we respect the separation of powers.”
“While it’s still early to speculate ano magiging role ng SC kung pagbibigyan ang quo waranto o hindi, ang sa akin lang mag-stick tayo sa issue dahil ine-egg kami ng isang grupo para manghimasok sa gawain ng SC. And to me, hindi hamin gagawin. Hindi namin dapat gawin kasi ginagalang namin ang separation of powers.”
On the diplomatic issue with Kuwait:
“Rescue (distressed OFWs) if we must. And it’s our obligation to our OFWs, the distressed OFWs, to rescue. It has happened before many times and I’m sure it will happen again. But to chronicle, much less herald, ang covert mission to rescue, mukhang yan ang hindi tama.”
“Talagang dapat sabi ko nga may personal experience while we were doing the rounds of many countries in 2001 or 2002, nang may public hearing sa absentee voting, and meron akong personal experience. Nadala ako sa isang safehouse kung saan naroon ang distressed OFWs recently rescued by our Embassy people. And that’s good. Walang masama sa rescue, obligasyon natin yan at dapat nating gawin.Ang nakasama lang, kung i-chronicle mo man for future reference, for future use, tama na roon. Pero to upload it for all Kuwaitis to see mukhang doon tayo nagkaroon ng problema. I don’t want to question the purpose ng pag-upload, although it’s quite obvious. Bakit mo ia-upload sa social media ang isang gawain na parang infringe ka sa sovereignty sa laws ng isang kaalyadong bansa pa naman?”
“Maski sa atin gawin yan. Halimbawa meron tayong preso rito na Amerikano o Kuwaiti, at ni-rescue ng sabihin natin Kuwaiti police o military, tapos in-upload pa, di ba tayo magagalit? Magagalit din tayo kasi nalaman natin sa social media o YouTube na pinasok ang bansa natin para i-rescue ang isa nilang national. It works both ways. But sabi ko nga, it’s well within our responsibility and obligation to look after the welfare of our OFWs. After all sila ang tinatawag nating bagong bayani, di ba? But to chronicle it and worse, to herald it or announce it for all the Kuwaitis to see, doon tayo magkakaroon ng problema.”
On the ending of the diplomatic row with Kuwait:
“May kasabihan tayo time heals and I just hope it will come sooner than soon, not sooner than later. Kasi may mga pinagdaanan naman tayo, meron tayong pakikiisa sa Kuwait nang in-invade sila ng Iraq maski papaano tumulong tayo roon. At yan magkakaroon, nasa maayos na paguusap, baka sakaling ma-heal itong parang animosity na nangyari sa atin. I’m sure temporary lang ito.”
On sanctions vs those involved in the diplomatic row:
“Lalabas ang issue na yan, definitely. At kung nag-file ng resolution si Sen. Nancy, maitatanong yan, maipapasagot yan sa persons concerned bakit nangyari ang ganitong problema.”
On the Kuwait row being a wake-up call for Sec. Cayetano:
“I’m sure it has awakened him. I’m sure na-realize niyang may maling nangyari. No matter how people deny, hindi mo maikakaila na may problema kasi nariyan ang problema. Bihirang mangyari ang ma-expel ang isag ambassador. Extreme measure ng host country mag-expel ng ambassador.”
On the Dengvaxia report:
“May mga materials na ako. Ready na ako na mag-interpellate. Di pa kami nagkita eh.”
On friendship with Sen. Gordon:
“Di naman masisira ang friendship. Even during investigation ng BRC sa P6.4B shabu nagkaroon kami ng maski paano confrontation sa lounge. I already confronted him for not allowing the other members to participate.”
“We give it to him kasi passion niya minsan pag nagsalita siya sobrang passionate wala na talaga makasingit. Pero ito lalabas sa interpellation how he conducted pati ang pag-conduct ng hearings and hopefully magkarion ng kaunting pagbabato sa pag-preside niya sa pagdinig kasi di natutuwa ang iba.”
On calls by Sen. Trillanes to change Gordon as Blue Ribbon chairman:
“Unang una, walang karapatan si Sen. Trillanes para humingi ng pagpalit ng Senate chairmanship kasi minority siya. Decision ng majority lagi ang pagpalit ng chriamanship ng committee. I will not call for his replacement. I will not.”
On wakeup call for Sen. Gordon:
“I intend to do that para magkaroon ng wake-up call na i-correct mo naman, mag-adjust ka kaunti sa aspeto na ito.”
“Kasi may information na talagang di na-extract from the resource persons and I intend to show that. Kaya inevitably kailangan ipakita ang manner of presiding over the hearings. Dahil di pa nakakapagsalita, pag nagtanong minsan ang nangyari siya rin ang sumasagot. At pag taliwas sa kanyang paniniwala ang sagot ng resource person, pinipigilan niya. So makakakuha ka ba ng enough facts na ma-include mo sa committee report kung di naman nakakapagsalita ang resource persons mo? Kaya di nga maiwasan na maipakita rin how he conducted the hearings sa Dengvaxia.”
On Senate transfer:
“May 18, magsa-submit sila. And then magkakaroon ng judging kasi na-trim sa 5 entries at malalaman sino mananalo sa design competition. We’re still on track. The construction of our new Senate building will start next year, January 2019. And we expect to transfer at the earliest, December 2020. Give or take first quarter of 2021. So lilipat na tayo roon.”
*****