‘National ID system tiyak na ngayong 2018’- Lacson [Pilipino Star Ngayon]

photo0522-020

From Pilipino Star Ngayon: Tiniyak ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na ngayong taong ito maipatutupad ang national ID system na aprubado na sa isi­nagawang bicameral conference meeting.

Related:
National ID bill may become law before end-June
National ID measure tackled at bicameral conference committee level

‘National ID system tiyak na ngayong 2018’- Lacson

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) – May 24, 2018 – 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na ngayong taong ito maipatutupad ang national ID system na aprubado na sa isi­nagawang bicameral conference meeting.

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na nagkasundo ang mga kasapi ng komite na pagtibayin ang bersiyon ng Senado bagaman at nagkaroon ng kaunting amendments.

Sinabi pa ni Lacson na may inisyal na pondong P25 bilyon ang panukala na maipatutupad ngayong 2018.

Ayon pa kay Lacson, magtataglay ng dalawang mahalagang impormasyon ang ilalabas na national ID. [“Who are you?” at “Are you who you claim to be?”]

Idinagdag ni Lacson na kung hindi pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala sa loob ng 30 araw na maipasa ito sa Malacañang, awtomatiko itong magi­ging ganap na batas.

Matapos na makapasa sa bicameral conference committee, inaasahang mararatipikahan agad sa Kamara ang panukala para sa National ID system.

Dahil dito kaya pinapayapa ng mga co-authors ng panukala na sina House Deputy Speaker Raneo Abu at House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers ang anumang pangamba ng publiko sa National ID system.

Iginiit nina Abu at Barbers na layon nito na padaliin ang transaksyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng iisang ID na lamang at para ito sa pagpapatalas din ng law enforcement sa bansa.

Idinagdag naman ng isa pa sa may akda na si House Appropriations Commttee chairman Karlo Alexei Nograles na convenience ang ibibigay nito sa publiko.

Ang Komite ni Nog­rales ang nag apruba ng P2 bilyong pondo para sa Filipino Identification System o Filsys Card.

Ang Filsys card ay machine readable government card na kinapapalooban ng mga personal data ng may ari nito.

Inihayag naman ni Ako Bicol na Rep. Alfredo Garbin na ang mga impormasyon na mailalagay sa Filysys ay kinabibila­ngan ng buong pangalan ng holder nito, kasarian, kapanganakan, lugar ng kapanganakan, address at blood type.

Optional naman sa holder kung gusto o hindi na isama rito ang kanyang martial status, email address at mobile number.

May biometrics din to kung saan kasama naman ang litrato, full set fingerprints at iris scan.

One thought on “‘National ID system tiyak na ngayong 2018’- Lacson [Pilipino Star Ngayon]”

  1. Dito po sa bansang Kenya national ID na po ang ginagamit nila napakabilis po ng transaction.

Comments are closed.