In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– the National ID system
– tax reform measures
Quotes from the interview…
On the benefits of the National ID system:
“Napakaraming mga pakinabang. Unang una pagka nakipag-transact tayo ng business whether sa public institutions o pribado hiindi na tayo tipong hahanapan ng kung anu-anong papeles o dokumento para patunayan na tayo ang taong nag-a-apply. Papakita lang natin ang ating Philippine ID card. Kung di mo nadala mo card mo, naiwanan sa bahay o na-misplace at memoryado mo ang PhilID system number o PSN, yan ang serial number natin at ito ay nakalagay sa note sa telepono mo pwede yan reference mo. Sasabihin mo sa ahensya at yan, nakaka-transact ka ng business.”
“Pangalawa, may kababayan tayo na may kapangalan, naiba lang ang middle initial o kanilang date of birth, kung saan pag ikaw ay bibiyahe haharang ka sa airport pero di ikaw ang may kaso na may hold departure order.”
“Pangatlo kung nag-renew ka o nag-a-apply ka sa SSS para magkaroon ng benepisyo at may kapangalan ka, di ka makakakuha o rehistro sa SSS napakatagal ng proseso aabutin ng ilang buwan. At nawala birth certificate mo maraming pangkaraniwan na karanasan na dinaranas araw-araw sa kababayan natin.”
“Hindi ka hahanapan ng 2 government-issued IDs na may litrato mo kasi yan ang requirements di ba? Government-issued ID na may photo ng tao. Ngayon di na kailangan yan. Maski nakalimutan mo at dala mo phone mo naroon serial number mo, yan na lang sasabihin mo sa magka-transact ka, gagawa ng transaction, sapat na yan. Kasi ang 2 basic tanong ang kinakailangan, sino ka ba at ikaw ba talaga yan? Who are you and are you who you claim to be? Dalawa lang ang tanong na kailangan masagot. At pag meron kang number, ikaw talaga yan.”
On whether newly born Filipinos will get a PhilID number:
“Oo. Kasi pag pinanganak tayo binibigyan tayo ng pangalan. At pagkatapos irerehistro ang birth certificate. So meron na talagang identity, meron talagang pangalan. Kulang na lang ang pinagkakilanlan na permanent na serial number. Pero under sa magiging batas na ito pagdating sa age of majority saka ibibigay ang permanent number. Pag bagong panganak at ikaw ay minor pa, temporary ang numerong ibibigay sa iyo.”
“Pag age of majority na, yan ang permanente kung saan hindi hanggang mamatay. Maski mamatay ka permanente yan talagang sa iyo yan. Ito hindi transferable, at ito ay unique at permanent sa taong ia-issue-han ng PhilID.”
On identification under the system:
“Unang una madali ka ma-identify kasi naka-link yan sa PSA. Agad-agad ang bangko magtatanong ito mga computer na nagtatanungan, di ito tatawagan at tatanungin pa ito ba number na ito, si ganito ba o hindi. Ito puro in this day and age of modern technology ang mag-uusap na lang dito ang computers. So agad-agad sasagot ang PSA system doon, yan talaga yan. Iko-confirm. So yan na, ipo-process ang loan mo o maka-open ka ng bank account. Ganoon din sa Pag-IBIG, PhilHealth, at kung anu-ano pa, sa LTO. Ang nakalaman sa Ph ID o pag pinakita mo number mo sa system, ang iyong pangalan, iyong DOB, iyong gender, iyong address. Ang email at mobile number optional. Yan ang napaka-basic ng information.”
On inclusion of biometric data:
“Kasama yan. Ang facial image, ang picture eh. Tapos biometrics, iris scan sa mata. Ang 10 daliri nakarehistro roon kasi para talagang accurate, minabuti na suggestion ito ng DICT resource person, na hindi lang ng 2-4 daliri kundi 10 daliri natin nakalagak sa ating identification.”
On using National ID alongside UMID (Pag-IBIG, SSS, etc):
“Naka-link na lahat yan. Nariyan pa rin yan. Itong National ID para madaling makilala o paraan ng papakilanlan ng tao mismo. Kasi sabi ko nga unique at permanent sa tao yan, walang ibang pwedeng mag-may-ari ng numerong yan, ng ID na yan, ikaw lang. Naroon pa rin yan, drivers license naroon pa rin, passport natin naroon pa rin. Kaya lang pag nakipag-transact tayo ng business, government or private entity or institution, isa lang pinanghahawakan nating identity para makilala tayo. Patunayan na talagang tayo yan.”
“Pupunta ka sa SSS nakalimutan mo SSS number o card, serial number lang naka-link na yan, alam ng SSS maski di mo dala card mo ng SSS o nakalimutan mo ang number ng SSS mo. Ganoon din sa LTO at ganoon din sa passport.”
On whether National ID is optional if one has valid gov’t IDs:
“Optional ito pero magiging inconvenience. Mapagiiwanan siya dahil halimbawa may nakasabay sila gusto mag-secure ng loan sa bangko. Sabay sila dumating sa bangko, siya hahanapan pa ng 2 government-issued IDs. Samantalang itong kasabay niya ibibigay lang serial number o ipapakita ang PhilSys ID card, mauna yan na maaprubahan. Ganoon din sa LTO o pag-apply ng passport medyo maabala siya dahil maraming hahanapin sa kanya. Samantalang ang na-issue-han ng national ID mabilis lang ang transaction at sa pagbigay ng benepisyo baka mapagiwanan din siya.”
“Binanggit ko ito sa sponsorship speech, to reward, not to punish. To make life easy, not difficult. Para bang mag-apply ka ng national ID kasi di ka naman para parusahan dito kundi para bigyan ng biyaya, at para di ka abalahin kundi mapabliis, para maging madali ang buhay mo, bakit pahirapin ang buhay mo e samantalang pwede padalian?”
On claims by critics of the National ID system:
“Ang di ko maunawaan ang bumabatikos at kumokontra. Wala ba silang mga driver’s license, wala ba silang mga passport o wala silang voter’s ID? Siguradong meron. Ang information na ilalagap sa national ID, pareho lang information pati biometrics at facial image, iris scan, pareho lang. Bakit sila nagrereklamo e dumaan sila sa ganitong proseso?”
“I’m sure mga congressmen… nariyan sila sa Kongreso, ibig sabihin bumoto sila. At kung bumoto sila naroon ang record ng kanilang iris scan, facial image, biometrics, naroon sa Comelec. Kung kumuha sila lisensya naroon na rin ang information na kinakailangan sa National ID. So hindi ko makuha ang consistency na ito inaangalan nila pero nag-undergo naman sila sa lahat na mga ganoon din ang kailangang information.”
“O bago yan, present na rin sa government agencies ang information na sinabi nilang pwedeng gamitin sa panggigipit. May Voters ID, drivers license, passport. Ngayon sa national ID system na ipapasang batas, raratipikahan sa Monday, mas maraming safeguard eh. Kasi unang una di pwede mag-disclose ng information ang PSA na repository ng information na ito kung walang consent ng tao mismo, ang may-ari ng ID. Pangalawa kung may compelling reason either health or safety na kung saan kailangan pa ng court order at ino-notify pa ang tao bago i-disclose within 72 hours. Halimbawa may galing sa ibang bansa at pinagsususpetsahan na may dalang sakit na madaling kumalat. Noong panahon ni PNoy naaalala ko pag dumarating tayo kailangan mag-fill up ng health card, para malaman kung saan nakatira ang tao para ma-quarantine agad siya para di kumalat ang sakit. So halimbawa compelling health reason may ganoon ma information, madaling matunton, pero di agad-agad idi-disclose ang information. Hahanapin at hihingi ng permiso sa tao o kaya kukuha pa ng court order. Di ba mas mahigpit pa nga e samantalagang noon pag fill up tayo ng health card sa eroplano, di kailangan ang court order, talagang pinupuntahan at ginagawa ng paraan para ma-isolate, ina-identify na agad. So mas mahigpit ang patakaran sa National ID system kesa existing nang information na hawak na ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.”
Penalties for leak of National ID data:
“May kulong at ang ahensyang di kinilala ang ID, halimbawa private institution na may juridical entity na hagip ng batas na ito, pwede sila ma-fine-an. Bukod sa may pagkakulong ang tao pwede pa magmulta halimbawa sabihin ang bangko di kinilala ang ID, pwede ireklamo at may multa sila na malaki.”
On protection vs hackers:
“Kasama yan sa kailangan tingnan ng mag-implement nito. Kaya may binuo rito na PhilSys council, ang coordinating council kung saan halos lahat na ahensya ng gobyerno kasama sa council.”
“Lahat (na ahensya) halos naroon (sa council) para tuloy-tuloy ang kanilang pag-review at pag-oversee ng implementation na ito naaayon sa mahigpit na seguridad para di ma-hack. Kaya kailangan ang DICT para rito at sabi mo nga modern technology, kailangan lahat na mga safeguard titingnan nila para di ma-hack ang mga data.”
Role of National Data Privacy Center:
“Kasama rin sila sa kinokonsulta rito sa council, para sa ganoon kumpleto ang pag-alaga ng seguridad ng mga mag-identify sa ating lahat.”
How the National ID will be issued:
“Siyempre may centers actually kung saan nakakalat sa buong kapuluan para ma-maximize. Ang isang thrust nito, universal makuha halos lahat na 104-105m of 109m Filipinos. Kaya sa deliberation sa interpellation maraming nagsa-suggest na dagdagan ang datos na kailangan para makakuha ng ID. Sagot ko sa interpellation hayaan natin muna mag-evolve basta ang basic information para ma-encourage ang ating mga kababayan para ma-maximize ang pag-rehistro. Remember marqmi sa ating kababayan sa malalayong lugar papuntahin sila sa urban centers baka di sila makarating. So ang gobyerno lalapit sa kanila. Sa IRR na ito gagawin.”
“I’m sure ang PSA, gagawin ang lahat na paraan para mailapit ang paparehistro sa mga tao, di tao ang pupunta pa o maabala pa na pupunta ng malayo para magparehistro.”
“Ang timeline nila (DBM), mga 5 years at budget na hinihingi initially ang napagusapan P25B pero sabi ng PSA baka kulangin ang P25B kasi ang security safeguards baka aabutin ng P40B. At saka ang 5 years ito ang target pero ang India matagal na silang meron na. Pero 5 years di pa nila nakumpleto. Of course bilyon ang mamamayan sa India. Pero tayo tinitingnan natin lahat ma-maximize ang nagrerehistro. So di pwedeng pwersahin mo in 5 years ang 109M Filipinos meron na lahat na ID.”
On resident aliens covered by National ID:
“Pati resident alien sakop nito. Ito ang iba ng Senate sa HOR version. Sa HOR version kaya title nila is Filsys nila is Filipino ID system. Sa Senado Philippine ID system. Kasi nga pati mga resident aliens na nakatira rito ng 180 days a year kailangan ma-issue-han din kasi pati sila nagta-transact ng business sa ating gobyerno at pribadong institution.”
“(Ang turista, hindi) kailangan. Parang tayo rin pag pupunta ng US di ba pag immigrant ka nakakauha ka ng SS number kasi kailangan mag-apply ka ng cell phone number, subscribe ka, pati sa utilities subscribe ka kasi nakatira ka rito. Pero kung turista ka hotel ka naman, wala kang ina-apply-an. So hindi kailangan ng turista. Medyo magulo, masyadong unwieldy ang pagdadaanan natin kung pati turista ire-require.”
Budget:
“P25B pa rin although during interpellation nang tinanong magkano total, sabi ng PSA. Kaya lang di naming tackle noon kasi madadagdag sa issues na madi-discuss. Pero sabi nila estimate nila baka kulangin ang P25B kung lahat na aspeto ng security at safeguard kasama. Sabi nila baka kakailanganin nila aabot ng P40B.”
On who will get priority in issuance of National ID:
“Kaming mga senior citizen at PWD, yan ang mga may prayoridad. Tapos ang mga mahihirap nating kababayan. May mga pamamaraang ginagawa ang PSA paano prioritize pero nakatakda sa batas PWD at senior citizen ang mauuna.”
“Yan din, uunahin din sila (CCT recipients). Kasi kailangan nila nito. Isang benefit dito, walang makakadoble at walang makakapanggap. Kasi lkung may number ka unique and permanent and non-transferable, mabubuko ka. At mawawala na rin ang flying voters kasi 1 na lang numero mo.”
Criminals and rebels:
“Ang may aliases mahirapan talaga sila gumamit ng alias. Ang may nom de guerre. Pag ikaw guerrilla ka by day tapos pag weekend o gabi nariyan ka sa kanayunan nakaka-transact pa sila ng business habang ang kabilang dako naman nakikipaglaban sila sa pamahalaan dahil iba identity nila noon. Pero ngayon dahil may biometrics, may facial image, may iris scan, madali sila ma-identify. Siguro ito ang pinangangamba ng mawalang-galang ang maka-kaliwa kasi may mga NPA, may ASG, ang lumalaban sa gobyerno medyo mahihirapan sila ngayon dahil pag nagkaroon ng ID system makikilala talaga kung sino ang sino.”
“Kasama ang marital status, DOB, marital status, address. Kaya talagang di pwede magpanggap.”
On whether the National ID bill will address the issues cited by the SC when it struck down the National ID system under then President Ramos:
“Magkaibang magkaiba ang issue kasi kaya na-struck down ng SC, EO kasi ang in-issue ng dating PFVR. Ang sabi ng SC noon, hindi pupuwede, ang masasakop lang niyan ang executive department. Di yan binding sa ibang branches at sa ibang civilian na wala sa gobyerno. Ang kailangan, ang sabi ng SC noon, ang kailangan legislation. Ito na nga yan. Ang problema simula noong 2001 nang unang nagging senador ako, file ako ng file nito. Every Congress, every time nariyan ako sa Senado nagfa-file ako ng national ID bill. E talagang di umaabot sa committee hearing. Lalong di umabot sa plenaryo. 3 dekada ito kasi 1990s pa si FVR, kaya halos 3 dekada at sa Kongreso naman parang 18 years na binubuo ito, kasi mag-18 years ako sa Senate. File ako ng file nito.”
“Mabuti na lang ngayon naipasa ng both houses. Actually ang committee na in charge nito ang committee on justice ni Sen. Gordon. Pero punong puno siya ng trabaho noon. Sa isang caucus in-offer niya sa akin. Sabi niya alam ko ina-author ko palagi, sabi niya Ping baka gusto mo mag-subcommittee ikaw na mag-handle. Sabi ko of course, kasi talagang advocacy ko ito napakatagal na. Maraming salamat, sabi ko, ako na mag-conduct ng committee hearing, ako na mag-defend sa floor at kung pwede ako na mag-sponsor lahat-lahat. So napagkasunduan sa caucus na ganoon at naipasa na natin.”
National ID measure a landmark legislation:
“Kung ma-ratify ito magiging enrolled bill ito at agad-agad sabi naman ng Malacanang dahil advocacy rin nila ito. At landmark legislation ito dahil sa panahon ni PRRD talaga ito maipapasa. ilang president pinagdadaanan FVR, Erap, GMA, Noynoy, 4 na admin, pang-5 administrasyon attempt maipasa ito, ngayon lang ito maisasakatuparan.”
On lowering VAT from 12 to 10 percent and bringing down number of VAT exemptions:
“Kung P15 trillion ang nominal GDP (noong 2015), of course di pa factored ang inflation, sa 10% ang VAT assuming kako walang isang VAT exemption, kung 15T sa 10% VAT right away meron tayong 1.5T sa VAT pa lang yan. So baka pwede kalimutan natin pagtaas ng buwis, VAT tayo mag-concentrate. Of course sabi ko that’s the ideal situation. Di talaga, imposibleng mawala lahat na exemption. Now binilang namin ang lines of exemption sa ating VAT at pinagaralan ang karating bansa natin na nag-impose ng VAT. Nalaman natin sa Malaysia 6% ang VAT pero exemption sa VAT, 14 lang. Thailand, 7% ang kanilang VAT pero exemption nasa 25 lang. Tayo sa PH, 143 VAT exemptions. Halos lahat na power, coop, ecozone, mga industriya na mabuti kung Ngayon lang nabigyan ng VAT exemption. Nang review namin ang tinatamasa nilang VAT exemption ang iba 1990, 2000, pagkatagal-tagal na. Ibig sabihin pang-startup nila yan sa pagbukas ng negosyo, bawing bawi na sila, baka pwedeng let go nila ang exemptions. Nagkwenta kami kung ang 143 exemptions natin sa VAT mababawasan at nagtanong kami sa CPA pati BIR, ito pinagmumulan ng tax leakage ang VAT exemption kasi kumplikado ang pag-compute. Balik tayo sa main issue 143 sinubukan namin himayin ano ang pwede forego na VAT exemption. Sa power di lahat na exemption mawawala, mababawasan lang. so nakakita kami out of 143 babawasan ng 78 VAT exemptions mawawala ang exemption sa VAT sa 78 lines. Mataas pa rin kasi sabi ko Malaysia 14, ang Thailand 25, ang Indonesia 20. Ang iba mga 20. Pag pinagsama-sama ang lahat na VAT exemption sa mga ASEAN countries na halos pareho sitwasyon, sila 111 lang total, lahat na yan, Indonesia, Vietnam, Thailand, Malaysia, lahat.”
“Sabi ko kay DOF Sec Dominguez even sa 10% bawasan natin kababayan natin 10% malaking tulong ito sa kababayan natin at bawasan natin ang VAT exemption ang nakikinabang mga industriya, mga interest ito, mga business interest kasama ang housing. So tuloy-tuloy ang aming pakikipag-dialog at lahat na aking naipon na sana amend ko sa period of amendment, naka-coordinate ako sa DOF at alam nila dahil kami gumawa ng computation staff ko at sila paulit-ulit pabalik-balik ang paggawa ng computation. Ang ma-generate na incremental Dagdag revenues at 10 percent, not 12 percent, P117.1B. So isipin mo magkano lang ba … nasa 92 lang ata. Ibig sabihin kung VAT lang ang pinakialaman natin in-amend sa TRAIN at di pinakialaman excise tax sa fuel at iba, meron na tayong P117.1B at 10%, not even 12%, at 10% malaking maluwag na paghinga, lahat tayo dadaan tayo sa consumption kasi VAT is consumption tax yan for goods and services.”
“Pero sa atin pinaguusapan natin consumption tax na kinukumpara natin sa ibang bansa, bakit sila, ang Malaysia ba pag-upo ni Mahathir dahil campaign promise yan, zero VAT sila ngayon, inutos niya, wala na 6%, zero VAT rate tayo. They can afford kasi consumption tax yan lahat punt aka sa grocery lahat may VAT.”
“Sang-ayon (ang DOF) roon actually, sa TRAIN 1. Sabi ko ito na lang pakiusap ko. Willing ako introduce na amendment ito pero tulungan nyo ako ma-convince ang kasamahan ko kasi 1 vote lang ako rito, tulungan nyo ako ma-convince sila na suportahan ang ating amendments. Atin, di akin kasi pinagkasunduan natin ang amendments. Sa floor nang introduce ako ng amendment, unang segwada pa lang, ang zero rated VAT sa ecozones, nakita ko nagbabaan ang ibang kasamahan ko sa majority. Sabi ko Mr. President nagbabaan na boboto laban sa aking amendment so walang dahilan, humingi ako ng suspension. Kinausap ko si Usec Chua sabi ko baka pwede inform si Sec Dominguez, kausapin nya kasama ko kasi pag talo ako rito di ko itutuloy ito kasi useless. Kasi ito pinakaimportante malaki ma-generate ng incremental revenue talo ako lalong di papasa. We’re taking here without casting aspersion or alluding to anyone, ang tatamaan ng aking mga amendment, ecozone, power, housing, coop, at iba pang industriya na alam nating may kasamahan ako roon na meron silang maski papano may stake sa mga industriya na tatamaan.”
“Of course claim ngayon ng mga economic managers ang increase na inflation natin ang contribution ng TRAIN is 0.4% negligible, pero numero nila yan. Pag tiningnan mo ngayon tataas na naman ang gasolina sa linggong papasok.”
On suggestions to suspend the raised excise tax on fuel:
“Ang problema roon ang revenue erosion saan mo kukunin? Anong magko-compensate? Kailangan pag-aralan namin dapat holistic. It is easy to call for the suspension of excise tax on fuel. Popular yan, di lang easy, popular pa. Pero saan mo kukunin ang mawawala?”
“Sa akin ang pambawi mag-(close?) tayo ng tax exemption sa VAT. Kasi alam mo every time magpapasa ng special law ang Kongreso lagi may nakapasok na VAT exemption. Kaya dumami ng dumami ito over the years di natin namalayan umabot tayo ng 143 lines of exemptions. Nagdagdag ng nagdagdag samantalang karatig bansa natin i-add natin lahat VAT exemptions 111 lang sila lamang pa tayo e ang PH di tayo asensong bansa bakit hinayaan natin dumami ng dumami ang VAT exemption? Kasi nga may mga interest group na nagtutulak, hoy bigyan nyo kami ng VAT exemption para sa aming negosyo. Sa Kongreso meron din mga interest na negosyo na o sige kasi napakinabangan din. So yan ang naging istorya.”
On possible bill to lower VAT exemptions:
“Now dahil ganito nangyayari dapat mag-usap-usap uli kami at pwede ako mag-file ng bill para magbawas ng exemption sa VAT.”
On revenue measures originating only in the HOR:
“(Pero) nothing will prevent me from filing. Maghahanap ako ng sinong pwede sa House na mag-file din ng parehong bill. Maski mauna ako mag-file, di lang mata-tackle yan sa Senate hanggang di nata-tackle sa House.”
“Bago ako mag-file kailangan magkonsulta ako sa DOF. Kasi kung di nila susuportahan bakit ako mag-file?”
On the urgency of addressing high costs of living:
“Balikan ko noong kami nag-hearing sa SAF, sa additional subsistence allowance, opening statement ko, yan ang gagamitin ko. When the stomach protests, prepare for revolution. Ito experience ito di lang bansa natin kundi ibang bansa sa Latin America. Pag yung nagreklamo ang sikmura ng tao medyo magulo kakayanan ba natin? Ibang usapan pag ang sikmura ang nagrereklamo. Yan na siguro pinaka-wakeup call. Huwag na natin hintayin yan. Gumawa na tayo ng paraan para ma-arrest ang sitwasyon o ang condition kung saan nagtaasan lahat na bilihin.”
“I’m not encouraging it. But it’s a fact of life. Ito political reality ito.”
*****