Interview on DZBB | July 1, 2018

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– dialogue between President Duterte and Catholic Church leaders
– continued support for President Duterte; adjustments his administration can make in the next 4 years
– more crime prevention, police visibility needed
– need to reassess the economy, including external factors
– consistency and having only one standard in fighting corruption
– continued jueteng operations
– localized peace talks with CPP-NPA-NDF
– fighting terrorist groups
– developments in the West Philippine Sea

Quotes from the interview… 

On the dialogue being worked out between President Duterte and Catholic Church leaders:
“Maganda rin ang hakbang na ginawa na mag-form ng four-man team para makipagugnayan sa mga religious sector particular na sa Catholic Church. Kasi kung may nasaktan, yan ang pinakanasaktan sa lahat. Tayo Catholic country, the only Catholic country in Asia. Siyempre maraming nasaktan sa kanyang sinabi, although may qualification naman siya, pero paliwanag din naman narinig nating lahat.”
“Kailangan para magkaroon ng pagkaunawaan kasi sabi ng pangulo hindi nyo ako natindihan ang ibig kong sabihin ay ganito. Pero sa dinig natin at dinig ng CBCP halimbawa kaya nag-react ang mga obispo iba ang kanilang pagkaintindi at mukhang halos pare-pareho ang pagkaintindi natin kesa sa qualification na ginawa ng pangulo. So mabuti na rin ang magkaroon ng pag-uusap nang sa ganoon magkaliwanagan maisabi ng pangulo kung ano ibig niya sabihin sa pag-describe niya sa ating Panginoon sa ating Diyos. Sa akin naman iisa naman ang Diyos … Doon din talaga tayo pupunta. Iba lang ang pangalan, iba ang mga paraan ng paniniwala at pananampalataya, pero sa dulo nito isa lang talaga Diyos nating lahat.”
“Malalim actually ang pagkakahati-hati. Talagang umabot sa parang ang crevice, ika nga, masyadong malalim parang mahirap itawid dahil masyadong malawak ang pinanggalingan ng kanyang pananalita at iisa lang ang interpretation sa kabilang panig. Siya lang nagsabi iba ang interpretation ko di niyo naintindihan ang sinasabi ko. I think ang Malacanang lalo ang pangulo dapat gumawa ng positibong hakbang at ito na nga, magkakaroon sila ng one-on-one meeting ng Catholic Church, mainam na rin yan as a first step. So yan ang hintayin natin ang kalalabasan. Magde-debate ba sila sa kanilang sariling interpretation ng Bibliya o ng mga aral ng Diyos? O magkakasundo? Harinawa sa huli ang kasunod, magkakasundo at magkaroon muli ng pag-unify ng ating bansa.”

On reported demands by some sectors for a public apology by PRRD:
“Ang pag-demand sa kanya na gumawa ng public apology para sa akin, sino ba naman tayo mag-demand sa isang tao na humingi ng public apology? Yan ay kusang loob na binibigay, hindi ito dine-demand.”

On Mayor Sara Duterte-Carpio’s ‘advice’ not to listen to PRRD interpret the Holy Book:
“Madaling sabihin yan pero mahirap gawin kasi tayong lahat whether we like it or not, interesado tayong making sa pangulo lalo pag public speaking engagement ang kanyang dinadaluhan at wala sa manuscript.”
“Pag nagsasalita siya at lalo extemporaneous yan ang nasa loobin niya at di maiwasan pag nakarinig tayo, sabi ko nga napakaraming kadahilanan bakit pinakikinggan natin ang pangulo. Siyempre ang mga kritiko nag-aabang ng mali siyempre para siyempre meron silang masabi. Karamihan sa atin interesado tayo dahil pag nagsalita ang pangulo dito tayo natututo kung ano ang knanyang policy guidelines at policy statement kasi siya ang leader ng bansa. Maraming dahilan pero ang bottom line makkinig tayo at makikinig sa sasabihin ng pangulo.”

On the President’s recent statements on God:
“Ang pananalitang ganoon… parang lumampas na. Sabi nga ng iba he crossed the line. And I believe so, na he crossed the line. So yun nga. Dapat he should make amends. Sa kanya na yan. Pero dapat ipahayag niya ito. After all siya ang lider ng bansa.”

On anti-crime efforts in the first two years of the Duterte administration:
“Masyadong agresibo ang pagtugon niya sa problema ng kriminalidad, lalo ang droga. Pero mas importanteng aspeto ang prevention. Maski sa krimen, dalawa yan, crime prevention, crime suppression. Ang crime suppression resort ito pag di mo na-prevent di ka naka-prevent ng robbery dapat i-solve mo. Kung di mo ma-solve malaki ang problema. Paano mo mape-prevent kung focus ng pamahalaan suppression lamang?”
“Sa akin masyado sila naka-focus sa suppression, sa suppression sila, di sa prevention. Uulitin ko I have yet to see massive police visibility. Pwede naman gawin ito sa station level, bawa’t station ang kautusan pwede manggaling sa NHQ kung saan mag-foot patrol. Kasi nakagawian ng pulis natin maski noong Metrodiscom commander ako sa Cebu reklamo agad ng police noon, wala kaming pang-gasolina. Sabi ko maglakad kayo. Ganoon din nagpa-patrol ako foot patrol nakatipid sa gasolina mas nabawasan ang crime kasi mas malapit ang pulis. Sa ibang bansa makikita mo nagfu-foot patrol ang pulis at napaka-approachable. Sa atin lang pag may nakitang mobile sa dulo ng kampo umiiwas pa motorist baka makotongan. Ano ba yan?”

On need for police visibility:
“Ang nakikita kong pagkukulang ng law enforcement agencies natin ang visibility, kasi makakakita man tayo ng mobile cars, nakatago sa dilim eh. Dapat visibility, natatandaan ko naalala ko bigla noong ako Chief PNP nag-tandem pa kami ng patrol. Humiram kami ng pwersa ng mga Marines at ang isip ko noon baka sakaling mahawa ang pulis na naka-slouch o nakakurbado, mahiya na kasabay niya ang Marine na naglalakad at nagfo-foot patrol sa malls at commercial centers. Ang resulta noon 73% ang binaba ng petty or common crimes, pickpocket, snatching, petty thievery. Ang laki ng nabawas. So doon magsimula sa prevention nang sa ganoon di ka na aabot sa suppression.”
“Ang krimen, murder, robbery, mangyayari at mangyayari ito. Pero dapat gumawa ka ng mas magandang strategy na di lang naka-focus na lilikumin mo lahat na tambay. Pwede naman magpatrolya ka na ang mga tambay na walang ginagawa at inaabangan ma-snatch ma-prevent mo ang kanilang masamang gawain sa pamamagitan ng police visibility.”

On the economy in the first 2 years of Duterte admin:
“Ako bibigyan ko credit where it is due. Ang first year parang ito ang buntot ng magandang ekonomiya panahon ng dating administration. Kasi naroon ang fundamentals. Pero pagpasok ng pangalawang taon medyo sumama na, of course maraming factors, pagpasa ng TRAIN, tapos ang exchange rates at petroleum products. Nagkahalo-halo.”
“Pero dapat focus ng ating bansa ngayon dahil may extraneous factors na di natin masyadong kontrolado pero kaya natin mitigate sa pamamagitan ng policy na paiiralin natin. Dapat tingin ko ang mga economic manager dapat magpulong-pulong uli, i-assess mabuti bakit nagkakaganito tumataas ang bilihin. Ang masama pang nangyari initially tanggi sila ng tanggi di tumaas ang bilihin pero ramdan ng tao na tumataaas ang bilihin.”
“Hindi gumanda. Actually medyo sumama. Aminin man nila o hindi medyo sumama kasi ramdam ng tao. Pag nagreklamo ang tao ibig sabihin hindi maganda ang basics ng economy natin. Pag ang basic economy naman natin tinitingnan ng pangkaraniwang kababayan natin ang bilihin. Pag tumaas ang bilihin e medyo may problema sila kasi pagkakasyahin nila ang kanilang kinikita lalo na pag tumaas petroleum products lahat apektado. Dapat mag-reassess ang economic managers. Ang focus sa Build Build Build mukhang di pa rin natin masyadong ramdam.”
“Ngayon titingnan din natin ang pagkakautang natin medyo tumaas hanggang P6.832 trillion ngayon. Dati bumaba pa ng P5.9T, kung tumaas ang ating utang lalo ang panlabas dollar-denominated tapos from P48 or even P45 to $1, ngayon pumapalo halos P54 to $1. So imagine mo ang palo noon sa external debt natin dollar-denominated, dagdag agad yan.”
“Dahil aggressive ang Build Build Build program kailangan i-finance. Kasi kulang ang revenues na generate kaya umutang tayo. E kaya tayo umuutang para mag-perk up ang economy dahil uutangin mo gagamitin sa investment at ito naman ang mag-generate ng jobs pagkatapos parang itatayo mo ito naman ang magdudulot ng karagdagang tulong sa ekonomiya. Pero kung hari nawa di pa talaga natin nararamdaman ang Build Build Build program masyado, hari nawa sa darating na panahon maramdaman ito. Pero di pa natin nararamdaman kasi hanggang ngayon ang nakakalungkot nagdagdag tayo ng budget pero wala tayo nakikitang improvement.”
“Go back in time kung saan, ang problema kasi kung pagkaraan ng administration may contractor na nagsalbahe sa proyekto, wala pa tayong nakikitang nakulong na contractor. Wala pa tayong nakikitang nakulong na kausap ng contractor na taong gobyerno. May bumabagsak na tulay may nagigibang dam, meron ba tayong nakasuhan? Wala eh, parang forget na lang eh. Parang masama na rin ang move on ng move on pero paano ang nasayang na pera sa ginastos natin na substandard ang materyales?”
“Ngayon maski sabihing walang pork barrel alam na alam kong may pork at alam ko rin sino ang malaking pork mapa-HOR or Senate. At ito pilit natin i-check pagdating ng budget deliberation. Pero napakahirap. Kasi unang una napakahirap maghanap. Kung makikita mo pero wala pagdating ng bicam balik sa dati mag-amend ka sa floor pagdating ng bicam balik din.”

On TRAIN:
“Ipaglalaban ko pa rin ang babaan natin ang VAT pero bawasan ang exemption. Katakot-takot ang exemption natin. Kung diyan tutumbok ang TRAIN pinag-aaralan ng staff ko paano mag-introduce ng bill, ang problema sa House nag-emanate yan. Maski magngawa tayo bawasan ang exemption nang sa ganoon lumaki ang revenue at katulong ko DOF dito noon kaya lang iniwanan ako sa ere kasi nang nag-amend na ako wala silang nagawang tulong. Kami nagbalangkas mismo kami nagkwenta ng amendment na introduce at usapan namin yun. Doon ako na-disappoint noon sa DOF kasi bakit di nila ako tinulungan nang suggestion ko sa kanila ang ibang kasamahan mapa-HOR at Senate kausapin sila siguro ng Malacanang tulungang itulak ang amendment na in-sponsor naman ng DOF din e di ginawa.”

On ‘double standard’ in dealing with graft:
“Nakikita ko double standard, di consistent. Matapang pananalita ng pangulo may mga tinanggal pero nakita rin natin may binallik. Recycled.”
“Yan ang sinasabi natin na consistency kasi hindi matatakot ang iba kung di ka consistent. Kung consistent ang pangulo at makikita talaga na he means business at isa lang ang kanyang standard, kasi pag double standard ka, sira na ang iyong programa, wala nang maniniwala. Kanya-kanyang sipsipan, at pag nakasipsip ka nang maayos maski may anomaly ka libre ka. Pero kung walang pinipili kaibigan man, sabagay may kaklase siyang natatanggal pero ang hinahanap natin consistency. Pag consistency absolute consistency, hindi double standard.”

On whether improvements can be expected in government’s actions vs corruption:
“Dalawang taon pa lang naman. At siya naman magre-react naman siya sa sabihin nating matigas ang ulo pero napansin naman natin pag nakita niyang maraming pumupuna at lalo kasamahan niya pumupuna, ano siya, flexible din, nag-a-adjust din siya.”

On continued jueteng operations:
“Malinaw naman patuloy ang pamamayagpag ng jueteng na disguised as STL, gamit ang ID ng PCSO kumukubra ng taya pero di naman pinapasok sa PCSO. Pinakita na rin natin doon ang statistics na kulang na kulang ang nire-remit nia. Bakit nila pinapayagan na ganoon lang ang nakukuha ng gobyerno? They are basking on their accomplishment na sinasabing malaki ang improve, totoo yan. E bakit pagbabasehan mo ang nakaraan? Samantala ang dapat tingnan mo ano ang potential na pwede mo makolekta na pwede idagdag sa tulong sa charity sa ating kapos-palad na kababayan? Kulang na kulang kung tutuusin.”
“May lumabas, RA 9287, nagsasabing illegal ang jueteng, di pwede ipag-utos ng pangulo ang isang illegal na bagay ay huwag panghimasukan ng pulis. Siguro ang mensahe niya roon talaga, i-prioritize ang illegal drugs over jueteng pero mali ang dating dahil medyo ganoon din may nasabi rin siya payagan muna. Di pwede yan. Pag illegal ang order saan lulugar ang law enforcement officer? E mananagot sila sa ilalim ng batas.”
“Ang malungkot, sabihin natin blurred o bigyan natin ng benefit of the doubt na di yan ang ibig sabihin, pero yan ang dating. Sasabihin ng pulis ok na pala, huwag na (go against) jueteng. Anong kasunod doon? Kausap na nila mga gambling lord. Hindi biro-birong pera yan.”
“Noong nag-provincial director ako sa Laguna, bisperas ng pagpunta ko roon milyon agad ang offer. Of course sasabhin ko sa inyo sa area tayo, alam ng mga taga-Laguna ito, di ko tinanggap yan, reject ko yan at tuloy ang aking drive against jueteng although low priority ang illegal gambling kasi may mas malaking problema, illegal drugs kesa jueteng. Pero kung harap-harapan nariyan at tatalikuran mo, mali rin yan kasi maski anong krimen mapa malaki mapa maliit mapa petty o mapa-capital man ang offense dapat tugunan mo bilang law enforcement officer.”
“Ang problema nga kasi ang STL ginagawang cover ng jueteng lords para sa kanilang activities. Mas gumaan pa sa kanila kasi hawak ng kubrador nila ang ID ng PCSO pero di naman nire-remit sa PCSO kundi gine-guerrilla o nire-remit sa illegal gambling. Mas malaki ang napapasok sa mga jueteng lord kesa pinapasok sa PCSO. At dinedeclare sa PCSO maswerte maka-30%.”
“Naka-front lang nakapangalan sa iba ang STL operations. Pero nasa likod noon jueteng lord din. So yan maliwanag na conflict of interest pag may conflict of interest kaninong interest ang mananaig? Sa jueteng lord. So instruction niya sa kanyang tao, ire-remit 30 percent. At ganoon ang average na nire-remit sa PCSO, 30% ng total collection. Kung gross collection halimbawa ang malaki riyan Bicol o Pangasinan sinabi ni Rep. Espino P5M a day ang collection. Kung 30% lang remit sa PCSO, P1.5M lang 1 day maswerte kung maka-remit ng P1.5M. At ang P3.5M papasok sa jueteng lord. Lokohan lang.”
“Pagka ganoon statement ng pangulo baka 15-10 percent ang ire-remit kasi nga wag muna hulihin ang jueteng. E di ang gine-guerrilla na kubrador mas lalakas loob ng jueteng lord, ok naman pala ang jueteng so bawasan natin sa halip na 30% remit sa PCSO gawin natin 1.5. Sabihin ng PCSO may threshold na kailangan i-remit pero di rin naman sinusunod. Tulad ng daing ni Rep Villafuerte sa Camarines Sur ilang beses di na-remit nang tama pero di pa sinususpindi. Napilit terminate ang kontrata nang sinasabing STL operator na jueteng lord din dahil pinwersa sa committee hearing. Pero sino ngayon ang mag-STL operator baka babalik tayo sa dati.”

On the temptation for corruption, from the petty:
“Ang corruption nagsisimula sa petty. Makatikim ka halimbawa daang libo sa jueteng chief of police ka, sa susunod niyan maghahanap ka ng mas malaki nadumihan kamay mo. Pupunta ka sa smuggling, pupunta ka sa drugs. Lalala ng lalala hanggang di mo na malaman kung kailan ka hihinto at paano mo hihinto kasi naroon ka na. Ang addiction sa drugs masama pero ang addiction sa pera mas masama yan.”

On a Senate hearing to tackle the impact of PRRD’s recent statement to ‘go easy’ on jueteng:
“Dahil may bagong issue, malaman natin anong impact ng kautusan ng pangulo na go easy on jueteng sa magiging kinikita o benepisyo sa PCSO.”
“Pupuwede. Talagang meron namang bills na pending at pwede ituloy ang pagdinig ngayon… Ang kailangan dito magkaroon tayo ng quorum. Natandaan ko nagsuspindi lang naman noon. Kaya maghahanap tayo ng magkakatuwang sa pagdinig at pwede tayo magtawag bago mag-SONA.”

On localized peace talks with CPP-NPA-NDF:
“Nag-suggest ako kina Sec Bello at, Dureza nang nagkaroon ng pagdinig kay Sen. Honasan sa peace, unification committee. Bakit di natin gawing localized ang peace talks? Di pare-pareho ang situation sa kada probinsya. May probinsya malakas ang NPA at present, may probinsyang mahina ang NPA. Pag dinaan mo lagi sa The Hague kausap mo Joma na wala naman control over ground troops nila. Kitang kita pag ceasefire sila nag-a-ambush ang tropa so wala silang control. At inamin ni Joma Sison wala silang control. Bakit di pwedeng i-decentralize ang peace talks para ang mga lugar at region at lalawigan na mas medaling i-address mauna ang kapayapaan doon? Tapos ang lugar na halimbawa Surigao malakas NPA sa Bukidnon, ayudahan ng national government at doon pagukulan ng mas maraming panahon ang pag-address ng mga problema roon. Localize natin. Palagay ko mas mapapadali tayo ma-isolate ang ilang lugar kung saan talagang malakas ang CPP-NPA. May sinabi sila noon mahirap gawin although receptive sila.”
“Di ba mas practical ang ganitong approach, localize natin ang peace talks? Halimbawa sa Southern Luzon, sa Quezon lang medyo malakas ang NPA. Sa Cavite walang NPA, sa Laguna walang NPA, o sa Batangas. Di pwedeng localize natin nang sa ganoon ma-isolate natin ang lugar na medyo mahina ang NPA at malinis na roon, peaceful na roon?”
“Tama sabi ni Sec. Lorenzana, mas makakabuti ang usapang pangkapayapaan kung di kasama si Joma. Iisa lang agenda noon. Ito ang traditional, ayoko sabihing obsolete ang pananaw pero ito ang talagang traditional na lumalaban sa gobyerno na isa lang naman talaga ang agenda, ang overthrow o takeover. Nothing short of that. So bakit tayo makikipagusap sa may agenda e pabagsakin ang gobyerno? Ang kausapin natin ang kababayan nating narito na maaring ang iba naligaw ang landas, na-indoctrinate mali ang indoctrination, baka mapaliwanag ang pagiisip at magbago at bigyan ng livelihood, pakitaan ng maganda ng gobyerno na kung saan acceptable sila sa mainstream. Pero kung kakausapin mo naroon sa The Hague sa Netherlands at ang pananaw e talagang pabagsakin ang gobyerno, hindi magkatugma eh.”

On confidence-building measures including appointing ‘leftists’ to Cabinet posts:
“Yan napakagandang gesture noon at nag-appoint ng kasamahan nila. Pero hindi nga gumana kasi nga natatandaan ko sa pagdinig sa CA tinanong ko lang kung ire-renounce na nila ang violence as a means to overthrow the government dahil nasa gobyerno na sila. E di makasagot eh. Di categorical masabing yes dahil part ako ng administration I am now ready to renounce violence. E di makasagot ng diretso eh.”
“Ang Kadamay for example. Parang anarchy. Napakaraming problema kaya nakakaawa ang pangulo. Ang katawan lang lahat ito titingnan mo. Mahirap, napakahirap ng sitwasyon natin. Sabi ko nga pag nakapunta ka sa ibang lugar unang tanong mo sa sarili mo, di ba pwedeng maging ganito ang bayan ko? Parang kawawa naman tayo.”

On Duterte admin’s actions vs terrorism:
“Nakita natin ang aggressiveness at determination, ang political will ang pangulo sa Marawi. Yan talagang saludo tayo roon kasi although nagiba ang Marawi, in-address niya ito nang walang hesitation. Agad-agad talaga. At saka kung di yan naapula tulad ng pag-aapula ng pamahalaan, I don’t see where we are now. Baka kumalat na ang Maute. Kasi ito ang caliphate mag-umpisa sa Marawi gagapang at gagapang ito palawak ng palawak hanggang para maging Syria o Iraq ang situation natin. So mabuti ang pag-address, although maraming namatay na sundalo at pulis at maraming kababayan natin nadislocate at namatay, ganoon dapat ang pag-address ng pinuno ng bansa sa ganitong crisis situation.”

On administration’s actions re the West PH Sea:
“Sa WPS may arbitral ruling di naman mababago yan kaya lang hindi enforceable. Ayon sa ginawa nating kaunting pag-aaral, eventually ang countries na natatalo talagang bumibigay pero kailangan ng international pressure. Pero ang posture ng ating administration sa ngayon paano tayo kukuha ng magpe-pressure tayo mismo hindi nagsasagawa o nagpapakita ng effort na mag-e-exert tayo ng pressure.”
“I can see where the president is coming from. Na mas practical ang kanyang approach na anyway wala tayong pang-capital ang resources na naroon sa WPS katakot-takot as long as hindi mag-violate sa Constitution, halimbawa magkaroon ng joint exploration huwag lang tayo bababa sa 60-40 agreement na naaayon sa Constitution sa tingin ko wala namang problema. Para maka-build up din tayo ng sariling capital o yaman kung magkakaroon ng ganoong arrangement. Pero kung bababa tayo malaki problema ng pangulo kasi culpable violation of the Constitution yan kasi parang sinurrender natin ang sovereignty ng ating pag-aari ang sinasabi nating pag-aari natin yan, at nanalo na nga tayo.”

On continued support for President Duterte:
“Sa akin, ang liliwanagin ko lang para maliwanag ang premise o pinanggagalingan ko. I continue to support him kasi ang bansa natin kasi nasabi ko na nga, dumaan na ang napakaraming administration. Ang nakita ko parang more of the same. Ito lang ang nakita kong maski noong kampanya o maski nanalo na parang nakita ko kakaiba ang kanyang uri ng kanyang pamumuno so parang may pag-asa. Kasi pagka hindi mo iniba parang ganoon na rin bansa natin pero pag naiba ang style ng leadership may nakikita akong pag-asang magbago ang kalagayan.”

On President Duterte’s room for adjustment:
“Malawak pa ang room for adjustment. Sa akin ang nakita ko hanggang nakikita ko ang kanyang determination para mapabuti kasi sa tingin ko wala na siyang ibang agenda sa buhay. Kung sa sarili niya lang sinasabi naman niya wala na siyang ibang agenda narating niya pinakamataas, hindi niya akalain maluklok siya sa Malacanang. Every time lalo sa mga ibang meetings na nadaluhan ko nariyan siya pag nagsasalita siya ako pala-observe ako. Di ko lang pinakikinggan ang sinasabi kundi tinitingnan ko body (language?) or how he said things. Nakita ko naman ang sinseridad pag nagsasalita sya, so yan ang tinitingnan ko kaya sinabi ko kanina I’ll continue to support him unless talagang glaring ang kumbaga involved na siya o mismong pamilya o kamag anak sa graft and corruption na talagang kitang kita na, yan ibang usapan na yan. Pero sa nakikita ko sa kanya nakikita ko ang genuineness ang sincerity na gusto niyang talagang baguhin ang Pilipinas.”
“I just hope makapag-adjust ang pangulo lalo na from sabi naman niya noon e sa edad na ito hindi na siya pwede maging statesman. Pero tayo umaasa pa rin na medyo mag-level up nang kaunti ang statesmanship ng pangulo nang sa ganoon maka-contribute nang malaki ito sa pag-unify ng ating bansa. Kasi kung ganoon palagi ang pananalita magwawatak-watak tayo at di tayo magkakaintindihan.”
“Sa social media lang kung magbakbakan ng magkabilang panig maririndi ka eh. Pag bumanat ang yellow at babanat itong sa administration, mahihilo ka, maririndi ka talaga. Di mo maintindihan. Minsan mako-confuse na rin lalo ang mga ika nga walang pinapanigan kundi sariling buhay. Nako-confuse sino ba talaga tama.”
“At siguro more consistency lalo na sa pag-address sa graft and corruption. Di yung iba ang narinig natin iba ang nakikita natin. And I just hope itong bayan natin medyo makaangat nang kaunti kasi talagang uulitin ko, nakakalambot, naiwan tayo at naiwan.”

*****

One thought on “Interview on DZBB | July 1, 2018”

Comments are closed.