
Mapipigilan ang hate crimes na bumiktima sa mga Pinoy sa abroad sa pamamagitan ng mas pinaigting na presensiya ng mga pulis sa mga lugar ng mga ito.
Ito ang nakikitang solusyon at pagsuporta na rin ni Senador Panfilo Lacson, dating Philippine National Police (PNP) Chief, sa panawagan ng opisyal ng pamahalaan sa ibayong dagat upang maawat ang patuloy na pagdami ng mga Pinoy na dinadahas doon.
Una nang hiniling ni Consul General to New York Elmer Cato ang mas pinaigting na presensiya ng pulisya sa mga lugar sa Estados Unidos bunga ng umiinit na anti-Asian hate, kung saan pinakahuling insidente ang naganap sa isang Pinay na consular officer sa New York.
Ayon kay Lacson, malaki ang maitutulong ng presensiya ng mga awtoridad para sa proteksiyon ng mga Pinoy hindi lamang sa US kundi sa iba pang panig ng mundo na kinaroroonan ng mga ito.
Related: Lacson: Greater Police Presence Needed vs Hate Incidents vs Filipinos Abroad
Continue reading “Ping: Pinaigting na Presensiya ng mga Pulis, Tulong sa mga Pinoy Abroad vs Hate Crimes”