Ping: Fighting Criminality and Cybercrime; Flood Control Funds

In an interview on DZRH, Ping Lacson answers questions on:
* Police visibility to prevent crime
* Protecting youths online
* Unfinished and continuing business in the Senate

QUOTES and NOTES:

* RISING CRIMINALITY:

“Ang pinakaayaw nating dahilan, inefficiency or incompetence ng PNP natin. Meron tayong database meron tayong tinatawag na crime statistics. Nandoon lahat, saang lugar na nag-proliferate, saan ang medyo safe. Dapat ang response ng PNP naaayon doon sa datos. Sa lugar na medyo dumadami ang holdapan at dumadami ang krimen, ma-increase dapat ang police visibility. Kasi kung walang police visibility, walang deterrent. Basic yan, sa police manual yan. Kung may command conference yan ang dini-discuss, ang crime statistics. So dapat yan siguro pagtuunan ng pansin ng PNP, ang basics pagdating sa crimefighting or crime prevention.”

“Ang police visibility, deterrent sa crime prevention. Ngayon kung naganap pa rin akg krimen kasi kung di mo maso-solve mauulit yan. Pag na-solve mo, kasama sa crime prevention kasi mape-prevent ang future crime na ma-commit kasi sila-sila rin yan. Ang sindikato pag kidnapper, KFR ang linya. Pag holdap, pickpocket, sila sila rin yan. Kaya dapat talaga kung hindi mo kayang i-prevent, i-solve mo.”

“Sa akin hindi ako naniniwala doon (one/two-strike policy). Basta prevent mo ang crime, papayagan mo maka-strike pa ang mga criminal? Dapat huwag nang hayaan. Kami ginagawa namin dati noon. Pag nakita namin halimbawa sa anti-kotong operation namin, alam namin sa part sa may Balintawak may kotongan, e di doon ka magbantay. Tapos kung halimbawa Divisoria, alam mo doon ang talamak ang kotongan ng pulis doon kami nag-operate. Ganoon din sa crime. Kasi kung malimit ang holdap sa isang lugar sa Makati, e di doon ka mag-police visibility kung di man at least baka naka-civilian, hindi nakauniporme para mahuli. Mainam na talaga ang crime prevention and visibility kasi makakita lang ng patrol car, huwag lang kasabwat ang pulis.”

***

* PROTECTING YOUTHS ONLINE:

“Vulnerable ang ating mga kabataan. Minsan mga 11-12 years old nabibiktima na. Kaya lalo ang pedophiles galing sa foreigners na pedophiles, ang nabibiktima sa atin mga bata. Kailangan magkaroon din ng batas kaukulan dito.”

***

* CYBERCRIMES:

“May advisory lagi ang mga bangko. Sinasabi sa atin, huwag kayong magki-click sa link kasi di sila nagpapadala ng link. Kasi once na-click mo ang link sa nagpapanggap na Gcash, talagang makukuha lahat na mga detalye mo, ang account details at lahat. Siguro personal responsibility dahil may constant advisory sila, pagka may ganoon at di ka sigurado lalo kung unknown halimbawa may phone number lumalabas, huwag ka mag-click, huwag mo sagutin at baka madisgrasya ka.”

“Sa AI. Di mo alam ano ang totoo… Ang technology mabuti pero masama rin. Talagang kailangan 1-2 steps tayo ahead sa mga sindikato.”

***

* POGOs:

“Sa akin kung ano ang batas, dapat sundin. Kung ang batas ay ok ang legal na POGO, wala tayong magagawa kundi sumunod. Pero kung policy ng gobyerno e bawal altogether, wala nang legal o illegal basta bawal, dapat paigtingin naman. At maganda ang ginagawa ng PAOCC under Usec Gilbert Cruz. Talagang sila ang pursigido na habulin ang mga POGO, illegal man o ngayon wala na talagang legal, lahat talagang dapat habulin na.”

.***

* ‘UNFINISHED BUSINESS’ in 2025:

“Hindi lang unfinished business, continuing business. Ang budget natin medyo nami-miss ko pagbabantay ng budget. Lalo ngayon budget season. Gusto ko sanang mag-interpellate kasi marami tayong nakitang pagmumulan ng pag-aksaya ng pera. Nakapaghinayang kasi napakalaki na ng nawawala.”

Sa bicameral conference committee, dapat talaga may transcript at minutes. Dapat transparent, at may observers… Ang panukala ko doon dapat may presence ng CSO and NGO pati media. Para manood at marinig ang pinaguusapan ng mga congressmen and senators during the BCC meeting. Hindi yung roll call, tapos acknowledgment, tapos suspend. Pag nagkita uli, pirmahan na. So dapat in between may series of meetings na may nanonood. Parang sa plenaryo may tao sa gallery, mapapanood ang interpellation.”

***

* FLOOD CONTROL FUNDS:

“Pagkatapos ng bagyong matindi, pagka ikaw nagda-drive maiinis ka sa laki ng potholes, parang palanggana. E bakit? Ibig sabihin, substandard ang materials na ginamit. Kasi saan babawiin ng contractor ang kanilang puhunan kung ang malaking bahagi ng kanilang budget ay mapunta sa commission? Siyempre babawi sila sa materials.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading