In an interview, Sen. Lacson answers questions on:
– pork in the 2019 budget
– fate of ‘missing-in-action’ mayors in Ompong-hit areas
– Bato dela Rosa’s prospective entry into politics
Quotes from the interview…
On senators’ unity to find pork in 2019 budget:
“I think so. Based on what I heard during our caucuses at mga pronouncement nila sa inyo, mukhang maraming makakatulong ngayon para maghanap pa. At hindi pa tayo tapos dito. Ang na-identify lang natin sabi ko nga nagpapasalamat kami sampu ng aking staff dahil di na kami maghahanap sa nabulgar na. Pero hindi pa rin tapos ang trabaho. Maghahanap pa rin kami sa ibang items sa budget. Remember we’re talking of P3.7 trillion.”
“(Kung) napag-aralan na ng DPWH e lumalabas di viable ang proyekto at kukuwestyunin namin kung tuloy pa ba popondohan yan dahil di naasikaso ang slope protection at RROW. Lalo itong ni-realign ng kongresista identified with Speaker Arroyo, lalong walang pag-aaral na ginawa doon kasi capricious nga eh. Biglang inalis ang P51.792B from DPWH at nilagay kung saan-saan. Nilagay sa DA, DepEd, tapos sa DPWH.”
“Tatanungin natin meron bang pagkokonsulta bang ginawa sa ahensyang concerned, na ito ba dumaan sa masusing pag-aaral ng ahensya. Kung wala, yun yung may grave abuse of discretion on the part of the congressmen na naging proponents ng realignments. Kasi anong pinanggalingan halimbawa ng P5B na gagamitin sa farm-to-market roads? Saan ba ang farm-to-market roads na yan? Pinag-aralan ba ng DA yan? Yung mga ganoon.”
“Kung walang pag-aaral at walang basehan dapat slash yan. O i-realign sa ibang items. Pwedeng doon sa mas nangangailangan. At ito narinig ko rin ang pronouncement ng mga kasamahan ko. Mukhang magkatulong-tulong kami ngayon para tingnan mabuti ang viability at katuturan ng mga bagong proyekto na pinaglagakan ng pondo na galing sa P51.792B.”
“Kung makita natin yan pag submit nila ang GAB House version sa amin tatanungin namin ang ahensya, DepEd, DA, DPWH. Ano bang pag-aaral ginawa nyo rito?”
“Pinag-aralan ba ang mga proyektong yan? Bubuhusan mo ng pondo, bilyon-bilyon, anong pag-aaral ang ginawa ng mga ahensyang mag-implement dapat ng mga proyekto? Masasayang yan. Halimbawa di na-settle ang RROW paano sisimulan ang proyekto? Halimbawa may bangin at hindi nagawa muna slope protection matatabunan ang kalsada. Or hindi ma-implement.”
“Let’s face it. Kaya pinag-aawayan ang pork barrel, kasi may commission eh. Pag nakausap mo contractors at ako nakakausap ko mga contractors, bumaba yan naging 10% sabi nila 10% sa mambabatas, pero meron pa rin sila sine-shell out sa mga ahensya. So ganoon pa rin, give or take nasa 20% pa rin natatapon sa corruption dahil sa pork barrel.”
“Dati mga 20, ang matatakaw 30-40 kaya laging sira ang kalsada natin.”
“Yung nasa original sa NEP na P51.792B apparently dumaan sa pag-aaral ng DPWH whether or not may coordination with several congressmen identified with former Speaker Alvarez, at least yan may pag-aaral na ginawa o pagpaplanong ginawa ang DPWH.”
“In this case dahil inalis nang buo at nilagay kung saan-saan at umaangal naman ang executive branch kasi nagpunta si Executive Secretary, Secretary of Budget, Secretary of Finance para i-pacify sila at sabihing huwag nyo galawin yan kasi president’s budget yan. Ngayon tinuloy pa rin nila by way of some technicalities. Nag-form sila ng committee of the whole para ma-takeover nila kung saan ilagay ang budget sa mga proyekto. Lalong walang coordination yan. I’m almost sure walang coordination kasi nga nag-object ang executive branch.”
On House infighting for ‘pork’:
“Lubos kami nagpapasalamat sa mga nagbangayan at muntik nang magsuntukan na kongresista dahil napadali ang trabaho namin. Sa halip na magsunog kami ng kandila para hanapin kung saan naka-lodge ang pork na hinihinala namin, sila na mismo nag-expose.”
“Ngayon malinaw at nakita natin paano ni-realign ng grupo ni Rep. Andaya kasi ang P51.792 billion na naroon sa NEP at hinihinala nila na may kinalaman ang grupo ni dating Rep. Alvarez at may kanya-kanya silang proyekto roon. So ginawa nila kinaltas nila ang P51.792 at nilipat ang P31.5 billion sa DPWH pa rin. Pero iba na ang items.”
On SC ruling on pork:
“All informal practices of similar import and effect, which the Court similarly deems to be acts of grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction” are declared unconstitutional.
On whether approval of 2019 budget may be delayed:
“As much as possible ia-avoid namin maging reenacted ang budget. Kasi masama yan. Anong proyektong gagawin mo kasi walang approved na budget? For the time being na di ipapasa ang budget, magre-reenact tayo for seveal months, hindi yan maganda para sa pamahalaan.”
“Kung hindi maipapaliwanag, at dito sa tingin ko magiging katulong namin ang mga ahensya involved especially DPWH. Kasi unang tatanungin namin sa kanila alam nyo ba ang mga proyektong ito at saan-saan ba ito? Definitely ako I’m quite sure di nila identified ano ang mga proyekto. Kasi kung titingnan mo at face value, yung ginawang committee report ni Rep. Andaya at siya ang kumakatawan sa committee of the whole, e mga lump sum eh. Sabi nila saka na lang daw ipapakita ang itemized na proyekto pero tingnan natin kung saan ang mga itemized projects.”
On probe on mayors in Ompong-affected areas for being missing in action:
“Let’s leave it to the DILG. Sila nakakasakop.”
“Negligence or parang being insensitive. Kasi araw-araw nakakarinig tayo ng kalatas sa DOST, sinasabi ito ang bagyo malakas tapos aalis ka sa bayan mo? Ako kung di justified, unless talagang life and death situation kaya siya nawala sa kanyang bayan dapat talaga papanagutin ang mayor na wala sa kanyang lugar noong nangyari ang bagyo.”
On Bato dela Rosa’s preparations to enter politics:
“Dito naman kailangan mag-aral ka lang. Hindi naman porke’t law enforcement ang exposure mo kalimutan mo lahat na ibang aspeto. Ako yan pinanggalingan ko pero nakukuha naman sa pag-aral. Magbasa ng magbasa, makinig ka sa kasamahan mo, at gawin mo trabaho mo, matututo ka.”
“I’ve known him to be a competent public servant to say the least. Kasi naging under siya sa akin sa PAOCTF Mindanao task group.”
*****