In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
– proposed Anti-Terrorism Act of 2018
– safeguards in surveillance of suspected terrorists
– why the current anti-terrorism law is among the weakest in the world
Related: Lacson Bill Gives Government Stronger Teeth vs Terrorism
Quotes from the interview…
On safeguards regarding surveillance of suspected terrorists:
“Kailangan may mga basehan. Di lang ang capricious o whimsical sa national security officials natin.”
“Bago makakuha ng judicial authorization para mag-conduct ng surveillance, kailangan may written authority from the Anti-Terrorism Council. So may safeguards ito. At siyempre kailangan may ia-apply na court order patungkol dito.”
“Di makakakuha ng court order kung di kumpleto ang requirements. Hindi mag-i-issue ang judge or Court of Appeals ng judicial authority kung kulang. At ito ipo-process ng secretariat ng NICA, kasi sila magbubuo o magpo-process ng mga kinakailangang mga basis para aprubahan ng ATC.”
“Una, dapat naka-specify siyempre kailangan ng korte yan. Pangalawa ang kinakailangang information lang ang pwedeng magamit. Pangatlo di pwede i-divulge ito. Idedeposito sa court at ilalabas ito pag kailangan ang kaukulang ebidensya pagka meron nang trial na mangyayari. So classified ito. Naka-deposit ito at di pwede gamitin. At ang irrelevant na information na pumasok sa surveillance na ginawa e hindi pupuwedeng isama at ito ay mananatiling classified.”
On the need for court order to conduct surveillance:
“In the absence of a court order or authorization, hindi pupwede mag-conduct ng surveillance. Aasa lang sila sa tinatawag na mostly human intelligence, at mga dokumento. Halimbawa meron silang na-raid na lugar tungkol sa ibang kaso at kailangan ng follow-up, may nakuha silang document o may nakuhang materials na pwedeng gawing basehan para mag-conduct or mag-apply ng judicial authorization para mag-conduct ng surveillance sa ibang selda.”
On the present Human Security Act being among the world’s weakest anti-terror laws:
“Unang una, 11 years old na ang HSA at wala pang na-prosecute maski isa. At nakita lang nating implementation nito yung pag-proscribe sa Abu Sayyaf na isang terrorist group. Yan lamang ang naging accomplishment.”
“Nakipagugnayan kami sa iba’t ibang jurisdiction notably Australia… sa Amerika, sa Indonesia, Malaysia, tayo ang may pinakamahinang batas at halos walang ngipin ang HSA or anti-terrorism law.”
“Ang malungkot pa nito, may provision doon na nagmumulta sa pagkaroon ng false prosecution ng P500K a day, ang ating law enforcers… Sa halip na mag-file ang ating law enforcement agencies ng violation ng HSA magfa-file na lang sila ng multiple murder or illegal possession of explosives kasi walang nakatalaga roon na provision na mamumulta sila kung ma-acquit ang tao.”
“Meron naman talagang nakasaad sa batas at discretion na ng korte kung maglalaan ng damages ang kaukulang ahensya o awtoridad na nag-abuso at nagkaroon ng false prosecution. Iwanan na lang sa korte yan.”
On the possibility of the Marawi siege being prevented if the HSA had more teeth:
“Kung possibility ang titingnan e sasabihin ko, oo. Kasi tulad niyan, ang nangyari sa Marawi, while may mga information na pumapasok, hindi naman nila magamit ang kaukulang information dahil kung nag-conduct sila ng technical surveillance e di naaayon sa batas yan.”
“Kung … sa batas pwede mag-conduct ng electronic surveillance at ito ay magagamit nila sa kanilang finile na kaso mas lalakas ang kanilang pruweba para ma-prosecute at ma-convict ang kanilang nahuli.”
*****