
Patapos na ang matagal at nakakainip na paghihintay.
Ito ang mga saloobin na baon pauwi ng mga residente ng Batangas na nagtungo sa tanggapan ni Senador Panfilo Lacson sa Senado, tangan-tangan ang mga kopya ng mga dokumento para sa lupaing pag-aari nila na tinamaan ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang mga residente na pawang mga magsasaka ay kabilang sa tinatayang 140 pamilyang nagmamay-ari ng mga lupain na nahagip ng road right-of-way (RROW) na tangay ng mga proyektong imprastraktura ng naturang ahensiya na magpahanggang ngayon ay naghihintay na mabayaran sa perwisyong inabot alinsunod sa batas.
Bagama’t naging emosyonal ang simula ng meeting ng mga residente at kinatawan ng DPWH, nakahanap sila ng “middle ground,” ayon kay Lacson.
“I advised the Regional Director of the DPWH Region IV-A to simply find a solution instead of arguing and looking for problems. There’s P250 million in ROW appropriations for the Batangas project and there should be no reason to make those poor souls wait,” ani Lacson.
Related: Long Wait for Compensation Finally Over for ROW-Affected Landowners in Batangas
“I will continue to urge the DPWH leadership to render justice especially to the poor claimants who don’t have the wherewithal to have their claims processed and finalized,” dagdag ng mambabatas.
Una nang nadiskubre ng mga tauhan ni Lacson na hindi pa nababayaran ang mga ito sa kompensasyon para sa mga lupaing dinaanan o tinamaan ng proyekto nang ang mga ito ay magsagawa ng personal na inspeksiyon sa mga lugar na apektado.
Sa tulong ng tanggapan ni Lacson, nag-usap ang mga may-ari ng mga lupain at ang regional director ng DPWH na nakakasakop sa mga proyekto sa mismong tanggapan ng mambabatas at doon ay nangako ang opisyal ng mabilis na proseso sa mga dokumento.
Kabilang sa mga nakipagdayalogo sa mga magsasaka ay si DPWH IV-A (Calabarzon) Regional Director Samson Hebra.
“Many of the landowners have been suffering for so long because they do not have the wherewithal to hire an attorney,” dismayadong nabanggit ni Lacson, matapos masaksihan sa budget deliberations sa Senado kung paano tinatrato ng DPWH ang naturang problema.
Mahigpit ding ibinilin ni Lacson na personal niyang tututukan ang pag-usad ng bayaran.
“Hindi magagamit ng tao ang paliwanag. Mas maganda kausapin ang tao,” dugtong pa nito.
*****
Tanong ko lng po, yong mga road widening project ng dpwh, my bayad po ba yong mga lupang natatamaan ng project na to. Nagtatanong lng po?
Kelan pa ba hindi sila nabayaran?
Sana po Hindi lang sa Batangas ang tutukan kundi maging dito sa Quezon at iba pang probinsya.