
Malaki na ang ipinagkaiba ng ugali ni party list Rep. Anthony Bravo sa kasalukuyan mula noong 2016 bilang isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson matapos na makisawsaw si Bravo sa usapin ng individual at institutional amendments sa pambansang gastusin para sa 2019.
Ayon kay Lacson, noong una niyang makadaupang-palad ang naturang kinatawan ay hangang-hanga siya sa pananalita nito.
“First time I met Cong. Anthony Bravo in 2016, he came across as genuine, sincere and credible. I normally am a good judge of character, but looks and first instance demeanor can be deceiving sometimes,” dismayadong pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Related:
‘Can You Do the Same?’ Lacson Dares Congressman to Disclose Budget Amendments
On Rep. Bravo’s insinuations in defending the House’s pork
List: Institutional Amendments Proposed by Sen. Lacson in the 2019 Budget
Bago ang nabanggit na pahayag ni Lacson ay una nang nagsalita sa media si Bravo at binatikos pa nito ang terminong institutional amendments na ginagamit ng Senado sa pagtasa sa badyet sa bicameral panel.
Binanggit din nito na bakit hindi umano ilahad ni Lacson ang kanyang mga amendments na nagpapakita lamang na hindi nito namo-monitor ang hakbang ng senador kaugnay sa pambansang badyet.
Sa pag-umpisa pa lamang kasi ng bicameral panel meeting, inilahad na ni Lacson ang kanyang mga institutional amendments na bunsod ng opisyal na kahilingan ng mga ahensiyang nagpapatulong sa kanya.
“Mr. Congressman, I already made public all my amendments in the 2019 national budget. Can you do the same?” tahasang tugon ni Lacson kay Bravo sa kanyang Twitter account.
“Ever since, I submit to the chair of the Senate Committee on Finance in official written form all my amendments to the annual budget bill for one very simple reason: I have nothing to hide since they are all institutional. In fact, I take pride that my amendments benefit no one else but the agencies concerned,” ayon pa kay Lacson.
Ang institutional amendments ay alinsunod sa mga umiiral na batas at pinagplanuhan nang husto, kumpara sa individual amendments na base sa “intervention” at maaaring hindi dumadaan sa normal na proseso ng patakaran sa badyet.
*****