Interview on DWIZ | Feb. 2, 2019

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– passage of the 2019 budget; accusations of Rep. Bravo
– reported air strikes vs groups such as the ASG and BIFF
– reported involvement of suicide bombers in the Jolo bombing

Quotes from the interview…

On expectations on the 2019 budget:

“Yan ang napagusapan. Kasi mag-a-adjourn na kami although hanggang Friday talaga ang bago mag-break, di Wednesday ang last day ng session. Kung talagang kakapusin kami ng oras at araw pwede kami mag-extend hanggang Biyernes. At medyo maluwag yan basta maayos pagusap ng 2 chairpersons. Pinabayaan namin sila mag-usap at babalikan kami. Tama ang napagusapan lahat ayon sa aming kasunduan ng buong bicameral conference committee.”

On accusations of Rep. Bravo:

“Yan ang masama kasi hindi siya makatotohanan eh. Pati ang kasamahan ko pinapansin ko rin ang individual insertion. Ako ang naglabas mahigit P23B na individual amendments. So hindi ko alam bakit conveniently skip niya ang portion nay an at sinasabi niyang one-sided ang tinatawag ko lang na individual insertion sa HOR. So sana maging makatotohanan siya at huwag siya magsinungaling.”

“Sabi niya may amendment din daw ako na sikreto. E matagal ko na noong isang linggo ko pa ginawang publiko ang lahat na amendment ko kasi di naman ako nahihiya sa aking mga amendment wala dapat itago dahil walang nakikinabang sa aking amendment kundi ang ahensya na siya mismo nag-request sa akin kung pwede ma-augment ang kanilang mga budget.”

“Una ko siya nakilala noong 2016, nang nangangampanya. Sayang kasi he came across para sa akin unang pagkakita ko sa kanya, nag-tandem kami sa pag-file ng bill sa free irrigation dahil yan isang advocacy niya. Sabi ko willing ako tumulong. Ako mag-file sa Senado. At naging batas na nga yan. Ang dating sa akin noon sincere genuine at credible, e lumalabas mali ang pagkakilala ko sa kanya. Sinungaling pala para lang ma-serve ang purpose niya.”

“Kung magiging suspitsyoso ako yan lang ang pwedeng dahilan, kasi maaring natamaan ang kanyang ini-insert doon at ako ang binabalikan niya. E sa akin di pwede itago sa pork barrel kasi mula’t sapul talagang yan ang advocacy ko at nilalabanan ko kaya nagtitiyaga akong magpagod pati staff ko, para talagang maiwasan. Alam moa ng national budget ang tingin ko riyan yan ang lifeblood ng ating economy ng ating bansa kung hindi ng bawa’t Pilipino. Kung pababayaan nating bababayuin ang national budget, tayo din naman ang tinatamaan kasi maraming naaksayang pondo kaya ganoon na lamang ang paghahalaga ko sa pagsusuri.”

Counter-challenge to Bravo to make public his ‘insertions’ in the budget:

“Hindi lang sa kanya kundi lahat na nag-introduce ng individual amendment o institutional man. Isapubliko nila para kayo na maghusga, publiko, media, kung ang mga amendment institutional o individual o ito ba ay matatawag na pork barrel o hindi. Ipaubaya sa publiko, hindi ang magdadamay ng maling pamamaraan at pamamagitan ng kasinungalingan.”

“Oo kasama yan sa mahigit 23B. Pag pinagsama-sama mo yan at yan sa budget pa lang ng DPWH. Hindi pa kasama ang nasingit sa iba’t ibang ahensya pa. Ang 23B mga senador lang yan dahil lumobo lang yan sa Senate version. So may hamon ako kung pwede lahat kaming nag-introduce ng amendments, institutional man o individual, dapat isapubliko namin. Ihayag sa media o kaya i-post sa websites namin.”

“Nasa sa kanila na magsapubliko ng amendments, hindi para sa akin magsapubliko. Sa akin naman ang purpose ko kaya nilalabas ko ganoong kalalaking insertion like sa isang probinsya higit 3B, may 2.7B ,2.3B, ito sa Senate version. So ito sa mga kasamahan ko sa Senado. So sa kanila kung gusto nila isapubliko pero sa akin ang gusto ko lang mangyari maging aware naman ang iba o kasamahan ko rin na maski gaano ka-subtle ang ginawang amendments, madaling makita kung napagaralan ang budget.”

On Sen. Recto’s statement that senators also have local constituencies:

“Tama naman yan. Kasi may lumalapit sa kanila na mayors, governors humihingi ng proyekto. Ang sa akin naman ok pagbigyan pero magkonsulta sa ahensya na mag-implement, otherwise di kasama sa planning yan. At kung hindi kaya implement ng ahensya na mag-implement, alam natin pare-pareho di pwee magimplementa ang senador o congressman, ang mag-implement, DPWH, DA o kung anumang ahensya. So dapat either manggaling ang request sa ahensya or kung initiative ng senador o kongresista dapat makipagugnayan a ahensya, maglalagay ako sa inyo ng ganitong budget kaya ba ninyo ito implement or baka may duplication pakitingnan nyo ito. Kung nangyari yan, walang problema roon. Ang masama kung walang consultation doon ko sinasabi nagiging arbitrary at whimsical ang amendment.”

“Tulad ng pinakita ko nang nag-interpellate ako sa budget ng DPWH di ba napakaraming accomplishment nila wala pang 1%? Ganoon ang nangyayari kapag ang amendment walang coordination o consultation sa mga ahensyag dapat mag-implement ng proyekto.”

Possible scenarios on the 2019 budget:

“Kung hindi makakapasa ang 160M bawa’t congressman pag-compute mo easily that’s already 48B. E hindi pa kasama roon ang 51B na kung kani-kanino na lang napunta at di sa lahat na kongresista. Pag pinagsama mo yan 51 and 48 imagine moa ng individual insertion papalo na siya ng kulang-kulang 100B. Ano maiwan sa national budget kung puro individual insertion ang naroon sa budget na 100B? Hindi pa kasama ang sa senador naman na malaking halaga rin.”

“Talagang dapat maaprubahan ang budget. Pero kung budget na katakot-takot ang pork barrel, kawawa rin naman ganoon ang magiging implications.”

On SP Sotto’s suggestion for a reenacted 2018 budget:

“Nakabuti nga ang pahayag ni SP Sotto. Kasi napansin namin pagkatapos ng pahayag na kung ganyan din lang iwi-withdraw namin ang Senate version at mag-reenacted tayo. E pagkatapos noon pagpunta namin sa bicam, biglang lumambot ang kabilang panig. Sabi nila sige kailangan ipasa natin ito. Anong implication? Sabi nga ni SP Sotto dahil sinabi niya yan, mawawalan silang pork.”

“Kaya natatawa si SP Sotto na sa pahayag niya biglang nagbago ihip ng hangin at parang biglang balik ang kabilang panig sa bicam… Talagang maraming mawawalan. At lahat mawawalan hindi marami. Kung may pork na nakasingit doon yan ang … although di sila mawawalan dahil naka-embed ang 100M each sa NEP. Pero ang mawawalan ang mga kaalyado ng bagong liderato kung saan may 2.4, 2B mahigit, 1.9, yan ang medyo matatamaan.”

On a possible special session:

“Payag naman kami roon basta maaprubahan lang at hindi magtagal ang reenacted ang budget. Dapat huwag nang umabot ng bago mag-election o kaya pagkatapos ng election pagbalik namin ng Mayo, huwag umabot sa ganoon at pagbalik namin sa isang linggo kasi abutin kami hanggang Biyernes, iratipika na at ma-enrol ang bill, mapirmahan ng Pangulo.”

On reports of an Indonesian suicide bomber in Jolo bombing:

“Alarming. Kasi kung babalikan natin ngayon lang nagkaroon ng suicide bombing sa PH. Dati nakatanim ang bomba, remote control. Pero ngayon lang kung totoo na positibo ang sinabi ni Sec. Ano dapat mabahala tayo dahil mas lalong deadly, masyadong lalong dangerous ang situation pag napasok tayo ng suicide bombers. At ang masama, kapag natutuhan ng kababayan natin at hindi na foreigners ang nagsasagawa ng suicide bombing yan ang lalong nakakapangamba kasi madadalas yan. So mas mainam nang naka-focus ang kapulisan at AFP I understand nag-form sila ng composite task force sa Jolo bombing, sana if I may suggest, may tinatawag na crime scene reconstruction na kung saan ito ay isang forensic na sistema sa forensic investigation, kung saan disiplina, nire-reconstruct ang crime scene na parang ang lahat lilinaw ang takbo ng pangyayari before, during and after the bombing.”

“Natandaan ko noong nagkaroon ng Rizal Day bombing 2000, Chief PNP ako noon, nakita mismo ng 2 mata ko magaling ang ating taga-Crime Lab pati mga taga-Army, forensic teams ng NBI, nakita kong naibalik nila ang bomba na sumabog noon sa original form. At doon mo makikita ngayon kung kaninong signature ito. Sp nagkakaroon ng lead. Ibig sabihin methodical and systematic ang sinasagawang investigation sa ganitong klaseng krimen. Sana and I am confident ginagawa yan ng mga nagsasagawa ng forensic exam sa crime scene sa Jolo Cathedral.”

“Kaya nila yan. At sa tulong ng accounts ng witness. Mas importante rito ang physical evidence, ang scientific investigation more than anything else. Bomba ito at kung kaya nila ma-reconstruct lahat-lahat di lang mismo ang bomba kundi ang mga relative positions ng possible suicide bombers, mas liliwanag ang istorya. At ito kung masususugan ng intelligence work kung saan may information papasok, doon mabubuo. Sa Rizal Day bombing, nahuli mismo ang Indonesian na nag-mastermind noon at pagkaalam ko narinig ko na-convict na yan although hindi na kami nakahuli kasi nawala na si President Erap noong January 2001 pero ang lead na na-estalish namin yan ang na-pursue ng susunod na liderato ng PNP at NBI at naka-file ng kaso. Pero doon halos nanggaling sa effort ng original na nag-imbestiga.”

On the passage of an Anti-Terror Law:

“Ang amendments ng Human Security Act o anti-terrorist act may naka-ready na akong committee report baka sa 1 linggo ma-report out ko na ito at maumpisahan ang debate. Kung natandaan mo di ba nagkaroon kami ng ilang committee hearing. Nabuo na yan at meron kaming committee report at naipaikot na ito noong isang linggo noong nakaraang linggo, at sa pagpasok namin Lunes o Miyerkules ma-sponsor na ito sa floor. Hopefully mapagdebatehan ito pagbalik namin ng Mayo maipasa at bago kami mag-adjourn ng Hunyo.”

On air strikes vs ASG and BIFF:

“Hindi naman sila basta magbabagsak ng bomba kung walang ground intelligence. So sa akin tama yan, no letup kasi baka naman mamaya kung lumamig ang issue mag-relax ang military at pulis, maka-regroup ang ASG. Kung pinpointed ang kinalalagyan, I would suggest na tuloy lang pero … mas maganda ang kung talagang alam at kumpleto ang intelligence, i-commando na lang, gamitan ng special forces o Scout Rangers natin at saka PH Marines ang sanay sa ganoong pakikipaglaban o pakikipagdigma, nang sa ganoon walang masyadong madamay na civilian. Ang bomba kasi pag binagsak mo hindi mo sigurado kung may madadamay na inosenteng civilians.”

“Dapat alerto sa buong PH dahil kung napasukan talaga tayo ng foreigner na suicide bomber medyo indiscriminate yan. Pwedeng maski sa ibang lugar mangyari yan dahil suicide bombing ang pinaguusapan natin e alam natin nangyayari sa ibang bansa pag suicide bombers anytime pwede mag-strike eh. Katabi mo lang yun pala suicide bomber na. So ang vigilance di lang ng awtoridad kundi pati ng kababayan natin dapat makisama at maging mapagmatyag at mag-report agad pag may nakitang hindi pangkaraniwang bagay. Ang nangyayari kasi habang mainit ang usapin nariyan ang vigilance pero later on pag medyo lumamig ang usapin baka mag-relax e doon mag-strike ang terorista.”

On HOR rules on SALN:

“Public document yan, may iba-ibang kopya eh. May kopya sa Ombudsman. May kopya sa opisina, may sariling kopya, so ano pa bang dapat itago e public document naman yan?”

“Diskarte ng House yan at kung anong napagkasunduan nila bilang independent na body rin, nasa kanila yan, mahirap mag-ascribe din kung anong motibo nila. Siguradong may dahilan sila roon. At kung mapupunta sa Senado ang ganyang parehong usapin at mapagusapan namin simple lang ang … niyan. Public document yan, di natin sariling kopya yan. Pwede sila kumuha ng kopya sa Ombudsman o ibang ahensyang nakalagak ang kopya ng SALN. So wala rin tayong magagawa. Na-publish pati gastos ng senador walang problema doon.”

“(Kung ang concern, ita-tamper ng media), wala sigurong media gagawa ng ganoon. Walang makiking sa programa nila o magbabasa ng dyaryo nila o kaya manonood sa news nila kung kitang kita na tina-tamper nila. Anong magiging dahilan? I don’t think so. And I think media is responsible enough para naman magka-issue babaguhin mo ang official document? Bawal din sa batas, pwede sila mademanda niyan. I don’t believe so na valid ang reason na baka i-tamper ang ilalabas sa media.”

*****