Level Up na Krusada ni Ping: Pondohan ang Proyektong Kailangan ng Tao

DPWH_Committee Hearing_Nov12 (1)-16
Drones may again play a major role in helping Sen. Lacson check ‘pork’ projects in the 2019 budget, like in 2018. This year, Lacson is aiming to make greater headway against ‘pork’ and the warped budget process.

Dahil mulat na ang publiko sa pag-abuso sa kaban ng bayan bunga ng patuloy na pag-iral ng pork barrel sa mga mambabatas, lumilinaw na ang pag-asang magamit ang pondong napupunta sa mga ito sa tama at dapat na pagkagastusan.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, itutuloy niya ang kanyang krusada laban sa pork barrel at ang susunod na yugto nito ay ang kampanyang masunod ang tamang budget process upang matukoy ang mga prayoridad ng pagkakalooban ng pondo.

“It is high time we eliminate the obvious disconnect between the needs and priorities of the countryside local government units and the expenditure program at the national level, due to the absence of consultations,” banggit ni Lacson.

Related:
Privilege Speech: Living Without Pork (Part II)
On the Senate Caucus Involving the 2019 Budget
Lacson Readies More Headway vs ‘Pork,’ Warped Budgeting Process

Karaniwan itong nangyayari dahil ang mga mambabatas na nagsisingit ng pondo para sa mga proyektong nagnanais na ipatupad sa mga distrito o sektor na kinabibilangan ng mga ito ay hindi naman dumadalo sa mga konsultasyon at basta na lamang nanghahagilap ng mapagkakagastusan oras na maisumite na ng Malacanang ang pambansang badyet.

“Because of this disconnect, district representatives – instead of attending and participating in the formulation of local development plans within their districts, where they are members of the Local Development Councils – opt to arbitrarily make insertions during the authorization phase, without due regard to the needs and priorities of the LGUs within their districts,” pagbubunyag pa ni Lacson.

At dahil tapos na ang pambansang badyet, aakyat na rin ang pagsisiyasat ng mambabatas sa mga proyektong tinukoy ng kanyang mga kasamahan kaakibat ng insertions ng mga ito sa pambansang gastusin.

“Life goes on! We lost the vote on β€˜pork’ insertions in the 2019 budget and we respect the will of majority of our colleagues. I guess our drone will again be very busy flying later this year to oversee how those ‘projects’ are implemented, if at all,” dagdag pa ng mambabatas sa kanyang Twitter account.

Nitong nakaraang taon, ilang beses na nagpalipad ng drone sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga tauhan ng mambabatas para maidokumento ang totoong estado ng mga proyekto kumpara sa mga dokumentong isinusumite sa kinauukulan tungkol sa mga ito.

At matapos ang imbestigasyon ay nadiskubre nga ng tanggapan ng mambabatas na may mga proyektong hindi pa naumpisahan at mayroon namang pinabayaan na lamang matapos na umpisahan.

Sa 2019 budget, ibinunyag ni Lacson ang P160 milyon na “pork” kada kongresista at P23 bilyon para sa ilang senador.

Bagama’t na-retain ang mga halagang ito sa 2019 budget, nagkaroon ng pag-usad sa pagtanggal ng pork sa pambansang gastusin.

Ani Lacson, inalis ang appropriation para sa flood control, kasama ang dredging at desilting, at na-realign ang pondo para sa capital outlay para sa pagbili ng dredging machines.

Dagdag ni Lacson, in-adopt ang realignments ng Senado at ang kanyang institutional amendments, na kinabibilangan ng:

* 240-day-a-year school feeding program for wasted and nearly wasted schoolchildren
* additional allowance for teachers
* some appropriations cover for laws passed regarding our age old veterans
* augmentation budget requested by the judiciary
* activation of an infantry unit to fight terrorist groups in Mindanao.

Ang mas mahalaga, ani Lacson, ay naging mulat ang tao sa isyu ng pork barrel.

“If we follow the budgeting process in its proper form, local government units will have a say in the planning of projects, and will not be left behind,” ani Lacson.

“Even better, these projects will create local jobs so residents need not leave for Metro Manila or other urban centers to find work,” dagdag ng mambabatas.

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.