Ping sa Pork: Makakatulog na Ako nang Mahimbing, Nabantayan Ko ang Badyet

spml-bw

Makakatulog na nang mahimbing sa gabi si Senador Panfilo Lacson kung ang pag-uusapan ay ang pagbabantay niya sa kaban ng bayan laban sa mga wala sa lugar na paggastos at paghahangad ng mga kasamahan na kumupit sa pondong ito.

Nararamdaman na kasi ng mambabatas na nagiging epektibo na ang naumpisahang krusada laban sa pag-abuso ng mga kasamahan sa pambansang gastusin ng pamahalaan dahil sa katakawan sa pork barrel.

Ayon kay Lacson, bilang isang mambabatas ay kabilang sa kanyang sinumpaang obligasyon sa publiko ay ang mahigpit na bantayan laban sa pang-aabuso ang taunang gastusin ng pamahalaan.

“If by exposing all attempts by some lawmakers to go around the Supreme Court ruling declaring pork as unconstitutional, thus stymieing the selfish interests of those elected to perform their legislative duty, I’ll be able to sleep soundly at night knowing that I’ve done my share in guarding against unnecessary wastage of public funds that has prevented our country from taking off and become competitive,” pahayag ni Lacson.

Related: Lacson: Exposing Attempts to Sneak Pork into Budget Part of Patriotic Duty

Hindi na rin pinapansin ng mambabatas ang mga kasamahang nagmamaliit sa kanyang krusada dahil kabilang sa mga mahahalagang tungkulin ng mambabatas na siya ang nag-umpisa ay ang pangalagaan ang budget na nagbibigay-buhay sa pamahalaan.

“My critics would claim I am just making a lot of noise but I do not let such negative comments affect, much less stop me. This is my biggest advocacy because the budget is the lifeblood of the nation. If this blood is taken away, the nation may suffer from anemia, or even a stroke,” dagdag pa ni Lacson.

Ang pork barrel, na umpisang ikinampanya ni Lacson na buwagin noon pang 2003 sa kanyang unang termino bilang senador ay pinagmumulan ng kickback, ga-bundok na komisyon at mga ghost employees.

“It’s bad enough that much is lost to corruption. But it’s worse that more is lost to incompetence, where the lack of planning leads to the haphazard – and potentially deadly – implementation of projects,” diin pa ni Lacson.

“We pay our taxes and some of us even go hungry because we do not have enough left to buy basic necessities. A recent post about a pupil using an improvised ball pen because he could not afford one went viral. Why do such things happen? Because there are those who steal from the budget,” dagdag nito.

Bawa’t taon, nagtiyatiyaga si Lacson sa linya por linyang pagsusuri sa mga panukalang badyet na nagmumula sa Ehekutibo at Kamara na ipinapasa naman sa Senado, kung saan limpak-limpak na pondo ang nadidiskubring inilalaan sa hindi klarong pagkakagastusan.

Kamakailan lamang, ibinunyag ng mambabatas na bagama’t ratified na ang bicameral report sa 2019 budget, nagtatangka pa rin umano ang kampo ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na butingtingin ito upang madagdagan pa ang hahamagin na pork barrel.

*****