Paalala ni Ping sa Publiko: Pag Nakakita ng Sibilyan na may Sukbit na Baril, Isumbong Agad sa Pulis!

Kailangan nang buklatin ang mga nilalaman ng mga umiiral na batas ng bansa tungkol sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril sa labas ng tahanan, bunga na rin ng paparami na insidente ng pamamaril.

Bukod dito, binabanggit din ni Senador at dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson na kailangan nang ibahin ng publiko ang kanilang pananaw sa mga sibilyan na nakikitaang nagdadala ng baril sa labas ng tahanan.

“Presently, when we see persons in civilian attire with firearms bulging from their pants, we just assume they are police or military personnel. It should be the other way around. If we see someone in civilian attire and with a firearm, we should instinctively assume the person is up to no good, and report him or her to the nearest police station,” pahayag ni Lacson.

Binigyang halimbawa ni Lacson ang mga ginagawa ng awtoridad sa ibayong dagat na maski mga pulis, depende sa lugar, ay hindi nakikitang nagdadala o may sukbit na baril sa baywang katulad lamang ng kadalasang nakikita sa Hong Kong.

Related: Lacson: Time to Revisit Mindset, Laws on Firearms after Latest Shooting

Noong Martes, isang alagad ng batas – si Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay – ang nabiktima ng pamamaril sa EDSA.

“Firearms are for self-defense against intruders and should be kept at home. Once one brings it outside your house, chances are the owner’s mindset can change and he or she can use it for offense,” diin ni Lacson.

Sa obserbasyon ni Lacson, halos araw-araw ay may nabibiktima ng walang habas na pamamaril, kung saan tila wala nang kinatatakutan ang mga gumagawa.

“Every day, we hear of someone being gunned down by motorcycle-riding assailants. A policeman is the latest victim in a growing list that includes politicians, traders and even lawyers,” banggit pa niya.

Noong panahon ni Lacson bilang hepe ng PNP, nilimitahan niya ang pag-isyu ng Permit fo Carry Firearms Outside Residence, upang masigurado na ang mga unipormadong pulis at military lamang na nasa duty ang makakapagdala ng baril sa mga pampublikong lugar.

“Some gun owners’ groups have argued they have no choice but to bring their guns outside their houses because the police cannot protect them. This should be a challenge to the PNP, to show they can protect the public,” banggit pa nito.

May mga impormasyon ding nakakarating sa senador na kahit mga kriminal ay nakakakuha pa rin ng permiso sa pagdadala ng baril sa pampublikong lugar gamit ang ibang pangalan kung kaya’t dapat na mas higpitan pa ng PNP ang pag-iisyu ng PTCFOR.

“We cannot allow a situation that allows mass shootings like in other countries. Neither can we afford the present situation where the country becomes the Wild, Wild West,” paalala pa ni Lacson sa mga awtoridad.

*****