Interview on DZBB: Bikoy Video, Chinese ‘Traders’ | May 5, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answers questions on:
– calls for Senate investigation into the ‘Bikoy’ videos
– discernment on Chinese ‘investments’ in PH
– bribery at the Bureau of Immigration?
– May 13, 2019 elections as ‘referendum’ of PRRD leadership

Quotes from the interview…

On the ‘Bikoy’ video:

“Nanumbalik sa akin si Ador Mawanay. Ganyan-ganyan din, nakadilim ang mukha, nagsasalita, nagaakusa. Pero mabuti may tumawag sa akin nakakilala sa boses niya. At binigyan ako ng background so di ako nag-atubili. Kinabukasan din ako na mismo nag-identify sa kanya pati ng activities niya. Pero ganoon pa man nagkaroon ng sariling buhay kasi talagang pinursigi ng administration ni dating PGMA at lahat na kasinungalingan nilabas. Yung siya mismo nagpunta sa opisina ko noong Chief PNP ako, nagbabalot ng shabu nilalagay sa backpack dinadala sa Greenhills, e alam mo never ko nakaharap ang taong yan. Talagang sa media, sunod-sunod. Yan ang una kong naalala, si Ador Mawanay. Although sabi ko nga nag-retract na ang tao pinatawad ko na pati sa likod niya pinatawad ko na rin.”

“May libel case (akong finile laban sa mga sa likod ni Mawanay) na napakatagal na. Ifinile ko 2001 pa, naka-pending pa sa Las Pinas court. Ito umabot sa SC inakyat nila at sabi ng SC kailangan proceed ang trial so naroon pa rin. But recent development dahil si Gen Corpus publicly nag-apologize, pumunta pa sa opisina ko para personally mag-apologize, walang precondition, kusang loob niya yan, withdraw ko na ang kaso laban sa kanya pero may nananatiling naka-pending. Ako di ako pursigido. Gusto ko lang ibalik ang aking dignidad, ang aking honor, na talagang winasak nila sa napakahabang panahon. Yan lang naman ang requirement. Alam mo ang fee napakalaki, hindi biro-biro. Kasi P20M ang danyos na hinihingi ko, ang natandaan ko P400,000 ang filing fee. Pero sabi ko nga sa mga nanira sa akin, di ako interesado sa danyos. Ang pursue ko lang ngayon, ibalik ang dignidad, ang honor, ang reputation na nasira. Tama na sa akin yan.”

On calls for a Senate probe into the ‘Bikoy’ video:

“Unang una, ang makapag-substantiate lang ng lahat ng allegation at accusation laban sa First Family, si Bikoy. Siya nag-akusa so importante makuha o lumabas si Bikoy at kung meron siyang dokumento kung anong mga ebidensya na pinanghahawakan, ilabas niya para maliwanagan. Maski sino pwede naman pumunta sa dilim, magtakip ng mukha o kaya ang ilaw nasa likuran niya para hindi makilala ang mukha, at magsalita ng kung anu-ano. Sa atin kasi may panawagan ang minority bloc, particularly si Sen de Lima, na naghain ng resolution para imbestigahan. Siyempre committee ko naman ang pupwedeng magkaroon ng referral sa Public Order and Dangerous Drugs Committee na ako ang chairman. Ang position ko roon, teka muna. Kung yan lang naman ang magiging basehan para tayo magsagawa ng investigation, sino tatanungin natin? Di ba dapat si Bikoy? E kung di natin alam sino si Bikoy at di lumalabas si Bikoy, sino tatanungin natin? Ang video? Di naman makakasagot ang video.”

“Paano iimbestigahan ang taong nagtatago sa anonymity tapos nag-aakusa nang walang maipakitang ebidensya o ano man lang, maski basehan man lang para magsagawa ng malalimang investigation? Para kang (sa) dilim noon. Mainam lumabas si Bikoy, kung ma-identify ni Jayme, at si Bikoy mismo magsiwalat. Willing naman ang Senado i-accommodate pero kailangan din malaman natin may basehan ba ang mga sinasabi ni Bikoy.”

“It doesn’t matter kung opposition o galit sa First Family. Ang pagbabasehan natin ano ba ang ebidensya? Ano ang maipapakita na pruweba na may basehan para magsagawa ng investigation? It doesn’t matter saan nanggaling ang akusasyon. Ang mas importante ang sustansya ng akusasyon.”

“Kung kada lalabas na ganyan meron tayong Senate investigation, maski sinong Tomas, Ricardo, Harry, pupuwedeng magtago sa dilim at magsalita. Ano, imbestiga na naman tayo? E di wala nang katapusang investigation na wala naman talagang patutunguhan dahil walang pinapakitang basehan para magsagawa ng imbestigasyon. So mas mainam na talagang mag-abang tayo kung sino nag-akusa siya humarap at siya mag-testify.”

“Seryosong seryoso ang pag-akusa. Mismong First Family involved sa illegal drugs. Maski hindi utusan ng Malacanang ang DOJ at ang NBI o PNP, incumbent na yan, parang obligasyon na nila yan na tingnan mabuti. Ang masama, kung may basehan at saka sila titigil sila sa pagimbestiga yan ang masama. Pero kung titingnan natin ang pagkaaresto kay Jayme sabi nila may search warrant. Pero may law, ang Cybercrime Prevention Act na pinasa noong 2012, kasi may nag-question sa SC niyan. Sa 2014 may lumabas na decision ang SC na ang original author lang ang pwede panagutin. Ang ibang provision doon kung saan ang nag-upload, nag-share, nag-comment, hindi pwede. Unconstitutional ang provision na gawing criminally liable ang hindi original author. So ang pag-arrest kay Jayme, may question din doon dahil sa ruling ng SC striking down from provisions of the Cybercrime Prevention Act na unconstitutional.”

“(Kung si Jayme hindi original author at taga-upload lang), ma-dismiss ang kaso at pwedeng sabihing, of course may SW pero maski may SW at magkaroon ng decision ma-quash ang SW. meron ding karapatan si Rodel Jayme na maghabol kasi dapat alam ng awtoridad ano ang limitation ng kanilang authority under the provisions ng anti-crime prevention act.”

“Pero sa ngayon lumalabas gusto niya mag-cooperate. Hindi natin alam ang background bakit gusto niya mag-cooperate. Pero all indications kasi sabi niya ang napag-share-an niya nito o ang kumausap sa kanya, kilala niyang supporter ng LP. Doon pa lang may makikita ka nang indication sino nasa likod ng video na yan na nilabasan ni Bikoy.”

“Yan na nga. Kaya dapat kung ako ang nasa administrasyon, ako ang sa DOJ o PNP, magiging interesado ako to get to the bottom who is Bikoy para malaman natin ano ba ang motibo. Hindi lang kung may basehan kung walang basehan at ito ay kathang-isip lang ano ang motibo para gusto pabagsakin ang admin ni PRRD. And I think PRRD at ang admin, may karapatan din naman na tingnan ang angulo na yan. Kasi kung gusto mo pabagsakin ang gobyerno hindi rin naaayon sa batas yan di ba?”

On whether the video can be basis for sedition charges:

“I can just assume na alam ng NBI at DOJ ang ginagawa nila kung may element na nagsusuporta sa kasong finile nila na inciting to sedition. Ang akin lang nalaman base sa pag-aaral na gawa ko rin kung di ikaw ang original author, di ka pwede kasuhan under Anti-Cybercrime Act of 2012. Kaya doon pa lang kung isipin mo ang punto na hindi ka ang original author, wala siyang dapat kaso. Unconstitutional ang provision na ang kasong sinampa sa kanya. Kasi kung nag-share ka lang, sabi niya nag-upload lang naman siya, so hindi siya ang original author. Maliwanag ang ruling ng SC diyan. Only the original author ang pwedeng i-hold criminally liable.”

“Masalimuot, medyo komplikado, siyempre abogado laban sa abogado. Alam mo ang mga abogado pag nag-usap-usap lahat tama. Magkasalungat na, pareho pa silang tama.”

On the lack of basis for a Senate investigation, for now:

“Oo, for one very simple reason. Mahirap magtanong sa video. Hindi sasagot ang video. Kung maiharap si Bikoy, ma-identify kung sino, at padala namin ng invitation o subpoena, at humarap siya roon, tatanong namin si Bikoy anong basehan ng akusasyon mo? Kung may maipapakita siya, pwede kaming magrekomenda sa level namin sa Senado by way of a committee report, na file-an ng kaso maski member ng First Family pero dapat may basehan. May basis in law, may basis ang ebidensya na sinasabi ko kanina.”

“Ke dinededma (ng Malacanang), ke kung wala silang instruction sa DOJ sabi ni Sec Guevarra wala naman daw instruction ang Malacanang, sa akin hindi importante yan. Ang pinakaimportante sa akin, may basehan ba? Sabi ko kanina maski manggaling pa yan sa LP, Magdalo o galit sa Pangulo, ang bottom line, pinaka-bottom line diyan, meron bang basehan? Meron ba tayong ebidensya para magsagawa ng investigation laban even sa First Family?”

On Chinese ‘investments’:

“Sa akin maganda ang maraming investment. Pero sabi ko kung mga big ticket at malaking investment, that’s fine. Kaya nga tayo siguro na-upgrade ng S&P, BBB+ na tayo, dahil nakikita ang economic growth rate natin, ang real GDP, talagang naroon above average kaya binigyan tayo, na-upgrade tayo ng BBB+. May advantages naman ito kasi pagka ganoon ang credit rating mo, mas maraming papasok na investment kasi mas mababa kung mag-loan. Ang investors maglo-loan din naman sila, mangungutang ng capital nila, mas mababa ang babayaran nilang interest rate kung sa PH sila mag-invest kesa sa mag-invest sa karatig bansa na mas mababa ang credit rating, sa PH na sila pupunta. Ang nakakatakot dito, kung ang proliferation ng investors galing China napanghimasukan pati ang SMEs natin, nakakatakot yan kasi nawawalan na ng oportunidad, ang investment opportunity, ang karamihan na kababayan natin kasi naroon ang bulk ng ating economiya. Kung malaking investment, fine.”

“Ang bilyon na pinapasok na investment sa akin walang dahilan para hindi natin i-welcome yan dahil yan ang mag-aangat sa ating ekonomiya. Ang nakakatakot pagka ang sari-sari store, restaurant, merchandising, ang kayang kaya naman na puhunan ng ating kababayan, aagawin pa sa atin ng mga Chinese investor na maliit, huwag naman sana.”

“Kaya dapat ang DTI, nakaalerto rito at ang ating local government officials kasi sila magbibigay ng business permits. Ang DTI naman, diyan ka magrerehistro kung single proprietorship ka o SEC kung corporation ka. Dapat tingnan din nila mabuti anong klaseng investment ipapasok. I think i-discourage na nila, self-imposed discourage ang pasukin o maagawan ang ating kababayan na nagbabakasakaling umunlad ang buhay sa pamamagitan ng maliit na negosyo na aasahan nilang lalaki. Paano sila mag-compete kung kakompetensya nila galing sa Mainland China na talagang naka-ready maglabas ng puhunan?”

“Kung mga small-time dapat maging discerning o maging sabihin natin maging discriminatory ang DTI, tingnan nila mabuti. Dapat mag-set sila ng threshold amount kung anong dapat nilang i-encourage na pumasok dito ang investors at ano ang dapat i-regulate strictly na investment. Dapat huwag nang mag-compete sa ating kababayan na naghahangad umasenso ang buhay sa pamamagitan ng pagiging self-employed o maliit na negosyo.”

On Chinese establishments in PH that do not serve Filipinos:

“Bawal pa ang Pilipino pumasok sa restaurant. Yan ang nakakainit ng loob. Para tayong nating second class citizen sa sarili nating bayan. It’s bad enough na may discrimination lalo pag napunta tayo sa western countries napapansin mo may lugar may ibang bansa na ang lakas pa rin ng racial discrimination whether admit nila o hindi. Pero narito tayo sa sariling bayan natin, hindi ka pa papapasukin para kumain sa isang Chinese restaurant? At ikaw ay Pilipino? Yan dapat pasara agad yan.”

“Ang tanong pa roon, nagbabayad ba sila ng VAT, nagre-remit ba sila sa gobyerno? Kailangan bantayang mabuti ang mga business establishment na ganyan, ang indication para bang nasa China sila at wala sila sa PH. Dalawa, LGU at ang DTI, should really tingnan nila mabuti ang ganitong klaseng business investment para sa ganoon huwag naman tayo apihin sa sarili nilang bayan.”

“Oo dapat ganoon (ipasara kung discriminatory ang ganitong establishment). Of course may due process yan pero ang end state dapat makita natin sarhan. Kasi sobra na yan. Subukan mo nga, punta ka sa China magtayo ka ng maliit na tindahan walang Chinese characters at puro Pilipino na di ka tatanggap ng Chinese. Baka kabubukas mo pa lang dine-deport ka na.”

On possible bribery and corruption in exchange for Chinese worker permits:

“Ang problema kasi napakadaling kumuha ng temporary work permit. Ahensya rin natin yan. Alam mo it all boils down to corruption. Di ba na-point out na ito sa pagdinig, I think Sen Joel nag-point out nito, napakadaling kumuha ng provisional o temporary permit. Pag nagbigay ka ng ganoon parang indiscriminately issue ka ng issue alam mo na conclusion doon. May lagay yan eh. May mga tao kasi sa gobyerno ang iniisip sarili lang, ang panandaliang may mailalagay sa bulsa nila pero hindi nila iniisip ang far-reaching implications ang consequence sa long term ang mahihirapan ang bansa natin at pati sila maski nagkapera sila sa kanilang corrupt activity, pero in the long term pati naman sila matatamaan din. Pag talagang lumubog ng lumubog ang bansa saan nila dadalhin ang milyon nilang nakita sa bribe? Down the drain din yan. Di nila inisip yan puro panandalian, mabilisan iniisip nila. Tayo rin may kasalanan minsan kasi alam bakit narito lahat na Tsino pati drug lord? May alam akong drug lord na recently bilyong piso ang pinasok pero sa PH labas-pasok at ito naging subject din ito dapat ng investigation din. Bakit ganoon? Naglalagay sa immigration ibig sabihin. Kasi nakakalabas-pasok ka eh.”

“Pagkatapos ang tindahan ng mga Pilipino kung iinspeksyunin nila parang napakahigpit nila at hinahanapan nila ng violation. Ang bottom line, lagayan system. Hanggang di mawawala ang corruption petty and large-scale, walang mangyayari. Dapat talaga consistent lang ang gobyerno natin na pag sinabing anti-corruption, anti-corruption sa lahat, di pwede palampasin ang petty at ang malalaki babantayin mo, at hindi selective. E pagka ganyan taon ang bibilangin natin bago maka-recover pag naagawan tayo ng Chinese investors especially ang maliit, ang opportunities mawawala sa atin.”

“Okay lang naman tayo maging mabait pero huwag ang violate-in natin ang sarili nating batas at papasok sa paglalagyan at gagawin, parang excuse na lang yan. Ang leadership natin mabait sa China, accommodate natin. Pero at the back of their minds iniisip din nila, mas malakas maglagay ito, kaya bibigyan ng permit. Yan ang bottom line sa nakikita natin.”

“DTI, DOLE, BI. Dapat talaga magkaroon ng parang task force para tingnan din itong pumapasok na investment from China. At i-discern natin, differentiate natin ang maliit na nang-aagawa ng oportunidad at ang malalaki na makikinabang kabuuan ang bansa natin. Huwag natin deny din na ang maski sa ibang bansa sa buong mundo maraming investment ang nanggagaling sa China kasi sila ang may pera.”

On prioritizing Filipinos for labor:

“Dapat priority ang Filipino entrepreneurs di ba? Tayo na yan. May regulatory bodies yan. Sila magsagawa ng parameter ng regulation na dapat priority. At wala naman magagalit sa atin kung gawin natin as a matter of policy o patakaran, na priority ang Pilipino sa labor sector o sa investment sector o business sector dapat unahin muna natin at kung di kakayanin, walang capacity ang Pilipino, saka natin i-consider ang taga-ibang bansa lalo sa Tsina. Sa Bulacan mamasyal ka roon ang ginagawang factories doon pumasok ka, mga Chinese. Hind na yan, sinasabi nila technical expertise. Hindi eh. Nagpupukpok doon. Kasi ang contractor hina-hire Chinese. Paano nakalusot yan, paano nakakuha ng work permit? E di tayo may kasalanan, binibigyan natin. Alam ko napakalungkot. Kasi may kaibigan ako na nagpapagawa ng factory, sabi ko bakit puro Chinese trabahador mo rito? Sabi contractor kausap ko riyan, yan ang hire nila, siguradong may work permit yan.”

“A lot of it is common sense. Di mo kailangang may martilyong pupukpok kasi kita mo naman ang consequence nito hindi maganda para sa bayan natin. Di na ba nila naisip yan? Hindi naman kailangan ipukpok pa sa kukote nila yan.”

On May 13 polls as referendum of PRRD leadership:

“Ang midterm election laging referendum yan, maski aminin o hindi ng administrasyon. So nakikita natin sa trend halos 3-4 na lang ang bakante dahil ang 8-9 kitang kita na natin sino ang tiyak na papasok. Of course historically nakikita rin natin may surprises 1-2 na di inaakala. Si Sen Trillanes for example he’s a perfect example nakakulong walang nag-aakala manalo, kami lang pursigido noon kasi di siya nakakadalo sa kampanya. Kami mismo nangangampanya sa kanya kasama namin ang kamaganak niya pero walang naniniwalang manalo siya pero tingnan mo anong nangyari patapos na 2nd term niya. Of course si Sen Villanueva. May sorpresang lalabas pero hindi ito, parang exception ito rather than general urle. Kaya kung may maka-spring ng surprise 1-2 yan siguro pinakamarami na at nakikita natin 1-9 most probably taken. So 3 na lang pinag-aagawan at may nag-aagawan pa roon nakikita natin nariyan na ang dati so parang malungkot isipin ang mga baguhan parang nawalan na ng pagkakataon para makapasok sa Magic 12 pero ganoon talaga ang eleksyon.”

“On hindsight kasi patapos ang campaign period, you do not criticize day in and day out week in and week out ang isang Presidente na ang approval and trust ratings napakataas. Pwede kang mag-criticize on issues pero pag tayo naging personal na masyado at araw-araw na, tapos ganoon ang approval rating, at kita naman natin napakalakas ng kanyang endorsing power, parang maling campaign strategy na doon ka pa rin naka-focus na lahat ng kibot, bawa’t kibot ng Presidente pupulaan mo. So katalunan mo yan, hindi ang Pangulo kasi nakaupo siya. Ikaw nanliligaw ka ng botante, when you talk of 76-80% na nag-aapprove o trust sa kanya sabihin na natin 90% of the 80% pwede mawala sa iyo kasi kini-criticize mo, binabanatan mo ang kanilang pinagkakatiwalaan at inaaprubahan nila. So kung practical politics ang paguusapan, pwede ka mag-criticize pero hindi sustained at saka indiscriminate na.”

*****