In an interview on DZRH, Sen. Lacson answers questions on:
– gift or curse of social media
– advice to voters as the May 13 midterm elections draw closer
– Senate Bill 2219, which allows direct people’s participation in preparing the budget
– independence of the Senate in the 18th Congress
Quotes from the interview…
Advice to voters for the May 13 elections:
“Dapat isipin nila ang mas mahabang panahon kung ang nanalo di karapat-dapat at nanalo lang dahil nagbili ng boto, di lang sila matatamaan. Pati kapitbahay nila, mga anak nila, kapatid nila, kamaganak. Yan dapat isaisip natin palagi. Of course medaling sabihin yan. Dala ng kahirapan, ang pang-araw-araw na pangangailangan yan ang iniisip. Pag kumakalam ang sikmura napakitaan ng P500 o P1,000, e ganoon ang nagiging kapalit.”
“Laging pinapaalala ang kababayan natin na ang campaign period 45 days sa local, 90 days sa national. Ang panunungkulan 3 taon. So kung ang iisipin lang ng botante ang 45 araw kung saan isip nila dito lang kami makakabawi at tatanggap sila kung anong pinagmumudmod at pinagbibili ang boto, ang kapalit noon pwede paghihirap nila at walang iaabante sa loob ng 3 taon. So dapat yan ang itanim natin sa ating isipan sa ating mga kababayan.”
“Yan ang napakahirap sagutin na tanong kasi yan na naging kultura natin lalo sa malalayong lugar kung saan namamayagpag ang political warlords halos lahat na constituents kung napapansin natin ang lugar na yan napakaraming mahihirap, tuwang tuwa ang pulitiko at nanunungkulan doon na nananatiling mahirap ang kanilang kababayan. Pagdating ng eleksyon madaling makuha sa kanilang panig gawa ng gawa ng kahirapan. So ang talagang malawakang solusyon gobyerno pa rin talaga ang makakasagot.”
“Sa isang taon ang paguusapan naming budget after magbukas ang 18th Congress, P4 trillion na. Ang natatandaan ko 2001 unang budget year ni dating PGMA P700B lang ang budget natin noon. Ang tanong, between 2001 and 2019, may nakita ba tayong, tama ba sa halaga ng tinaas ng budget sa nakita natin sa paligiran? Parang wala di ba? Kasi ang budget sa halip na gawing tool parang kasangkapan para mapaunlad ng kabuhayan ng kababayan natin, ito sinasamantala ng ilang pulitiko para sa sariling kapakanan. Kung malalawakan ang isipan ng ating kababayan siguro matututo tayo sa halalan.”
“Ang sa isipan ng kandidato 45 days, 1.5 buwan silang magpapauto magpapaloko at gagastos. Ang nasa isipan nila di bale pag nanalo ako 3 taon ako babalik bubuwelta o gaganti. So kapag ganoon ang kultura naging vicious cycle na, wala tayong pag-asa umasenso. Dapat mapalitan ang mindset ng kumakandidato at nanunungkulan kung tumayo sila sa plataporma na serbisyo publiko, talagang yan isaisip nila. Under the Local Government Code meron naman kaukulang financial na parang matugunan ang pangangailangan ng local or national public official. Kaya lang nahiratin ng nanunungkulan. Isip nila kailangan bumawi ako dahil ang susunod na halalan after 3 years kailangan ko ng panggastos. Kailangan ma-break natin ang cycle. Yan ang nakakalungkot.”
On social media:
“Napansin ko, social media napakagandang imbento ito to connect to people na di man natin kilala at di pa na-meet. And yet natutuwa tayo, we thought this was a great gift to mankind. Pero recently nakikita natin the same platform, social media, naging malawakan ang ating divisiveness among us Filipinos for example. Napakalalim ng divide, ang pagitan ng, sabihin na natin, yellow at red. I’m sure ikaw rin sumusubaybay ka rin sa social media kita mo ang away doon. Minsan masasakit, talagang hateful.”
“Pag ikaw nagsalita sa isang post mo halimbawa pumanig ka sa dilaw tingin mo totoo ang ginawa sa particular na occasion, ine-expect nila you have to stay there forever right or wrong. Ganoon din sa pula. Ako napansin ko kasi nagpo-post ako ng tweet.”
“Pag medyo pumuri ako halimbawa ng veto message ni PRRD tuwang tuwa ako noon dahil for the longest time wala pang Pangulong nakagawa ng ganoon kung saan election year pa man din yet ang pag-veto niya ng allocation napakalaki. Walang Presidente akong natandaan na lalo election year magve-veto ng tawagin na nating pork barrel ng kongresista kasi aasa ang Pangulo may ineendorsong kandidato at kailangan ang tulong ng district representatives. Pero doon ako talaga sumaludo kay PRRD kasi In spite of all the factors na nakapaloob sa kanyang pag-veto di siya nagatubili at nakita niya talaga masasayang ang pera at makakaapekto sa kanilang economic program, ang Build Build Build. So di siya nagatubili, maski election year, veto niya kasi talagang inaakala niya talaga sa advice ng kanyang economic managers na yan ang dapat gawin.”
“May distraction pero hindi talagang completely nadi-distract. Ang panuntunan ko kung ano ang tama sa isip ko pwedeng hindi ako completely tama pero yan ang at least honestly sa pag-isip ko yan ang tama yan ang sinusunod ko.”
On Senate Bill 2219:
“Nag-file ako ng bill para ma-institutionalize ang people-oriented budget na kailangan may direct participation ang CSO at NGO mula sa level ng local, pag-prepare ng LDP all the way sa BCC. Kasi nangyayari pag tinalakay ang budget especially sa Kongreso, HOR or Senate, itsapwera ang civil society at NGOs. So may bill akong finile, SB 2219, kung saan kasali ang kababayan natin sa makikilahok sa pagtalakay ng budget mula pagbalangkas ng LDP hanggang pwede sila kumuha ng kopya at transcript sa BCC meeting. Kasi nangyayari pagdating sa BCC kami lang yan at ang minute, walang transcript. Di mo alam kung anong nangyari. Yan ang pursue ko ngayon na proposed legislation. Maghahanap ako counterpart sa HOR at hopefully pag na-institutionalize yan di lang maging people-oriented kundi transparent at magkakaroon ng accountability sa pagbalangkas ng budget.”
“Ang problema, maski mabalangkas ang local development plans, hanggang provincial level pagdating sa RDC di naman talaga nasusunod ang pinrepara ng LDC. At kung pagdating sa Kongreso parang burado lahat yan at mga congressmen naman ang nagdedetermina, I would say whimsically, arbitrarily, kung anong mga project na dapat ilagak doon sa kani-kanilang distrito so local din yan. Ang ideal or nasa LGC ang ating district representative member naman sila, pwede sila magpadala ng representative sa barangay development council. Tapos sa municipal, city at provincial pwede sila mag-attend doon. Kaso di nasusunod kasi di sila interesado doon dahil pagdating sa Kongreso ang sarili nila masusunod so nakita natin sa napakahabang panahon ang disconnect between the needs and priorities ng mga local government unit at national budget. Hindi tumutugon ang national budget sa pangangailangan at prayoridad ng mga local government units. So hindi nakakababa ang pondo. So balik na naman tayo sa pagdating ng eleksyon gahol na gahol sa development ang mga LGUs lalo ang mahihirap ang liit ang IRA. Minsan ang ibang munisipyo talagang IRA-dependent.”
“Kailangan talaga ireporma ang budget kung saan magkaroon ng sabihin natin na equitable. Kung sino mas may pangangailangan yan ang dapat bigyan ng mas marami. At kaya meron silang district reps, sila mag-shepherd kung anong napagusapan sa local development council anong nakapaloob sa local development plan na kasama ang kongresista at district rep, ipaglalaban pagdating sa Kongreso. Ang problema in reality, hindi nagagawa yan in practice dahil nga may sariling agenda ang congressmen bukod sa alam natin may commission ang pork barrel ang allocation e gusto niya sila mas kinikilala sa lugar ang lalapitan ng tao para siya may hawak ng pondo sa mga proyekto.”
On possible surprises in the May 13 elections:
“Talagang bawa’t election meron biglang sorpresang lumalabas na minsan di nasasama sa survey. Ang huling survey 1 month before election. At ang susunod halos exit poll na. Kung magkaroon man, doon lalabas ang kaunting sorpresa; pagdating ng Election Day meron talagang nakakapag-spring ng surprise. Hindi natin maalis yan. Pero sa nakikita natin sa trend parang 3 na lang slots ang pinag-aagawan, ang 1-9 medyo stable na, parang secure na ang kanilang position doon.”
“Medyo predictable na ang magiging resulta pero kung meron mang sorpresang lalabas pinakamarami na siguro 1-2 ang biglang susulpot at biglang aarangkada. Ang nakita ko kasi pag surveys, this is a function of awareness. Hindi sapat ang kilala ka kung sino ka pero dapat alam ng botanteng tumatakbo ka. Kung mababa awareness mo halimbawa awareness mo 50% ang katapat mo 99% e di parang nagbigay ka ng partida na 50% ng botante di ka iboboto sigurado at ang bahaging 50% sa katapat mo kung makakuha man lang siya ng 20-30% ang laking abante sa iyo kung mababa ang iyong awareness.”
On an independent Senate in the 18th Congress:
“Historically ang Senado independent eh. Di talaga nadidiktahan. And in fairness kay PRRD, nagkaroon kami ng pagme-meeting lalo pag halimbawa may pinapa-confirm na Cabinet o kung ano ang legislation hindi talaga siya nakikialam na nagdidikta na ito kailangan maipasa ito, ito kailangan magawa ito. Never ko kasi narinig ng ganoon. Even in small group meetings with him, atubili siya talagang makialam. Ang isang bilin lang niya indirect pa ang kanyang tagubilin ang BOL. Sabi niya hindi na ako masyadong, di ko ipupursigi masyado ang federalism pero ang BOL talagang gusto ko ito para sa Mindanao ito. Hindi niya pa rin kami sinabihan ito kailangan ipasa ito, parang pahapyaw sinabi ito talagang kailangang magawa ito dahil tingin ko ito makapagbigay ng kapayapaan sa Mindanao. Ganoon lang, ganoon ka-indirect ang kanyang pagkasabi. All other legislative matters never ko siyang narinig na gawin nyo ito, kung pwede gawin nyo ito gawin nyo yan.”
*****