In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– corruption at the Bureau of Customs
– leadership and committee chairmanships at the Senate
Quotes from the interview…
On the leadership at the Bureau of Customs:
“Ang solution talaga rito ang consistency at siyempre kailangan bigyan ang, kung matino ang BOC Commissioner, bigyan ng free hand ng Malacanang. Huwag pakialaman, para sa ganoon maisakatuparan lahat ang anuman ang reporma na gusto niya ipatupad. Liwanagin ko lang, itong mga information karamihan dito hindi ko hinanap. Sila ang nagpunta sa akin at parang pangit naman kung hindi mo intindihin. Kaya noong na-collate namin at consolidate lahat pati mga dokumento e yun deliver ko ang privilege speech.”
“Nagpahatid ng salita (si Commissioner Guerrero) at sa lalong madaling panahon mag-uusap kaming dalawa.”
“Narinig ko nga naabutan lang siya ng election ban, talagang meron siyang isasagawa sanang massive revamp. Kaya pagkatapos ng election ban isasakatuparan niya yan. At harinawa ang mga malalagay niya talagang kung mga dati rin doon at dating involved sa mga kaso e magreporma na. Alam mo sa training ng leadership na natutunan ko rin dahil matagal ako sa military at police, kapag ang leader nagle-lead by example, half of the battle is already won. But that’s the easy part. Ang mas mabigat na gawin ang ma-motivate mo, ma-inspire mo o mapasunod mo ang tauhan mo. Yan ang mas malaking challenge kesa ikaw malinis pero di mo motivate, inspire o di natatakot sa iyo ang tauhan mo wala rin, mag-fail din ang anumang management style na ipapatupad mo.”
On reported details disputing ‘controlled delivery’:
“Kung ano man ang naging dahilan sa paguusap din namin kasi sa paguusap namin ni Comm Guerrero, mukhang kasama riyan si PDEA Director General Aquino mainam yan para mai-share ko sa kanya ang information na hawak ko at ano ang ang course of action na gagawin nila e mapagusapan din namin. Dahil hanggang ngayon mukhang dine-deny nila napalusutan sila sa kanilang examination. Dahil kung ito man ay pagtatakip na nag-fail ang sniffing dogs at nakalusot ang droga at para ma-cover up ito at pinalabas nilang okay alam namin talaga may droga yan i-auction natin just to draw out ang consignee niya. E hindi na rin nila naisip na unang una, labag yan sa Customs Modernization … ang nakalagay doon di mo pwede i-auction ang prohibited goods. Regulated pa lang di mo na pwede i-auction. Pangalawa, assuming na walang ganoong paglabag sa batas do you think ang consignee alam na alam niya bago i-auction isa-subject ito sa 100% physical examination, siguradong kita ang shabu.”
“So kung yan ang motibo, dapat come clean ika nga na sabihin nila na mali ang ginawa namin. Kasi anong susunod na pagtatakip gagawin nila lalong lulubog kasi one cover up after another, mukhang lalo kang mapapahamak diyan.”
“Yan pa isa. May x-ray scanner tayo ginagastusan natin ng daan-daang milyon yan. Humihingi sila ng additional na pondo para madagdagan ang x-ray scanners pero kung di naman gagamitin dahil ang dahilan ay hindi dadaan, para palusutin para hindi makita na para ang kanilang tara ay maligaya at tuloy-tuloy, para ano pa nagpo-procure pa yan? So again human intervention ang nakakasama.”
“Madaling i-pinpoint pero ito wala kasing import entry ang ginawa nila, abandoned ng consignee at siyempre kung abandoned, forfeited na. Issue ng warrant of seizure and detention, forfeited in favor of the government, at siyempre subjected kasi nga kung walang import entry at ito in-abandon baka may kontrabando malamang so subject nila sa PDEA examination. Kaya maski itanggi nila nakakuha kami ng dokumento na may report si Dir III Joel Plaza sinasabi roon na negative ang specimen na nakuha negative sa shabu. E tama ang information na aksidente lang ito. Imagine kung hindi aksidente nangyari na natamaan at nalaglag … ang bahagi ng shabu baka hindi tumawag ang nanalo sa bidding sa Customs.”
On whether a Senate investigation will take place:
“Pwede pa rin. Sabi nga ni SP mas maganda kung tumawag pero hindi sa committee ko na-refer kundi sa BRC so call na ni Sen. Gordon yan.”
On the present Senate leadership:
“Nag-draft ako ng resolution. Para magkaalaman sa kasamahan namin sino ang alanganin. May draft akong resolution ginawa kong undated para ang mga baguhan na papasok kung pwede pumirma na rin sila. Of course draft resolution ito, pwede nila baguhin ito bago mag-July 22 o pagsapit ng opening ng 18th Congress. Pero at least man lang malaman namin ngayon sino sa inyo ang alanganin sa liderato ni SP Sotto.”
“Dahil kung nagkausap-usap kami we are one in saying na happy kaming lahat sa liderato niya. Tumaas nga ang antas ng approval at trust eh, rating ng Senado, 74%, 72% sa kanya 74% percent sa institution. So wala kaming reason para palitan ang liderato. Ngayon may 1-2 na baguhang papasok na panay ang parinig may tinutulak na iba. E simple lang yan. Galing ka rin diyan. Mahanap ka 11 kasama kayong dalawa at sa iyo na. Kung wala kayong 13, ganoon lang kasimple.”
On Senate committee chairmanships:
“Baka akala nila napakadali mag-chair ng committee. Pag ni-refer sa iyo mga bills at resolutions magtatrabaho ka riyan at di biro-biro i-interpellate ka riyan kasi ikaw magiging sponsor ng bill. Hindi biro-biro ma-interpellate lalo kung kaharap mo sina Senate minority leader FMD, mag-aaral ka talaga. Di ganoon kasimple. Madaling sabihin ako chairman nito ako chairman noon pero teka muna.”
*****