Interview on DZBB: Leadership 101 vs Corruption; Senate Panel Chairmanship | May 30, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– ‘one-standard’ leadership needed to stamp out corruption
– raising taxes amid ‘continued’ corruption at the Bureau of Customs
– passing on Senate committee to Senator-elect dela Rosa

Quotes from the interview…

On the privilege speech detailing corruption at the BOC:

“Maraming mga lumalapit at nagbibigay ng information na hindi natigil ang tara kasi noong 2017 in-expose ko na rin natigil kaunti nag-ingat pero bumalik na naman. At nasa kalagitnaan kami ng interpellation sa sin tax naisip ko wala na tayong ginawa kundi magdagdag ng buwis, magpasa ng panibagong buwis. Pero kung titingnan mo naman napakaraming leakages sa pangongolekta naman ng buwis. So parang nagkaroon ng connection. At ang basura isa pa yan, naging dumpsite tayo sa Southeast Asia. Yan ang nagbungsod kung bakit dinecide ko i-deliver ang privilege speech kahapon.”

“Although wala nang time kasi mag-a-adjourn kami sa Martes, dahil Miyerkules ay Eidl Fitr, narefer ito sa BRC and public order committee. Wala na sigurong time magsagawa ng another inquiry. Kahapon nalaman ko pinatawag ni Comm Guerrero ang kanyang tauhan at pinagsabihan. At palagay ko magsasagawa siya ng malalimang imbestigasyon tungkol dito.”

“Ang nakakapaginit ng ulo, tambakan tayo ng basura tambakan pa tayo ng shabu.”

On Jacky Co:

“Dumating ang shabu March 22 bakit April 3 nakalabas pa rin siya? Tapos regular effort. E check namin ang record meron siyang kaso sa Fujian City court. Ang kaso niya kidnapping and drug trafficking. Check ko sa PNP kung i-confirm nilang nasa watchlist ng Interpol. Sabi nila di pa sumasagot ang kanilang counterpart sa kanilang verification. Pero kung ganoon ang nangyayari sa atin hindi talaga matitigil ang pagpasok ng shabu.”

“Yan ang information na nakuha ko from the BOC. Magsasagawa ng sariling investigation si Comm Guerrero. At inaalam niya ang detalye at verify and validate niya kung sinu-sino ang involved mismo sa patuloy na tara. Ang kahapon may nagtext taga-PNP inform niya ang PDEA mag-file ng kaso vs Co within the week. Yan ang sabi nila.”

“Alam natin wala na (siya sa PH) pero at least kung masampahan ng kaso at ma-issue ng AW, pagdating niya rito pwede siya arestuhin on the basis of the warrant na i-issue sa kanya.”

On the continuation of ‘tara’ and corruption at the BOC:

“Napakaraming sakit ng ulo na dapat tugunan. Sa BOC kung sino ang commissioner na magpapatigil ng tara ng kotong na talagang tigil at hindi ang lie low, yan pwede tayo tumayo lahat sa harap ng Aduana sa harap ng opisina ng BOC saluduhin natin lahat ang Customs Commissioner na yan.”

“Wala naman dapat gawin kundi magtanong ka sa regular broker. Napakarami nila. Sila mismo direktamenteng may pakikipagugnayan at pakikipagusap diyan kaya alam nila magkano kasi sila hinihingan eh.”

“Apparently kasi hindi siya (Guerrero) antigong BOC commissioner. Nanggaling yan sa AFP. Sinigurado ko talaga bago ko conclude na siya talaga malinis. Kasi tinanong ko di lang iilang tao ang napagtanungan ko walang nagsabi sa akin si Commissioner meron talaga siya mismo o kaya nadadala sa opisina niya. Walang makakumpirma so sabi ko matinong tao si Gen Guerrero dahil di malilihim yan. Ang bribe at least 2 tao nakakaalam niyan. Paano malilihim di pwedeng walang makakaalam kasi bribe giver and bribe taker alam nilang dalawa.”

On leadership skills needed vs corruption:

“Pag ang namumuno ay malinis, kalahating problema solved na. The other half yan ang tinatawag na kailangan ang kanyang management style leadership style kailangan mag-resonate sa iba’t ibang opisina sa ilalim ng kanyang tanggapan na pinamumunuan. Malaking bentahe ang leader ay hindi kasama. At the other 50% yan ang paano mo i-motivate whether by fear or mere motivation, inspiration, na ang mga tao mo sumunod din.”

“Natatandaan ko noong 2nd term ko may nakausap akong at least 2 district collectors. Tinanong ko rin noon. May umugong noon may gustong mai-offer sa akin, patapos na term ko noon, sabi ko naku pinarating ko noon I think panahon ni Pangulong Aquino ito di siya mismo direktamente pina-sound off baka raw gusto ko. Sabi ko huwag na lang. Kasi unang una di ko alam ang technical. Pangalawa, pabiro ko noon 2 mangyayari riyan mapatay ako ng Customs o makapatay ako ng Customs kaya huwag na kamo maraming salamat.”

“May mga nakausap akong district collectors (I think in 2012). Paano ma-solve ang tara? Ang sagot independently magkaibang okasyon, kami naman matagal na kami riyan. Kung anong kumpas sa amin susunod kami. Inamin halos na nakaipon na kami ok na kami. Kami basta kung anong kumpas pwede kami sumunod pero paano kami susunod kung mismong boss namin meron din?”

“Kanya-kanyang approach. Di ba sabi ni Machiavelli, if I cannot be (both) feared and loved, maski katakutan na lang ako at maipatupad ko ang aking dapat ipatupad sa aking tanggapan. Yan medyo harsh ang approach na yan pero sabi ko nga malaking bagay ang namumuno ay hindi kasama sa kalokohan. Kasi it’s either magaling siya mag-motivate o magaling siyang manakot or both e magagawa, kayang gawin. Lahat naman na tao may redeeming value. Siguro bihira ang taong beyond redemption. May kilala akong 1 or 2 na ganoon pero huwag na natin banggitin kung sino. Sa akin na lang yan. May mga tao talagang exception na wala nang redeeming value. Para bang, mas mabigat ang walang redeeming value kesa walang pag-asa pero yan na rin yan.”

Kasi pagka ganyan ang nangyari, selective, at saka hindi consistent, di ba ikaw experience mo may leadership qualities ka rin, dahil may taong pinamumunuan mo di ba dapat isa lang standard natin? Pag nagpakita ka sa kanang banda ko ang nagkamali ok lang at nasa kaliwang banda ko isang pagkakamali lang todas sa akin, masamang pangitain yan sa mga tauhan natin. Parang dalawa ang standards mo. Di ka magtatagumpay bilang leader.”

“At yan din ang leksyon na gusto ko ring ma-impart man lang in my humble way, kay Commissioner Guerrero, kung sino man ang CPNP. Noong si Gen dela Rosa naging CPNP yan din ang aking tagubilin sa kanya. Kung natatandaan mo kay Supt Marcos noon sa Leyte, recycled din yan. Pagkatapos ng kaso na na-downgrade sa homicide, alam na alam natin pag downgrade sa homicide ang murder ang depensa noon self-defense. So ano nangyari sa kaso? Napakatibay ng ebidensya pati time logs lahat kita namin sa imbestiasyon. Binilinan ko si Gen dela Rosa, test ng leadership mo ito kasi alam natin maski papano meron siyang connection sa Malacanang kay Presidente mismo. Pag ito di mo tinayuan sira ang pamumuno mo rito. Ibig sabihin pinagmamasdan ka rito ng mga tauhan mo sa PNP, kung ano magiging tayo mo rito. Ang nabitiwang salita niya noon di naman direktamente because he was on his way to Malaysia at the time, may conference, pinuntahan ako at the time NCRPO si Gen Albayalde, IAS, kaklase niya ito, punta sa akin. Sir pinasasabi sa inyo ni Gen Bato na ito ready siya talagang tayuan niya ito. Ganoon.”

“Kasi pagka nag 2 standards di tayo magtatagumpay bilang leader bilang manager. Basic yan sa leadership principle.”

On ‘passing on’ Senate panel chairmanship to Senator-elect dela Rosa:

“Ako mismo nag-offer. In fairness to Senator-elect Ronald hindi niya hinihingi. Ang purpose ko kasi galing sa PNP, tulad ako CPNP dati, gusto ko makita niya ang other side ng spectrum. Hindi ang sa law enforcement lang. Ang plight ng nagiiyakang magulang at kamaganak ng napapatay sa Tokhang, ang riding in tandem na medyo mukhang pulis ang nag-riding in tandem, gusto ko naman mamulat siya na hindi lang 1 side tinitignan natin na side ng law enforcement. Gusto ko magkaroon siya ng pagbabalanse dahil ngayon naman ang CPNP ngayon ang kanyang kaklase sa PMA si Gen Albayalde at mga inabot niyang susunod siguro mamumuno, malaking bagay yan pag … iba pala pagka senador ka nasa ibang department ka legislature ka, at makikita mo ang kabilang side ng mundo ika nga.”

“Gusto ko malaman yan at sabi ko sa kanya mag-Vice chairman ako sa iyo para mag-alalayan. Yan ang naging usapan. In fairness to him he did not ask for it.”

“Gusto ko lang talaga, kasi experience niya di matatawaran sa law enforcement so ma-appreciate niya ang siya nag-chair ng public order and dangerous drugs pero gusto ko talaga, ang talaga pumasok sa isip ko kasi dati kong tauhan si Gen dela Rosa. Matinong official yan, yan ang masasabi ko. Gusto ko lang ang side ng mga napapatay mapapakinggan niya. At tayuan niya rin kung ano ang mga hinaing.”

On questioning Baquiran’s appointment as BOC deputy commissioner:

“Noong nag-expose ako noong 2017 kasama siya sa mahabang listahan ng tumatara, bagman nga eh. Tapos nawala at pagpasok ni Comm Lapena naroon na naman siya sa MICP, tapos lumusot ang shabu nakapasok so tinanggal at nang nagkaroon ng congressional inquiry noon siya pa ang sinasabi ng mismong NBI at ng DOJ na sasampahan nila ng kaso. Pagkatapos biglang nababalitaan mo may appointment from the Office of the President naging deputy commissioner pa.”

“Hindi talaga maso-solve ang problema ng BOC kung ang dating na-expose na bagman at ulit na inimbestigahan sa panibagong shipment ng shabu e magla-lie low nang kaunti tapos, di lang naman siya.”

“Marami naman talagang nire-recycle. Ang iba naman talaga nire-recycle.”

On raising taxes amid continued corruption:

“Nagdidiskusyon kami sa tax nagtanong ako kahapon kay Sen Angara. Sabi ko primary solution natin pag kailangan natin ng pondo, mag-tax. Wala tayong solusyon na naiisip pag kinakapusan ng pondo kundi magbuwis.”

“Di ba may Sin Tax kaming dine-deliberate? Sabi ko ok yan kasi health measure naman yan sa UHC. Pero ang sinasabi ko lang baka naman pwede tingnan natin ang tax base ang leakages kasi tingin ko leakages na nagmula sa corruption o incompetence o inefficiency mas malaki kasi day to day di ba ikaw marami kang nakakausap may negosyanteng may problema sa BIR. Ang usapan dito 1M ka ina-assess pwede natin pagusapan, resibuhin natin ng 100K bayaran mo kami ng 200K. Talagang di bago. Sa BOC ganoon din. May magpapasok ng goods minsan hindi na hinihingi ng importer sila na misimo ino-offeran ng appraisers. Boss ito malaki babayaran mo pero pagusapan natin ito halimbawa 500K babayaran pwedeng ibaba ng 100K ang resibo niya 50K lang.”

“Noong mayor siya (President Duterte), maski magtanong ka sa Davao noon talagang takot, maski judge na mag-park sa No Parking walang lusot, sila rin namumulta…Β Pero kaya pa niya rin gawin. Ang key word talaga, consistency and single standard. Pag nakita ng tao dalawa ang standards talagang mahirap magtagumpay. Unang una leadership by example of course good example di bad example. Unang una yan, second to none yan, pero ang sumunod doon, okay ikaw ganito kang leader pero kailangan consistent ang pagpapatupad mo. Sabi nyo nga walang kinikilingan. Kung ganoon ang pamamalakad all the way I think magtatagumpay ang isang leader. Consistency at single standard. Hindi pwedeng dalawa eh. Pag dalawa standards, sira na agad.”

*****