In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– Erwin Tulfo and DSWD Secretary Rolando Bautista
– corruption at the Bureau of Customs
– Senate leadership and committee chairmanships
Quotes from the interview…
On moves for Senate leadership change:
“Palagay ko naman matatag ang kanyang (Sotto) leadership kasi maski sa lounge kami nagtitipon-tipon o kaya maski session hall yung tete-a-tete namin doon, e lahat kuntento at nasisiyahan sa kanyang liderato. Unprecedented nga ang taas ng approval at trust rating ng Senado under his leadership. So sa pangkasalukuyang composition sa 17th Congress maraming maiiwanan diyan, walang duda. Nagkaroon ng usaping ganyan nang ang 2 bagong papasok na magjo-join sa majority, sila nag-insinuate na may sinusulong na iba.”
“Maski si Sen Cynthia pagka naguusap-usap kami kuntento siya, sabi niya basta advocacy niya sa agriculture, hindi niya bibitiwan ang kanyang 2 committee. So yan situation sa ngayon. Medyo nagkaroon ng kaunting gusot o gulo kasi si senators-elect Imee Marcos at Tolentino, sila ang nagpahayag. Nagulat din kami kasi nagkaroon ng pagpupulong at least ang PDP Laban na papasok ang silang lima at nag-arrange noon si Sen Pacquiao. Noon naman wala ring nakitang pwedeng pagsimulan ng kaguluhan kaya nagulat kami bakit may usaping ganito.”
On resolution to address leadership question:
“Actually si Sen Pacquiao ang unang nakaisip niyan. Sabi niya kung pwedeng magpasa tayo ng resolution ngayon at para ang vote of confidence ika nga. Alam mo maski ilang draft resolution pirmahan namin pagdating ng July 22, magbobotohan at magbobotohan pa rin. Kaya lang dahil sa naunang nagpapahayag whether through media or kami-kami lang, malinaw matatag ang liderato niya at nagkaroon ng ganyang usapin dahil sa 2 bagong papasok, minabuti namin ni Sen Pacquiao ngayon pa lang malaman natin kung may nagbabago ng pananaw ang aming mga kasamahan sa liderato ni Sen Sotto. Para magkaintindihan na rin kasi mahirap ang parang nagiisipan kami sino sa amin in spite of paguusap at pagpapahayag namin na talagang suportado namin ang liderato, di ba mas mainam ipakita natin sa pamamagitan ng pirma sa resolution na naka-draft na at sa Lunes, iro-route sa aming mga kasamahan.”
“Base sa aming paguusap-usap sa tingin ko halos lahat pipirma roon. Ewan ko kung pwedeng ituloy dahil gusto ni Sen Pacquiao pati papasok na magjo-join ng mayorya pumirma rin doon. Para wala nang confusion kasi kung kami-kami majority kami pa nagkakaroon ng pagdududa o confusion na sino pa ba ihahalal na leader e gusto namin magpatuloy ang liderato ni SP Sotto.”
“Kung may mag-aalanganin sa kanilang pipirma at least more or less alam namin di siya siguradong susuportahan ang liderato ni SP. Yan siguro ang isang pwedeng ma-achieve ng pagka iniruta na ang resolution.”
“Yan ang gusto kong malaman, kung sino ang di pipirma sa Lunes at least alam nating may pag-aalinlangan. Kung ganyan ang interpretation. Kung walang pagaalinlangan maski kailan ka papirmahin pipirma ka di ba?”
“Napakasimple naman ng panuntunan. Pag may 13 senador na pumirma sa isang resolution para suportahan ang pagluklok bilang SP sa kung sinumang senador, e di yan ang SP. Kaya sabi ko nga ang 2 nagtutulak maghapan sila ng 11 kakampi e di sila na masusunod. Ganoon lang kasimple. Kasi demokrasya at sa Senado hindi naman ito parang idikta ng Malacanang ito gusto namin, walang ganyan sa Senate, unlike sa HOR na talagang malakas ang influence ng Presidente o Malacanang o sinumang konektado sa Malacanang na may basbas ng Presidente ang pwedeng maging Speaker. Sa Senate pwede nga ang majority, opposition. Nangyari na yan, ang mayorya di kakampi ng Pangulo kundi opposition.”
“Basta ang bottom line 13, at least 13 pumirma para iboto o suportahan ang isang senador kung sino man siya, yan ang magiging SP. Kung ang 13 na yan ay naka-ally sa Malacanang o sa administration o hindi, yan ay secondary na lang sa amin yan. Kasi makapagtrabaho naman kami maski hindi aligned sa admin ang Senado. Hindi ibig sabihin pagka opposition o hindi naka-align sa liderato o Malacanang ang mayorya wala nang papasang panukalang batas. Hindi naman ganoon. Kaya tawag sa Senate, derived from senatus, wise and mature men and women. Kaya doon kinuha yan, senatus. So tradition naman ng Senado yan. Hindi talaga obstructionist kundi tinitingnan din namin ang kalahatan ng makabubuti. Remember ang constituency namin national, hindi kami parochial.”
“Nabanggit ko sa kanya (Sotto) pero wala siyang pakialam doon. Siyempre out of courtesy siyempre SP siya maski papano medyo timbre ko nagpaplano akong ganoon although walang konkretong hanggang natanong ako sa interview na alangan ba namang magsinungaling ako, interview sa radio yan.”
On motive of those floating a Senate leadership change:
“It’s either posturing, gusto makuha ang mga committee. Pero hindi ganoon kailangan idaan pa sa veiled threat o parang mag-inject ng pagdududa o kaya maghikayat ka pa ng iba para makakuha ng committee na gusto nila. Ako hindi ko maintindihan yan. It has never happened before kasi dumaan din kaming lahat sa pagiging neophyte. At alam namin ang dapat kalagyan namin. Wala kaming karapatan na hugutin sa inabutan naming senador ang mga committee na hawak na nila. Dumaan kami lahat diyan at ngayon lang ako naka-experience ang papasok pa lang, ito ang ang gusto ko. At parang walang habas na hindi ipagpaalam.”
“Tulad sa akin nagkita kami ni Gen Bato wala pang election noon. Ang purpose ko naman dahil dati kong tao si Gen dela Rosa, gusto ko lumawak ang kanyang perspective ika nga, hindi lang lagi nakikita niya yung panig ng law enforcement. Gusto ko mag-succeed siya dahil alam kong may kakayahan siya at maganda ang kanyang intention. So ako na nag-offer sa kanya hawakan mo ang public order pero di ko na siniwalat sa kanya na ang purpose ko, para lumawak ang perspective mo. Para makita mo ang plight nasasalarawan na umiiyak na kamaganak ng napatay ng Tokhang kasi lalapit sa iyo yan. At pag ikaw nag-preside ng isang pagdinig, maramdaman mo na hindi lang pala panig ng law enforcement ang dapat natin tinitingnan dito. Tingnan din natin ang mga posibleng napagkamalan, posibleng na-subject sa abuse din. Nangyari na ito, kay Kian delos Santos, mga ganoon. Para lang medyo lumawak ang kanyang perspective.”
“Pero ang huling development, ito naibahagi sa akin ni SP kaninang umaga, nagpadala ng text message si Sen-elect Imee Marcos at humingi ng paumanhin. Sabi niya misunderstanding, kaya niya lang nabanggit yan kasi kapartido niya si Sen Villar. Kaya siyempre kung tanungin siya kung susuportahan niya Sen Villar alangan bang sabihin niyang hindi. So humingi siya ng paumanhin kay SP at sabi niya misunderstanding lang yan. At sinabi niya ang talagang kumausap kay Sen Villar si Sen-elect Tolentino, at yan talaga ang nagpu-push na subukan na makipagsapalaran makipagtunggali at baka sakaling makakkuha ng numero. Pero lahat yan parang pagpaplano. Pero ang sinasabi roon sa text message niya kay SP, siya mismo wala siyang sariling initiative. Parang as a member of the NP na hine-head naman ni Sen Villar, siyempre kung tanungin siya, alangan naman sabihin niyang hindi ko susuportahan siya. Tama lang yan. Pinagtapat niya rin nagsimula yan dahil kumausap kay Sen Villar si Tolentino.”
“Dapat tanungin siya (Tolentino) pag nariyan siya sa Senado bakit ganyan ang kanyang direction. Hindi pa naman niya natitikman ang liderato ni SP eh.”
On possibility of opposition senators ending up in majority and vice versa:
“Nangyari na yan sa panahon ni PGMA. Mostly opposition ang senador pero umaandar pa rin ang panukalang batas. Di namin tinitingnan kung gusto ng Malacanang ang panukalang batas. Ang tinitingnan namin ang pangkalahatan, hindi lang ang gusto ng isang tao. Kaya maski mangyari na maging ang mayorya opposition di aligned kay PRRD, kung may itutulak silang legislative agenda for the last 3 years ng term at nakikita namin, susuportahan pa rin namin yan. Baka nasabi lang ni SP Sotto kasi di ba historically ang last 3 years ng Pangulo maski sinong Pangulo man yan parang nababansagan na lame duck kasi patapos ang termino at unti-unti nang nababawsan ang suporta ng political figures. Whether sa Kongreso, sa local, at kung saan pa man, yan ang nagiging parang kalakaran o tradition o nagiging pananaw, whether tama o hindi, yan ang pananaw.”
“Maski ngayon naman marami kami roon talagang independent ang pag-iisip. Maski ang mismong malapit sa Palasyo pagdating sa usapin na di rin pwedeng pagbigyan sa tingin namin, sarili namin whether tama o hindi, sa tingin namin mali, di talaga susuportahan. For example, ang Charter change and federalism. Di nadala ng HOR ang Senate pero ganoon pa man alam namin tinutulak yan ng PRRD isa sa mga prayoridad niya. Pero hanggang ngayon matatapos ang 17th Congress, never talaga umuusad yan sa Senado becauase majority sa amin hindi naniniwala na ito ang magandang timing para sa pagpapalit ng ating Saligang Batas. At pati ang patungo sa federalism pinagaaralan pa rin namin mabuti ano ang kakahinatnan. Kaya di rin garantiya na kung mayorya kakampi ng Pangulo, e lahat na gusto niyang ipasa maipapasa. Ang ibang panukalang batas na tinulak sa Senado pati ng HOR pagdating sa Malacanang vine-veto ng Pangulo. So ganoon ang dynamics sa Senate. Di kami madaling madala sa kung anong gusto ng Pangulo ng Pilipinas.”
“Ang mapunta sa minority ang dapat na mayorya. Nangyari sa amin yan. Di ba noong 2007 kami big winner kami noon dahil Genuine Opposition panalo kaming lahat. Naitsapwera kami nina Sen Roxas at Sen Legarda dahil nakipagkasundo ang kampo ni Sen Cayetano at Sen Escudero nagusap-usap sila ni naging SP Villar nakipag-coalesce sila sa mga Lakas. Kaya kami naging minority e dapat kami ang majority. Nangyayari yan. Di rin naman malaking issue. Of course at the time medyo issue yan pero ganyan ang dynamics sa Senate so di malayong mangyari kung halimbawang nagpirma ay hinalong may LP at sila ang mas naniniwala sa liderato ni SP at ang mga may duda ayaw magpirma, talagang sa minority ang tuloy nila.”
On calling another meeting among senators:
“Meron sa Wednesday, Eidl Fitr. Yan ang napiling petsa kasi walang session…. Kung mag-attend sila (Tolentino and Marcos).”
On Senate chairmanships:
“Hindi ganoon kadali. Ang chairmanship ng committee ine-elect yan. What if ang majority ng mga senador ang gustong ilagay sa ganitong committee isang particular na senador? Di pwedeng idikta yan eh. Maski halimbawa ang chairman mismo, although time-honored tradition namin sino may hawak makikidaan ka muna kung gusto mo pa niyan o di na gusto baka pwedeng makuha ko na lang. Pero at the end of the day pagdating ng July 22 ang pag-elect ng officers, SP, majority leader, pro temp, sergeant at arms, secretary ng Senate, at kinabukasan doon kami mag-organize ng committee at mag-elect ng chairpersons. So doon malalaman. Kasi ine-elect din yan. Halimbawa within the majority kung di magwawatak-watak ang mayorya ang count namin 20 kami. 4 naiwan, 20 ang mayorya so ang 20 na yan kami ang pipili assuming kami pa ang mayorya kung sino ang chairmen. So para maiwasan ang … sa floor 2 nagtutunggali magbobotohan pa kami pinaguusapan na lang yan. Pero ganoon pa man ginagalang namin ang equity of the incumbent na tinatawag kasi dumaan din kami riyan. Noong 2001 na bagong elect akong senador nagkaroon ng caucus ang grupo namin doon. Parang di na majority ang grupo noon, naging minority na lang kami dahil nawala sa amin si Noli de Castro. Pero initially ang assumption namin kami ang majority siya nagbabalangkas kami ng committee chairmanships. Kaming mga bago hindi kami kumikibo dahil alam namin ang latak na natira ang ayawan nila yan na lang sa amin muna. Then pag 2nd term na namin o next 3 years na may bagong papasok kami naman siyempre ang parang may karapatan. Ganoon ang tradition kaya nagugulat ako parang nabe-break ang ganitong tradition.”
“Sa unang pagpupulong namin sa hinost ni Sen Pacquiao binanggit niya yan. Sinabi ni SP Sotto dahil kanya-kanya nagsasabi baka pwede ko makuha ang ganitong committee. Sabi ni SP yan. Actually may tradition sa Senate may equity of the incumbent, ipagpaalam nyo sa may hawak kung ayaw na nila, saka nyo pakiusap kung pwede sa inyo na. Pero di rin biro-biro mag-chairman pag tumayo ka at ide-defend mo panukalang batas. Pwedeng hindi ikaw ang author ikaw lang ang sponsor, di ganoon kadali ha. At haharap ka sa hindi mo alam kung sino mag-interpellate sa iyo.”
“(Sa pagbigay ko ng committee ko kay Sen-elect dela Rosa), sabi ko lang gusto matuto agad si ano at lumawak ang kanyang perspective. Dati kong tauhan yan. He worked directly under me siya ang aking task group commander sa Mindanao, siya naka-base sa Davao. Gusto ko alam mo yan ang mentalidad na parang feeling protégé ko siya, dahil siya ang pangalawang CPNP na papasok sa Senate. Gusto ko magtagumpay siya.”
“(Games committee chairmanship bibigay ko kay Sen Lapid), Oo kay Pinuno. Nire-request niya. Ako madali akong kausapin. Pwede ako walang committee na chine-chair. Walang problema yan. Di naman doon nasusukat ang kakayahan ng isang senador. Ang pagtatanong. Maski hindi ikaw ang chairman pwede ka mag-attend sa committee hearing. Ang pagre-research at pagtatanong mo mas malaking bagay kesa sa kung ikaw ang nagpe-preside. Maski ikaw nagpe-preside wala kang tinatanong. Mas maganda mag-aral ka.”
On connection between Senate leadership moves and 2022 polls:
“Hindi ko alam. Di ko naisip yan. Ngayon nasabi mo kaya siguro partido nila yan, baka yan din sa back of the minds ng nagtutulak na iniisip nila baka makatulong yan sa posibleng kandidatura ni Sen Villar sa 2022. Pero di namin naisip yan, ang naka-focus sa pagiisip namin sa dynamics ng Senado.”
On alleged possible vote buying for top post:
“Sa termino ko walang ganyan. 3 termino ako sa Senate ni wala akong narinig man lang maski usap-usapan na para maging SP mamimili ng boto, walang ganoon. Sa HOR although may umuugong na ganoon di namin alam kung may katotohanan yan o hindi.”
“Mas mainiwala ako kay Sen Gordon (kung sabi niyang ibubulgar niya) kasi wala ring tigil ang ano niyan. Pag may ganoon talagang ibubulgar niya yan. Tama yan. Naniniwala ako sa kanya, gagawin niya yan.”
“(Kung totoo ang ganitong pagbili ang pulitika natin) Hindi nakakalungkot. Nakakahiya.”
On probe stemming from privilege speech:
“Na-refer ito sa SBRC call ni Sen Gordon kung tatawag siya ng pagdinig. Kung tatawag siya pupuwede pa rin. Pero pag last session day namin Martes. Maski tumawag siya ng pagdinig di na ma-report out sa floor. So pupuwedeng by way of a resolution pagpasok ng 18th Congress file ang resolution pwede imbestigahan the same issue. Ganoon ang mangyayari. Ang pwede lang naka-schedule Tuesday kung noong isang linggo kasi may 3-day notice rule kami. Kung Wednesday na-refer sa SBRC pwede mag-hearing Monday or Tuesday pero walang notice ng pagdinig. Pero alam mo sa akin okay na rin I think in a big way na-achieve ang purpose ng privilege speech. Nag-file ng kasi ang PDEA vs Co and 16 others kahapon sa DOJ. At meron kaming scheduled na pagpupulong di ko sabihin kailan with Commissioner Guerrero at PDEA DG to sort out this issue among ourselves and between themselves kasi mukhang may pagkakaibang version tungkol sa auction na nangyari.”
“Parang lesson learned, moving forward, huwag na ulitin ang ganoon kasi mali. Either way kung auction nila with the intention of catching sino ang consignee as I pointed out sa privilege speech di na mangyayari yan. Kung sanay ka mag-import alam mo pag auction subject yan sa 100% physical examination. So imposibleng hindi makita kung anong laman ng kargamento. Ngayon kung sinasabing controlled delivery di ganoon ang controlled delivery. Ang controlled delivery mula pa sa paggaling sa ibang bansa kontrolado mo na ang movement ng consignee at ito pinabayaan mo kunwari lumusot para sa ganoon saan ide-deliver makuha mo member ng sindikato. Pero ang pamamaraan na ibi-bidding mo hindi kasama sa controlled delivery procedure yan. Ang masama pa nga roon may vina-violate kang provision ng Customs Modernization and Tariff Act.”
“Ang mas malalim na issue rito bakit sige pa rin ang pagpasok ng shabu ibig sabihin ay kausap. Hindi siguro … ang mag-import na bahala na si Batman di ba? Papasok ka ng kontrabando at shabu, maski papano may kausap ka may nag-a-assure sa iyo lulusot yan. Common sense eh. Imposibleng maski sino si Jacky Co magpapasok ng 270 kg ng shabu sisiguraduhin mong may kausap ka. At ang kausap mo kung broker man yan sisiguraduhin mo rin ang broker matatag ang connection. Ang malungkot kasi may nahuhuli pero alam natin sa bawa’t nahuhuli ang daming nakakalusot. Sa Valenzuela P6.4B ang nahuli pero may nauna sa San Juan at Manila na pareho rin kasi cylinder din. So isa ang sindikato roon o isa ang importer o consignee. Ang nahuling magnetic lifter, di ba nahuli nga pero may nakalusot nang abutin sa GMA Cavite pero wala nang laman. Ibig sabihin nakalusot yan P11B ang estimate ng PDEA kung ibabase sa dami ng magnetic lifter na walang laman. At ang tea bag nakalusot din kasi naabutan sa Ayala Alabang na at sa Alabang Town Center. So kada may nahuhuli na panibagong scheme may portion ng shabu na nakakalusot. Kaya di matigil-tigil na sa halip na mabawasan ang gumagamit ng shabu o nagtutulak sa kalsada parang walang katapusan kasi umaagos ang supply. Demand reduction and supply reduction ang 2-pronged strategy pero kung sagana ang supply paano mo matitigil ang droga? So dapat diyan kina-cut mo sa gatekeeper ng border which is the BOC. So dapat bantayan din mabuti, palakasin ang kanilang counter-intelligence para hindi mangahas ang importer na magpasok. Kaya nangangahas yan may kausap. E sino kakausapin kundi BOC?”
On BOC Commissioner Guerrero’s leadership:
“Hindi pwedeng sabihing ganoon agad. Kung binigyan siya ng sariling authority sa BOC at nagkaganyan siya talaga dapat mabuntunan ng sisi. Pero ang problema kung hindi kumpleto o full authority ang binigay sa kanya para pamamalakad sa Customs hindi mo siya completely ma-blame kasi kung may pinasok sa kanyang tao galing sa Malacanang o kung saan man at wala siyang magawa di niya matanggihan, wala siyang choice; he has to work with the person whoever he is na wala naman siyang control. Importante yan. Kasi ang authority, ang responsibility ng isang namumuno kailangan commensurate sa authority na ibibigay sa kanya. Otherwise para sa akin, sure formula for failure yan kasi meron kang responsibility na napakalaki wala kang karampatang authority e basic yan sa leadership training na pinagaralan namin. Pagka binigyan ka ng responsibility kailangan may katapat din na authority. Kung wala o kulang authority mo napakalaki ng responsibility mo, medyo magfa-fail ka.”
“In a way (ang incompetence) pero sabi ko nga babalikan ko ang theory ko kanina, kung ganoon kalaki responsibility mo pagkatapos di mo kaya hawakan tao mo kasi kung saan-saan nanggagaling ang appointment at wala kang kinalaman at di mo recommend at ayaw mo pero wala kang magawa kundi sundin, hindi mo siya completely masisi kasi mas malaking challenge yan. Sa akin it’s good enough ang leader is leading by example. Tama yan. Pagka ang leader is leading by example, half of the battle is already won. But that’s the easy part. The more difficult part is mai-resonate o maitupad mo sa lahat na tauhan mo ang iyong example. Again babalik ako sa sinabi kanina. Kung kulang ka sa authority paano mo ipapatupad ang example na pinapakita mo kasi babalewalain ka noon kasi malakas ang kapit sa taas.”
On whether Palace appointees are the weakest link in anti-smuggling efforts:
“Pwedeng sabihing ganoon, pwedeng hindi. Sabi ko nga di lang ito si bagong talagang DepComm Baquiran. Binanggit ko sa privilege speech ko panahon ni Faeldon siya ang one of the bagmen. Panahon ni Comm Lapena tinanggal siya kasi napapalusutan siya ng shabu sa MICT. Pagbalik niya naging DepComm pa. Ang DepComm sa Malacanang nanggagaling ang appointment. Kaya gusto ko rin tanungin kay Comm Guerrero pag nagusap kami nirecommend nyo ba ito, tinutulan nyo ba itio, ano ba, bakit naging deputy commissioner? Importante yan kasi dapat hilingin niya. Noong nagusap kami bago siya nag-takeover nagkaroon kami ng pagkakataon magusap ito ang advice na bigay ko sa kanya, kasi kay Bato sinabi ko rin. Sabi ko napakalaki ng responsibilidad, hingi muna kayo kay PRRD ng full authority to run the bureau. Kung di ibibigay yan at least for 3 months. Kung hindi nyo kayang pakitang gilas in 3 months e di bawiin ang authority na binigay sa inyo. Pero kung maganda ang takbo ibig sabihin tama ang ginagawa ninyo huwag na sana manghimasok. Minsan diyan nasisira ang bureaucracy. No matter how well-intentioned no matter how good a leader is, kung pinasukan ng pulitika at di ka makatanggi kasi subordinate ka, prerogative ng Pangulo mag-appoint di ba lalo ang presidential appointee, e biglang ibabagsak sa iyo, siyempre may yabang yan kasi di ikaw ang nag-recommend maski in-object mo naroon pa rin siya, medyo iba dating noon. Parang untouchable. So doon nagfe-fail ang leadership.”
“Kung talagang seryoso tapos bantayan niya lang. Ang Presidente naman di para mag-micromanage. Ipaubaya mo ito ang respobsibility mo ipakita mo sa akin ang resulta. Ang president di dapat na interesado sa details, dapat interest niya lang ang output. Pero pag pinakialaman pa ito ilagay mo riyan kasi bata ko ito, e naloko na.”
On PRRD claim that drug problem is on a downtrend:
“Noong kasi ako nag-sponsor ng budget ng PDEA at DDB. Pinondohan namin sila malaking pondo para magsagawa ng honest to goodness survey na ilan ba talaga ang drug users. Kasi yan malaking pagtatalo may nagsasabi 1.7, may nagsasabi 4m. Matagal hinihingi yan at binigay namin sa kanila yan. Sige magsagawa kayo para magkaroon tayo ng empirical data o pagbabasehan kung lumalala ba o hindi. Pero kailangan totohanan ang survey na gagawin ninyo para accurate ang bilang o nearing accuracy ang pagbilang ng users and pushers. Kasi kung ganoon wala tayong reference. Yan ito para sa 2019. By now I like to think sinisimulan na nila ang pag-survey kasi may pondo na sila.”
“Di ko alam anong basis noon kasi pag sabi mong downtrend may pagbabasehan ka noong nakaraan.”
“Maski sila sinasabi nila dumadami. Minsan di ba may statement siya noon mas lumala pa. Sa Japan sabi niya downtrend. Ano ba talaga totoo? Pati tayo medyo confused sa pronouncements na ganoon. Para maging totoo talaga, yan, isasagawang pag-survey ng DDB, doon natin malalaman di ba? Lalo sa susunod na taon kung lumala ba o bumuti ang kalagayan ng crime situation.”
On Erwin Tulfo’s tirade vs DSWD Sec Bautista:
“To say the least, talagang uncalled for. Malupit eh. Kami gusto nyo kami, minsan ilan sa amin gusto nyo ma-interview pero minsan conflict din schedule namin may department heads na di mahilig sa interview. May ilan napakahilig nagpepresenta pa. May iba sa dami ng trabaho di magampanan ang magkaroon ng interview sa radio. Kayo mismo nagpapahayag ng pagtatampo sa akin. Pati iba sa TV. Minsan wala akong magawa kasi timing masama. Halimbawa may appointment ako sa umaga may gusto mag-interview sa umaga oras ng paligo ko yan male-late ako sa appointment. May dahilan para di mapagbigyan ang interview at hindi dapat masamain ninyo porke’t hindi ma-interview ang isang department head mumurahin ninyo in public. Anyway nag-apologize na rin siya. Now it’s up to Sec Bautista kung ia-accept niya ang apology o hindi. Meron akong alam ilang cavaliers ina-advise siya na huwag tanggapin ang apology. May mga ganoon kasi may mga nasaktan na hindi dahil sa Cavalier kundi talagang di rin maganda ang pagkaka-criticize. May criticism na constructive, di maanghang. Pwede naman yan.”
“Member ako ng PMAAA. Siyempre suportado ko yan. Pero kung papatawarin kung ako tatanungin alam nyo ako mapagpatawad ako. So kung ako hihingan ng advice sasabihin ko nag-apologize naman, that’s humility enough. Para bang with equal humility tanggapin mo ang apology. Pag may taong nakaano tapos nag-apologize sa iyo parang pardon the word, parang captive mo na yan kasi nagpakumbaba na. So bakit ipagkakait mo ang kapatawaran? Sa akin yan. That’s me.”
“Malalaman mo sincere ang apology pag di na inulit. Pag nag-apologize at inulit pa, anong sinseridad meron niyan?”
*****