In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
– national dignity factor in UN-HRC resolution on killings
– ‘double standard’ in UN, WPS issues?
– reported claim that VP Robredo’s stand on UN-HRC resolution is a ground for impeachment
Quotes from the interview…
On PH government’s action on UN-HRC resolution to probe alleged EJKs:
“Unang una, nakapag-tweet ako riyan na we can manage on our own. Unang una, bawa’t isang tao ang importante ang kanyang dignidad, kasi doon nakasalalay ang kanyang respeto sa sarili. Ganoon din sa ating bansa importante sa atin ang national dignity. Tayo mahigit 120 taon na tayo malaya at alam natin ang dapat gagawin, alam ang mali, alam ang tama. Tinatama natin kung ano ang mali. Katunayan di ba nagkaroon tayo ng maraming pagdinig sa abuso ng mga pulis sa drug war? At nagkakabunga naman ito dahil ang kaso halimbawa ni Kian delos Santos, convicted ang mga pulis na nagsagawa ng excesses. At sa Korean doon sa Angeles ganoon din, nagta-trial na ngayon.”
“Para maliwanag ang pinanggagalingan ng aking pananaw, 47 ang members. Siguro mas malakas ang pressure sa atin at maari tayo ay magbigay kung overwhelmingly adopted ang resolution na inihain ng Iceland. Pero out of 47, 18 ang pumirma at 14 hindi, at 15 nag-abstain. So hindi ganoon kalakas ang pressure at napapakita naman natin na kaya natin i-manage ang anumang abuso na nangyayari. So yan ang aking pinanggagalingan.”
“Having said that, ang pinaka siguro at best, ang pwede nating gawin, gumawa tayo ng comprehensive report kung ano talaga ang lowdown, ano ang nangyayari sa ating drug war at pwede natin silang bigyan. Pero para payagan nating mag-imbestiga sila rito, parang sampal naman sa atin ito. Para tayong batang paslit na hindi alam ang ginagawa. So hingi sila ng report pero anong susunod? Kung hindi sila satisfied sa report natin mag-iimbestiga pa rin nang sarili tulad ng panawagan ng ilang European countries at pati na rin ang narito sa atin na sumusuporta.”
On who should prepare ‘objective’ report:
“Based on facts. Maski sino gumawa ng report basta ang pinagbabasehan, ang figures and facts na available sa record. Makikita naman kung doctored at kung biased ang report. Halimbawa ipaubaya natin sa CHR ang paggawa ng report, ganoon pa rin. Wala pa ring status ang CHR para magpadala ng report on behalf of the PH government. Kung hindi ang magsa-submit ng report if at all, ang executive branch, ang Malacanang. At dapat nakalagay din doon ano ang mga actions taken. Hindi lang nag-uusap lang tayo ng numbers o figures kundi ano ang remedial or corrective measures na ginagawa ng mga authorities.”
“Hindi din dapat balewalain (ang boto ng UN-HRC) kasi democratic vote din yan. Maski sabihin nating 18 out of 47, democratic vote pa rin yan tulad sa amin di ba, may nag-a-abstain, may bumoboto in favor pero nagdi-dissent. Pero at the end of the day, yan ang demokrasya. Pero ang sinasabi ko lang, ano ang purpose kailangan liwanagin ang purpose ng resolution na pinasa-submit ng report ng resolution na ihinain ng Iceland. Kasi mukhang ang kasunod noon kung di sila satisfied ay magsasagawa sila ng investigation nila, yan naman ang hindi karapat-dapat. At dapat nating alalahanin na meron tayong national dignity na mas mahalaga sa atin more than anything else.”
On possible ‘double standard’ of national dignity in WPS issue:
“Yan ang mahirap. Pag double standard ang pagtrato natin talagang masisira ang credibility. Dapat isa lang ang standard na ini-invoke ng ating pamahalaan.”
“In a way, or in some ways, more ways than one, mukhang double standard nga kasi importante sa atin ang issue ng sovereign rights, national dignity din ang involved doon eh kasi nabangga ang ating fishermen, at ang pahayag ng Malacanang, nasabi ko na rin umaakto pang defense counsel hindi ng bansang Tsina kundi ng kapitan at crewmembers ng bumangga.”
“That’s the bigger issue bukod pa sa nabangga na parang wala tayong kaukulan o sapat na pagpapakita ng pag-aaruga sa ano atin. Mas malaking issue pa yan, bakit natin papayagan, papahayag pa natin na ina-allow natin?”
On Senate findings on EJKs:
“Yan definition ng EJK dapat state-sponsored. Hindi lang yan. Pag sinabi nating EJK ang ibig sabihin noon parang tino-tolerate, parang walang ginagawa, walang investigation. Pero meron tayong SC at korte at may Senado at HOR na nagsasagawa ng investigation. So ang pagtawag na EJK misnomer na yan, mali na agad yan. Pag sinabi mong EJK parang state-sponsored, o kaya walang ginagawa ang buong gobyerno para i-correct ang mga killings na nangyayari. Pero gumagana ang korte, maliwanag naman may na-convict, may naimbestigahan, at may nadi-dismiss.”
On effect of PRRD’s statements regarding ‘killing’:
“Tama yan pero kasi tayo kilala natin ang Presidente natin na pag nagsalita, more often than not, bukod sa makulay, hindi naman talaga yan ang ibig niya sabihin. Parang ine-exaggerate niya lang para ma-emphasize ang gusto niya gawin. Pero sa mata ng international community hindi ganoon ang dating kasi pag Pangulo ka at nagsalita ka nang ganoon, ang dating kaagad, policy statement.”
On other measures to address UN-HRC:
“Yan (report) ang pinaka as of now na pwede nating gawin para ipakita natin na wala tayong tinatago. Pero anong kasunod? Nag-submit tayo ng comprehensive report, magsasagawa sila ng investigation on the basis on the report na isa-submit natin sa UN?”
“Saan nila gagamitin. Mukhang may paggagamitan sila. Kasi kung di sila satisfied anong gagawin nila? Mag-iimbestiga sila rito? Yan ang dapat naman hindi natin payagan, at malinaw naman pag di natin recognize yan e wala rin naman silang magagawa.”
“Hindi natin (made-deny) yan, araw-araw may patayan. Talaga in-admit nila yan. Ang importante meron tayong ginagawang remedial measures, corrective measures. Kung wala doon talaga pwede tayo makiisa sa resolution na in-adopt ng council ng UN. Pero hindi naman. Alam natin in our heart of hearts na may ginagawa ang pamahalaan at ang korte, Senado at Kongreso, lahat na 3 branches ng gobyerno may ginagawa naman. Hindi tayo nagkukulang din. Kaya lang hindi natin talaga maharap lahat-lahat at kailangan din natin ang cooperation ng PNP, NBI at law enforcement agencies.”
On claims that VP Robredo’s position on the UN-HRC resolution is a ground for impeachment:
“Masyadong stretch na yan kung ganoon. Sinasabing betrayal of public trust because sinusuportahan mo ang isang sabihin na nating legitimate resolution dahil trabaho ng council yan although part yan ng UN at member naman tayo ng UN. Member pa rin tayo ng UN HRC so saklaw tayo talaga noon. Pero para sabihin just because sinuportahan mo yan betrayal of public trust, papaano kung babaligtad ang interpretation, ang hindi nagsuporta noon betrayal of public trust din? E di lahat na impeachable officials i-impeach. Parang sobrang stretch na yan, ang sabihing impeachable offense ang mag-express ka ng opinion regarding a resolution na in-adopt ng Council.”
*****
One thought on “Interview on DZBB/GNTV: National Dignity in UN-HRC Resolution and WPS Issues | July 14, 2019”
Comments are closed.