In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
– updating laws to deal with crimes like the Metrobank robbery
– PH invoking national dignity in UN-HRC resolution on killings
Quotes from the interview…
On measures after the Metrobank robbery:
“Kung alam lang ng mga pulis ang karapatan o authority nila, dapat hindi na-hinder ang kanilang investigation noong hindi sila pinapasok kasi meron namang kaukulang batas dito. Tapos may na-issue ring field manual sa field investigation ng ga krimen. Ang first ever field manual noong panahon ni Dir Gen Bacalzo noong 2011.”
“Malinaw roon na sinasabi ang first responders within 72 hours, ito ang tinatawag na golden hour ng investigation, kung saan ang first responders, not necessarily mga imbestigador; kung sino ang law enforcement officers na pinakamalapit sa crime scene, dapat agad-agad sila magrerespode papasok at hindi sila pwede awatin dahil may parusa sa pipigil sa kanila. Kailangan lagyan nila ng boundaries, ang crime scene, lubid, etc. At agad-agad ire-record nila ang appearance walang gagalaw sa nakakalat na papeles doon, anong bagay sa loob ng crime scene or within the crime scene itself, ang perimeter, i-establish nila ang boundary in this case ang bangko mismo. At walang gagalaw, walang lalabas, walang papasok pero dapat papakilala nila properly sarili nila. Ako si police officer ganito o kapitan ganito na kami ang unang mga responde rito hintay natin ang imbestigador. So agad-agad tatawag sila ng investigator and turn over properly with the proper initial briefing na ibibigay sa investigator. Pag turnover pwede na sila umalis at mag-secure ng premises.”
“May batas, natandaan ko may Presidential Decree si former President Marcos, alam ko hindi pa repealed yan, PD 1829, nagpe-penalize sa nag-o-obstruct o nagpe-prevent.”
On need to revisit current laws:
“Kami rin sa Senado at Kongreso dapat siguro i-revisit nang sa ganoon ma-strengthen pa kasi medyo may katagalan na. Martial law pa na-issue ito kasi pag sinabi nating obstruction of justice di lang ito sa court trial or preliminary investigation. Even sa stage ng police investigation meron na tayong obstruction of justice, simula pa lang. Kasi part na ng legal procedure ang investigation ng pulis o NBI.”
“Pero as it is, meron talagang batas na pwedeng invoke ng pulis at pwede nila kasuhan at hulihin. Halimbawa may nakasagasa sa kalsada, at wala namang pulis. Pero dahil natakot, pumasok sa bakuran o pamilya niya at nagtago. Nang pumasok ang pulis nasundan, tinanong kung nariyan si Pedro kasi siya nakasagasa, at kung tinanggi ng may-ari ng bahay, pwedeng kasuhan yan at pwedeng pasukin ang bahay dahil hot pursuit yan. In this case, malinaw na robbery ng bangko, lalo pa nga dapat na i-preserve kaagad ng tinatawag nating first responders, ito ang first 72 hours eh, na kung saan sila ang magpe-preserve o magpe-prevent or mag-minimize ng contamination ng ebidensya. Napakaimportante noon, kasi what if may naiwanang incriminating na gamit ang mga bank robbers? O may naka-identify sa kanila, sa pagmamadali nila may naiwan sila? O kaya ang forensic evidence na available doon, fingerprints na pwede i-lift ng SOCO pag dumating doon? Pero katungkulan yan ng unang una, halimbawa Chinatown ito may detachment doon, ang naroon ang dapat pumunta agad doon at di sila pwede pigilan. Di pwedeng sabihing di kayo pwedeng pumasok.”
“(Parusa sa PD 1829), Prision correccional mahaba-haba yan at may fine na P6,000. Pero tama kayo. Dapat i-revisit ang batas dahil Presidential Decree ito. Mas magandang mai-convert ito into a Republic Act na pinagtibay ng Kongreso, at bigyan pa ng matinding pangil.”
Other obstacles to law enforcers:
“Ang CCTV may jurisprudence ito, alam koi to kasi ako nag-defend ng amendment to Anti-Wiretapping Act na napakatagal na, RA 4200. Na-discuss namin ito I think nag-interpellate sa akin noon si Sen De Lima nang di pa siya nakulong. Sabi niya papaano ang CCTV sa public places or CCTV ng private residences? Sa kaunting pag-research ko pati ng aking staff may jurisprudence ito. May test ng privacy. Kung ang individual ine-expect niya, reasonable expectation of privacy test, pag pumasa ka sa reasonable expectation of privacy test, pwede mo gamitin ang CCTV maski walang court order kasi ang individual mismo ine-expect niya pagpasok sa grocery magnanakaw ka may CCTV na kukunan ka. At society itself, mga citizens, tayo rin naniniwala hindi dapat magkanlong sa privacy ng individual kung ikaw ay nasa isang public place. Pero ibang usapan pag camera ng bahay tutok sa kapitbahay ibang usapan yan. Yan pwede kasuhan, dapat i-amend ang obsolete antiquated na RA 4200 kasi ang nasasaklaw lang noon Dictaphone, walkie-talkie, landlines. In this day and age of communication technology napakaraming paraan para mamonitor at ma-respond na rin.”
On importance of first responders:
“Napakaimportanteng unang nagresponde na talagang makasagawa agad ng preservation of crime scene at di ma-contaminate ang ebidensya. Yung original form pagkaalis ng suspect, walang nagagalaw. Walang puwedeng gumalaw kundi altering yan. Pag alter mo may kaukulang parusa yan sa PD 1829.”
“(Ang first responders) kailangan cloaked with police authority. Pag barangay pwedeng sabihing person of authority pero wala silang training. Ang pulis maski papano guided sila ng kanilang manual, meron silang field manual. I hope itong pulis natin basahin itong field manual kasi 2011 ito na-issue panahon ng the late Sec Robredo at Gen Bacalzo. Unang una ito. Di namin nagawa ito nang CPNP ako yan ang unang field manual sa investigation pati sa pagresponde. Naroon ang guidelines nila. Dapat basahin nila yan.”
“Ang authority ng investigator, basta crime scene, sila ang may jurisdiction doon… Ang pulis natin kung alam nila ang authority nila, dapat gawin nila. Di sila pwede kasuhan dahil pilit nilang pumasok. Ang makakasuhan ang ayaw magpapasok. Basta properly identified.”
“Ang initial action ito ang most commonly cited na weakness sa investigation. Ang initial action diyan nakasalalay ang preservation ng ebidensya. Ag nagkamali sa initial action mo, maraming pwedeng ebidensya na magpapalakas sa kaso looking forward pagdating sa korte na pwedeng hindi magamit o kaya mali ang paggamit o maling ebidensya o altered, contaminated, naiba na. maliligaw ang investigation.”
“At least ang SOCO natin alam nila. Ang kailangan talaga natin para bigyan ng refresher course or training ang first responders. Ito ang mga pardon the word, mga pulis patola na bagong salta, pag pulis patola, ito nagpa-patrol, ang nakabatuta na nagpapatrol. Sila most likely magiging first responders so sila dapat kasama sa training ng PNP sa kanilang bago mag-enlist di ba meron silang recruitment or training dapat naka-inculcate ito dahil in all likelihood mostly magiging unang trabaho nila magpapatrolya sila. So dapat alam nila na pag may crime na naganap, ang preservation ng crime scene napakaimportante. Ito ang pinaka-weak point ng initial action pagdating sa police investigation.”
On UN-HRC resolution:
“Para maliwanag ang pinanggaglingan ko. Meron tayong kaukulang aksyon na ginagawa. Ang masama kung state-sponsored ang namamatay tapos wala man lang. ang Senado at HOR nag-investigate, ang korte nag-imbestiga at NBI nagimbestiga. Walang failure ng criminal justice system. Nagfa-function naman. Bakit tayo papayag na may makikialam? Ang pag submit ng ng report ok lang yan kasi ito ginawa namin hindi lang ito numero ng namatay, ito ang circumstances, pero ito ang kaukulang aksyon na ginawa namin. Sa katunayan kay Kian delos Santos naimbestigahan ng Senado at ng NBI tapos na-file-an ng kaso. Convicted na nga after 1 year.”
“Marami pa ring kaso. Di lang na-publicize. Kailangan natin if at all at most, kung mag-submit tayo ng report, i-cite lahat na corrective measures, remedial measures ng gobyerno, di lang corrective, pati rin preventive measures. Maraming na-dismiss na pulis tungkol sa anti-drug war ng Presidente.”
“Sa internal cleansing… Marami pa ring naimbestigahan sa war on drugs.”
On cutting diplomatic ties with Iceland:
“Kung kakalas tayo doon, e kumalas tayo sa ICC. E kada bang may kokontra sa atin kakalas ba tayo? The time will come may kasabihan hindi tayo pwede mag-exist alone. At darating at darating ang panahon hihingi tayo ng tulong sa any of the UN bodies or entities. Natandaan ko sa Yolanda lang ang unang unang tumulong sa atin UNDP. Yan ang nagbigay ng cash for work sila unang nagresponde tapos nang una akong natalaga unang ka-meeting ko UNDP. At sa pag-submit namin ng comprehensive report ang rehab sila pa gumastos para sa pagimprenta ng 8000 pages ang 8-volume comprehensive rehab plan. Talagang nariyan sila para rin tumulong. Pero ang sa akin lang meron tayong national dignity. Sa atin bilang mga individual ang sariling dignidad natin di ba pinangalagaan natin? Huwag naman parang nawawala self-respect natin. In the same vein lalong mas mataas na antas ng national dignity kassi bansa na ang nakasalalay dito, dignidad ng bansa, self-respect ng bansa at pinayagan natin nakatiklop tayo at nagimbestiga sila. Di ba parang mahalay tingnan yan? E meron tayong ginagawang kaukulang aksyon.”
“Wala namang masama roon (pag-submit ng conclusive report). Kasi kung wala naman tayong tinatago at kung may nangyaring excesses e meron tayong ginawang kaukulang aksyon, ano ang dapat natin ikabahala doon? Para sa akin ito ganang akin lang ito, hindi ko pilit pinapangunahan dahil ang foreign policy, executive function naman yan.”
On breaking from a treaty:
“Pagpasok sa treaty may kaso sa SC ang alam ko nag-file nito si Sen FMD. Pag ratify ng treaty, Senado yan, 2/3. Pero pagkalas, ang gusto ni Sen FMD kailangan meron ding permiso ang Senado dahil ang nag-ratify Senado, ang dapat pag-break ng treaty dapat Senado rin. Kaso yan na dapat resolbahin.”
*****