Interview on DZBB: Senate Hearing on Chinese Incursions, Revisiting Anti-Graft Laws | Aug. 20, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– Senate hearing into Chinese ships’ incursions
– revisiting anti-graft laws

Quotes from the interview…

On revisiting anti-graft laws:

“Dapat i-revisit kasi unang una, vague ang definition. Wala ngang definition ng nominal o insignificant. So kailangan liwanagin sa batas kasi sa ngayon depende sa huwes mag-interpret ano ang nominal. So para walang confusion, inaaral namin even as we speak, pinaaral ko sa legislative staff ko kung ano ang dapat irebisa. Ang unang nakita namin ang definition of nominal. Napakalaki yata ng P100,000 para sabihing nominal. Ang nakikita namin siguro maglagay tayo ng relative to base pay.”

“Ang pinakamataas na base pay sa PH ngayon sa P223,000 to 224,000 monthly. At ang pinakamababa sa P6,800. So ang inaaral namin ano ang figure na pwede i-define as nominal. Pwede natin sabihing 5% ng base pay. Huwag ang take-home pay kasi kung sinama mo ang commission sa pork barrel napakalaki noon. Dapat base pay lang, kung ano ang base pay ng kawani ng gobyerno, yun lang ang pagbabasehan, yan ang base na pagbabasehan ng numero. So kung 5% ng pinakamataas na sweldo ng base pay na P200,000 na lang, mga P10,000 yan. Yan ang pwedeng definition ng nominal. Kung nasa P6000 o P7000 ang 5% noon mas mababa, sa P350. Pwede i-define na ganoon. Ang susunod, paano natin trato ang gratitude at bribery.”

“Ang bribery walang duda roon maski under any circumstance, ang bribery bukod sa illegal, immoral. Ang gratitude pwede sa ilalim ng batas talagang illegal pero pwede naging sabihin hindi talaga ito immoral kasi utang na loob, ito ang sinasabing kultura nating mga Pilipino na minana natin sa ating mga ninuno. So paano ngayon itatrato? Halimbawa kalimutan natin ang bribery kasi bribery may batas diyan. Pero gratitude, ang utang na loob, siguro ang bottom line kung kunektado sa trabaho sa gobyerno, directly or indirectly, ang pagbibigay ng regalo o gratitude, siguro dapat ipagbawal din kasi pwede palawakin ang interpretation, ang bribery nagaganap ito bago sinagawa ang act ng pagbibigay ng favor. Pero gratitude nagaganap ito pagkatapos ng act ng government official. Pero pwede natin sabihin or interpret na bribery pa rin kasi may usapan naman kayo at parang with regularity na ang tao nagbibigay ng regalo kung may ginagawa kang pabor, lumalabas doon bribery na rin.”

“Sa ilalim ng batas ngayon pinagbabawal. Pero dapat redefine natin kaya sabi ko bigyan natin ng malinaw na definition ano ba ang nominal.”

“Kung regalo o gratitude, dapat hindi in cash, dapat in kind. Ang equivalent amount paghalimbawa lang, hindi pa definite ito, pwedeng 5% ng base pay ng isang tao.”

“Kung pagbabasehan natin halimbawa ng 5%, halimbawa sa P200,000 pinakamataas na sweldo, ang 5%, nasa P10,000 worth of gift na pwede ibigay. At sa pinakamababa P6,800 kung kukunin mo 5% higit P300 lang. Siguro pwede pagbasehan yan para ma-define ang nominal. Yan lang ang purpose.”

“Hindi para humanap ng excuse o kadahilanan para tumanggap ng regalo kasi malabo. Nakasaad ang nominal o insignificant, hindi naman sinasabi sa batas ano ang definition ng nominal. So nagkakaroon ng kanya-kanyang interpretation.”

On gift-giving gesture related to public servant’s work:

“Ibang usapan yan. Pag konektado sa trabaho mo ang pagbibigay ng regalo, bawal yan. Pero kung halimbawa Pasko o birthday o may okasyon o kaya wala kang ginampanan na tungkulin na konektado sa regalong ibibigay sa iyo, doon tayo magde-define ng nominal.”

“At huwag ang regalo na may connection sa trabaho. Halimbawa natulungan mo biktima ng robbery-holdup, na-recover ang hinoldap, reregaluhan ka bawal yan. Sabihing regalo o reward, bawal yan. Halimbawa noong araw naka-rescue kami ng kidnap victim.”

“Kung kunektado man sa trabaho, maski anong regalo dapat bawal din kasi ibig sabihin may strings attached yan. Kahit tapos ang act na ginawa ng kawani ng gobyerno. Pero kung ang regalo may okasyon halimbawa Pasko o birthday ng kawani ng gobyerno, hindi naman siguro masamang tingnan kung mga kaibigan niya magregalo pero wala namang hinihinging kapalit o walang nagawa ang opisyal para magregalo ang tao. Ibang usapan yan, bawal din yan.”

“(Ang pagtanggi ko ng reward sa pag-rescue ng KFR victims), hindi lang isang kaso yan. Maski nang ako assigned sa Cebu, isang anak ng Gaisano clan doon ganoon din na-rescue namin, di ko na tinanong magkano nang nagsabing meron silang bibigay na reward, agad kong tinanggihan, dahil ang paniwala ko naman ayoko naman mahirati ang tauhan ko na manunuri pa ng humihingi ng tulong o complainant, kung medyo mukhang gusgusin wala tayong aasahang reward dito baka tamarin.”

On SOJ Guevarra asking CSC for policies on gift-giving:

“Tama rin yan. Mas maganda na ilagay sa batas ang provision. Kasi ang pinaka-vague diyan ang nominal. What is nominal? Ang (unang sabi ng) CSC, ang nominal depende sa interpretation ng judge, ng korte. Parang hindi yata, nagiging subjective yan. Ang nominal value isaalang-alang nito ang intention. Kaya dapat i-define sa batas ke nominal yan ke hindi kung ang intention may kinalaman sa katungkulan ng kawani ng pamahalaan, dapat wala nang pinaguusapan pa kung nominal o of value ang ibibigay. Konektado na kasi sa tungkulin mo.”

On culture of ‘pasalubong’:

“Kaya nga dapat i-define na lang natin kung ano ang nominal. At saka minsan di ba na-o-offend ang nagbibigay kung isasauli mo dahil baka isipin nila porke’t mura lang regalo ko isasauli. May mga sensitivities dito. Minsan kasi baka ma-misinterpret ng nagbibigay ng regalo na minsan na-o-offend na hindi tinanggap at di nauunawaan dahil kultura natin ang utang na loob o pakikipagkaibigan, pag sinauli mo, baka ma-interpret na suplado ka o nagmamalaki ka. May mga ganyang dapat ikonsidera pag ni-revisit natin ang batas.”

On the process from bill to law:

“Dadaan pa naman ito sa committee hearings. Kukuha ng resource persons sa CSC, sa mga NGOs. Pagkatapos sasailalim pa sa deliberation sa plenaryo. So mahihimay at mahihimay pero offhand yan ang iniisip namin na panukalang batas.”

“Babasahin ang batas sa plenaryo ang first reading. Ire-refer ito sa committee na magtatawag ng resource persons, ito ang mga expert sa CSC at academe, pwede sa media, tumawag ng resource person. Pagkatapos noon mag-prepare ng committee report ang chairman at ito pagdedebatehan nang mahaba sa floor at bago ma-approve on second reading. Pagkatapos noon magbobotohan na sa third reading at pagtutugmain kung may HOR version at Senate version pagtutugmain ito sa bicameral conference.”

On cops selling raffle tickets:

“Bawal yan, solicitation yan. Bawal yan kasi solicitation yan. Hindi mo nga ma-define na regalo yan. Solicitation yan.”

On cops asking for gas money:

“Extortion na yan. Pangingikil yan kasi di aandar ang sasakyan? Ibig sabihin hihingan ng pera ang complainant. Mukhang hindi na nangyayari ngayon yan, may exception pa rin siguro.”

“Ewan ko lang na-experience ng kababayan natin. Kung may na-experience talagang walanghiya ang pulis na yan.”

On Senate investigation into Chinese ships’ presence in PH territory and POGOs near military camps:

“Ang na-consider namin sa aming rules, pag may resolution patungkol diyan at na-refer sa committee, magsasagawa ng pagdinig, inquiry in aid of legislation. Kung walang resolution, magandang nabanggit mo na rin, pwedeng ako mismo maghain ng resolution para magkaroon ng referral. Isang committee sa amin ang motu propio, ang pwedeng magsagawa ng inquiry, ang Blue Ribbon Committee. All other committees hindi pwedeng magsagawa ng pagdinig kung walang referral. So kailangang may resolution o may panukalang batas bago magkaroon ng pagdinig.”

“Yes (whether Sen. Lacson will file the resolution). Issue talaga na dapat tingnan ng Senado para sa policy. Policy issue kasi yan. Ano ba talaga ang policy ng pamahalaan sa incursions? Although maliwanag sa batas yan na bawal.”

*****