In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
– More Chinese drug convicts released from PH facilities
– Convicts in Chiong sisters’ 1997 rape-slay released
– Constitution as basis for the ‘Designated Survivor’ bill
Quotes from the interview…
On the release of Chinese drug lords, 4 of whom were initially identified as Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, and Wu Hing Sum:
“Lima nga eh. May pang-lima na kasama sa kaso. Nang check namin ang kaso sa SC dahil naka-appeal ito dahil heinous crime, Dangerous Drugs Act, in-affirm ng SC ang kanilang conviction noong 2011. At sila na-convict noong 1995 kaya kung isasama ang preventive confinement nila, medyo matagal, 23 years na sila nakakulong. Bukod sa 5, may 3 pa, isa na-release sa Davao Penal Colony. Taiwan drug lord naman yan. Tapos meron sa Palawan, 2 pa, drug lord din, na-release noong April. Sunod-sunod mga Chinese drug lords na nire-release, gamit ang GCTA na tinatawag.”
“Level yan ng BuCor. Kaya dapat ipanawagan natin, anyway sakop na rin ng pagdinig, tatanong natin kay Sec Guevarra dahil sabi niya nirerepaso nila sinuspend lahat. Ang tanong, ang mga turned over na sa BI na Chinese nationals, ang 5, dahil nasa custody natin, pwede pa ba habulin at i-suspend ang deportation proceedings at ibalik sa Muntinlupa habang nire-review ng DOJ? Kasi meron siyang legal opinion na hindi applicable ang GCTA pag heinous crime ang kinasasangkutan ng mga nag-a-avail ng GCTA.”
“(Sa mga released Chinese drug lords), inamin naman ng BI na hawak nila at sabi nila napirmahan na nga ng commission en banc ang kanilang deportation at implementation na lang. Parang hinihintay na lang ang ibang requirements, ministerial yan, mga NBI clearance, kung anu-ano. So nariyan pa sila. So yan isang magandang tanungin, kung sila pwede pa habulin ng suspension order na pinalabas ng DOJ.”
“At the very least huwag na muna i-deport. Hayaan muna silang makulong sa BI at kung masama sila sa sinuspinde, sa order of suspension ng SOJ, ibalik sila sa Muntinlupa.”
“Sana maagapan ang mga Chinese na nakakulong pa sa BI. Yan ang ating dapat maipanawagan kay SOJ kasi under niya ang BuCor. Kasi pag na-deport na yan wala na tayong habol doon. Kasi mamaya makabalik pa rito under an assumed name mag-drug trafficking na naman.”
On drug convicts who availed of GCTA:
“48 lahat yan may drug-related cases na nakapag-GCTA na. Out of the 1,914, the drug-related cases na nakapag-avail ng GCTA ay 48.”
“Laya na yan (mga Filipino convicts). Kasi sa batas natin, pag ikaw ay foreign national magse-serve ka ng sentensya mo at kung served sentence ka na, saka ka ide-deport. Kung Pilipino, makalaya na ang mga yan. Kasi walang pagde-deport-an sa kanila. Mga Pilipino sila.”
On whether the GCTA system was abused:
“Yan ang dapat, aalamin namin sa Lunes. Kasi kukunin namin ang profile ng mga … so far ang nakikita natin, mga maykaya ang mga nare-release. Ang convict sa Chiong sisters, mga maykaya yan sa Cebu. Kay Antonio Sanchez maykaya definitely yan. Pagkatapos itong mga Chinese drug lords, siguradong maykaya. So gusto ko makita ang profile ng 1,914 na na-release at very recently ang 48 drug lords. Ano ang background nila, ano ang kakayahan nila? Kasi kung naiiwan doon ang walang kakayanan at ang makapag-avail lang ng GCTA ang maykaya, maski papaano mag-iisip tayo.”
On ‘pera-pera’ at the Bureau of Corrections:
“Sabi ng source ko sa NBP ganoon talaga, pera-pera.”
“Sabi ng source ko sa NBP, talagang pera-pera nga raw. Nakapagbanggit nga ako na nag-migrate ba ang tara system from BOC to BuCor? Kasi 11,000 di ba, inamin ito ng mismong director ng BuCor, ang nakalinya 11,000. So kwentahin natin. Halimbawa parang container sa BOC na P10,000 per container, pero ang P10,000 i-multiply mo ng 11,000 kung gaano kalaking pera yan. Sigurado naman the likes of Mayor Sanchez and the Chinese drug lords hindi naman siguro P10,000 lang dahil mare-release sila.”
On the release of the convicts in the rape-killing of the Chiong sisters:
“Na-release na rin yan pero ang nakapirma roon iba. Hindi mismong si Nicanor Faeldon ang nakapirma. Ang balita ko a certain Marquez ang nagpirma roon. Pero ang may authority magpirma ng release order ay ang director ng BuCor. Ngayon kung sino man ang pipirma na underling, subaltern or sinumang assistant doon, ang ultimate responsibility pa rin, ang director. So yan dapat natin malaman kasi ang balita sa Chiong sisters, ang respondents doon, hindi mismo ang director nakapirma kundi pinapirma sa iba.”
“Aalamin natin yan. Ang kay Mayor Sanchez kasi sa Lunes tumawag ng pagdinig si Sen Gordon. Pag BRC ito ang tungkol sa katiwalian. Marami pang lalabas na information doon sigurado. Kay Mayor Sanchez kasi nawawala ang release order pero definitely meron yan.”
On Mayor Sanchez’s kin claiming a release order had been signed for his release:
“Baka sakali makakuha ako ng kopya noon, ng release order. Basta nakakuha ako ng kopya confident ako makakuha ako ng kopya. Tinatanggi nila na di pa napirmahan. Pero kung sakaling may kopya ka na napirma, kasi ngayon nawawala eh pero alam mo naman maliit lang ang mundo.”
On the killing of a BuCor records officer:
“Laging may paminsan-minsan may jail guard na hindi halos naimbestigahan. Minsan naman nangyayari pagka ganyan may mafia sa loob ang Chinese drug lords, namamayagpag sila riyan. Kaya ang mga jail guards din minsan compromised not for anything but doon din sa parang takot din sila sa buhay nila kasi pamilya nila pwede mapatay, pag di sila nakisama. So naging mafia di ba panahon nina Sebastian, ang mga naimbestigahan na rin noon, ganoon sila ka-powerful, maraming pera eh.”
On the ‘Designated Survivor’ bill:
“Ito, mandato ng Constitution, naka-provide sa Constitution na kailangan ang Congress magpasa ng batas. Kasi ang line of succession natin bitin sa Constitution. Sa Constitution ang Congress by law kailangan makapasa kami ng batas na i-define ang line of succession. Sa ngayon sa ilalim ng ating Constitution pagka may nangyari sa Presidente ang papalit ang VP. Full time President yan. Pero kung may mangyari sa VP ang papalit na SP or SOH, acting president lang yan. Ang tanong doon kung may mangyari sa acting president, halimbawa nag-SONA naroon silang lahat kitang kita sa TV na naroon ang President, VP, SP, SOH. E kung huwag naman sana knock on wood may mangyari roon magulo tayo kasi wala sa Constitution na papalit. So gumawa kami, ako nagbalangkas ng panukalang batas kung saan i-exhaust natin ang line of succession. Halimbawa mawala ang 4 o na-designate na acting president ang SP or SOH pero may nangyari sa kanila, kailangan sa batas nating umiiral may papalit sa kanila automatic. Ang aking panukala, ang most senior member ng Senate muna kasi 24. Ang basehan dito ang length of service, cumulative. Halimbawa sa ngayon pinakamatagal sa Senate si FMD. So kung may mangyari sa 4 ang magiging acting President si FMD. Pagkatapos ni FMD ang susunod, tapos kung may mangyari sa 24 na senador halimbawa naroon din sila sa SONA at may nangyari roon ang pinaka-senior member ng HOR ganoon din sa length of service. Sa ngayon kung hindi si Rep Gulla, si Rep Zamora, sila ang pupuwede. Pagkatapos kung ubos na lahat ng members of Senate and HOR, doon na papasok ang bago mangyari ang event halimbawa SONA o maski anong activity na halos lahat naroon nakapag-designate na ang Presidente ng designated survivor from among the members of the Cabinet. Pipili siya sa member ng Cabinet niya at yan ise-secure na yan, para kung may mangyari man nakahiwalay na; hindi kasama sa mag-a-attend.”
“Meron talaga sa US. Ang importante rito sinusunod natin ang Constitution kasi may nang-iinsulto, parang ang daming problema bakit naisipang ito pa ang panukalang batas, nangangarap daw ako… hindi ito ang issue rito. Nagkataon lang na maski papaano, ewan ko sa HOR pero ako na-inspire din ako ng DS na hindi talaga fiction dahil sa US meron talagang DS. Sa US 3 ang sa line of succession. President, VP, wala silang SP, ang meron doon Presiding Justice, VP rin yan. Ang susunod sa VP, SOH No. 3; sa atin No. 4 ang SOH, SP ang No. 3, No. 4 ang SOH. Kung may nangyari sa apat, dapat exhaust pa ang line of succession. Yan ang ginawa kong panukalang batas na ito hinihingi ng ating Constitution. Hindi ito trivial or petty or kung saan lang hinugot. May pinaghugutan naman ako rito at ang counterpart ko na si Rep. Castelo.”
“Nagkataon lang na nabansagan na Designated Survivor bill pero actually ang title noon, An Act Prescribing the Order of Presidential Succession. Seryoso ito kasi may mga bumatikos parang ano ba ito, masyadong trivial ang ating mga senador at congressmen. Hindi nila nalalaman na napakaseryosong bagay nito. Very realistic ito, practical ito. Pag SONA kitang kita naroon lahat na ano ng pamahalaan, mga elected officials. Kailangan it’s about time after 30 years or so, mabuti naisipan nga nating mag-file ng ganitong panukalang batas. Kaya seryoso talaga ito at uulitin ko, may basehan ito sa Constitution.”
*****