Interviews on DWIZ: Remedies to GCTA Law; Who Signed Release Papers for Chiong Case Convicts? | Aug. 31, 2019

In interviews on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– possible legislative remedies to the GCTA law
irony of the release of convicted drug lords via GCTA amid anti-drug war
– the woman who signed the release papers for Chiong case convicts
– ‘Designated Survivor’ bill

Quotes from the interviews…

On the release of Chinese drug lords:

“May usapin dahil si SOJ may interpretation sa RA 10592 na ang preventive imprisonment hindi dapat ibilang sa good conduct time allowance. So ang preventive imprisonment, held without bail, ito wala pang final conviction ng SC kulong na sila. Habang sila nililitis ng korte hanggang ma-convict sila ng lower court, yan ang preventive imprisonment. Nang check namin ang records 1995 sila convicted ng RTC. Automatic appeal yan kasi capital punishment, so 2011 nadesisyunan ng SC ina-affirm nila ang conviction ng lower court. Kung kwenta tayo GCTA may computation yan. Kung 8 years lang ang bibilangin sa loob ng preso, imposible silang maka-avail sa computation ng GCTA. Napakaiksi. Kung ikaw kulong 40 years sa loob ng 8-10 taon pwede ka mag-avail ng GCTA?”

“Parang mathematically impossible ang computation.”

“Itong mga Chinese drug lords, June pa na-release pero may na-release earlier. Isa sa Davao Penal Colony, Taiwanese. Tapos 2 sa Puerto Princesa Palawan. 5 ang (recent) ewan ko saan ang isa. Sa kaso kasama pati ang isa. Pero 5 talaga yan.”

On PDEA’s disappointment over the release of drug lords:

“Oo kasi ang tanungin natin magkano ba ang ginagastos ng gobyerno para mag-build up ng intelligence, manghuli, mag-prosecute at mag-convict sa isang drug trafficker? Pagkatapos biglang sa isang stroke ng pen ng director ng BuCor ma-release nang ganoon. Tapos ang pangalawang issue di ba napakalakas ng dating ng war against drugs ng PRRD tapos sa 1,914 na heinous crime convicts, 48 ay drug convicts. So paano natin makita ang consistency ng all-out war against drugs, nahuli na nga na-convict na nga at pagkatapos ire-release naman? Seryoso ba ang gobyerno sa war against drugs natin?

“Hindi naman umaabot sa Pangulo ang pagpirma niyan. Ang tanong, ang gobyerno dapat isa lang ang galaw. Dahil ang BuCor bahagi yan ng executive branch. So bakit di magkakapareho ang kanilang position pagdating sa pangunahing laban ng Pangulo tapos naman ang BuCor director pirma ng pirma ng release ng mga drug trafficker?”

On revisiting requirements for availing of GCTA for release:

“Ang gusto natin malaman sa BuCor ano ang basehan na pwede sila makapag-avail ng GCTA. Kasi nagtanong-tanong ako sa NBP mga nakakaalam doon, hindi automatic yan. May undertaking, susulat ang preso, ako gusto ko magturo sa community within the Bilibid, sa penitentiary. Or gusto kong gumawa ng community service sa loob. May undertaking yan. Yan ang magti-trigger at aaprubahan dapat ng BuCor director yan. Na okay kung pwede ka, parang pre-qualification na itong presong ito gumagawa ng undertaking, magtuturo siya o mag-engage in community service. Papayagan ba natin? Kasi yan ang magiging basehan ng pag-compute ng GCTA kung ginagawa niya ba ang kanyang sinaad sa kanyang undertaking. Aalamin natin sa Lunes yan.”

“Hindi automatic porke’t preso ka hindi ka sumusulat at wala kang ginagawa na positive, may ganoon eh. Hindi ito parang ino-observe lang sila mino-monitor sila ito good conduct time, hindi ganoon. May ti-trigger noon… Kailangan may positive, may active action.”

“Sa amin nang nag-discuss kami sa plenaryo kasi nag-privilege speech si Sen Gordon, isa sa suggestions, si SP nag-suggest, bakit pagbabawas natin on a monthly basis. Ang suggest niya pag ikaw nag-violate sa Agosto, dapat ang credit mo noong nakaraang buwan o at least within the year o kaya maski nakaraang taon dapat burado yan, back to zero ka kasi nag-violate ka eh. Kung monthly lang babawasan sa iyo ang babawasin lang sa violation mo ang babawasan lang sa iyo ang violation sa Agosto. Ang Hunyo, Hulyo at Mayo naroon pa rin. Very sensible ang suggestion ni SP bawasin lahat yan at least for that year.”

Revisiting implementation of RA 10592 (GCTA law):

“Sabi ng DOJ pinag-aaralan nila mukhang may flaw na nangyari nang nag-craft sila ng IRR. So dapat parang hindi naaayon sa RA 10592 ang nagawang IRR. Kaya ang SC nang nag-rule sila siyempre pag pabor sa akusado o sa convict nire-retroact talaga nila. Universal doctrine talaga yan. Pag favorable sa accused talagang retroactive ang effect parang kay Robin Padilla dahil nagpasa ng batas si Sen Ramon Revilla Sr.”

“Yan ang pinag-aaralan ng joint committee na form ni SOJ parang DILG and DOJ ang nagbalangkas kung anong magandang gawin sa mali na pagkagawa ng IRR. At ang isa pang ire-resolve nila paano ang na-release na based on a faulty interpretation of the law na naisaad sa IRR. Iba sa ire-resolve nila.”

Revisiting authority to sign GCTA release order:

“Nasa level ng authority ng BuCor director ang parole. Ang release order siya nagpipirma roon. Yan pa isang dapat inisip natin i-amend ang batas ang RA 10592, dapat itaas ang level siguro. Dahil sa pangyayaring ganyan dapat ang final approving authority iakyat na natin mismo sa SOJ para may oversight.”

Revisiting whether parole rules were followed in GCTA release, including getting consent of victims’ kin and prosecutors, and payment of indemnity:

“Dapat tingnan ding mabuti kung yan nasunod kung may ganyang alituntunin.”

On release of drug traffickers and President Duterte’s war on drugs:

“The President should hit the roof na ang 48 doon sa heinous crimes na napalaya ay drug traffickers, a number of whom, mga Chinese. Di ba dapat magalit nang todo si PRRD at pagka galit na galit ang Presidente, very drastic ang action na dapat gawin. Pag hindi niya ginawa parang hindi seryoso sa all-out war.”

On ‘Marquez’ who signed the release order for convicts in Chiong rape-slay case:

“Maria Fe Marquez. Parang correctional technical superintendent, yan ang nagpirma. So dapat alamin natin. Unang una alam nating hindi siya authorized magpirma. Ang tanong, sino nagutos sa kanya para pumirma? Kung hindi siya authorized at talagang hindi siya authorized ibig sabihin nag-usurp siya ng authority ng prisons director. Kung siya naman ay inutusan na pirmahan mo yan, dapat i-certify niya yan. Otherwise, talagang glaring yan. Kasi hindi mismong prisons director ang nagpirma, isang tao na hindi authorized. Ang tanong doon kaya hihilingin ko sa committee na imbitahan muna si Maria Fe Marquez.”

On Faeldon’s signature on reported release order for Mayor Antonio Sanchez:

“Tapos ngayon may latest development. May nilabas na pirmadong release ni Sanchez ang nakapirma mismo si Nicanor Faeldon. Pero gusto natin malaman dahil easily pwede niya sabihin na-forge ang kanyang signature at may parang specimen signature na lumabas at may pagkakaiba sa pirma o signature ni Faeldon. Ang tanong di ba dapat ang tauhan na nag-i-implement ng order ng head ng office, familiar ka dapat sa signature ng boss mo? Alam mo kung lulusot pwede lumusot pero napaka-tenuous napaka-flimsy ng lusot na lalabas.”

On Sept 2 Senate hearing on GCTA:

“Masalimuot talaga. Usapin sa Lunes palagay ko hindi matatapos sa isang hearing day, sa dami ng naipa-release.”

“Yan ang gusto ko rin malaman sa Lunes, yung profile ng mga na-release na. Kasi kung na-release maykaya, at ang naiwan mga hampas-lupa, parang may pattern.”

“Pwede natin pagisipan although hindi conclusive pero kung ang pattern mga Chinese drug lords. Tapos si Sanchez maykaya. Ang sa Chiong sisters maykaya sa Cebu yan. Kung ganyan ang pattern, pwede talaga tayo mag-isip bakit ganoon.”

“Masalimuot talaga. Usapin sa Lunes palagay ko hindi matatapos sa isang hearing day, sa dami ng naipa-release.”

“Sa tingin ko kasi napakaraming issues na dapat pagusapan.”

“Tatanungin natin sa Lunes kung may nag-trigger, kung eligible ang preso mag-apply sa GCTA. Kung wala at whimsical o capricious ang pagpili ng preso na bibigyan ng GCTA mali rin yan maski sabihing yan ang interpretation ng batas sa pag-compute.”

“Hahanapan natin sila ng kaukulang dokumento kung ang preso nag-apply ba o nagbigay ng undertaking. Kasi doon sila imo-monitor kung talagang may GCTA sila.”

On the need for Faeldon to explain:

“Yan na nga masaklap. Na-involved ka sa dating ahensyang pinamumunuan mo na smuggling ng shabu. Ang Presidente sa halip na tanggalin, pinag-resign pero binigyan ng pwesto ulit. Ngayon drug trafficking na naman ang usapin dahil ang mga pinag-release big time drug traffickers.”

“Pag hindi ka dumalo, issue siya ni chairman Gordon ng subpoena. Pag disregard mo subpoena doon siya pwede maaresto. Kung di siya mag-cooperate halimbawa evasive siya pag tinatanong siya pwede may mag-move na i-contempt siya at ikulong.”

“Mamimili siya ngayon sa issue ng corruption o issue ng incompetence. So mamili siya. Kasi kung napaikutan siya na naman sa depensa niya sa P6.4B shabu, incompetence yan kasi napaikutan ka.”

“When we talk of 1,914 and 800+ ang kay Faeldon meron din na-release sa pamumuno ng nauna sa kanya.”

“Kaya importante mapunta sa atin ang listahan para malaman natin sino ang na-release sa pamumuno ni Faeldon, at ibang dating bureau director, para maliwanagan natin. At circumstances, ano qualification ng na-release under the different bureau directors.”

On whether Mayor Sanchez’s kin would be invited to hearing:

“If only to find out kung nagbayad sila para ma-issue-han ng release order si Sanchez. Kung willing sila mag-testify roon maipatawag sila kasi kung naloko sila at may humingi ng pera para ma-facilitate ang release, magsalita sila.”

On BuCor employees willing to testify:

“May ilan pero natatakot. Meron pang empleyado na nagsumbong na ang mga alaga nilang baka at kambing inaalagaan, nang nag-birthday si Faeldon pinakatay. Sabi nila mag-execute sila affidavit pero natatakot naman. Bossing nila eh. Pero isipin mo pati kambing at baka gumagala sa loob ng penitentiary papakatay mo sa birthday mo?”

On what Malacanang can do with Senate findings:

“Una dahil nauna ang Senado mag-conduct ng investigation, ang dapat gawin ng Palasyo pakinggan at monitor ang mangyayaring investigation sa Lunes. At baka makapulot sila ng information na pwede nilang pagbasehan ng karampatang aksyon. Sila lang pwede gumawa ng gumawa ng aksyon laban sa controversy o anomaly sa pagpapa-release ng preso.”

“Napakalakas ng laging pronouncement ng Pangulo anti-corruption anti-drugs pero kung di sila interesadong makinig sa pagdinig ng HOR at Senado asan ang seriousness? Kasi kung ganito pag ito walang drastic action ginawa ang Pangulo, people will start thinking kung seryoso ang pamahalaan sa 2 pangunahing pinaglalaban ng admin. 3 taon mahigit ang admin ng PRRD, remaining last 3 years, baka dito sana tayo makakita ng seryoso talaga. Pag sabing anti-drugs all the way anti-drugs. Pag anti-corruption all the way anti-corruption. Pero pag ang trato sa kakampi iba trato sa kalaban, parang hindi seryoso, walang consistency.”

“Sabihin na nating napakalaking pagsubok nito (sa Executive Department), kasi maraming pagsubok dumaan noong nakaraan parang wala tayong masyadong nakita.”

“Ito titingnan ko kung anong gagawin niya (PRRD) rito kasi noong na-recycle si Faeldon nag-isip ako noon seryoso ba ang anti-drugs at anti-corruption? Kasi malinaw minsan inamin nila may tara. Maski Comm Guerrero sabi niya maraming nabawas pero hanggang ngayon may tara at detalyado sa privilege speech at pagdinig. At di lang corruption ang issue sa BOC kundi may issue ng droga kasi shabu ang nakalusot. Pero nangyari may tinanggal pero ni-recycle ang hepe. So napapaisip tayo. Pero binibigyan natin ng benefit of the doubt baka may dahilan ang Pangulo kung bakit ni-recycle. Pero ito mas malaking pagsubok ito kasi lantaran na ito. At saka pangalawa na ito. Kumbaga sa preso, recidivist na ito. Hindi na ito first time offender.”

“Not necessarily revamp pero panagutin dapat ang dapat managot. At ang aksyon ng Malacanang yung determined, di pahapyaw lang baka ilipat lang, baka ibalik sa BOC. Yan abangan natin anong aksyon gagawin ng Pangulo tungkol dito dahil ito napakalaking pagsubok nito. Malalaman natin sa Lunes sa susunod na pagdinig ang ebidensya at anomalya na pumapaloob sa kontrobersyang ito.”

“Sana nga (umaksyon ang Palasyo after hearing). Kasi para maipakita ang talagang sinseridad. Ilabas natin ibang usapan dito ang pinaguusapan dito corruption at illegal drugs. Talagang nangunguna sa listahan at mismo sa China narinig ko speech ni PRRD sabi niya pag kayo punta sa PH nanggulo kayo na-involve sa drugs I will kill you. At sabihin niyo sa atin kung may corrupt at ako gagawa ng hakbang sabi niya I don’t care who he is. Ngayon natin masusubukan ang sincerity ng mga ganitong klaseng pronouncement.”

On trauma for kin of victims caused by the GCTA releases:

“Yan na nga sa nasaksihan natin. Di ba bumalik ang trauma ng pamilyang Sarmenta, Gomez, Chiong. Nag-iiyakan sabi nga nila nawalan uli sila ng mga anak eh.”

“Maraming nag-contact sa akin mga KFR victims, mga pamilya. Nag-aalala sila baka ang nag-kidnap sa kaanak nila, nasama doon sa napalaya. Noon nga, hirap na hirap kami sa pag-convince sa kanila mag-cooperate. Ngayong na-convict na at lalabas lalong natatakot sila dahil sila naging cause ng pagkakulong ng mga na-convict. Kaya ang dami nilang concern, ang dami nilang worries na in-express. Pakiusap nila baka pwede makakuha ng listahan. At nangako ako sa Lunes hihiling ko sa committee i-subpoena ang listahan. Dahil para malaman nila sino ang nakalabas. Sa amin lang ang napa-convict namin 83 cases. Ang 83 cases easily times 3 or 4 napakaraming convicts noon. Yan noong PAOCTF and PACC na basta 83 lahat yan, last count ko yan, KFR pa lang yan. So kung kukuwentahan natin 3 to 5 ang member ng gang, 83 times 5, nasa 400 na yan.”

“(Sa KFR) 83 victims yan kasi cases, mga nag-testify. Yun kinakabahan din ang mga judges.”

“Ang maraming nai-convict noon nasa SC. Sa special courts sila noon. Si Justice Peralta at si CJ Bersamin. Sila napakaraming na-convict sa mga finile namin.”

On the recall of release order for those who availed of GCTA, and Sec. Panelo’s stand to send the released back to prison:

“Dapat isa-isahin ang mga prerequisites. Doon sa 1,914 na heinous crimes convicts kung na-satisfy ba lahat yan. Kung hindi may violation talaga.”

“Isang pwede tanungin diyan may nagsasabing hindi na pwede i-recall, kasi yan naaayon sa batas, assuming ang interpretation tama at naaayon sa batas, ang tanong paano kung defective ang proseso? Yan magandang pa-interpret sa mga abogado kasi may tinatawag tayong void ab initio, from the very beginning mali na, papayagan mo pa rin ba yan?”

“Ako for the first time mag-a-agree ako sa kanya sa kanyang (Sec. Panelo) panawagan. Pero kung tama yan o mali, subject to interpretation yan kung sakaling dumulog sa SC ang presong nakalaya na ibabalik pa ang mag-interpret lang noon SC. Dahil depende sa interpretation sa RA 10592. After all ang panawagan niya sinusuportahan ko yan. Kaya lang tama ba interpretation niya? Yan ang second question. Sana tama interpretation niya. Pero tama man o mali sinusuportahan ko kanyang panawagan subject to the correctness of its interpretation. So ang pagsuporta ko assuming tama interpretation niya.”

“Sa akin pag defective o illegal ang pagkapirma ng release order. Halimbawa kay Maria Fe Marquez hindi authorized at kung siya nakapirma sa release order ng convict sa Chiong case, pwede natin sabihing hindi valid yan. So depende sa interpretation. Hindi para si Sec Panelo o sinuman mag-interpret kundi kung sakaling umabot sa SC ang usapin sila ang magsasabi kung dapat ibalik o di dapat ibalik.”

On possibility of vigilante groups:

“Maraming implication. Parang take the law in their hands. May social implication sa peace and order.”

On Designated Survivor bill:

“Ang nagbuntong sa akin partly kasi pinanood ko lahat na seasons pero ang talagang nagtulak sa akin mag-file ng bill ang Constitution. Nang tingnan ko ang Constitution ang line of succession tumigil sa SOH. Tapos naalala ko noong SONA sabi niya kung lumindol ngayon para sama-sama na tayo. Nakita ko lahat sa line of succession naroon sa SONA. First siyempre ang VP magiging president, full time president in the event wala ang president. Pero ang SP and SOH ang designation acting lang. Pero huminto na roon wala na. What if napuruhan ang 4 o nawala ang president at VP at SP so nagkaroon ng acting president. Dapat may successor din yan. Ngayon halimbawa kung sabay-sabay mawala ang 4 dapat defined din. Sabi ng Constitution doon line of succession I think Art 7 Sec 16 Par 6.” 

“Wala sa batas kaya utos ng Constitution ang Kongreso bahala magpasa ng enabling law sa mga succession. Yan ang nagtulak sa akin para mag-file ng batas, enabling law. Kaya dinefine namin sa panukalang batas after SOH ang papalit sa Acting President kung nawala pa Speaker ang panukala ko the most senior member of the Senate in terms of length of service. Ang pinakamatagal, cumulative. Sa ngayon ang pinaka-senior sa amin si Sen FMD. (Kung pareho ang length of tenure), siguro magto-toss coin parang sa election pag may tie. Kung wipe out ang senators, most senior member ng HOR the reason being kami ang may mandate. Pero kung na-wipe out all 300… pag naubos pa rin yan, ang presidente bago siya kung sa isang event na ganito circumstances lahat pwede mag-attend, mag-designate siya ng 1 member ng Cabinet doon papasok ang usaping DS. So bahala ang Pangulo na ikaw ang designated successor kung sakaling maubos kami lahat doon. He will be sequestered, kept in a secure place, at sasabihan lang siya, kukunin siya halimbawa ng PSG na may nangyari sumama kayo sa amin at dadalhin namin kayo sa Malacanang para manumpa.”

“Pirmado ng Presidente yan. Pero case to case yan kung kailan may event. Hindi ang pag-upo ng Pangulo mag-designate agad siya. Kasi kung ganoon baka ang designate ay matanggal, mag-retire o nakagawa ng anomalya. Kaya dapat bago mag-SONA o bago may event na lahat kami magtitipon-tipon, mag-designate ang Pangulo sa pamamagitan ng kasulatan na may designated survivor or successor.”

*****