In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– House’s claims the 2020 budget is pork-free: “Ako ang pinakamasaya kung mawala ang pork!”
– SB 29, Proposed Parents Welfare Act of 2019
QUOTES and NOTES:
* PARENTS’ WELFARE ACT:
On Senate Bill 29, Parents Welfare Act of 2019:
“Kung ang magulang walang capacity, aged, sickly o incapacitated, kailangan may obligation ang anak para pangalagaan sila. Basic na pangangailangan nila dapat matugunan. Ito naman hindi na bago. Mula pang 3rd century sa Rome, may statutes pinalabas noon ganyan ang direction. Sa Europe ganoon din. At pati sa Constitution natin at Family Code. So hindi bago ito. Parang formalize natin maging batas para ang obligation, filial responsibility at obligation ng mga anak sa magulang, nariyan.”
“Refile ko ito ngayon, one of my top 10 bills.”
“While ang kultura natin very close ang family ties natin at tayong mga anak pinapangalagaan ang magulang maski walang batas, may exception na ang anak pinabayaan ang magulang na nag-iisa, kaya mabuti na rin may mandato ang batas. Korte magpapasiya kung magkano, ano ang manner, sino-sino ang kailangan magsuporta.”
“Halimbawang incapacitated din ang anak, grandchildren may obligasyon para pangalagaan ang lolo at lola.”
“Pero dapat bigyan din ng pag-aaruga at pangangalaga ang magulang. Maski papano isama sa financial support ng kanyang kikitain.”
“Pero alalahanin natin wala tayo sa mundong ito kung wala ang magulang natin. At mabuti na rin yan mamulat ang anak natin na tayo marunong mag-alaga ng magulang para kung tayo malagay sa ganoong kalagayan, anak naman natin mag-aalaga.”
“May feature na (Home for the Aged). Kasi shared responsibility ng gobyerno at anak ang pag-aruga sa elderly parents na walang kakayanan. Nasa Family Code naman yan.”
“Palagay ko lahat tayo magulang. Lahat kami may magulang. Lahat kami may anak bukod siguro si Sen. Gatchalian. Kaya palagay ko masusuportahan. Kahapon may tumawag na congressman humihingi ng kopya ng bill para makapagawa ng counterpart na bill sa HOR.”
***
* PORK IN 2020 BUDGET:
On House claims that 2020 budget is pork-free:
“Alam mo siguro wala nang pinakamasayang tao sa Pilipinas kundi ako kung mawala ang pork barrel. Pasalamat tayo kung yan ang nakapaloob sa HOR version na ita-transmit sa amin. Unang una wala na kaming masyadong trabaho kundi i-review ang NEP. Masaya tayong lahat pagka ganoon. For the first time ganyan ang nangyari wala talagang naka-insert, walang naka-park, walang malaking bilyon-bilyon na napunta sa mga distrito ng walang consultation sa ahensyang mag-implement, masaya tayong lahat.”
“Darating tayo roon kapag nag-scrutinize kami at may nakita kami talagang magbibigay-alam natin sa kanila. At may pangako sila tatapyasin sila tingnan natin.”
“Mahirap hanapin yan. Talagang pagpupuyatan yan. Aabot kami ng 2-3 a.m. pag budget deliberation at laging may nakikita. Maski NEP di rin perpekto. Tulad noong nagkaroon ng pagdinig sa DPWH may natuklasan kaming proyektong nag-overlap. 2 proyekto bakit may 300 linear meters malaki ang halaga, P11.5M na di binawas sa cost ng project pero 1x lang ginawa ang overlap. Ibig sabihin ginastos pa rin. Yan ang tinitingnan natin. Walang perpektong dokumento, maski NEP sumailalim sa pag-aral ng member ng Cabinet. Sa HOR marami sila nag-scrutinize din. Tingnan natin. Pero sabi ko nga pag wala kaming nakita at makikita namin kung meron, sabi ko nga masaya tayong lahat na Pilipino kasi dagdag tayo ng dagdag ng buwis tapos nakikita natin di nagagamit ang pondo ng bayan, ang national budget, para sa dapat paggamitan.”
“Makikita at makikita kasi may pagkumparahan tayo, meron tayong NEP. I-juxtapose mo sa HOR version kita agad ang diprensya. Mahirap lang talaga iisa-isahin mo yan. Pero dahil matagal nang ginagawa ng staff ko ito, alam na rin nila. May sistema na kung paano maghanap. Ang unang budget ni PGMA nasa P800B pondo 2001-2002, hanggang pumalo sa P1T, ngayon sa P4.1T. Luminga tayo sa paligid, anong nangyari sa atin, umasenso ba tayo in terms of livelihood, in terms of infrastructure, parang hindi rin commensurate sa nakita nating paglobo ng national budget. Ang NLEX SLEX TPLEX SCTEX may toll dahil pribado. So yan tinitingnan natin. Over the years lumobo ang national budget, pero kung pupunta tayo sa probinsya, makita ba natin ang kaukulang halaga na nilobo ng budget sa nakikita natin sa paligid natin? Parang hindi.”
***
* NINJA COPS
On GCTA hearing:
“Ang inimbitahan nag-segwe sa ninja cops, agaw-bato, maghaharap sila ngayon at may documents na binigay ang BRC and justice committee. Napag-aralan na siguro ng senador para alam natin ang itatanong.”
“Naipalabas na, may committee report ang pagtatag ng maximum security, super max na tinatawag sa ibang bansa, super maximum security detention facility. Tapos ang pag-decentralize ng NBP kung saan yan na lang hinahanap. Halimbawa Nueva Ecija yung ililipat, kasi malaking property ito rito, mga 378 hectares, prime property yan. Halimbawa ito may mga joint venture man o long-term lease, ito pwede mag-sustain sa paglilipatan ng facilities. So na-discuss namin minsan kay SOF Dominguez at sang-ayon ang executive branch na tama nga dahil displaced na rin ang NBP sa lugar na matao na. Kaya ihanap natin ng lugar na kung saan pwede i-adopt ang facilities sa prevailing situation. Advanced na ang technology, pwedeng ang human intervention ma-minimize na if not mawala parang makakabawas pa tayo ng personnel services, ang pasweldo sa mga tao. Gamitin ang techonology para ang security pati rehab nariyan.”
*****