Walang katulad na katapangan at di-matatawarang kabayanihan.
Ang mga katagang ito ang pangunahing nilalaman ng pagsasampa ni Senador Panfilo Lacson ng resolusyon sa Senado na naglalayong kilalanin ang di-matatawarang pagganap ni Police Senior Master Sergeant Jason Magno sa tungkulin bilang alagad ng batas.
Si Magno ay ang pulis na nagligtas sa mga inosenteng buhay sa isang paaaralan sa Misamis Oriental sa pamamagitan ng pagtakip gamit ang sariling katawan sa isang granadang itinapon doon.
“Whereas, this selfless act of Police Master Sergeant Jason Magno should be emulated and recognized not only by the Philippine National Police but by the entire country,” saad ni Lacson, na namuno sa Philippine National Police noong 1999 hanggang 2001, sa Senate Resolution 229 na isinampa niya nitong Lunes.
Related: Dapat Tularan! Lacson Resolution Exalts Hero Cop Jason Magno’s Selflessness
“He was the best among us. The PNP leadership must lose no time in recognizing this cop’s heroism made more significant by his instinct to save the lives of people he may not even know,” banggit ni Lacson sa isang tweet noong Nobyembre 30.
Cop dies shielding students from grenade blast in Misamis Oriental https://t.co/G4k4lFGanB… He was the best among us. The PNP leadership must lose no time in recognizing this cop’s heroism made more significant by his instinct to save the lives of people he may not even know.
— PING LACSON (@iampinglacson) November 30, 2019
Idiniin pa ng mambabatas patungkol kay Magno ang “extraordinary bravery, heroism and instinct” para gampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin na “To Serve and Protect,” sariling buhay man ang kapalit nito.
Si Magno na Explosive Ordnance Division specialist ng Philippine National Police (PNP) at ang kasamang si Police Master Sergeant Alice Balido na kapwa nakatalaga sa Initao, Misamis Oriental ang unang rumesponde nang magwala ang isang Ampaso Basher sa Initao College.
Pilit na pinayapa ni Magnao at Balido ang nagwawala subali’t sa halip na kumalma ay nang-umang pa ito ng granada na naging dahilan para dambahin ng una at takpan ng katawan nito bago pa sumambulat.
“Had it not been for his bravery, heroism, and instinct to save lives, students, teachers, as well as his fellow policemen would have perished on that fateful day,” may paghangang banggit pa ni Lacson patungkol sa namayapang pulis.
Bago ang naturang insidente, marami nang ipinakitang kabayanihan si Magno na nagresulta para magawaran ito ng Medalya ng Kagalingan, Medalya ng Kasanayan, Medalya ng Papuri, Medalya ng Paglilingkod sa Mindanao, and Medalya ng Paglaban sa Manliligalig.
Bunsod din ng naturang kabayanihan, pinagkalooban ni PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa ng Medalya ng Katapangan.
*****