In interviews on DZRH and DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– need for strong political will by PRRD to veto pork
– continued blatant violations of the SC ruling vs pork in 2020 budget
– moves to counter pork and other ‘insertions’
– investigation of issues on the 2019 SEA Games organizers
QUOTES and NOTES:
* PORK in the 2020 BUDGET:
President Duterte’s political will needed vs pork:
“Hindi naman ako nasorpresa kasi ginawa ni PRRD noong isang taon yan. Dito ako humahanga sa ating Pangulo dahil noong 2019 nang 2018 nagkaroon ng controversy kaya nagka-delay ang budget. Naaprubahan ito April 2019, ito naging dahilan bakit nag-slow down ang ating ekonomiya. Nagtuturuan nagsisihan ang Senate at HOR. Pero ang naging istorya noon, mas masama noong nakaraang taon kasi nang pinadala sa amin ang BCC report nag-ratify kami at HOR, at nang inimprenta ng HOR ang enrolled bill napansin namin kasi pipirma si SP, napansin namin doon na maraming items hindi kasama sa naratipika namin naihabol pa nila. In other words after ratification ng bicam report nag-amend pa rin sila, nagsingit ng projects worth P75B sa aming kwenta.”
“Nang pinagbigay alam namin sa Pangulo na questionable ito Mr President sa pamamagitan ng aming SP at pinipirmahan ko lang dito ayon kay SP ang aming niratipikahan, hindi kasama ang P75B worth of project na siningit ng mga kongresista post-ratification. So ang ginawa ng Pangulo hinimay himay pa rin nila sa Malacanang at nakabuo ng P95.230B ang kanyang vineto.”
“Kaya sabi ko nga ang strong political will ng PRRD nadisplay sa 2019 budget kung saan no other President before him ang kumontra ng ganoong kalaking halaga sa HOR, the reason being pwede siya ma-impeach ng House anytime. Numbers lang pinaguusapan diyan. Pero iba rin talaga ang political will na dinisplay ng Pangulo. Kaya yan ang inaasahan namin ngayon na gagawin niya uli. May tugon ang Malacanang dito di nila palulusutin sa inaakala rin nila. Di kami pwede mag-impose sa Pangulo kasi discretion niya yan na mag-line veto sa budget.”
Did all House members got part of the P83B pork in 2020 budget bill?
“Yan ang inaalam pa namin.”
“PDF (ang files sa USB drive), oo. Walang pirma. Basta USB drive at detalye lang. Doon namin nakita nang pinagkinumpara namin ang source and list files, kaya kinonvert ko sa Excel dahil naka-PDF. So ang nangyari nang kinumpara ang list sa source file, mangilan ngilan na PAPs sa list file nanggaling sa source file. Pero di lahat sa list file maikukumparang nanggaling sa source file.”
“Hinihimay-himay pa namin (ang projects na nakalaman dito) pero ang mga nahimay namin kasi tapos na, although sabi ko ang huling pagasa namin ipadala sa Presidente sakaling ma-veto. Pero nang hinimay namin ito ang talagang questionable. Kasi for example may item doon na P50M asphalt overlay ng isang buong siyudad. Bago magdeklara ang SC na unconstitutional ang pork barrel ganito rin yan. Noon nakalagay ang PDAF may halaga, tapos bahala ang senador at kongresista na pumili ng proyekto. Nakalagay sa kongresista P70M. Bahala ang kongresista mamili. Ang tanong, kung may item dito na katulad ng asphalt overlay Catbalogan City, asphalt overlay North Fairview. Walang (specific details). Parang post-enactment identification din ang proyekto.”
“So walang kinaiba ito sa pork barrel na dineklarang unconstitutional. Kasi malaya ang district representative na mamili kung ano ia-asphalt overlay sa buong Catbalogan, dahil naka-lump sum yan P50M asphalt overlay Catbalogan City. Anong kaibahan niyan sa dineklarang unconstitutional ng SC na P70M saka i-identify ng kongresista ang proyektong P70M na lump sum?”
“Talagang malinaw na pork (ito). Ang lagi sinasabi ng congressmen pag argue namin ang definition ng pork ina-argue namin ang definition ng pork. Sabi nila post-enactment identification ng project yan ang pork kasi lump sum P70M walang nakalistang proyekto. Ito may nakalistang proyekto pero napaka-vague, walang stationing so anong kaibahan noon?”
“Pork talaga. Discretion talaga ito ng district rep o congressman kung saan niya pwede ilagay. Na-limit lang kaunti, sa halip na buong PH sa buong siyudad sa isang siyudad o distrito.”
On pork in 2020 budget that may escape scrutiny:
“Sa susunod na taon kasi pag budget deliberation kami binabalikan namin ang current year. Tinatanong nain paano naimplementa. At ganoon nangyayari taon-taon na ako nakikipagdebate sa floor o committee. Ang mga sa inaakala naming nakalusot tinatanong namin anong status ng proyektong ito. Ang karaniwang sagot kung di lahat na sagot ng ahensya, hindi namin implement kasi hindi namin alam yan. Ibig sabihin siningit ng congressmen na walang konsulta sa ahensya. Marami yan kaya lumolobo ang unused appropriations especially DPWH kasi di dumadaan sa pagsusuri at nariyan na lang sa GAA may naka-lump sum na pondo sa DPWH. So pag tanong namin ano nangyari sa proyektong ito o paano inimplement kung implement man di tama ang pag-implement.”
“Halimbawa may nakita kami sa 2019 budget na 2-lane road sa Sorsogon or Masbate, 2 contractors, ang north lane nag-overlap sa southbound lane. So sabi ko kung nag-overlap ito may savings ito. Kinwenta namin, may civil engineer ako sa opisina, ang kwenta namin may natipid dapat na P11.074M.”
“Double appropriations. Yan ang masama rito. Kung hindi na-check yan P16M savings, saan napunta? Tulad ng road project na mention ko saan napunta ang P11.074M? Dapat isasauli sa Treasury kasi nag-overlap.”
Contractor-driven projects:
“Isang example nang nagkwentuhan kami (ni Sen Pimentel) during suspension ng session, nagkakwentuhan. Ang sabi niya ang question mo Sen Ping, sabi ko yung sa pork, contractor nasusunod. Sabi niya totoo yan kasi noong isang linggo meron siyang bisita naghihingi ng project. Akala niya LG official so pinapasok niya. Nagulat siya ang pumasok, contractor. Bakit contractor ang nakikiusap? Nakakalungkot isipin ganyan nangyayari sa bayan natin all through these years. Ang unang budget year ni PGMA ang unang nakita namin 2001, unang taon ko senador, ang national budget P800B. Susunod na taon pumalo P1.1T hanggang 1.5, 2.1, 2.7, 3.1, 3.7, ngayon pumapalo ng P4.1T, P4.6T sa 2021. Ang tanong kung gagala tayo sa PH, makikita ba natin ang katumbas ng tinaas na budget taon-taon? Kasabay ng pagakyat ng national budget, ganoon din pagakyat ng national debt, ang national debt natin ngayon P7.9T. Kung compare natin sa pangkaraniwang Pilipino pati ang pinanganak kaninang umaga bawa’t isa sa atin kung 110M Filipinos ngayon, may utang tayo at least P73K at least, each. Anong kinalaman ng sanggol na pinanganak kaninang umaga na may utang siyang P73K? Ngayon sabihin natin meron tayong Skyway, SCTEX, TPLEX, NLEX, SLEX. Ang tanong nagbabayad tayo ng toll, hindi gobyerno nagpagawa niyan. Gumawa niyan pribado. So saan napunta ang incremental increase, exponential if you will, sa increase ng budget? Parang di natin nakikita para maging commensurate sa budget. Ang utang natin taas ng taas. Sana makita natin multilevel ang highways natin, wala sana tayong trapik sa EDSA.”
On whether contractors may account for up to 50% of the budget:
“Pwede natin i-assume yan pero wala tayong empirical data roon. Ma-assume lang natin dahil kung ganoon ang nangyari at ngayon medyo tumaas pa nga, 25%. Dati kung susuriin natin wala pang 20% galing sa LDC. Kaya sapin-sapin ang ating problema. Bakit napakatrapik at maraming squatter at concentration ng population sa NCR? Dahil walang development sa kanayunan. Kung babaligtarin natin 75% ng devt plan ang galing sa local I don’t think magkakaroon tayo ng problema sa basura, trapik, squatter sa NCR kasi kung may development sa kanilang lugar hindi sila luluwas dito.”
On continued attempts to insert pork and violate SC ruling:
“Talagang blatant defiance (of SC ruling) ito.”
“Napakaliwanag ng batas at maliwanag ang SC ruling. Hindi nakalimit ang pagdeklarang unconstitutional sa post-enactment na implementation o identification ng projects. Even that na-violate na rito tulad ng paliwanag ko kanina. Meron ding portion sa SC ruling, all informal practices of similar import. Ibig sabihin maski anong informal practice pareho rin ang suma total basta may grave abuse of discretion, ang tawag din doon, pork. Therefore sabi ng SC unconstitutional din yan.”
“Halimbawa, Tulong Dunong program. Meron na tayong universal access to quality tertiary education act, o Free Tuition Act. Bakit ang kongresista, ito pinatanggal ko noong 2019 at nakakita na naman ako sa 2020 pinatanggal ko uli. Sabi ko meron na tayong batas CHED na nakikialam sino magiging scholar. Bakit ang kongresista, gusto nila may sariling scholar at walang panuntunan, sila nakakaalam sino ililista bilang scholar samantalang sa batas malinaw nakasaad doon ang mga parameters? Kasi kailangan di lang mahirap ang estudyante kundi may kakayahan din. May qualifying yan. Pero kung papaubaya sa congressman di biro ito bilyon bilyon ito. Ginawa ko pinasok ko sa Tulong Dunong nakalagak sa distrito rin, pork barrel din yan kasi discretion, grave abuse. Sabi ko ipasok na lang natin sa CHED. I think sa P25B pinalipat ko sa CHED para tingnang husto ang qualified. Ang nangyari sa 2020 sa deliberation ang pondo nakalagak sa Tertiary Education Subsidy kulang na kulang kasi 1.6M students ang aplikante ang kayang pondohan sa proposed budget, 412,000. Anong mangyayari sa higit 1M estudyante? Sabi ko sa TD ang iba, di naman dumadaan sa CHED.”
“Ganoon na nga ang nangyari. Kaya nakikita natin ang ating budget pagkalaki-laki pero taon-taon ang daming unused. Actually nag-improve sa administration ngayon. Dati from PGMA to PBSA, nang compute namin year in year out ang average unused appropriations, meaning di na-utilize or release ng DBM, P480-plus billion, taon-taon. So bakit tayo nagba-budget ng P4.1T kung hindi mo gagamitin ang P400B mahigit? Kasi hindi ma-implement kasi hindi alam ng ahensya paano implement kasi hindi nanggaling sa kanila. Ito ngayon ang pork barrel.”
“Masama ang pork dahil may discretion. Masama ang pork dahil may commission. Public knowledge yan, pag may pork barrel na na-allocate ang 1 mambabatas standard yan 20%. So halimbawa nailusot ang P10B, alisin mo 20% ng P10B, di ba katakot-takot na pera ng bayan yan?”
Changing the political culture to stop pork:
“Palagay ko dapat baguhin din ang sistema. Ako natutuwa, nakausap ko SBM Wendel Avisado. Narinig ko ang kanyang speech sa isang pagpupulong dahil noong budget deliberation kinwestyon ko ang disparity between RDC-endorsed PAPs na 25% ng national budget at 75% agency-initiated meaning di nakonsulta ang LGUs. Kasi alam natin sa LGU ang LDC sila nagbabalangkas ng LDP, sila ang nakakaalam ng needs and priorities ng kanilang lokalidad. Ako may nakausap na mayor kita ko disconnect between national budget sa priority ng LGUs. Sabi niya 2 termino nagfa-follow up ng concreting ng kalsada sa amin walang nakikinig. Tuwing budget season nakapila sa HOR at Senado. Hanggang sa 3rd term niya may dumating na contractor at DPWH. Sabi ng contractor ito para sa road widening. Walang kalsada, ano iwa-widen ninyo? Sabi DPWH wala kaming magagawa kundi widening. So magkabila may kongkreto walang kalsada sa gitna. Makikita natin ang disconnect. Kaya dapat para ma-correct natin ang kultura na ito ang nakakaalam ang congressman, ang congressman, member ng LDC ng mga munisipyo probinsya hanggang RDC. Mas mainam sa batas ibabalangkas na LDP ang kongresista makipagdebate sa LDC.”
“Yan ang mangyayari sa 2021 yan ang pinagdiinan ni SBM sa speech na narinig ko. Sabi niya di niya ipapasok sa budget call o NEP kung walang endorsement ng RDC. Sabi ko kay SBM maraming salamat, yan ang matagal nating dapat ginawa. At kayo ang unang unang SBM na magpapa-implement niyan. Kung 25% lang endorse ng RDC kontra 75% ng national agencies, ang disconnect lalawak ng lalawak. Ang masama pa, ang agency-initiated na project, contractor-driven yan. Ang nagsa-submit, contractor. Ang kongresista di nakikipagpulong sa LDC so basehan ng kanilang project na pinapapasok sa kanilang pork barrel, nanggagaling sa contractor.”
On casting a dissenting vote on Monday:
“Sa Monday manifest ko dissenting vote ako dahil sa issue na nilabas ko. Ipapaliwanag ko ang dahilan (at) ipapakita ko sa kanila anong items.”Hopefully ma-convince ko kasamahan ko pork barrel pa rin.”
***
* SEA GAMES INQUIRY
On whether govt, local govt, GOCC or GFI can transfer funds to a foundation to implement a project:
“May natanong akong mga abogado. Hindi talaga raw pupuwede. Kaya lang ginagawa, ang gumawa either na-convict na or may pending cases pa. Kung ma-recall natin si former Gov Padaca na naging Comelec commissioner din, baba ng hatol sa kanya ganyan ang problema kasi ang provincial government nang governor pa siya naglipat sa private foundation. So yan ang dahilan bakit siya nasampahan ng kaso ng Ombudsman at siya na-convict ng Sandiganbayan. Ang kaso ni Napoles maraming ganyang ginawa ang pork barrel ng senador at kongresista nilagay sa private foundation, NGO, para mag-implement ng proyekto. Hindi pinayagan yan ng SC kaya altogether dineklara ng SC na unconstitutional ang pork barrel. Ito nag-trigger ng public outrage noong 2013-2014 hanggang ngayon may mga pending cases pa.”
“Hindi natin alam (kung applicable ito sa SEAG) kasi ang detalye hindi natin alam. Siyempre magdedepende sa mga circumstances. Unang una kaya nagagalit ang publiko, kung may issues. Hindi pa natin naipu-prove na may misuse ng funds. Pero the mere fact na nag-transfer ng pondo from a government agency in this case sa PSC, ang PSC is a government agency na nilagakan ng pondo sa pamamagitan ng GAA. Ang pagkaalam natin naglipat ang PSC sa PHISGOC na naging overall coordinator ng SEAG 2019. So may halagang nalipat from isang government entity sa isang private foundation.”
“Nagkaroon ng question dito nang nagkaroon ng budget deliberation kami, nag-interpellate noon si FMD at nagkaroon ng usapan diyan. Set aside namin yan kasi papalapit ang SEAG, ayaw namin maapektuhan ang morale ng ating atleta o ma-distract ang kanilang focus sa paglalaro. So ngayon tapos na SEAG at successful naman napakaraming ginto, silver, bronze nakuha ng ating atleta, congratulations for the honors. Pero sa tingin ko hindi dapat natin ihalo ang achievements ng ating mga atleta sa kung anumang posibleng naging violation ng batas sa pag-transfer ng pondo mula isang govt agency papunta sa isang private foundation, kasi walang kinalaman ang PHISGOC sa tingin ko sa preparation ng mga atleta kasi taon yan, ang pagprepara nila bago sila nasanay para manalo ng medalya, hindi pa organized ang PHISGOC noon. So mali na credit natin, di ko sinasabing nag-ga-grab ng credit sa mga atleta papunta PHISGOC, pero para malinaw separate ang issue karangalang binigay ng atleta sa issue ng kung may nangyaring issues or the act itself of transferring govt funds sa isang pribadong foundation.”
“Kung (matuloy ang Senate probe), kinakailangan i-review ang Government Procurement Act para magkaroon ng kaunting kaluwagan sa paglipat ng pera mula sa GAA na inaprubahan ng GAA papunta sa private foundation kung maganda ang hangarin at maganda ang resulta, pwede natin gawin yan. Pwede magkaroon ng inquiry in aid of legislation ang Senado, kung may resolution o privilege speech na ma-refer sa committee at yan, tama ang sabi ni SP Sotto call ng chairman ng committee kung magtatawag siya ng pagdinig tungkol diyan.
On possible legislation barring govt officials involved in a private entity to implement projects if there is conflict of interest:
“Saklaw ito ng ethical standards ng public officials (RA 6713), and sa anti-graft law (RA 3019). Kasi may potential conflict of interest so pwede doon pumasok diyan. Pero baka mahina ang batas, kailangan i-review at palakasin pa.”
“I think so (tuloy ang Senate investigation). Nabanggit ni FMD kasi nabitin ang kanyang interpellation dahil nabakbakan din siya, dahil siya ang naglabas sa cauldron na di niya sinasabing overpriced. Sabi niya 2 events lang pala sa Clark, ang track and aquatic sports, bakit gumastos ng ganoong kalaki? Naroon pa lang siya pero nalunod siya ng batikos pero sabi niya palipasin natin ang SEAG para di tayo maka-disrupt tapos itutuloy ng investigation. Kung ma-refer ito sa BRC call ni Sen Gordon kung tatawag siya ng pagdinig dito.”
*****