Magandang balita para sa publiko, at masama naman para sa mga kriminal ang fitness policy na inapatupad ng liderato ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Senador at dating PNP Chief Panfilo Lacson na unang nagpatupad nitong programa sa institusyon, nangangahulugan ito na magiging mas handa ang mga pulis sa pagtugis sa mga kriminal.
Dahil sa nabanggit na programa, kikitid na mga lugar na magagalawan ng mga kriminal at sa kabilang banda ay magpapabuti sa pisikal na katawan ng mga pulis.
“If we have policemen and policewomen who are physically and morally fit, everybody indeed wins. Only the bad guys will lose,” banggit ni Lacson.
Related: Lacson: PNP’s Fitness Policy a Win-Win for All – Except the Criminals
“I would like to think the best legacy I left in the police institution was the discipline that I instilled in my policemen who I enjoined to stop huffing and puffing with big bulging tummies. Instead, they maintained a maximum waistline of 34 inches so they would be trim and thin when they chased robbers and other criminals,” pagbabalik-tanaw ng mambabatas.
Napapanahon umano ang polisiya ni PNP officer-in-charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa na huwag payagan na sumailalim sa schooling ang mga pulis na gustong mapromote kapag hindi pumasa sa kanyang programa.
Sa kanyang termino bilang PNP chief, personal na pinangunahan ni Lacson ang kanyang hanay sa halos na araw araw na ehersisyo upang umayos ang imahe sa publiko at maging maayos ang kalusugan ng mga pulis.
“For many pot-bellied police officers, their waistlines were reduced to a point that they became proud and confident of wearing their police uniforms once more,” banggit pa ni Lacson.
Kapag nasa tama ang pangangatawan ng isang pulis, mas tumataas ang respeto at tiwala ng publiko sa kanya, ayon pa sa mambabatas.
*****