#PINGterview: ECQ Extension; ‘Test Period’ for DOH Secretary Duque

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
* extension of ECQ/lockdown [0:19]
* need for discipline during ECQ [4:07]
* barangay officials’ problems [10:02]
* sayang ang National ID system [14:04]
* May 4 session resumption; options on legislative calendar [18:09]
* test period for DOH Sec Duque [22:40]

NOTES and QUOTES:

* ECQ EXTENSION:

Lifting ECQ by April 30:

Unang una steady pa ang climb ng mga infection. Pero dapat ding timbangin lalo ng policy makers, ano ang magiging epekto sa ekonomiya. Dahil kung talagang mananatili ang lockdown sa ganitong pamamaraan, kasi sarado economy natin halos walang gumagalaw. Ang supply chain pag matagal naputol, ang consequence nito medyo baka hindi natin kayanin. Sa ngayon meron pa kasi meron pa ang warehouses. Pero what if naging empty na ang mga warehouse natin at hindi nagkaroon ng maski limitadong, halimbawa ang manufacturing sector di lang sa essentials, pati mga pangangailangan na kung maputol ang supply chain medyo dapat tingnan din yan at hanapin ang balance between issue ng health at issue ng economy.”

“Meron namang makikitang solusyon doon na naroon pa rin ang physical distancing pero maski limited capacity pwede umandar ang iba’t ibang sector hindi lang manufacturing pati industrial at infrastructure. Baka huminto lahat yan at masyadong extended itong walang ginagawa o kaya sarado ang economy natin, dapat tingnan din natin kung ano magiging epekto. So hanapan nila ng balance. Sila rin naman ang araw-araw nakatutok at nakakaalam sa numero at datos, sila dapat ang tumimbang at maghanap ng parang pagitna. Ano ang magandang mix ng masa-satisfy mo maski limitado? Of course pangunahin talaga ang infection, ang pag-spread, kasi agaran yan. Pero baka naman makakuha ng parang pagitnang solution na kung saan masa-satisfy mo pa rin na hindi mapuputol ang ating supply chain.”

Depende sa pag-aaral ng mga datos at numero ng ating gumagawa ng decision. Kung kakayanin ng supply chain at hindi mapuputol say ang stock natin good for 1 year pupwede pa yan, extend pa natin ang lockdown kasi hindi pa naman talagang napaka-urgent ang pag-manufacture ng goods pati ang pag-render ng services. Iba ang usapin ng arawang kumikita na walang kita ngayon, dapat tingnan din yan. Kaya ba ng gobyerno na sustenahan yan hanggang sa naka-lockdown? Baka kakapusin ng pera ang gobyerno sa pagbigay ng panustos sa talagang walang kinikita. Kasi sabihin natin ang arawan o maski buwanan ang minimum wage earner maski papano may ipon yan. Or nag-extend ng loan ang bangko, pero pagka natuyo ang pinanggagalingan ng mauutangan ang sari-sari store wala na rin maipautang kasi wala na rin sila, ang supply chain na binebenta nila putol na rin, doon tayo magkakaroon ng problema.”

“So ang sagot doon depende sa pag-aaral na ginagawa nila, gaano pa katagal kakayanin ang ECQ. Kung kakayanin pa halimbawa kaya pa 6 months to 1 taon, ok lang, ituloy ang lockdown. Pero sa tantsa nila at kailangan makipagugnayan sila sa private sector lalo sa manufacturers. Ang isang nakikita kong tinatamaan nang matindi rito ang MSME. Yan kasi maliliit yan. Pag yan ang talagang hindi gumalaw, nasa 70% yan.”

DILG in Charge of Contact Tracing:

Mas malawak ang organization ng DILG kaya mas tama lang na kasi sila nakakaalam sa mga barangay kung sino ang may infection, sino ang posibleng manghawa. So mas maganda DILG kasi OCD skeletal ang kanilang pwersa pagdating sa I think hanggang probinsya lang sila o parang madalang pagdating sa munisipyo. So mas maganda DILG mag-handle sa contact tracing.”

Need for Discipline during ECQ/Lockdown:

“Under ordinary law kasi isipin mo may emergency na nga tayo tapos magtutupada ka, bawal magtupada maski walang COVID. Ang masakit nito, alam mo dumadaing sila walang pera. Tapos pagkatanggap ng P8000 o P5000 tutuloy ka magtutupada ka?

“Hindi (military takeover). Ang remark na ginawa ni PRRD, to emphasize ang disiplina. Kasi di naman ito sinabi niyang martial law tayo. Di ba parang manner of speaking na sige gawin natin, pero ang nasa front nito talaga ang PNP kasi law enforcement ito eh. Pero naka-augment ang AFP kasi di kakayanin ng buong pwersa ng PNP ang pag-implement ng ECQ so nakatulong naman ang AFP. Kilala natin si PRRD, minsan exaggerated din magsalita out of frustration pero di talaga ganoon ang gusto niya sabihin.”

“Yan din sinasabi natin kasi hanggang ngayon steady pa ang climb. Hindi pa tayo maka-imagine na magfa-flatten ang curve. Walang wala pa tayo roon kasi unang una wala pa tayong massive testing. Very limited ang ating tine-test. So ang figures nakikita natin di talaga ganoon kasi ang infection natin sa 5000+? I don’t think it’s only 5000 kasi base number natin ilan ang na-test?”

Reopening/Schedule of Supermarkets, Malls:

“Minsan kasi ang LGUs sila ang nasa harapan, nagtataka ako bakit nili-limit nila ang mga palengke at supermarket na magbukas, 8 to 12. Para sa akin mali yan. Dapat nga extend mo pa para mas maka-accommodate pero mama-maintain ang physical distancing. So nang makakita ako na may bayan na bukas ang palengke 8-12, magkakagulo ang tao. Pero kung extend mo halimbawa 5 a.m. hanggang 5 p.m. pero kumbaga sa sasakyan may color coding o kung ano man ang ma-devise na sistema na staggered ang pasok sa ganoong establishment, makakatulong yan. Pero hindi rin ang pangangailangan ng tao matutugunan pa rin pero ang physical distancing ma-address din.”

“Ganoon din siguro sa malls. Pwede magpabukas pero staggered kung saan ang social and physical distancing masa-satisfy, mako-comply pa rin.”

Local Government Officials Accused of Graft:

“Sinabi ko noon dapat bottom-up. Di pababa. Ibig sabihin ang datos manalig sana ang national government na ang community-based survey ang pagbatayan. Kasi hindi updated ang datos ng DSWD, 2015 pa yan, ang daming nagbago roon hindi updated. Mas maganda mula sa baba mag-submit ang LGU ng datos nila ilan ang dapat bigyan ng ayuda and then i-vet na lang sa agency ng national government ang listahan ng LGU. Marami ako nakausap na mayor, brgy chairman, na talagang hindi sapat ang ginagawa nga nila napagbintangan sila na kinukupit nila kasi kinakasya nila.”

Halimbawa isang bayan sa Cavite hindi ko ime-mention, ang kanilang sinubmit na listahan 8000, napakaliit na bayan. Pero ang binigay sa kanila, wala pa yatang para sa 1000 tao. So anong gagawin ng mayor? Ngayon kung meron siyang malaki ang IRA pero I’m sure maliit na bayan maliit na population maliit na income maliit na IRA. So mabuti sa Bayanihan Act ni-lift namin ang threshold kasi under the RA 10121 ang Disaster Management Act, 5% lang ang pwede ilagak sa calamity fund. So ni-lift na yan. Maski ang pang-development ng LGU pwede gamitin sa COVID-19 crisis. Pero yan matutuyo rin yan. So kailangan talaga ang ayuda ng national government nakabase sa datos sa survey na sinasagawa ng community ng LGU at sila na mag-vet kung totoo ang submit ng kapitan at taasan ang sanction. Parusahan nila kung hindi makatotohanan ang sinumite na datos ng mga dapat mag-benefit o maging recipient ng amelioration fund.”

Delay in National ID:

Sayang na sayang ang National ID system natin naipasa namin Aug 2018. Sabi nila noon by 2019 rollout na. E 2020 na tayo ngayon patapos na first semester wala pang nangyari.”

“Merong budget for implementation. Ang kailangan diyan nasa P25B. Alam ko yan kasi taon taon ako nag-insert at nag-amend na dagdagan ang budget pero sa 2020 sila mismo umayaw kasi hindi pa sila ready. E ready naman talaga lagyan ng budget yan, may batas eh.”

“Ano talaga dahilan (ng delay)? Gusto namin malaman. Kasi kung masama ang reason bakit di na-rollout, baka mamaya may business interest na gusto pumasok kasi malaking budget eh. Baka mamaya di sa nagbibintang pero isang posibilidad na pwede makita natin bakit hindi ma-rollout ito, inabot pa ng lockdown? Lalong mahirap ngayon kasi PSA sila mag-conduct ng registration. Nakakasa na nga ang registration centers all over PH. Bakit hanggang ngayon hindi pa naisakatuparan yan? Kasi may bidding dito, ang service provider, magbi-bid. Pero meron naman tayong DICT. Bakit kailangan umasa tayo sa private sector? Bakit kailangan i-auction natin lagi?”

Mapapagaan di lang sa gobyerno pati mga tao. Makipag-transaction sa private and public sector, makipag-transaction sa pribadong institution at public institution mas madali. Mas madali rin mag-distinguish ang nangangailangan ng tulong hindi lang panahon ng COVID kundi pangkalahatan in general, sino talaga ang poorest of the poor kasi may available data. Talagang napakalaking tulong at behind na behind tayo rito. Tayo na lang halos ang iilan sa mga bansa na wala pang National ID system. Ang unang tanong niya ang DICT kasama kasi council, actually kasama ang DICT. Ang lead agency lang dito ang PSA. So malaki role niya sa pag-implement ng national ID system or PhilSys Act. Kasama sila riyan, pati ang ibang ahensya pa.”

***

* LEGISLATIVE CALENDAR:

Scheduled Resumption of Session on May 4:

May mungkahi na pag lockdown pa rin tayo at ganito pa rin situation at mataas ang health risk baka baguhin ang legislative calendar. Ang naaayon sa Constitution, ang SONA, (fourth Monday) of July kailangan mag-comply sa Constitution. Pero pagbalik namin ng May magsi-sine die kami ng June. So mga 1 buwan lang yan, so pwede mag-comply kami na mag-sine die kami, pwede i-extend ang session break. Tutal walang makakapag-abroad, pasyal o junket, narito tayong lahat at ginagawa namin ang aming tungkulin sa pamamagitan ng teleconference, nakapag-uusap-usap kami nakapag-file ng resolution at sabihin na natin nakakatulong pa rin kami maski pagpuna na ginawa ng isang mayor na wala kaming ginagawa, hindi po totoo yan. Marami sa mga senador if not everybody, talagang beyond the legislative duty, marami kaming di lang kami nag-aanunsyo kasi kanya-kanya talagang diskarte yan kung gusto mo announce i-announce mo, kung ayaw mo tumulong kang tahimik.”

Possible Teleconferencing during Session:

Pwede yan. Kaya lang magpapasa kami ng resolution para payagan yan. Kasi sa ngayon walang existing na in-adopt na resolution para mag-teleconferencing kami na mag-session. Kasi sa Rules namin kailangan i-suspend yan, ang pagboto namin kailangan physically present ka. So paano kami boboto kung hindi kami physically present?”

“Meron kaming Viber chat group, at least ang majority bloc naroon kaming lahat. Halos araw-araw nakapag-usap kami roon kung ano ang way forward. Minsan may jokes, minsan seryosohan, pero mostly seryoso usapan doon.”

***

* DOH SECRETARY DUQUE

DOH Sec Duque’s Apology:

Magandang first step at least inamin niya na may shortcomings. Ang masama kung di niya inamin. But the mere fact inamin niya, meaning willing siya mag-make amends, mag-reform o baguhin ang style o maging mas efficient. Magandang panimula yan inamin niya pero pag nakapag-file na ng resolution nasa Bills and Index, magkakaroon ng referral yan tapos kung anong committee na hahawak o Committee of the Whole man, kailangan magsagawa ng inquiry. So tuloy-tuloy pa rin ang trabaho ng Senado yan pero para sa akin the mere fact nag-apologize siya, magandang panimula na hakbang. Pero dapat sundan yan ng kaukulang aksyon kasi karamihan na reklamong natanggap namin galing mismo sa department, field office ng DOH, headquarters. Doon nanggagaling eh. Nabuo ng nabuo.”

“Lahat kami may dumarating sa amin na complaints, issues and concerns. Yan ang naipon. Kasi pagka nagcha-chat group kami lumalabas ang issue na yan so nabuo consensus mag-file ng resolution at sa tingin namin medyo sagad na at para sa kabutihan ng mga kababayan natin dahil kung di papalitan ang leadership at may failure of leadership, mas lalala ang situation. Buhay ang nakasalalay rito, di ito parang laro ng basketball na ang captain ball ay nagkakalat, wala kang gagawin. In this case, kung for lack of a better analogy, kung ganoon ang situation, ang captain ball mo nagkakalat, di ba dapat ilabas mo muna? Maski sabihin mong magpalit ka in the middle of a war, ang structure ng DOH hindi magagalaw yan. Ang mga magandang policy na pwede ituloy ng bagong captain ball or SOH, pero ang structure at technocrats and professionals na nasa bureaucracy sa DOH, naroon pa rin yan. So I don’t see the logic or rationale para sabihing hindi dapat palitan kasi magpapalit tayo ng kabayo sa midstream. Naroon pa yan.”

Senate Probe of Issues vs Sec. Duque:

“May 4 pa resumption ng session at hanggang hindi pa nababasa sa floor at magkaroon ng referral, di pa naman kami magsagawa ng hearing or inquiry. Mas maganda makita namin between now at saka bago mag-resume. Kung malaki ang improvement kasi idaan na lang natin sa output. Tingnan na lang natin ang, maging output-based tayo. Kung gumanda ang situation dahil binago ang kanyang mga maling policy at maling moves, baka di na kami magsagawa ng kaukulang investigation, hindi na kailangan. Ibig sabihin na-cure na, bakit pa tayo mag-imbestiga?”

Baka i-commend pa namin siya. Baka susunod na resolution commending Sec Duque for a job well done. So maganda na rin ang nangyari na resolution, maski anong sabihin ng kapwa niyang Cabinet member at kasamahan namin na hindi maganda ang resolution, ang isang magandang maidudulot noon, parang nag-sound kami ng alarm bell na may mali. At least ngayon sinabi niya tama yan, ako humingi ng paumanhin, may shortcomings ako. Magandang first step yan taken by Sec Duque, in fairness to him.”

That’s also a way of making a statement as a collective, collegial body. Hindi mo made-deny. Ganito eh. Walang nag-dissent, walang nagsabi na against ako diyan sa resolution.”

Ang tagal kumilos, isa sa issues yan. Ang rapid antibody test kits ang tagal payagan sa DOH. Ayaw bigyan ng accreditation pero bandang huli nakapag-accredit sila ng 10 yata. Pero what took them so long? Samantalang ang rapid test kit na ginagamit naman dahil may donation na pinagkakaloob ng private sector. Pikon na pikon ang private sector ang businessmen na nakausap namin kasi inasikaso nila, bumili sila sa ibang bansa, pinasok dito, bago bumili inimbestigahan nila kung ginagamit sa bansang pinanggalingan. E meron namang in-allow na gamitin na. Pagdating dito pinapahirapan sila. Hinahanapan sila ng FDA na kailangan may distributor, kailangan may application ang manufacturer. Sabi nila donation ito, maghahanap kami ng distributor, hindi ito negosyo. Ang hanap ng FDA distributor. E hindi negosyo yan. Donation ito. Walang distributor ito para tayo payagan. And then continuous na prodding, pumayag din. Ngayon pa lang nagsasagawa ng massive rapid testing.”

“Kung natandaan nyo nagkaroon kami ng Senate hearing tanong namin si Sec Duque noon unang unang kaso galing Wuhan na sumakay sa Cebu Pac. Tanong namin may ginawa bang contact tracing, pinagtututuro niya ang NAIA management, ang CAAP. Medyo nagkapikunan pa kami. Ang sabi ko health issue ito. Ang in charge dito DOH, huwag magturo. Kung yan halimbawa naging efficient ang naging contact tracing noon, ang sabi niya 17% lang ang nako-contact nila sa kasama sa eroplano ng pasahero. Kung ginawa nila trabaho nila, hindi siguro aabot sa ganito. Napakaimportante ng contact tracing eh.”

Pero parang common sense yan, nariyan ang epidemic, dapat ang unang una pa lang na case dapat naging sufficient ang contact tracing. Nagulat kami bakit 17% lang ang kinontak. E di incompetence talaga yan out and out. Travel ban masyadong delay, 2 months ang delay eh. Tuloy ang pagpasok na galing China alam natin doon nanggaling ang COVID-19. Bakit di agad sinara? Ang reso namin ang daming Whereas. Litanya ng sins of commission or omission.”

*****

One thought on “#PINGterview: ECQ Extension; ‘Test Period’ for DOH Secretary Duque”

  1. Thank you Hon. Senator Lacson. You explain fully the current situation. Will always follow the rules of the
    government. Keep safe always Sir Ping. Please run
    highest position in 2022 for the sake of the Filipinos.

    Dumlao / De Guzman family proud you much

Comments are closed.