#PINGterview: ECQ Extension, Supplemental Budget vs COVID-19 Needed?

In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson answered questions on:
* possible supplemental budget to deal with COVID-19 [0:26]
* at least P989B unused from 2019 budget [2:40]
* local officials naipit sa Social Amelioration Program [17:39]
* DBM circular barring release of 35% of 2020 budget’s appropriations [19:45]
* lockdown until June? [24:17]

NOTES and QUOTES:

* SUPPLEMENTAL BUDGET:

Possible Supplemental Budget vs COVID-19:

Unang una, hindi ganoon kasimple humingi ng supplemental budget kasi may requirements yan. Either may revenue measure na kasama or may certification ang National Treasurer na may funds na available. At kung ano ang cash na available, yan ang pwede lang ipasa na supplemental budget.”

“Mahirap maintindihan dahil nang nagdi-discuss kami sa Bayanihan Act, bago ipasa, may caucus kami noon parang committee hearing kasama ang mga Cabinet secretary… Tinanong ko si DBM Sec. Avisado… halimbawa kung project natin ng Dec 31, 2019, magkano sa tantsa ninyo ang rough estimate na naiiwan sa 2019 budget? Sabi niya although unofficial ito, parang tete-a-tete, parang discussion on the side, sabi niya siguro mga P600B. Ok, so kung may P600B.”

Unused Appropriations:

(Sa 2019 budget, may estimated P600B) na hindi nagagamit base sa pinasang GAA. Pero ang tanong, bakit tayo kakapusin? Hindi ko maintindihan ito, dapat maipaliwanag nila kung magkaroon ng oversight hearing tungkol dito. Binigyan ng spending authority. Kung may spending authority dapat may pera. Kaya tayo nagpapasa ng budget pinag-aaralan natin ilan ang nakolekta ng government na revenue, at kung kulang, ilan ang uutangin.”

(Kung may spending authority), dapat talaga available ang pondo kasi batas yan. Kaya pag kinukulang ang revenues, collection ng BIR ng BOC at GOCCs at remittances, lahat, ang nangyayari umuutang tayo. Kaya may laging kasama sa national budget pag nagdi-discuss kami ang projected and actual borrowing sa nakaraang taon. Kinwestyon ko ito kasi kung umutang tayo na sobra sa projected na parang kakapusin ang budget natin. Bakit doble inutang natin, samantalang ang deficit natin ganitong halaga, bakit napapansin ko year in and year out, laging pasobra? Bakit tayo umuutang nang sobra? Di lang projected borrowings. Pati nakaraang taon na inutang natin, mas malaki di hamak sa budget deficit na nakatala sa Statement of Appropriations, Obligations and Balances. So ang sagot nila, confidential. Di pwedeng i-discuss in public dahil hindi pwede, sabi nila ganoon.”

Tama rin si PRRD, hindi cash ito, spending authority yan. Pag nagpasa tayo ng GAA, spending authority yan ng national government.”

Yan ang sinasabi niyang hangin kasi spending authority lang yan. Ang sinasabi ko, oo nga hangin yan, pero obligasyon ng national government na kung sakaling kaya implement ang lahat na PAPs ng national government, sa executive, legislative, judiciary o constitutional commissions man, naka-ready dapat ang gobyerno na punan ng pera ang iimplementa. Nagkataon lang na taon-taon, hindi talaga nagagamit ang binibigay na spending authority sa pamamagitan ng GAA sa national government kasi lagi may unused appropriations at the end of the year. Pero maski sabihin natin hangin yan obligasyon yan. Kasi batas yan. Hindi pwedeng hindi mo popondohan ang nakasama sa GAA kasi batas yan, magiging violation ng batas yan. Obligado assuming na kaya gastusin ng agency na mag-iimplementa. Ang nangyayari nga, hindi nagagamit kaya may unused appropriations.”

“Ang sinasabi ni Sec Dominguez ang huling ulat ng Pangulo, ang makukuha nila magagamit sa COVID-19 umabot ng P350B. Ang di ko mawari roon, ito kinuhang gastusin mula sa 2020 GAA. Yan na raw ang nabawas sa first quarter at least ng 2020 GAA na may P350B nila na na-realign. Ang tanong ko… kasi may savings na unused sa 2019. Dapat di ba pwede gamitin yan? Extended naman ang validity. So pwede sila kumuha roon, mas dapat nga kumuha roon kasi hindi talaga nagamit ng ahensya yan.”

“Parang yan ang gusto ko mahingan ng paliwanag. Bakit kakapusin, may di pa nagagamit sa 2019 budget na as of katapusan ng 3Q, P989B, di pa kasama sa legislative, judiciary at mga constitutional commissions? Sa executive lang ang P989B. Pag sinama sa Congress and judiciary at iba pa, pumapalo siya ng P1.3T eh. Ganoon kalaki ang unused. Unused appropriations ito.”

Hindi ko sinasabing nariyan talaga ang pera. Pero ang sinasabi ko, dahil ang GAA is a law na dapat i-comply, di pwedeng walang pera yan. Pupunan ng gobyerno yan kung talagang kaya gamitin ng mga ahensya. Kaya lang may unused kasi walang absorptive capacity ang mga agencies para implement ang mga projects.”

“Kung titingnan natin as of Sept 30, ang hindi nagagastos o unused nasa P989B, sa executive pa lang. Pag sinama mo ang iba, P1.3T unused, napakalaki. So kailangan maipaliwanag din ng DBM, ng NEDA ng DOF pati national treasurer, nasaan ang pera?

“Ang P350B na sinasabi ni Sec Dominguez sabi nila kinuha niya yan sa 2020 budget kung tama ang pagdinig ko. Tinandaan ko yan kaya di ako pwede magkamali siguro. Ang sabi niya nagagastos sa 2020 budget para sa COVID lang, P350B. Kaya nagtaka ako ano nangyari sa unused appropriation under 2019 GAA? Pwede sana doon muna kumuha para di magalaw ang 2020.”

Bayanihan Act:

Ang Bayanihan Act, authority na binigay sa Pangulo pero ang pera di karagdagang pera yan. Kukunin din yan sa 2020 budget o 2019 budget. Naroon din yan, babawasin sa GAA, ire-realign so ipapasok mo para gamitin sa COVID-19. Hindi plus ito, parang minus-plus. Dineduct mo para ilipat mo sa paggastos para sa COVID-19, pambili ng PPE, hospital facilities, kung saan-saan, mga tent, ganoon.”

Ang Bayanihan Act unang kinuha yan sa GOCC, ang unspent. Halimbawa ang sinabi ni Sec Dominguez sa amin, may P14B kaagad ang Land Bank pa lang kasi di sila nakapagawa ng building. So yan parang pinasintabi nila, di namin i-release ang P14B, ilalagay namin sa Bayanihan Act.”

Ang Bayanihan Act binigyan namin ng authority ang Presidente na mag-realign. Di ka pwede mag-realign kung walang item sa budget. Kasi ito ang SC ruling. So nag-create kami ng item, ito ang pinasang Bayanihan Act para magkaroon ng item para sa COVID-19. So ngayong may item na, binigyan namin ng authority ang Presidente, pwede ka mag-realign from savings.”

Loans from World Bank, ADB:

Ang utang na yan, talagang COVID-19 specific yan. Meron tayong projected borrowing na malaki yan, trillion yan. If I remember right P1.8T ang projected na uutangin natin under the 2020 national budget. Pero ang binigay ng WB at ADB, in-extend nilang loan yan o grant para lang sa COVID. Hindi kasama sa general borrowing ng national government.”

“Foreign at domestic (na utang natin), pumalo tayo ng P7.78T.”

P84B from 2020 Budget ‘For Later Release’:

Binigyan namin ng authority ang Pangulo to realign. Ito pa lang, may P84B, ito ang ‘For Later Release,’ ito ang held ng DBM kasi ang suspetsa nila ito ang insertion ng mga congressmen, sabihin na natin pati mga senador. Insertions so nang kinonsulta nila ang economic manager lalo ang DPWH, DoTr at mga implementing authority sa infrastructure project, sabi nila di dumaan sa amin ito. Isiningit ng mambabatas ito kaya hindi namin alam paano gagastusin. Ang ginawa ng DBM, huwag natin i-release. E hindi naman pwede, kaya gumawa sila ng circular, ‘For Later Release.’ Dati tawag diyan, for conditional implementation pero ngayon binago ang terminology, ginawang for later release. Ngayon ang ‘Later’ hindi alam kung kailan. Ito ang pinuputok ng butsi ng kongresista dahil ito ang mga insertions nila, mga project sa distrito nila, na naka-hold ng DBM.”

***

* SOCIAL AMELIORATION PROGRAM:

“Yung huling pagtatanong namin ang research namin, ang nire-release sa Social Amelioration Program nasa 22% pa lang. E kailan pa tayo nag-lockdown? March tayo nagsimula. Pero pag tinanong mo kababayan natin, ako sa Cavite nagtatanong ako sa tao mismo. Hanggang ngayon daw nakapag-submit sila ng application form kasi may application form na pinapa-fill-up sa kanila, 3 weeks ago. Bakit hanggang ngayon wala pang dumarating? Ganoon nga. Pero ito ang siste mo. May mga kausap akong mayors na na-release ng DSWD ang pondo sa LGU. Ang problema, hindi ito ma-distribute ng barangay officials, mga mayors, ang iba, kasi di pa nafa-finalize. Kasi subject to vetting ang listahang pinadala sa DSWD kasi may double listing, may mga patay na.”

So dito na nakita ng DSWD, so dito na ngayon lalabas sino ang mga efficient na local government officials. Kung efficient ang mayor, barangay chairman, alam nila sino sino ang nangangailangan sa mga constituents. So kung efficient ang kanilang sistema like kung regularly nagsasagawa sila ng community-based survey, updated lagi ang record nila. Ilan ang marginalized, ilan ang daily wage earners, nakapag-submit agad sila.”

Ang problema ang ilang LGUs na tamad o simply incompetent, di sila ready. Binigyan sila ng pondo ng DSWD, di nila ma-distribute kasi ang listahan nila magulo.”

***

* DBM CIRCULAR 580:

DBM Circular Barring Release of 35% of 2020 Appropriations:

“(Covered nito ang infra projects na) hindi pa nasimulan. Pag ongoing ang construction di mo pwede ihinto yan, sayang naman ang gastos doon kaya ang startup, di pa nagsisimula ang construction o sa planning stage sa guhit pa lang, huwag muna ituloy. Yan ang sinasabi ng DBM. Sang-ayon ako roon kasi di rin talaga makapag-construct kasi may lockdown, matetengga lang.”

Para sa akin, COVID, COVID, COVID, COVID, COVID, COVID, na muna tayo. Tapusin muna natin problema ng COVID kasi survival ito. Ako sang-ayon ako sa Pangulo na lahat tayo pag-usapan natin COVID muna. Ang less important things na pwede gawin na di makakaapekto directly or indirectly o kaya significant ang effect sa COVID-19 pandemic, pwede natin gawin. Like agriculture at kabuhayan na pwede largahan ng DTI, lalo ang mga MSME na pwede pag-operate-in na di labag sa physical distancing, pwede pasimulan siguro dahil pagkatapos ng COVID-19 kung matatapos ito. Kasi hanggang ngayon walang vaccine.”

Speaker Cayetano’s ‘Objections’:

Kung nire-refer ni Speaker Alan ang P84B, talagang naka-hold sa DBM yan, hindi ire-release yan. Kasi ‘For Later Release’ ang classification. Pag sinabing ‘For Later Release,’ euphemism lang yan na hindi ire-release. Kunwari lang for later release, pero alam mo ang pagkaaalam ko hindi ire-release yan dahil pinag-usapan nila ng DPWH at DoTr. Kasi sino ba mag-implement, di ba implementing agencies? Di naman congressman ang mag-implement. Mas alam ng DPWH, mas alam niya na DoTr at anong ahensya ang nag-implement. Ngayon kung sinabing hindi nila kaya implement yan kasi pati Build Build Build puno ang plate namin paano namin implement ang insertion? So nag-decide ang DBM pag-uusap nila sige for later release natin ito. Kung sakaling kaya i-release, i-release. Pero sa pagkaalam ko kunwari lang yang ‘For Later Release’.”

***

* EXTENSION OF ECQ:

Possible ECQ until June?

“Ang naimbento ng Japan, ang Avigan, matagal na ito 2014, gamot ito sa flu. Pero pinagbawal ng Japan sa kanilang health department kung ano nag-manufacture ng Avigan, di pwede ito i-manufacture na walang request ang national government ng Japan kasi delikado… Ang earliest na sinasabi nila na medyo substantial ang results, kung makakagamot talaga sa COVID-19, June. Yan ang earliest, So kung yan ang pagbabatayan natin I cannot see how we can lift the lockdown earlier than June.”

“At the earliest (June) sa tingin ko kasi hindi natin nakikita, wala pa tayong massive testing na ginagawa eh.”

Need for Mass Testing:

“Sa atin naman sa PH setting, sabi nila bumaba ang deaths. Tapos parang pira-piraso ang tested positive, 200 or 100 plus, bakit? Ang tine-test natin kakaunti.”

“Ilan na ang na-test? While nagre-report ang DOH, ito ang number of deaths, ito ang naka-recover, ito ang tested positive, hindi naman nila sinasabi sa atin ilan ang base number. Minsan sabi nila 55,000. Hindi naman tayo binibigyan ng report ilan ba ang Suspect, Probable, Confirmed. Dati PUI and PUM, ngayon iniba nila, Suspect, Probable, Confirmed. Di tayo binibigyan ng report base sa sinabi mong nag-positive today, 211; pero ilan ba ang na-test sa araw na yan, among those classified as Suspect, Confirmed, Probable? Sana binibigyan tayo ng ganoon para bigyan tayong publiko ng clearer view kung may basehan ba ang sinasabing o malapit na ma-flatten ang curve medyo kontrolado natin. How can we say that na kontrolado natin kung tine-test natin kakaunti? Wala tayong numero ilan ba ang Suspect, Probable, Confirmed. Yan ang gusto natin marinig sa DOH. Kung meron silang monitoring.”

I don’t think meron silang monitoring kasi contact tracing nila diyan tayo pumalpak unang una di ba? Kaya karamihan ng mga senador pumirma sa resolution para pag-resign-in si Sec Duque kasi ang unang pinagsimulan, ang mag-asawa galing Wuhan galing Cebu Pac, tinanong namin doon, e 17% ang contact tracing. Di ba doon kami napikon lahat? Kaya kumalat nga. Kung contact tracing kaagad-agad yan…”

Sa Taiwan may mga sailors sila roon nakapagkalat, sandali lang, in 3 days’ time na-contact tracing agad ang sailors galing sa ibang lugar, naka-400 sila. Quarantine agad nila yun. Hanggang ngayon wala tayong effective contact tracing.”

“Ni hindi masabi ng DOH ilan ang Suspect, Probable at Confirmed. Para yan ang base number natin kasi yan ang target for testing. Wala silang ganyang numero. Ang sabi lang sa atin ilan namatay, naka-recover, ilan nag-test positive. So kulang ang information.”

“So misleading ang nare-report. Di misleading in the sense na yan ang nahagip nila. Hindi intentional ang pag-mislead. Pero talagang misled tayo into believing nasa 7000 pa lang tayo na nag-positive. I don’t think so. Ang numero more, more, more than that.”

****