Ping: Ayuda sa Pandemya ang Umento sa Suweldo ng Govt Nurses

Sigurado nang tataas ang suweldo ng mga “entry-level” nurses na nagtatrabaho sa gobyerno matapos ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang kumpirmasyon sa pondong inilaan para sa mga ito.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson na nagsulong sa Senado para maisama ang pondo sa 2020 national budget, ang dagdag suweldo para sa government nurses ay magsisilbing dagdag-pamadyak ng mga ito ngayong panahon ng pandemya sa COVID-19.

“Definitely, no amount is enough to show our appreciation for the sacrifices and hard work of our nurses, especially those in the front lines. Still, this pay increase – which was sought even before the COVID pandemic hit – will be of help to them in one way or another,” pahayag ni Lacson.

Related: Lacson: Much-Needed Pay Hike to Help Govt Nurses Cope with ‘New Normal’

Ang panahon ng pandemya ay nangangailangan ng dagdag na paghuhugutan ng lakas ng mga frontliners gaya ng mga nurse, kung kaya’t ang naturang umento ay magsisilbi na ring permanenteng ayuda sa mga ito.

“As all of us are now dealing with the ‘new normal’ due to the pandemic, the pay increase should hopefully make a difference for them,” dagdag pa ng mambabatas.

Nitong Hulyo 17, inilabas ng DBM ang Circular 2020-4 na naglalayong itaas patungo sa Salary Grade 15 mula sa Salary Grade 11 ang entry-level na suweldo ng government nurses.

Kasama sa pagkukunan ng pondo para sa naturang umento ay ang P3 bilyon na bahagi ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund, na inilaan sa pag-upgrade sa mga salary grades ng mga government nurses.

Sa pagsisikap ni Lacson noong nakaraang taon, nagkaroon ng bagong special provision ang 2020 budget na tinaguriang “Increasing the Salary Grade of Government Nurses” na tumutukoy sa Salary Grade 15 bilang base pay ng mga ito ang 2020 national budget, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema (G.R.215746).

Sa interpelasyon ni Lacson sa 2020 budget ng Department of Health, isiniwalat niya na kailangan ng P3.173 bilyon para maiakyat sa Salary Grade 15 ang base pay ng government nurses.

*****

One thought on “Ping: Ayuda sa Pandemya ang Umento sa Suweldo ng Govt Nurses”

Comments are closed.