In an interview with Senate media, Sen. Lacson answers questions on:
* Senate Committee of the Whole hearing on corruption at PhilHealth on Aug. 4
* Calls for DOH Secretary Duque’s resignation
* Medical frontliners’ plight
QUOTES and NOTES:
* PHILHEALTH HEARING:
‘Witnesses’ at Aug. 4 Hearing on PhilHealth Corruption:
“Mga incumbent at recently resigned na mga PhilHealth officials. So at least one of them nag-submit na ng affidavit sa COW sa Senate, and then they will testify kung ano alam nila, personal knowledge, pati knowledge nila sa dokumento. Tatlo ang major issues that will be tackled, primarily ang IRM, Interim Reimbursement Mechanism; tapos financial statement nila na na-manipulate; and third ang procurement, especially ICT equipment na may overpricing. Anyway I don’t want to preempt the testimonies tomorrow. Yun lang major issues na mata-tackle.”
“May invitations that were sent out. Siguro pati ang mga resigned board members, we also invited former board member Susie Mercado and Rene Limciaco ang kanilang finance management sector; and other persons. Of course si Pres/CEO Ricardo Morales inimbita rin.”
“I don’t think we can finish the hearing in one sitting dahil maraming issues involved. Depende kay SP paano niya hahatiin ang mga issues to be tackled.”
“Some of them, (lumapit sa amin). At least 3 of them approached us, nag-sound off sabi nila gusto nila mag-testify against anomalies inside PhilHealth. Actually matagal na itong nakikiusap ang iba sa kanila kung pwedeng maimbestigahan ng Senate. They felt so helpless na PhilHealth is still very much controlled by the Mafia. Tawag nila riyan matagal na, maski unang investigation natin Mafia ang tawag nila because they’ve been there for a while, walang nababago. At saka ang pattern ng corruption, (ang financial statements) ina-adjust nila to make it sound ang financial standing ng PhilHealth pero in factual fact pabangkarote na. For example ang isang finding ang debt-to-equity ratio kasi ang nangyayari sa PhilHealth ang payables nila hindi binu-book, hindi nilalagay sa libro para mapalabas na healthy ang financial situation ng PhilHealth.”
“Pero nakakakaba kasi may projection silang sinasabi na baka hindi magtatagal maging bangkarote ang PhilHealth because of mismanagement. Not only mismanagement but reports of corruption kasi sila-sila lang nakakaalam. For example sa procurement ng kanilang ICT may overpricing. Ang unang gustong ipalusot of course hindi in-approve ng board ang P2.1B.”
“Maraming items yan. Pero hindi pinalusot ng board, di in-approve. So sumunod ang na-approve nila P302M dahil they were told baka mag-collapse ang PhilHealth kung hindi sila magpo-procure. Parang may nakita silang overpricing and all so yan ang nag-ano sa kanila, they cannot stomach it anymore so lumapit sila sa amin, sa ibang senador din at kami nag-handle. And I took the matter up with SP so nag-decide mag-file kami ng resolution para magkaroon ng COW investigation.”
“(Bilyon ang nawala sa corruption) kasi makikita natin ang subsidy ng government only for this year alone malaki. Especially nang nagkaroon ng pandemic di ba, dahil binigyan namin Bayanihan 1 na mag-realign. And so much funds na-realign from GOCCs kasi ito naging decision ng economic managers particularly si Sec Dominguez na kukunin sa other govt corporations para ilagay sa PhilHealth.”
Atty Thorrsson Keith, Board Member Alejandro Cabading and Etrobal Laborte:
“May inimbita ring iba. Pero itong 3 witnesses they have a lot to say about the anomalies at PhilHealth.
“We’ll ask him (Keith) to expound sa sinabi niya na nangangamba siya sa buhay niya kasi ine-expect naming mag-appear tomorrow, tatlo, si Board Member Cabading, ito ang naka-shouting match during the webinar doon sa conference ng PhilHealth; Col Laborte; and Atty Keith. Silang 3 ang ine-expect bukas na maraming sasabihin.”
“Cabading is still with the board. Hindi naman siya nag-resign. Ang nag-resign si Atty Keith, and before him si Col Laborte. Col Laborte was recruited by Gen Morales nang unang na-appoint siya sa MWSS. So according to him he applied for the position kasi naghahanap si Gen Morales noon na makatulong. From MWSS when Gen Morales was eventually transferred to PhilHealth dinala niya si Col Laborte kasi pareho silang PMAer, Class 2001 si Col Laborte. Pero siya rin marami siyang mga disappointments tungkol sa nangyari sa PhilHealth. At compounded pa dahil dati sila mag-classmate naman ni Atty Keith sa PMA. Sa kanya dinadaing ni Atty Keith ang kanyang mga alam kasi ni-recruit siya bilang anti-fraud officer na pinababantay sana. Pero hanggang sa sumawa siya kasi kada magre-report siya, wala namang ginagawang aksyon.”
“Actually I had a brief discussion with them sometime ago. Tinanong ko ano ba talaga, bakit kayo nagdududa? Kasi tinanong ko point blank, do you think Gen Morales is only being misled by the so-called Mafia inside PhilHealth, or na-coopted na ba ng sindikato? Hindi straight ang answer pero nagbigay ng circumstances na apparently parang kaalam nga. This is according to Atty Keith, parang alam naman ni Gen Morales ang nangyayaring kalokohan pero wala siyang ginagawa.”
“Anyway tomorrow he (Keith) will expound some more on what he had observed personally kasi nagre-report siya diretso. Particularly sa issue ng IRM dahil nang sinasabi niya nag-report na si Rene Limcaco sa finance na pabangkarote na PhilHealth, parang nagtataka siya sa halip na mabahala natatawanan pa raw. Para bang ang implication sa kanya, ang PhilHealth di dahil nawawala ng pera ang PhilHealth pero parang ang kita ang mawawala kasi mababangkarote na. Parang yan ang implication sa kanya.”
“On their own (sila). Nag-report lang sila. Actually matagal na sila nagko-contact noon pa. Kaya lang di ba nagkaroon din ng masyadong busy ang activity sa Senate because of the pandemic so di agad natugunan ang kanilang hinaing noon pa na talagang may nangyayaring corruption sa PhilHealth. Mabuti na rin may sabihin nating naging blessing ang sigawan, so lalong lumakas ang loob ng iba.”
“(Si Cabading), dumadaing siya sa kasamahan niya sa PhilHealth, at sila ang nagbigay alam sa amin na si board member Cabading has a lot to say about the anomalies at PhilHealth. Kasi siya ang very vocal and if I would judge him based sa paguusap namin recently, ganito rin virtual, di na niya kaya tiisin ang nangyayaring kalokohan sa PhilHealth. Kasi after all sabi niya pera ng bayan ito at pera ng member bakit ganito ginagawa? Talagang very passionate na sana magkaroon ng reporma. And he sounded so frustrated sa nangyayari sa PhilHealth kaya sabi niya pinili niya to come out. And he has confirmed his attendance tomorrow very firmly.”
“Not physically (ang expected attendance nila bukas) kasi dahil nagkaroon ng MECQ, dapat palipad si Board Member Cabading, darating sana kaninang umaga but he begged off and instead mag-virtual na lang siya kasi baka maipit siya sa bagong declaration na MECQ. Nevertheless sabi ko maghanap na lang siya ng magandang signal sa Zamboanga kasi medyo faulty ang internet connection doon.”
Gen Morales’ Physical Attendance:
“Initially yes but because of the declaration last night na maging effective tonight ang MECQ, baka mabago ang situation. Let’s see. Malalaman namin mamaya kung ano ang final decision ni SP Sotto.”
DOH Sec Duque to be Invited:
“Not yet. Hindi siya kasama sa inimbitahan bukas. Gusto naming mag-focus muna sa PhilHealth mismo. Maybe in the next or future hearings I’m sure paimbitahan din siya. After all he’s the ex-officio chairman ng PhilHealth at gusto natin makakuha ng update sa talagang role ng PhilHealth. Malaki ang role, sila primary agency na tutugon sa pandemic and yet kung ganito ang nangyayari how can we get out of this mess?”
Interim Reimbursement Mechanism (IRM) Mess:
“IRM nila marami ring anomalya. Kasi as alleged by the people who reported to us, namili lang sila ng mga ospital. And ang iba masyadong arbitrary ang pagpili kasi wala namang COVID patient, o iisa o kaya napaka-low ng cases. Bakit nare-release-an? For example sa Bicol in 2 weeks’ time na-release-an ng P247M ang 3 tertiary hospitals. In Region 8 2 hospitals na-release-an ng P196M in a matter of 1 week. So ito ang gusto nila malaman, kami rin ano naging basis ng pagpili ng ospital? And we were told initially na hindi sila nag-request.”
“At the outset meron na agad listahan na galing sa central office. Yan ang gusto naming malaman anong basis para mag-release. Hindi lang yan. Pati dialysis centers at lying-in na facilities kasi pag dialysis center, dialysis tine-treat noon. Pero bakit nasama sa IRM para sa pandemic? Ito ang issues na pasasagot namin, pa-explain namin sa PhilHealth.”
Syndicate/Mafia Operating at PhilHealth:
“We’ll find that out tomorrow at least initially kung sino yung maaabot. Pero ang ibang mga perpetrated acts, parang talagang deliberate kasi sabi ko nga parang may nagko-control na sindikato sa loob ng PhilHealth na yung mga natatandaan ninyo maski noong nakaraang pagdinig sila mismo nagsasabi kino-control ng sindikato. And ganoon na lang, parang vicious cycle. Maski sinong maupo roon somehow kung hindi nako-coopt, name-mislead nila.”
“And we want to find out from Pres/CEO Morales kung siya ba misled or coopted. Dalawa lang bagay yan kasi siya nag-a-approve eh. Of course may board pero ang execom particularly we invited a number of members ng execom nila, naroon ang maraming manipulations.”
“Yan ang nakakapagtaka, hindi natatanggal (ang Mafia). Kasi yan din lumalabas na pangalan. May ilang pangalan na naimbestigahan natin last year during the Senate investigation. And yet sila uli nagfi-figure out ngayon. So bakit? Yan ang tanong natin. Ang ibang pinag-resign ni PRRD na board members, di ba pina-resign ang board members? E iba naman nariyan pa rin, and at least one of them na-appoint pang assistant secretary sa DOH.”
“So paano yan kung ire-recycle mo lang at ire-recycle nariyan pa rin ang tentacles, paano mo maso-solve ang problema sa PhilHealth ang corruption? Remember bilyon bilyon at nanggagaling sa contribution natin ito on top of govt subsidies. Napakalaking pera.”
Same People Involved in Corruption?
“May parehong pangalang lumalabas. Kaya lang di na RVP pero nariyan pa rin. Ang iba kasi na-recycle as SVPs.”
“Kaya ganyan ang pati ang medical community, ang health care workers natin, medyo humihingi na nga ng timeout. Gusto nila anong ginagawa natin? It seems we’re losing against the pandemic, baka kailangan mag-timeout muna, mag-restrategize at pagisipang mabuti. Pag-inspection-in muna ang scenario kung tama ba ginagawa.”
Pandemic Used to Further Corruption:
“Apparently nagamit talaga itong pandemic kaya yan ang talagang to say the least talagang revolting. Dahil may crisis na ganito, sisilipin mo pa ang oportunidad para pagsamantalahan ang pera na kapos na kapos naman.”
***
* CALLS FOR SEC DUQUE’S RESIGNATION:
Duque Still Enjoys President’s Trust:
“It’s very frustrating. Kasi parang 14 of us just very recently adopted a Senate resolution calling for his resignation. E sige naman ang depensa ng Presidente hanggang sa umabot na… every day parang tina-top ang previous sa number of cases, from 3,000 naging 4,000 ngayon nasa 5,000 per day. And we already hit the 100,000 mark. Saan tayo dadalhin nito? Baka kailangan talaga pag-aralan baka hindi na yung ginagawa na tama siguro. So sabi ko nga, pagka wala namang sira sa rudder pero parang rudderless ang barko, baka kailangan ship captain na ang palitan.”
“Hindi lang ito one time na insidente eh, kasi sunod-sunod. May pattern na mali ang kilos. Very recently ang mini-mislead pa tayo sa information like yung recent controversy na binawi niya.”
Duque Willing to Re-Strategize:
“Now meron siyang announcement na willing sila mag-restrategize. So at least that’s a good sign na baka sakali mag-improve. Baka sakali. And I hope ma-translate into action. Kasi kung hindi naman, balik na naman tayo sa slope.
Another Chance for Duque:
“It’s not for me to give him another chance. It’s up to him to improve and save us from this pandemic kasi buhay ng tao ang pinaguusapan natin.”
***
* MEDICAL FRONTLINERS:
Demoralization Due to ‘Tirade’ from President Duterte:
“Understandably talagang may disappointment at their end dahil pag ganito ang bwelta na dumadaing pa kasi sobra silang overwhelmed, at hindi naman sila dumadaing para magpahinga sila. Ang malinaw na hinihingi nila, teka muna, i-survey muna uli natin ang situation tingnan natin paano ma-improve.”
“Kung sa kanila I heard libo ang tine-treat daily at exposed na exposed at maraming namatay sa kanila. So emotions are high. I would like to think na may frustration talaga dahil sa halip na pakinggan intently ang kanilang sinasabi para ma-improve ang situation, parang may halo pang pananakot.”
“Ang kailangan talaga mag-restrategize because something is not going right. Klaro naman yan. Kasi kung ang situation maganda ang approach sa pag-resolve ng pandemic, di sana tayo sa ganitong mess. Paakyat ng paakyat, di naman bumababa. Sino ang dapat nating i-blame? Kung sino ang captain of the ship kasi siya in charge sa health issues.”
“And binalikan natin ang hearing namin noong nakaraan na kung saan wala talagang contact tracing, nang tinanong namin sa Senate hearing bakit 17% lang na-contact trace nila sa passengers? At hindi lang yan. Sec Duque kept pointing fingers at ibang agencies, MIAA, CAAP, kung sino-sino sinisisi e samantalang siya dapat nagko-coordinate lahat noon. So kung ganoon ang attitude at hindi makapag-assume ng responsibility, hindi talaga tayo mag-succeed kasi ang unang dapat gawin ng the one in charge is to accept that there is a problem and then proceed from there. Pero kung ang mismong problema hindi mo ina-acknowledge na may problema ka at magtututuro ka lang kahit kanino, something is really very wrong.”
*****