In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
* charges that may be filed vs accountable PhilHealth execs
* who is the PhilHealth mafia
* remedial legislation
* cooperation of task force led by DOJ
QUOTES and NOTES:
* POSSIBLE CHARGES:
‘Tripleng Illegal’: Malversation of Public Funds and Property:
“Ang maliwanag na maliwanag, malversation of public funds and property pero alisin natin ang property kasi pondo pinaguusapan dito. Ang cite natin sa hearing, Art 217, Act 3815, RPC yan. Napakadaling, nang binasa namin ang provision sa 217, napakadaling i-prosecute at napakahirap i-defend. Malversation kasi lumalabas nabanggit mo kanina, di pa effective ang implementation ng IRM, namigay na sila ng pera, umabot na ng P14.9B ang naipamigay. Sa mismong IRM circular, 2020-0007, ang Article 8 doon, ang date of effectivity after publication sa newspaper of general circulation AND pagbigay ng kopya sa Office of National Administrative Register, sa UP Law Center. E June 11 nakalagay roon.”
“Inamin naman ito ni Atty del Rosario na talagang illegal ang pag-disburse ng pera. Isa lang yan. Pangalawa, ang pinaglalaanan ng IRM mula’t sapul, fortuitous event, act of God at act of man. Wala naman nakapaloob, sabi ko nga palampasin natin ang COVID-19, okay stretch natin ang interpretation ng fortuitous event na di inaasahan. Pero ang dialysis machines, infirmary, and maternity care providers, hindi naman fortuitous yan kasi hindi unexpected yan eh.”
“Hindi sinasabi ng COW na huwag natin bigyan ng tulong. Ang sinasabi lang, may ibang programa para roon sa regular benefit clams nila dapat nakaloob ang para sa ibang dapat bigyan ng tulong.”
“Triple illegal eh. Una, June 11 date of effectivity so lahat na releases before June 11, illegal yan. Pangalawa, hindi saklaw ng fortuitous event ang nabigyan ng P226M sa dialysis centers. Pangatlo, walang board resolution kasi in-issue ang IRM March 20 pagkatapos ang dissemination date April 22. Ang board resolution noong January 2020 di naman ipinasa dahil ayaw ng board members sabi nila di fortuitous event yan kaya di sila pumirma. Lumabas lang ang board resolution ratifying IRM 2020-0007 noong March 31. Ito ang nakuha nating kopya na undated pero confirm ni Mangaoang, ang corporate secretary, na yan ang March 31 board resolution ratifying.”
Violation of National Internal Revenue Code, Falsification, Anti-Graft:
“Bukod sa malversation, may violation ng National Internal Revenue Code at may falsification pa. May anti-graft pa, RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act kasi hinugot sa corporate operating budget ang pondo e pera ng gobyerno yan, hindi mo pwedeng gamitin yan pambayad ng tax. Katakot-takot eh, napakarami. Ang nakita nating siguradong makakasuhan doon, 2 kasi nakalagay sa batas sa 3815 ng RPC, ang accountable officers. Kung matatandaan mo inamin ni Gen Morales nang tanong ko sino nag-authorize, ng pag-approve at pag-release ng pera. Sabi niya ako.”
“Inamin niya sa pagdinig. Tapos maliwanag na maliwanag, si fund management sector SVP Limsiaco siya talaga nag-maneuver ng lahat. Pangalawang issue ang makakasuhan si Jovita Aragona at Calixto Gabuya, sa IT. Sila namang dalawa, yan nagmanipula ng overpricing at lumulusot pang pilit, iniba ang specification ng sabi nilang pinrocure pero nang lumabas ang Micro Genesis ang supplier, sila mismo nagsabi 9200 talaga ang aming isu-supply napanalunan namin sa bidding. Pero pilit palusutin ng dalawa ang 2960 XR kasi mas mahal yan – noong 2016. Pero di na available sa market, testimony ni Col Laborte, at may document na out of sale na siya as of July 2016.”
“Doon mo makita ang kagahamanan sa pag-procure. Ngayon lang nabulgar yan pero sabi rin ni Col Laborte kaya di na siya nagtiis at nag-resign siya, nasilip niya ang ibang procurement talagang napaka-overpriced sobra. Di ba may pinakita siyang Adobe, lahat talagang 1000-5000% ang overpricing.”
Lying under Oath:
“Yes. Kung natatandaan mo nagpasa kami ng batas na dinadagdagan ang parusa ng perjury. Mas mabigat ngayon Di ko nasundan kung napirma ng Pangulo yan pero naipasa na yan. Natatandaan ko yan kasi ang gusto ko, ang aking amendment sana roon kung ano ang parusa doon sa inakusahan mo, ganoon din dapat ang parusa sa pagsisinungaling mo kasi ipapahamak mo ang tao makukulong nang habang buhay tapos ikaw slap on the wrist lang tatanggapin mong parusa. Kaya na-encourage mag-perjure ang mga testigo.”
Plunder Charges?
“Pwede pumasok sa plunder kaya lang mas mahirap i-prosecute ang plunder kasi nagkaroon ng jurisprudence, ito ang kaso ni PGMA. Kasi kailangan ma-establish. Mas madali ipasok sa anti-graft pero wala namang magpe-prevent sa task force kasi di naman kami magfa-file ng demanda kundi ang task force na created ni PRRD na pinangunahan ni SOJ. Anyway nasa kanila lahat ang document, bahala sila mag-assess at magbalangkas kung anong mga charges. Pero binigyan din namin ang recommendation namin ano possible charges ano mga citations sa ilalim ng batas para mabigyan sila ng guide o tulong.”
Charges vs Sec Duque, PhilHealth Board?
“Wala kasi nag-implicate as far as the Senate investigation, walang nag-implicate sa board. Bagkus lumabas yan kasi 1-2 member ng board nag-testify sa Senado na talagang may mali pinalulusutan nila ang board. Kaya lumabas lahat ito pasalamat tayo kay BM Cabading at Col Laborte kasi siya ang HEA. Pero si BM Cabading na member ng board, di masikmura ang nilalampas-lampasan sila ng mga SVPs.”
***
* REMEDIAL LEGISLATION:
“Sa akin lang ito, ire-recommend ko kay SP, palakasin natin ang board at bawasan natin ng power ang executive committee. Kasi sa investigation namin ang nakita namin doon, masyadong powerful ang executive committee. Sila halos ang board ministerial na lang, sila nagbibigay ng policy direction at kailangan may approval or resolution ang board bago kumilos ang PCEO pati ang Execom.”
“Napansin namin pag may board resolution, ‘signed for’ ang pirma ng member ng board. Halimbawa ang DOLE, naka-signed for, may mga representatives sila. So pagbalangkas ng panukalang batas, dapat talagang babawasan natin ang membership. Ex-officio members ang Cabinet members, hindi porke’t lahat na Cabinet na may kinalaman, ipapapasok diyan. Dapat pili lang, DSWD, DOLE. Ang talagang may pakialam, DBM, DOF. Yan ang talagang members ng board, tapos ex-officio ang DOH secretary.”
***
* PHILHEALTH ‘MAFIA’:
“Kailangan palakasin ang board, sila talaga ang mag bibigay ng direction at policy, at bawasan natin ang power ng execom. Nanggaling ang, sabihin na natin … At lumalabas talaga pangit man sabihin, sila talaga ang mafia.”
“Sa kanila nanggaling, central office. Pag sabi nating central office, execom eh. Sila nag-prepare ng master list sino ang hospitals at HCIs na maunang bigyan. Di ba nag-testify ang Region 8 VP Hernandez; sa Region 6 si Atty Hollero, pati ibang RVPs, para tau-tauhan lang sila. Kasi dumarating na lang sa kanila ang kopya ng hospital at sila ang trabaho na lang nila mag-prepare ng MOA. Pagkatapos yan na lang nangyayari.”
“Uulitin ko, palagay ko di ako nag-iisa sa kaisipang ito, maski April, lumalabas ang nagma-maneuver lahat, at pati overpricing, pati ang pag-operate ng pondo ng PhilHealth, nasa execom. So pwede na natin sabihin ako base sa mga nabasa kong dokumento, ang mafia nasa execom. Sila na nga, ganoon na nga ang lumalabas.”
“Ano ang iniimbestigahan ng PACC nang pumunta sa Dagupan, sa building sa old de Venecia Highway wala na sa EMDC, di ba dati pinuna natin may conflict of interest. Lumipat sila noong Dec 2019, nag-occupy ng bidding doon ang PhilHealth Region 1 sa nagtuluan. May initial findings ang NBI kasi nang nangyari yan naipagbigay-alam sa office namin, pinasabihan ko staff ko na kinontak naroon habang tumutulo nang nagsasagawa sila ng pag-examine ng records biglang nagtuluan, sabi ko sabihin mo agad sa kanila tumawag sila ng NBI, pa-forensic nila ang building kasi nakita ko sa video mukhang bago ang building.”
“Hindi naman pwede bumagsak galing sa ulap ang tela. May naglagay roon. Ang tanong lang, sino naglagay? At siyempre bilang investigator for the longest time, di ba 3 tinitingnan natin, yung motibo, yung opportunity ng magsasagawa ng krimen, at saka ang weapon kung ano ang kanyang capability magsagawa ng krimen. Dito sino may motibo?”
“Ang nakalap pa nating information that same night dahil medyo nagkaroon ng pag-alala ang PACC noon dahil habang, ang nasira nga raw, nabasa roon ang hardware. Ang tinamaan lang ang accounting at IT offices, pinili pa ng ulan kung saan tutulo.”
“Ang nabasa at baka nasira, ang hardware. Pero may papeles na na-preserve naman, kaya iligtas. Pero ang magandang pagkuhanan ng information at ebidensya rito ang soft copy. Tingnan natin kasi ang initial findings nila, nabasa. Pero baka sakali maka-retrieve sila ng information o kung anong ebidensya na kailangan nila. So ganoon ang nangyayari.”
“Di ba nakapanood tayo ng sine, The Godfather, mga ganoon? Di ba gawain ng mafia ang magaling magtakip, pati intimidation, naroon lahat para pagtakpan ang ebidensya kaya nakakalusot ang mafia.”
***
* MAY MAKUKULONG NA TALAGA?
Coordination with DOJ-led Task Force:
“May pakikipagugnayan si SP at SOJ Guevarra. Kasi vice chairman ako roon kaya naatasan ako ni SP i-provide anong dokumento meron nakalap ang COW. The mere fact si Sec Guevarra napakaseryoso napakapursigido na kumuha ng records sa amin, ibig sabihin talagang may mapupuntahan ang investigation.”
“Ito I’m just talking about Sec Guevarra, kung siya mismo nakita ko gusto niya get to the bottom of all the issues at file-an ng kaso ang lahat na ma-file-an, di lang yan. May napagusapan kami tutulungan kami ng task force magbalangkas ng legislative proposal para ma-strengthen ang PhilHealth para masilbihan ang kababayan na dapat silbihan.”
“Pero first things first, ang inaasahan natin sa loob ng 30 araw, siguro parang 2-3 weeks na lang naiwan sa kanila, in-acknowledge na naman na malaking tulong ang provide naming dokumento kasi naibigay namin sa kanila lahat na soft copy. Bukas ipapadala namin ang hard copy. Kumpleto yan may tabbing, lahat, kumpleto. At papadala namin ang recommended charges na pwedeng isampa sa mga kaukulang mga personality sa PhilHealth.”
“Apat na parte ang pinadala namin kay Sec Guevarra sa Task Force. Una ang IRM, himay na himay yan. Ang IT overpricing. Pangatlo ang financial statement manipulation. At gumawa kami ng special report sa B Braun Avitum. Kasi kung matatandaan mo sa pagdinig, ang kanilang MIDAS ang tracking system na sila rin may gawa, at pati si Sec Duque, opening statement meron silang MIDAS. Tulong na nga sa kanila yan para i-track ano ang pwedeng i-red flag o kaya para ma-guide sila ano ang mga HCI na dapat bawasan ng accreditation. Ang B Braun Avitum lumabas doon na noong 2015 to 2018, di ba P811M ang singil. Tapos in 2018 alone lumabas ang sessions to capacity ratio. Ang isang makina ayon sa mga nephrologists, may association kasi sila, sabi nila, ang isang makina aabot ng 72 sessions ang kakayanin sa 1 buwan. Katunayan 90% lang ang capacity ng makina dahil kailangan magpahinga, di pwedeng 24/7 umaandar ang dialysis machines. So ang B Braun Avitum noong 2018, 6 branches nila, 6 na occasion, ang isa 133.78%. Umabot pa ang isa 157%, may 124%. Ngayon naka-report na sa kanilang system. Di ba dapat naka-red flag ang B Braun Avitum? Bakit nangunguna pa rin sa IRM na bukod sa illegal at unauthorized na bilang HCI dahil dialysis sila walang kinalaman sa COVID, nauna pa sila kasi 1 linggo lang nakasingil na agad, umabot ng P45M out of the total P226M. Grabe talaga.”
Senate Committee Report:
“Binabalangkas ang committee report, at palagay ko itong weekend kaya tapusin, siyempre subject to his (SP Sotto’s) approval kung anong lalamanin ng committee report. But be that as it may nag-usap na kami at finurnish na namin ng kopya ng mga materials, lahat ng na-take up sa 3 hearings ng Senado, ang DOJ-led task force.”
“Natanggap na ni Sec Guevarra at nasa kanya lahat na materyales na kakailanganin nila. I hope makatulong sa investigation nila yan. Pero sa parte ng Senado magrerekomenda kami ng kung anong legislative action na dapat gawin.”
*****