Signs of Hope for PhilHealth

On the Resignation of PhilHealth SVP del Rosario:

Atty. del Rosario’s irrevocable resignation is one of many reasons to hope for some good things to come in view of the ongoing DOJ-led Task Force investigating the recent PhilHealth anomalies. The paying members and all taxpayers who contribute to the state health insurance fund surely deserve a break from the cyclical corruption involving its top executives.

DOJ Sec. Guevarra being on top of the situation, with full support being extended by the President, is something that we did not see in past investigations of PhilHealth anomalies.

We can only pray and hope that the renewed effort will be sustained all the way to its logical conclusion.

On PCEO Ricardo Morales:

I feel sorry for PCEO Morales, not for anything else but for his health condition. I hate to think that the stress brought about by the intense hearings of the Senate Committee of the Whole may have taken a toll on his already infirm health condition.

In spite of his possible complicity that could make him face some serious legal problems stemming from the report of the Senate Committee of the Whole, I still wish that he wins his bout against cancer and recovers.

*****

QUOTES and NOTES:

In interviews with Senate media and on ABS-CBN TeleRadyo, Sen. Lacson answered questions on:
* PhilHealth PCEO Morales’ resignation
* Jolo bombing and possible martial law over Sulu
* Early passage of 2021 budget
* President Duterte’s health issues

* PHILHEALTH ROW:

PCEO Morales, Nagbitiw o Pinagbitiw?

“I feel sorry for him kasi ka-graduate ko sa PMA, Cavalier. If only for the reason of his failing health, hindi ko na para dagdagan pa ang kanyang stress. Let’s leave it at that. Pinag-resign siya ng Presidente at nag-resign siya. Sana nagho-hope pa rin ako nagpe-pray pa rin ako gumaling siya, mag-emerge victorious siya sa kanyang bout sa cancer. Ibang usapan naman yan kung meron siyang kakaharapin na legal problema out of the findings ng COW, ibang usapan yan. Kailangan harapin niya yan. Health-wise, I wish him the best. Health-wise, I would like to qualify.”

“Gen Morales pina-resign siya ni PRRD. Sinabihan siya na better mag-resign na. In fact ngayon pa lang siya magre-resign. Kung analyze natin ang circumstances ng pag-resign niya siya sabi niya siya nagpahatid ng pasabi kay PRRD mas magandang mag-resign siya, pero dapat kung ganoon ang kanyang decision, dapat noong nagpunta pa lang siya kay ES Medialdea, bitbit na niya ang kanyang irrevocable resignation. Pero dahil ngayon pa lang siya magre-resign mukhang di accurate na nagkusang loob siya mag-resign kundi mas tama ang pinag-resign siya kaya ngayon lang siya nag-submit ng kanyang resignation. Si SVP del Rosario di ko alam kung bakit, ano ang nagtulak sa kanya para Monday pa nag-file na siya ng irrevocable resignation.”

Resignation of PCEO Ricardo Morales and SVP del Rosario, and Possible Effect on Senate COW Report

Wala. It won’t change anything kasi tapos na 3 araw ng pagdinig at ang findings doon, yun na yun. At na-submit namin sa DOJ, bahala sila mag-appreciate ano ang gagamitin nila para magsampa ng kaso kahit kanino.”

Ang mawawala is administrative culpability dahil nag-resign sila wala na sila pananagutan administratively. Pwera na lang kung may dapat na damage na dapat harapin sa aspeto ng civil. Pero sa administrative, mooted na yan kasi wala na sila sa gobyerno paano pa sila hahabulin ng administrative na kaso?”

Criminal oo (pwede pa ihabol). Di mawawala yan kasi ang criminal act, ang mag-e-extinguish lang noon kung ma-proscribe pero sabi ko nga maski sa pagdinig, nakita nating provision na na-violate, malversation of public funds na reclusion perpetua if in excess of P8.8M ang amount. Pag sabi natin reclusion perpetua mahaba ang period bago mag-prescribe. Prescription period noon aabutin ng 20 years. So mahirap talaga makawala kumbaga.”

‘Pananagutan’ ni DOH Sec. Duque:

As far as pagkaalam kong personal kung ebidensya at ebidensya ang paguusapan, mukhang di siya masasaklaw. Pero may sinabi sa akin kahapon si SP kung may masilip sila sa ibang document na nakalap ng COW na may pananagutan. So yan, kung ako personal di ko masasabi… kasi minsan lang siya nag-appear. Ang board wala namang nag-implicate sa board.”

“Pag nakalap ni SP lahat na documents, lalabas din kung saan aabot. Kung babalikan ng DOJ task force ang kaganapan baka mahagip doon si Sec Duque at ma-file-an din ng kaso.”

We’re always guided by evidence. Di pwedeng magimbento tayo ng kaso nang walang karampatang ebidensya. Doon tayo sa masasakop ng ebidensya. At hindi kami magde-decide kung sino ang kakasuhan at ano ang kasong isasampa dahil may task force na na-create, ang powerhouse TF. May Ombudsman, AMLC, PACC, DOJ, NBI. Nariyan na halos lahat na mga may kakayanan na mag-imbestiga at kumalap ng kaukulang dokumento.”

Kung walang ebidensya to support the allegation (of Atty Keith na si Sec Duque ang padrino ng mafia), wala. It remains as that, an allegation. I just hope Atty Keith kung noong sinabi niyang in-identify niya siya ang godfather, dapat meron siyang sinubmit na dokumento para matulungan ang committee na mapagtibay kung ano man ang findings.”

“Sec Duque appeared only once. Kasi noong una sabi niya he was in Davao. He appeared on the 3rd hearing. Ang tumatak lang sa akin admission niya mali ang pag-disburse ng pera under IRM Circular 2020-0007. But then after a few hours nang ewan ko paano siya nahimasmasan, biglang gusto niya i-retract but it was too late dahil maliwanag naman talaga, illegal ang disbursements. Was he trying to cover up gusto niya i-retrieve? Or did somebody from PhilHealth na nasasangkot call his attention para baguhin ang kanyang statement? Maraming tanong na dapat sagutin.”

“Yan lang masasabi ko but as far as evidence, kasi nasa board siya, siya ang ex-officio chairman, siya ang chairman ng board actually. Wala kaming nakita ang board mismo ma-hold criminally liable. Actually na-focus ang investigation sa Execom dahil lumalabas pinalusutan nila ang board kung papakinggan natin ang testimony nina BM Cabading at Mercado na sabi nila hindi sila sang-ayon sa IRM circular. Pero sinasabihan sila to endorse, which they did not.”

(But) I don’t think he has time to relax, with all the issues hounding him, (do) you think he can relax? I don’t think he can. I don’t think he is in a position to relax. Tama ka kasi nang nagusap kami ni SP napagusapan namin ang possible complicity ni Sec Duque, sabi niya meron siyang nakita pero di namin na-discuss ang details.”

Pananagutan ng B Braun Avitum:

We will have to review and consult with legal sa Senate. Kung sila makakasuhan sa mga ikakaso. Kasi pag malversation ang covered lang nito mga accountable officers. Ang recipients unless there’s conspiracy, then they could also face possibly kaso like plunder kasi kung malaki ang amount pasok sa plunder, pwede sila makapasok. But again because of recent jurisprudence tungkol sa plunder, parang mas mahirap ngayon ma-convict ang plunder kasi kailangan pakita mo pa personal benefit. Kaya na-acquit si ex-PGMA dahil yan ang naging ruling. Kailangan pa ang personal benefit ng nag-plunder mai-prove beyond reasonable doubt.”

So para sa akin dahil pinagaralan namin malversation of public funds, yun ang kaso, Article 217, easy to prosecute, very difficult to defend. Kung mag-file man ng plunder I think sa Art 217 mas madali maka-convict dito kasi maliwanag ang ebidensya.”

Pananagutan ng RVPs:

“Di ko alam kung may RVPs na papanagutin pero at my end sa nakita ko kasi nariyan ako all the time ng 3 pagdinig, wala ako nakikita. Sa kanila nga nanggaling ang karamihan ng documents na hawak namin. Di lang sa 3 na nag-appear as resource persons sina Atty Keith, Col Laborte at BM Cabading, marami kaming documents na nakuha sa RVPs.”

Sa akin, bilang investigator habang buhay, parang kung meron silang kinalaman o sila ang mafia bakit nila guguluhin? They won’t rock the boat di ba? Tahimik lahat kung kumikita sila. So the mere fact they have been sending us documents and official records ng PhilHealth, parang mahirap paniwalaan na sabi nga nila, bakit guguluhin kung nakikinabang sila?”

Ang kanilang pag-transfer mga administrative. Hindi ito involving moral turpitude, fraud or corruption. Lumabas din ito sa pagdinig noong isang taon, ang mga dahilan bakit sila nata-transfer o inilipat o tatanggalin, sa attendance. Minsan ganoon, nagrereklamo sila parang na-manipulate ang kanilang tardiness na sinasabi. Yan ang natatandaan ko. Kaya kailangan makita ko talaga ang committee report, baka may pumasok doon na ibang dahilan para paniwalaan na may involvement din. But as of now, as far as I can recall, ang administrative case na sinasampa laban sa kanila, walang kinalaman sa fraud, walang kinalaman sa trabaho nila sa PhilHealth.”

Code of Omerta at PhilHealth:

“Code of silence eh. Talagang nagka-clam up ang iba pero mabuti na rin kasi nagkatulong-tulong at malaking pasalamat kina Col Laborte, Atty Keith at BM Cabading. Kung di sila lumabas wala tayong kamalay-malay na talagang ginigisa tayo sa sariling mantika, uubusin talaga. Talagang mabuti na rin may naglakas ng loob at nakapagtago ng dokumento kasi kung walang dokumento mauwi sa he says she says.”

‘Conflicting’ Committee Report of Sen. Gordon:

Hindi ko alam kasi hindi ko nababasa ang sinasabi ni Sen Gordon na committee report. Kasi dapat ira-route sa amin, member ako ng BRC dapat pipirma kami roon para tuluyang maging committee report. Pero di ko pa nababasa so di ko masabi kung ano ang basehan ng kanyang sinasabing mga recommendation.”

“At best, and we should respect na opinion ni Sen Gordon yan. Hindi binding yan sa members ng kung ano man ang napagusapan kahapon, hindi binding yan, not as of yet sa mga member ng BRC at Senado. Kasi for all intents and purposes wala pa talagang committee report.”

Ang isang problema baka mag-contradict sa findings na kina-craft sa committee report ni SP Sotto. Papaano yan? The Senate will be put in a very awkward situation. Narito ang COW iba ang angulo at theory, taliwas di lang medyo tangential na directly clashing with the Senate BRC findings. So di ba napaka-awkward ng situation? Sana kung inilabas ang committee report last year right after the hearings conducted by BRC, iba situation noon iba situation ngayon. Pero kung ilalabas niya ngayon at magkasabay simultaneously lalo na kung magkasabay sila sa floor, parang napaka-awkward ng magiging situation naming mga senador.”

So I think we will have to discuss it in caucus bago maglabas. After all kami rin mag-decide, kaming mga member kung ano ang committee report na aming pipirmahan. Pag in-affix namin siguature noon sumasang-ayon kami sa committee repport. Kung magkakontra ang 2 committee reports, I cannot see how a senator would sign both. Alam nyo ang gusto ko sabihin. Kung di sila nag-clash directly, pwedeng parehong committee report papirmahin namin. Pero kung directly in contrast ang findings nagka-clash, ako mismo mahirapan magpirma sa isa.”

“We’ll have to look for portions ng committee reort na ma-reconcile namin. Sabi ko nga kanina pag ito contradictory, we’ll have to choose which committee report we will affix our signatures on.”

“I am not in a position to cast aspersion kung may motibo o wala si Sen Gordon. Si Sen Gordon napaka-passionate din niyan. Kung may gusto siyang i-point out talagang ilalabas niya yan. So let’s leave it at that. Sinasabi ko lang ako particularly I can speak for myself di ako pwede pumirma pareho sa 2 committee report na nagbabanggaan. I have to make a choice.”

Kung ma-confront ako ng 2 committee reports na nagka-clash pipili ako ng aking pipirmahan. As of now, hands down choice na pipirmahan ko, ang COW committee report. Anyway wala pa naman talaga ang committee report ng BRC, di ko alam ano talaga ang lalamanin noon dahil iba naihayag sa media, iba ang makikita namin sa official committee report. Baka naman iba ang nilalaman ng committee report at wala naman siyang contradiction sa COW findings at recommendations. Titingnan natin anong maging action. We’ll cross the bridge when we get there. Sa ngayon mahirap umasa kasi wala pa kaming nakikitang committee report.”

Hindi pwede ilabas ang report nang walang majority ng senators na nakapirma. Pero kung may nakapirmang majority ng senators yan ang nakikita kong problema pagdating sa Senate floor. Kung 2 committee reports na nagbabanggaan idi-discuss namin sa floor di ko alam magiging situation pero napaka-awkward to say the least.”

Kung meron siyang ebidensya na maipapakita, siya mismo pwede mag-file kung gusto niya bilang taxpayer. Pwede siya pumunta sa Ombudsman, isampa niya ang kaso. Pero as far as the Senate as an institution, we can only adopt one committee report, yan lang ang aming ia-approve mamimili kami kung ano ang mas matimbang na ia-adopt namin. Pero wala pa naman talaga.”

Effect of Sen Gordon’s Report on COW Resource Persons:

“Wala. Hindi (maapektuhan ang paniniwala ko sa testigo ng COW). Solid ang paniniwala ko. Ilang beses ko sila nakausap not only during the 3 hearings but even outside the formal hearings, meron kaming paguugnayan. Hinahanapan ko lagi sila ng document whenever they would assert or allege kanilang sinasabing alam nila. So hindi lang basta-basta na pagka sinabi papaniwalaan. Siyempre kailangan saan document mo? And submit naman nila especially Col Laborte at BM Cabading.”

Oo (Protection for COW resource persons). Kasi binigyan namin ng legislative immunity at sumulat si SP Sotto kay Sec Guevarra para sa admission ng 3 into the WPP. Patuloy silang binibigyan ng kailangan nila. Naka-open naman ang Senate bigyan sila ng physical security kasi meron silang security force. Wala kaming nakikitang dahilan para bitiwan namin ang mga whistleblowers. Hanggang ngayon wala silang hinihingi. Kaya mas paniniwalaan ko ang sinasabi nila na out of yung sense of honor nila kaya sila lumantad para magsalita.”

Pag-asa ng Pagbabago sa PhilHealth?

Sa tingin ko ang create na task force, powerhouse. At pagpursigi ni Sec Guevarra… kung lalaruin niya lang ito, di siya kapursigido. Sa akin simple lang ang logic, na mukuhang napakadesidido ng mama. At nakita natin sa pahayag ng Pangulo i-affix niya signature niya pag file ang complaint. But then again, tingnan natin anong magyayari. Abangan ang susunod na kabanata. Pero kung paguusapan ang circumstances sa ngayon nakikita kong may mapupuntahan itong bagong kontrobersya na ito.”

“Sa nangyayari ngayon mukhang may magandang kinabukasan ang PhilHealth kaya tama rin ang panawagan mo na tuloy lang ang contribution. Anyway wala naman magagawa kundi ma-contribute ang employer at employee. At dahil sa kaganapan ngayon at ina-attend ng pamahalaan nagkatulong ang legislative at executive, palagay ko may patutunguhan. Kaya sana hindi na malaspag ang pondo ng PhilHealth sa mga susunod na panahon.”

***

* JOLO BOMBING:

Lapse of intelligence sa Jolo bombings?

“Noong nagkaroon kami ng CA confirmation hearing naroon ang WestMinCom commander, Lt Gen Vinluan. Sa kasamaang palad ang nagpu-pursue ng 2 female bombers, yan ang napatay ng Jolo police. So malapit na sila, kasi ginamitan nila ito ng human and signal intelligence at malapit na sana roon.”

“Na-preempt na sana yan although at the time di natin pwedeng sabihin pwede nang arestuhin, kasi yan ang kahinaan ng HSA maghintay ka muna ng pagsabog bago ka kumilos.”

“Doon natin pinalakas sa ATA sa preparation pa lang maiwanag na ebidensya, pwede mo na siya mahuli at charge ng violation ng ATA. Noon nagkalap sila intel, sa kasamaang palad naputol ang kanilang intel effort kasi napatay ang principal actors ang mismong project officers, mga intel officers.”

No Need to Declare Martial Law in Area:

“Two points. Ang justification sa declaration ng ML, invasion and rebellion. Kung di ma-connect ang Jolo bombings sa 2 yan na justiiction for declaring ML, hindi pwedeng sumang-ayon ang Kongreso na bigyan ng power ang Presidente na mag-declare ng ML. Maliwanag yan. Ang second nagpasa tayo ng ATL at pinalakas natin ang batas.”

Pero kung may ibang ebidensya na mas overpowering ang invasion or rebellion, ibang usapan yan. Pero kung ang basic lang na dahilan ang terrorism, at hindi naman maliwanag sa isipan natin na in pursuit of rebellion or invasion, di tulad sa Marawi doon maliwanag may rebellion doon. Pero ito di natin nakikita pa. Depende sa papasok na mga ebidensya. So mahirap i-justify.”

If there is no justification under the Constitution bakit naman kami papayag? And I don’t think Malacanang will ask Congress na i-authorize si Pangulo kung wala sila maipakitang justification na may invasion or rebellion na nagaganap. Alam din naman nila ang provision sa Constitution. Kaya qualified ang kanilang pagsasabi na pwede i-consider kung may makita silang may kinalaman ito sa invasion or rebellion. Di kami pwedeng pareho na hindi sumunod sa provision ng Constitution. Pag may nag-question niyan sa SC, siguradong struck down yan as unconstitutional.”

In this particular case sa Jolo kung di mo madidikit sa requirement ng Saligang Batas sa pagdeklara ng ML baka hindi ma-justify. Pangalawa dahil pinalakas na natin ang ATL sa tingin namin maski maidikit sa invasion or rebellion kung ang pinagugatan terrorism baka di na kailangan.”

Ang kailangan lang dito madaliin ang IRR para sa ganoon ang impetus ng ating law enforcement pati ng military naroon na, pati ang kanilang kumpyansa, dahil protektado sila ng batas.”

Ang IRR siguradong lalabas yan. Under the law 90 days ang pinagkaloob para i-release ang IRR. Yun lang nga it is unfortunate na matagal nang nag-take effect ang batas kasi na-publish at lahat, hanggang ngayon wala pang IRR na lumalabas. Malaking bagay yan especially sa pinasok naming provision sa inchoate offenses na sa preparation, planning, recruitment, training maski di pa nagana pang terrorist act ay pwede nang magpasok based sa circumstances, pwede na mag-aresto kung papasok sa requirement ng citizen’s arrest.”

***

* 2021 BUDGET:

Speaker Cayetano said 2021 Budget can be Signed in November:

“Di ako makapagsalita para sa HOR pero alam nyo naman ang Senado sumasabay lang kami kasi dini-discuss namin although under the Constitution mag-originate sa HOR at hanggang di nagta-transmit di kami pwede. Pero meron kaming kopya ng NEP, ang President’s Budget. Pwede kaming magsagawa ng committee hearings maski di pa natatapos ang HOR, pero discuss namin ang NEP. Di ang HOR bill na ipapasa nila. Gagawa na lang kami ng adjustments once dumating sa amin ang HOR bill na ia-approve nila, ia-adjust na lang namin. Pero by and large most of the provisions kung ano ang nasa NEP yan din naman yan. Maliban na lang sa mga singit-singit ang amentments na ginawa ng House, yan ang pwede naming i-amend din.”

Una kong nakikita, kasi parang bumagsak ang ating collection sabi nila 8.8%. Nag-widen ang deficit natin. Sa akin kung ako masusunod dapat mag-adjust ang budget base sa ating projected deficit dahil may pandemic at kung alam nating di kumikita ang pamahalaan kasi walang business activity bakit pagpilitan natin i-top ang budget last year? DI ba mas prudent isipin mag-adjust muna tayo. At kung di ma-implement ang infra projects dahil sa pandemic, bakit tayo mag-budget ng napakalaki? Yan lang sa akin. And I will raise that issue pagdating ng DBCC ang mga unang pagdinig.”

Pangalawa, gusto ko malaman magkano na ba talaga ang utang ng PH at magkano ang nautang natin from January hanggang ngayon? If I recall correctly, as of December nasa P7.9T ang national debt, ngayon parang pumapalo tayo mahigit 9T. So magkano ang na-accumulate nating utang na nadagdag at papaano natin nagamit? Iba ang projected borrowings, iba ang actual borrowings. Kasi kinwestyon ko na rin ito last year, bakit ang projected deficit natin ganito kalaki lang, pero ang projected borrowings natin parang doble-doble. Why do we borrow more than what we need? Para sa isang pamilya ang kapos sa family budget mo P1000 lang, bakit uutang ka ng P3000 may interest kang binabayaran? Kinwestyon ko ito last year.”

At gusto ko rin malaman ano situation natin sa ating pambansang utang. Hindi tayo makakaramdam niyan ang makakaramdam niyan lalo ang iiwanan natin na susunod na henerasyon, who will bear the brunt of huge borrowings or utang.”

***

* PRRD HEALTH:

Speculations on President Duterte’s Health:

Speculations will never stop as far as the President or any President for that matter. Ang health issue ng isang Pangulo whoever he is is the concern of the entire Filipino nation. Siya ang President eh. Kaya di maaalis ang speculation, pag-alala o sabihin na natin ang mga kontra baka nananalangin pa. So hindi maaalis yan. After all Presidente siya ng Pilipinas so maski sabihing hindi serious, di pa rin matitigil.”

As long as hindi siya incapacitated under our Constitution. Yan lang naman ang pupwedeng magpaalis sa Pangulo as far as health is concerned, yung di na siya maka-perform ng kanyang duty kasi incapacitated siya. I remember during the time of PFVR when he underwent carotid operation, VP Estrada I was with him was summoned by the National Security Adviser at the time while undergoing carotid surgery (si FVR). Kailangan naka-ready ang VP to take over just in case something bad happens. So yan ang alam kong situation.”

Kaya nga dapat ang health ng Pangulo laging binabantayan ng mga tao yan. Hindi unusual na maraming nag-speculate sa health ng isang Pangulo whether here or anywhere else.”

They (Revolutionary Govt proponents) can pursue all they want pero papatulan ba natin, alam naman natin na mali? At alam natin, parang naging comedy nga eh. Kasi Sec Lorenzana, CPNP Gamboa, wala ngang pumatol eh. Tayo pa ba papatol e ang security cluster walang papatol?”

*****