#PINGterview: Sec. Duque, ‘Di Pa Lusot sa PhilHealth Mess; DPWH Lump Sums, Pondohan ang Universal Health Care?

In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
* options on further actions regarding anomalies at PhilHealth
* possible use of questionable sums in DPWH budget to address budget shortage for health care in 2021

QUOTES and NOTES:

* PHILHEALTH ROW:

On the Filing of Initial Cases vs PhilHealth Execs before the Ombudsman:

Hindi naman ito matter of kung satisfied kaming mga senador o hindi kasi ang pinagbabasehan ng Task Force led by DOJ, ang ebidensyang nakalap nila. Kami may ibang perspective, kanya-kanyang pinanggagalingan. Kung ang aming pananaw base sa aming investigation mas may dapat pang makasuhan, iba ang pananaw ng DOJ kasi sila ang nag-imbestiga na inatasan ng Pangulo, sila mas may karapatan na kung sino isasama. Pangalawa, hindi pa tapos ang investigation, sa pahayag ni Sec Guevarra. Sabi niya tuloy-tuloy pa. Pressed lang sila sa time kasi binigyan sila ng isang buwan ng Pangulo. Kaya ginawa namin maski hindi pa tapos ang committee report inatasan ako ni SP Sotto i-provide ang dokumentong nakalap na namin maski hindi pa nilalabas ang committee report, pinadala namin kay Sec Guevarra yan. At karamihan na pinadala naming documents pati sabihin na nating recommendation at comments na ang dapat kasuhan. And by and large, nasama naman talaga at na-appreciate ang ebidensya at dokumento at testimonial evidence na pinadala namin.”

Baka sa second phase ng investigation masama (ang mga tulad ni DOH Sec. Duque at former SVP del Rosario) kasi may pahayag sila na itutuloy-tuloy nila. At may inside information na nakuha si SP na naibahagi niya sa akin, may ebidensyang naituturo kay Sec Duque ayoko pangunahan ang task force pero ito na-share ni SP na nai-share sa kanya ng isang mapagkatiwalaang source niya sa TF na sinabi nila aabutin ng ebidensya si Sec Duque, pati si SVP del Rosario. So mas mabuti hintayin namin yan kesa sa pwede kami magsalita na kapos o kulang ang nirekomenda ng DOJ pero kung hindi pa tapos ang investigation, we might be speaking too soon.”

Options on Further Action if Some Execs are Not Charged:

We’re keeping our options open. Pwede kami mag-initiate ng pag-file ng kaso sa mga taong hindi naisama ng task force. Wala namang magpe-prevent sa amin kung dudulog kami sa Ombudsman bilang isang body, bilang Senado o bilang Kongreso kung sasama gn HOR kasi sila mismo nagsagawa rin ng malawakang investigation.”

Kung di matanong (ito sa budget hearing ng DOJ sa Senado), siguradong may magtatanong niyan kasi maraming interesado sa mga senador. E 23 kami na pwede magtanong, siguradong may magtatanong diyan.”

PhilHealth Execs told to Give Courtesy Resignations:

“May kalatas na pinalabas ang bagong PCEO si Atty Gierran. Pinagfa-file nya ng courtesy resignation ang lahat na mga mataas na opisyal ng PhilHealth. So I suppose and I would like to think igagalang nila ang panawagan ng kanilang bagong PCEO.”

Kung protected sila ng Civil Service, hindi pwede basta sibakin. Pero pwede silang kasuhan. Ang magmamatigas alam mo naman kung malinis na malinis ang tao at kaya niyang harapin ang sabihin nating ‘legal harassment’ na gagawin sa kanila, huwag sila mag-resign. Pero kung alam nilang meron sila pwede papuntahan, kung sila pipiliin o ifo-focus sa kanila ang investigation mas mainam pa mag-courtesy resignation na lang at baka maibsan ang sabihin natin ang sabihin nating galit o sidhi ng pag-imbestiga ng bagong PCEO.”

“Parang may compunction, or remorse. Di ba tayong mga Pilipino pag nakita nating may halong pagsisisi, mapagpatawad tayo eh. Pero kung nagmamatigas at alam mong may kalokohan, talagang ibubuhos mo ang resouces ng opisina mo para sige, tingnan natin kung sinong tatagal.”

***

* 2021 BUDGET:

Leadership Struggle in the House of Representatives:

Unang una ang internal squabble nila tungkol sa agreement nila na pagpapalit ng 15-21, sa kanila yan. Whether or not sundin nila yan, nasa kanila. Lookout nila yan kay Presidente kasi siya ang saksi mismo nang nag-usap-usap sila at naging saksi uli nang nag-confrontation sila.”

Sa amin sa Senado, ang bottom line lang sa amin ipadala nila sa amin ang House version ng national budget bago kami mag-break. Kasi may kalendaryo rin kaming sinusunod. Pagbalik namin sa November, plenary debates na kami ng budget. Kasi ngayon puro tentative ang aming ginagawang pagdinig sa committee dahil hindi yan ang version na dapat namin tingnan. Kasi ang pinagbabasehan namin ngayon ang NEP. Ang dapat na pinagbabasehan namin pag nagdi-discuss kami maski sa committee pa lang, ang HOR version. Ngayon nasa plenaryo pa sila, di pa nila natatapos, Oct 14 ang deadline nila. Magbe-break kami Oct 17. So pwede naman kami magkaroon ng pagdinig sa committee, tuloy-tuloy, after ng break or suspension ng aming session. Pero ang aming kalendaryo by Nov 17 pagbalik namin dapat plenaryo na kami. Meron na kaming debate sa floor.”

Pagka na-delay ng na-delay yan, napakahaba niyan may amendments pa yan, magsa-submit pa ang subcommittee ng committee report, may sponsorship speech. Pagkatapos noon may amendment pa yan at may bicam pa. Kakayanin ba namin yan bago kami mag-break ng December? Kasi pagbalik namin, Enero na. Hindi na tayo makakaabot at ayaw rin ng Pangulo magkaroon ng reenacted budget. Ang national budget napakaimportante kasi ang tema mismo kung babalikan natin ang tema ng national budget, ‘Reset, Rebound, Recover.’”

Budget Priorities by Department:

“No. 5 ang DSWD, No. 7 ang DOH. Kasi ang latag nito, ang DepEd ang No. 1 kasi Constitution yan. Pangalawa DPWH dahil pasok tayo sa tinatawag na Rebound. Pag Rebound, sinasabi roon ito mag-revive ng infrastructure development kaya nauna ang DPWH. Base ito sa macroeconomic assumptions, hindi base sa anong pangangailangan kasi projection ito, 2021 ang pinaguusapan. Pangatlo DILG, pang-apat DND. Kaya lumaki budget nila dahil sa sweldo, sa PS di ba tinaas ng Pangulo ang sweldo, halos nadoble. Pangima ang DSWD. Sunod ang DoTr kasi kasama sila sa Rebound sa theme, na reviving infra development, kasama ang DoTr doon. 2 ang pangunahing sangay riyan, DPWH at DoTr. Pang-pito ang DOH na kulang na kulang. Tapos DA, judiciary, DOLE, yan ang Top 10.”

Need to Prioritize Universal Health Care:

“Nagpasa tayo ng UHC. Kaya siguro nagkaiba ng latag, kasi ang UHC may sariling pondo yan, may P203B para roon. Ang pondo ng DOH mismo for 2021, P127B. Pero pag isinama mo ang P203B para sa UHC baka doon tayo medyo nagkaiba. Pero sa DOH lang na budget, P127.7B. Ang DoTr, P143B kaya sa ilalim siya ng DoTr. Kung tatalakayin natin ang UHC, behind schedule tayo rito kasi (nang naging batas ang UHC Act noong 2019 as RA 11223), ang sinasabi rito ang Tier 1, P141B yan. Pagkatapos ang Tier 2 dapat may dagdag na P10.4B yan dahil inflation at lahat. Pero ang budget tapos papasok tayo sa medium cost kung saan nire-require ng batas, P241B; at ang high-cost, papasok na dapat P257B. Ngayon dahil P203B lang ang pinagkakaloob sa 2021 para sa UHC, di ba tayo umaalis sa low or status quo? So talagang behind schedule ang ating pinasang UHC kasi pag sinabi nating medium, ito ang may piling barangay sa PH na pagkakalooban ng benepisyo under the UHC act na libre. At pag high-cost, ito covered na lahat. Kaya malaki, P257B. Pero kung sa P203B pa lang tayo paano iko-comply sa UHC Act na sinasabing may select barangay sa PH, siguro 4th-6th-class barangays o municipalities na ma-cover dapat ng UHC? So talagang delayed na delayed ang implementation ng UHC. Tinamaan pa tayo ng pandemya.”

Ang mas concern ko rito hindi budget ng DOH; ang mas concern ko rito ang budget for UHC. At ang sa PhilHealth. Kasi sa PhilHealth ang nilaan na pondo P71B. Ang required for 2021 dapat P130B. So nakita mo na ang difference. P71B lang sa NEP pero ang requirements nasa P130B. Of course hindi kasama doon kung tutuusin dahil GAA pa lang pinaguusapan natin ang contribution ng mga paying member tapos ang mga earmarks di pa kasama roon. Pero malaki ang requirement sa PhilHealth.”

Possibility of Using DPWH’s Lump Sums to Address PhilHealth Budget Shortage:

Pwede. Kasi ang budget ng DPWH No. 2 sila, P667B. Pero doon ang natukoy natin ang lump sum appropriation na walang item maliwanag kasi preventive maintenance, primary roads, secondary roads, mga ganoon. P396B yan na naka-park lang ito sa central office na walang paglalaanan. Ngayon sinabi ng DPWH… I think this was Sept 7, nagpadala sila ng addendum. Ito ang mga items pero ito rin ang pinag-awayan sa HOR kasi lumalabas ang addendum ang listahan kung saan in-itemize nila ang P396B na lump sum mukhang nanggaling sa congressmen kaya may reklamuhan na hindi equitable, hindi pare-parehas ang distribution sa mga distrito. Kaya sumabog na rin ang controversy. Pero pagdating sa Senado at HOR version nakita namin na ganoon ang nilalaman, marami ring makukuwestyon. At wala pa roon ang amendments ng mga senador. You must remember may kasama rin kami, may concerns din sila sa kani-kanilang probinsya. Yan ang wino-worry ko. Di ako kasama, alam mo naman ang amendments ko wala naman talagang parochial kundi puro institutional papunta sa DOST, etc. Pero never ako nag-amend sa infrastructure projects.”

“(Sa DPWH), P532B kasi ang P396B yan ang lump sum pagkatapos naiwanan ang 5,913 items, ito naman ang inulit. Appropriated na sa 2020 in-appropriate na naman sa 2021. Hindi pupuwede yan. Ilan yan, malaki yan, P135B yan, halos mauubos yan, kasi ang budget niya P666B pagkatapos ang P532B questionable.”

*****