Ping: May Mga Sumusuweldo sa Gobyerno, Bakit Di Kayang Tuligsain mga Kalaban ng Estado?

Sumusuweldo sa gobyerno pero “sumusuporta” sa mga kalaban ng estado kahit pa nasa poder o puwesto.

Isa ito sa mga lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, na dinaluhan ng mg kasalukuyan at dating partylist representatives kaugnay sa red-tagging.

Ayon kay Lacson, mauunawaan niya kung nagpakita sila ng “sympathy for their cause but not their methods” tungkol sa New People’s Army.

Bagama’t maaaring itangkang pabagsakin ang pamahalaan sa mapayapang paraan tulad ng dalawang EDSA revolution, hindi katangggap-tanggap na ang mga sumusuweldo mula sa gobyerno ay hindi lamang mananahimik at sa halip ay kinukunsinti pa ang mga puwersang nais itong pabagsakin.

“Senate red-tagging inquiry: Will somebody help explain the logic of some members of Congress publicly condoning the New People’s Army that has been waging a protracted armed guerrilla warfare against the same government that employs them?” banggit ng mambabatas sa pamamagitan ng Twitter.

“I would have expected a ‘sympathy for their cause but not their methods’ response from the Makabayan bloc who attended the second red-tagging hearing yesterday. That would have been understandable and completely acceptable as a response to my question about the NPA,” dagdag ni Lacson.

Related: Lacson Questions Paradox of Lawmakers Condoning NPA’s Armed Warfare vs Government

Ito ay matapos na tanungin ng mambabatas si ex-Congressman Teddy Casiño kung itatrato nito ang NPA bilang kalaban at mabilis na “hindi” ang naging tugon ng dating mambabatas.

Hindi umano maintindihan ni Lacson ang tugon ng dating miyembro ng Kamara dahil bagama’t malinaw na pinapasuweldo ito ng pamahalaan ay hindi naman nito makondena o matuligsa ang NPA at ang armadong pagkilos ng grupo.

“We are not talking of protest rallies. This is different. This is an armed struggle where NPAs kill policemen, soldiers and civilians, and even former members who wanted to return to mainstream society,” diin ni Lacson.

“You belong to government. The government is your employer. You are a member of the same government the NPAs are planning to overthrow through armed struggle,” dagdag pa ng mambabatas sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News Channel.

Binalikan din ni Lacson ang kuwento ni dating Brig. Gen. Victor Corpus, na sumapi sa NPA habang sila ay nasa loob pa ng Philippine Military Academy.

“Immediately when he defected, we considered him as an enemy because he became an enemy of the state. But when Corpus returned to the fold of the law, we no longer considered him an enemy,” pagbabalik-tanaw ni Lacson.

May kasunod pang pagdinig ang komite ni Lacson tungkol sa red-tagging pero kailangan pa umano niyang pag-aralan ang posibilidad na pagpapadalo kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Ma. Sison.

“We will have to look into it first since he is out of the Philippines’ jurisdiction and his testimony may not have any probative value even in a legislative inquiry,” banggit ni Lacson.

Base sa video na iprinisinta ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), si Sison mismo ang gumawa ng red-tagging sa mga grupong ngayon ay tinutukoy na kaalyado ng NPA.

“So ang original red-tagger is Joma Sison himself,” diin ni Lacson.

Itinanggi na rin ng militar ang paratang na red-tagging kasabay ng pagpiprisinta ng mga personalidad na dating kasapi ng grupo na may kanya-kanyang karanasan at kuwento na para sa senador ay lubhang kapani-paniwala matapos na personal niyang mapakinggan ang mga testimonya.

*****

One thought on “Ping: May Mga Sumusuweldo sa Gobyerno, Bakit Di Kayang Tuligsain mga Kalaban ng Estado?”

Comments are closed.