Patawarin uli natin si Cong Garbin – dahil talagang hindi niya alam ang sinasabi niya.
Ito ang reaksiyon ni Senador Panfilo Lacson sa paggamit ni House Committee on Constitutional Amendments chairman Alfredo Garbin Jr. sa isang resolusyon na isinulong ng senador noon pang 17th Congress.
Sa panayam ng Politiko TV, iginiit ni Garbin na ang pagtalakay sa pagbabago sa Saligang Batas na kanilang ginagawa ay batay sa Senate Resolution 580 na inihain ni Lacson noong Enero 2018.
“Under Senate Resolution 580, which I filed in 2018, proposed changes are to undergo the regular lawmaking process. This means proposed amendments to the Charter are to be tackled at the committee level first, then approved in the plenary, before both Houses convene into a constituent assembly. Nowhere in the resolution does it say na committee pa lang, Con-Ass na,” ayon kay Lacson.
Related: Patawarin Natin Ulit: Lacson Trashes Charter Change Proponent’s New Claims
Napuna rin ni Lacson na nag-iba na ang tono ni Garbin dahil sa binanggit ng kongresista na ang kanilang ginagawa noong Miyerkules ay isa umanong exercise of constituent power at hindi constituent assembly.
“Kaya patawarin uli natin siya. Hindi naman niya alam ngayon ang sinasabi niya,” pahabol ni Lacson.
Noong Miyerkules, kinwestyon ni Lacson ang sinabi ni Garbin na ang panel niya ay maaaring ituring na constituent assembly – samantalang ayon sa Art. XVII, Sec. 1 ng Saligang Batas, ang pag-amyenda rito ay maaaring isulong ng Kongreso – ang Senado at Kamara – o ng constitutional convention.
“Last time we heard, the Congress of the Philippines is composed of the Senate and the House of Representatives,” ayon pa kay Lacson.
*****
One thought on “Ping: Patawarin na Lang Natin Ulit ang Cha-Cha Pusher sa Kamara”
Comments are closed.