Ping: Presyo ng Sinovac sa Pilipinas, Nangangamoy Katiwalian

Nangangamoy ‘tong-pats’ ang lumulutang na presyo ng bakuna ng Sinovac sa Pilipinas, kumpara sa presyo nito sa ibang bansa.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ito ay kung pagbabatayan ang $5 kada turok na presyo sa ibang mga bansang naunang nakipagtransaksyon sa kumpanya para masigurado ang suplay at sa $38 (mahigit P1,800) per dose na ibinabalitang presyo sa Pilipinas.

Pero ayon kay Lacson, kung sakali mang totoo na ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na P650 kada turok ang magiging presyuhan sa bansa, ibig sabihin nito ay nagawa ng Senado ang obligasyon nito para sa makatuwirang presyo ng bakuna.

“If it’s true that government is now dropping the price of Sinovac vaccine from P1,847.25 per dose to only P650, the Senate has probably done our share to save our people billions of pesos in the country’s vaccination program. Netizens can pat themselves on the back,” paliwanag pa ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Related: Lacson: Differences in Sinovac Prices Smack of Corruption

Nagsalita ang mambabatas matapos na iulat ng Bangkok Post na batay sa mga datus ng World Health Organization (WHO) at mga manufacturer na nagsasabing $5 lamang ang presyo ng bawa’t dose ng Sinovac.

Mababang-mababa ito kumpara sa naunang isinumite ng Department of Health (DOH) sa Senate Committee on Finance sa deliberasyon noong Nobyembre sa pambansang badyet na pumapatak sa P3,629.50 ang halaga ng dalawang turok ng nabanggit na bakuna.

“The difference in prices of Sinovac vaccine at US$5, US$14 and US$38 reminds me of an old story about how corruption is committed in three Southeast Asian countries – UNDER the table, ON the table, and INCLUDING the table,” pahayag ni Lacson sa pamamagitan ng Twitter.

“Here, it may cost $38.50 (P1,847.25) per dose but is covered by a Confidentiality Disclosure Agreement,” dugtong pa ng senador.

Sa nakaraang pagdinig ng Senado sa programang pagbabakuna ng gobyerno ay napuna na rin ng mambabatas ang mistulang pagpili na ng mga tagapagpatupad nito sa Sinovac, na maaaring maging dahilan ng haka-haka tungkol sa katiwalian.

Government to government (G2G) ang dapat umiral na transaksiyon, pero inamin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na direkta siyang nakikipagnegosasyon sa opisyal ng Sinovac Biotech Ltd. na nakabase sa Hong Kong. Ang Sinovac ay isang pribadong kumpanyang nakabase sa Beijing.

Graphic from Bangkok Post, Jan. 16, 2021

“May track record sila nanunuhol. Bakit doon tayo nagpupumilit makikipagusap?” nagtatakang banggit pa ng senador sa panayam sa DWIZ nitong Sabado.

“Considering all these, can we blame the lawmakers and even our countrymen why they express suspicion in the government’s vaccination program?” pahabol ni Lacson.

*****

One thought on “Ping: Presyo ng Sinovac sa Pilipinas, Nangangamoy Katiwalian”

Comments are closed.