Ping: Kung May EUA sa Pinagmula, Donasyong Bakuna Padaliin ang Pagpasok sa Bansa

Huwag nang gawing kumplikado ang puwede namang maging simple.

Ito ang panawagan ni Senador Panfilo Lacson sa mga awtoridad kaugnay sa pagpasok sa bansa ng mga donasyon na COVID-19 vaccines na mayroon nang Emergency Use Authorization (EUA) sa mga lugar na may mahigpit na regulatory agencies.

Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas sa pangatlong pagdinig na isinagawa ng Senado bilang Committee of the Whole tungkol sa vaccination program ng pamahalaan.

“This is critical because there are many associations abroad that may donate vaccines to their sister cities in the Philippines. Would it not be more practical to ensure the goods reach the intended recipients directly under strict supervision and guidance by health authorities, instead of coursing the goods through the Department of Health and having the DOH distribute them?” banggit ni Lacson.

Related: Lacson: Simplify Procedures for Entry of Donated Vaccines

Nakikita ng senador na ang nabanggit na sistema ay tumutugma sa ginagawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.

“Besides, many local government units like Baguio City already have their own cold storage facilities for the vaccines, as their local leaders had the foresight to act accordingly. Allowing such donated vaccines to go directly to the LGUs instead of having to go through the logistical requirements of the DOH and Inter-Agency Task Force on COVID-19 would also avoid the prospect of double handling and additional costs,” ayon pa sa mambabatas.

At dahil iba ang pandemya kumpara sa normal na situwasyon, nakikita ng mambabatas na ang mabilis na pagkilos ay kabilang sa mga pangunahing solusyon.

“Ang purpose ng tanong ko, baka may paraan tayong ayusin natin ang sa halip na iikot pa, idiretso na,” giit ng mambabatas.

Nagpasalamat naman si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa rekomendasyon ng mambabatas kasabay ng pag-amin na mayroon nga silang nakikitang problema sa kasalukuyang sistema.

“Tama kayo, Sir. Yan din ang gagawin namin. Kaya magkakaroon ng time and motion rehearsal para in case capable ang LGU, pwede idiretso para wala nang double handling” pagsang-ayon ni Galvez kay Lacson.

*****

One thought on “Ping: Kung May EUA sa Pinagmula, Donasyong Bakuna Padaliin ang Pagpasok sa Bansa”

Comments are closed.